[EPILOGUE]

12.1K 400 155
                                    

[ATTENTION: MAHALAGANG BASAHIN ANG AUTHOR'S NOTE SA BABA. SALAMAT!]

(ARIN'S POV)

Lahat ng babae sa mundo, nangangarap na maikasal sa mga prince charming nila. Lahat ng babae sa mundo, nangangarap na magkaroon ng mala-fairy tale na love story. Nang biglaan akong maikasal kay Blitz, inisip kong iyon na siguro ang pinakamasamang bangungot na nangyari sa buhay ko.

Una sa lahat, hindi ko muna gustong maikasal at lalong ayokong maikasal sa bakla na nga, kaluluwa pa. Pero sino ba namang mag-aakala na yung baklang yun ay siyang naghihintay sa akin ngayon sa dulo ng nilalakaran ko at makakasama ko hanggang sa kamatayan? Oo. Araw ng kasal namin ngayon. Hindi man ito kasing ganda ng mga kasal na nababasa ko noon sa mga fairy tale books, pero ito naman ang kasal na ginusto ko kasama ng lalaking pinakamamahal ko.

Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na siya. Tanaw na tanaw ko na ang pagpunas niya sa luha niyang kanina pa ata nadaloy. Tanaw na tanaw ko na ang kalambutan niya at ang paminsan-minsang pagpilantik ng mga daliri niya. Hindi man siya kasing katipuno ng mga prinsipe ng mga Disney princesses, ang mahalaga ay binuo niya ang mundo ko.

Nang makarating na ako sa harap niya, binitawan na ako ni Kuya Caden at ibinigay ang kamay ko kay Blitz.

"Ingatan mo kapatid ko." Narinig kong bulong ni Kuya kay Blitz sabay tapik sa balikat nito.

"Ingatan mo din si Ate Reese. Babarilin ka nun. Bruho ka!" ganti naman ni Blitz at binigyan ng isang nakakalokong ngiti si Kuya.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at pagkatapos ng tagpong iyon, magkasabay kaming humarap sa isa't isa sa harapan ng mga taong masayang sumusuporta sa kinahantungan ng aming kwento.

Nagsimula na ang seremonya kasabay ng muling pagdausdos ng mga luha ni Blitz. Pinunasan ko ito at ngumiti sa kanya. I will always love this man, even though he's not perfect. I will always stay by his side and we will both face every challenge that lies ahead. I promise that I will always hold his hands until the ends of the earth. I promise that I will always love him no matter what.

"Do you, Blitz Neon Francisco, take this woman, Arin Venice Ramirez, to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live? If so, answer 'I DO'."

Tumingin sa akin si Blitz at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"I do." Nakangiti niyang pahayag.

"Do you, Arin Venice Ramirez, take this man, Blitz Neon Francisco, to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live? If so, answer 'I DO'."

"I do." Walang pang-aalinlangan kong tugon.

Pagkatapos noon ay nagsimula na kaming magpalitan ng singsing at maya-maya lamang ay idineklara na ang mga katagang bubuo sa seremonyang ito.

"I now pronounce you as husband and wife."

Lumapit sa akin si Blitz at itinaas ang belo ko. Bago niya ako halikan, sinabihan niya muna ako ng 'I love you' kahit wala namang lumalabas na tinig sa bibig niya. Napangiti na lamang ako at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. At tulad noong unang beses niya akong halikan, ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.

"I love you." Bulong niya sa akin sabay kagat sa tuktok ng tenga ko.

---

[1 YEAR LATER...]

MARRIED TO A GAY GHOSTМесто, где живут истории. Откройте их для себя