[6]

7.9K 343 90
                                    

(3rd PERSON'S POV)

Simula nang dumating sila Arin at Blitz sa condong tinutuluyan nila, hindi na nagsasalita si Blitz. Tahimik lang ito at tila lutang. Hinayaan na lamang siya ni Arin at hindi na siya tinangka pang kausapin.

Naisipan na lamang ni Arin na maglinis muna ng katawan bago magpahinga. Pagkalabas niya ng CR, naabutan niyang nakaupo sa may kama si Blitz habang nakasandal ang ulo niya sa may headboard ng kama at tila may malalim na iniisip.

Napakamot na lang sa batok niya si Arin bago tumabi kay Blitz.

"Anong problema mo, bakla?" pabirong tanong niya rito kaso parang hindi naman siya narinig nito.

Kinalabit niya ito pagkatapos ay mahinang niyugyog ang balikat nito dahilan para mabaling ang atensyon nito sa kanya.

"Bakit?" tanong sa kanya ni Blitz.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. May problema ka ba?"

"Kanina nung aksidente tayong nagkahalikan---"

"Ay teka! Inaantok na pala ako." Pagpuputol ni Arin sa dapat na sasabihin ni Blitz.

Akmang hihiga na siya nang agad na mahawakan ni Blitz ang bewang niya.

"Sandali." Sabi ni Blitz na ngayon ay sobrang lapit na ng mukha kay Arin.

"B-Bakit?" utal-utal namang tanong ni Arin.

"Kanina nung aksidente tayong nagkahalikan, may naalala ako."

"Ha?" naguguluhang sabi ni Arin.

"Ang sabi ko may naalala ako pero hindi ko alam kung makakatulong sa atin yun eh."

"Ano ba yung naalala mo?"

Unti-unting bumalik sa alaala ni Blitz ang mga naalala niya kanina.

Pauwi siya nun galing sa trabaho. Pagod na pagod siya dahil sa tambak na gawain sa kanyang opisina. Gustong-gusto na niyang makauwi at makapagpahinga.

Nasa kalagitnaan siya ng pagda-drive ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong dinampot at napangiti siya ng makita kung sino ang tumatawag.

"Hello ***. Bakit ka napaatawag? Miss mo na naman ako no?"

"Teka? Anong ibig mong sabihin---?"

Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil bigla na lamang siyang nasilaw sa paparating na kotse at unti-unting nagdilim ang paningin niya at naramdaman na lamang niya ang unti-unting panghihina ng katawan niya.

"Yun lang ang naalala mo? Wala ng iba?"

"Wala na."

"So, ibig sabihiin may kausap ka sa cellphone bago ka maaksidente? Posible kayang yung kausap mo ay yun ang nagtangka sa buhay mo? Posible rin kayang yung sumalubong sa'yong sasakyan ay may kinalaman sa nangyari sa'yo? Wala ka bang nabanggit na kahit anong pangalan?"

"Wala eh. Pagkatapos kong sabihin yung 'Hello' hindi ko na narinig yung binanggit kong pangalan."

"Baka siya ang nagtangka sa buhay mo!"

"Yun ang dapat nating malaman."

"Pero paano?"

"Kailangan ulit kitang mahalikan." Walang pakundangang saad ni Blitz kay Arin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Arin.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now