[22]

6.7K 321 44
                                    


(A//N: Kamusta naman mga bes? Yes! I'm still alive. Lol. Hahahahaha. Sorry for the long wait. Sisihin nyo yung mga prof kong sugo ata ng Diablo. Joke. So ayern, nag-update na ako. Sana magustuhan nyo. Enjoy mga bakla!)

(ARIN'S POV)

"Kuya, pasamahin mo na kasi ako!" pakiusap ko sa kuya ko habang nakasunod ako sa kanya samantalang siya naman ay busyng-busy sa pag-iimpake ng mga damit na halos lahat ata ng laman ng walk in closet niya ay nilalagay na niya sa maleta niya.

"Ano ba kasing gagawin mo dun? Expo yung pupuntahan ko hindi party so you better stay here." Saad ni Kuya Caden sabay pitik sa noo ko at tinalikuran na ako.

Pumunta siya sa drawer ng mga sunglasses niya at naghanap ng dadalhin. Napangiti ako pagkatapos ay parang bata akong tumalon at pumasan sa likod niya.

"Sige na kasi kuya. Isama mo na ako." Pangungulit ko habang tinutusok-tusok ko ang pisngi niya.

Napabuga siya ng hangin dahil sa sobrang inis at pumamewang.

"Ano ba kasing gagawin mo dun?"

"Magpapacute kay Blitz!" mabilisan kong sagot.

"Kilabutan ka nga Arin. Bakla si Blitz kaya pwede ba itigil mo na yang panghaharot sa kanya!" inis niyang saad.

"Nung nakaraan nga lagi silang magkasama nung empleyado niyang si Justin tapos bigla na lang nawala yung kulugo na yun na parang bula. Siguro nag-break na sila."

"Eeeeeeh kuya! Wala akong pakielam kung bakla siya. Basta gagawin ko ang lahat para mapasaakin siya!"

Napailing si Kuya Caden pagkatapos ay sapilitan akong inalis sa likod niya.

"Fine. Mag-impake ka na. Basta wag kang iiyak-iyak sa bandang huli kapag sinampal ka ng katotohanang bakla yun at hindi na kailanman magiging lalaki!"

---

"Nakng! Pati ba naman sa kwarto kailangan magkatapat kayo ni Blitz?!" nanlilisik matang sabi ni kuya.

Nasa tapat kami ng room na napili ko sa hotel na tutuluyan namin and yes, magkatapat kami ng kwarto ni Blitz. Sinadya ko talagang piliin 'to para lagi kong nakikita si Blitz. Dalawang araw din ang itatagal namin dito sa Baguio kaya susulitin ko na ang pagkakataon.

Lumapit ako kay kuya at binulungan siya.

"Suportahan mo na lang kasi ako. Malay mo pag-alis natin dito may pamangkin ka na." sabi ko sabay layo sa kanya at binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti.

"Hoy Arin---"

Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil mabilis akong nakapasok sa kwarto ko.

---

"Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili ko habang nakadungaw sa pinto ng kwarto ko at matamang nakatitig sa pinto ng kwarto ni Blitz.

Kanina ko pa siya hinihintay pero ni anino niya hindi ko pa nakikita. Juice colored! Ano na kayang nangyari sa baklang yun? Tumuloy kaya siyang pumunta dito?

Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok sa loob ng kwarto ko at naisipang magpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ng damit, dumiretso ako sa swimming pool ng hotel na tinutuluyan namin.

Pagkadating doon, saktong walang tao. Napailing na lang ako pagkatapos ay isinawsaw ko ang mga paa ko sa tubig habang tinitingnan ang repleksyon ko.

"Hanggang kelan pa ba ako maghihintay? Kailan mo ba ako mapapansin Blitz?" napabuntong-hininga ulit ako dahil sa sinabi ko.

"Ang dami ko ng pinagdaanan pero ikaw pa-chill-chill lang. Palibhasa kasi wala kang maalala samantalang ako naaalala ko ang lahat. Daig ko pa ata yung mga bida sa mga telenobelang ipinapalabas ng ABS-CBN at GMA. Mag-audition na rin kaya akong artista? Kainis!" dagdag ko pa at pinagsisipa ang tubig sa pool.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now