[14]

6.5K 320 65
                                    

(ARIN'S POV)

"Alam mo na ang balita, Arin?" tanong sa akin ni Ceena habang nagpapalit kami ng uniform sa locker room.

"Anong balita?" pabalik tanong ko naman sa kanya.

"Hayy. Sira pa rin ba TV sa apartment mo? Ipaayos mo na nga yun at ng may nalalaman ka sa mga nangyayari sa paligid mo." Tila naiinis namang sermon sa akin ni Ceena.

Napailing na lang ako pagkatapos ay nginitian ko siya.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko ulit sa kanya.

Napakamot siya sa batok niya pagkatapos ay inabutan niya ako ng newspaper.

REESE FRANCISCO, LAYA NA!

Ayan ang nabasa kong headline dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Totoo 'to?" naguguluhan kong tanong kay Ceena.

"Oo. Kagabi pa paikot-ikot yang balitang yan sa kahit anong channel sa TV. Noong nakaraang araw daw kasi, masinsinang nag-usap ang pamilya nila. Humingi daw ng tawad si Reese sa lahat ng nagawa niya. At dahil likas na mabait ang mga Francisco, pinatawad siya agad at kinalimutan ang lahat na tila ba walang nangyaring masama."

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Ceena. Ibig sabihin ba nito, magkaayos na ulit si Reese at si Blitz? Siguradong masaya na naman si Blitz dahil nagkaayos na sila ng ate niya!

Buong araw akong nakangiti dahil sa natanggap kong balita. Hindi ko kasi mapigilang mapangiti kapag naiimagine ko si Blitz na masayang nakikipagharutan sa ate niya.

Alas singko pa lang ng hapon ay sarado na ang Pink Fluff. Birthday kasi ni Ma'am Sherine at inimbitahan niya kami sa bahay nila pero tumanggi ako. Sinabi kong may pupuntahan akong importante at walang iba kundi sa opisina ni Blitz. Naisipan ko kasing i-congratulate siya.

Pagkadating ko sa opisina niya, agad akong sinalubong ng sekretarya niya.

"Ma'am, may appointment po ba kayo kay Sir Blitz?" magalang na tanong sa akin ng sekretarya niya.

"A-Ah E-Eh. May gusto lang sana akong sabihin sa kanya. Nandyan ba siya sa loob?"

"Ay sorry ma'am. Nasa meeting po kasi siya ngayon. Kung gusto nyo po, hintayin nyo lang na siya dyan sa may visitors room." Sabi niya sabay turo sa isang kwarto na mukhang sala.

Nginitian ko muna siya bago pumasok sa loob at dahil gawa sa salamin ang pader, kitang-kita ko ang nasa labas. Dito ko na lamang hihintayin si Blitz tutal naman ay makikita ko siyang dumaan.

Lumipas ang mahigit dalawang oras, pero hindi pa rin tapos si Blitz sa meeting niya. Naiinip na ako at ilang kape na ata ang naubos ko. Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng pagkaihi kaya naisipan ko munang pumunta sa pinakamalapit na comfort room.

Pagkadating ko doon, napansin kong walang tao. Ineexpect ko pa naman na may mga babaeng mayayaman ang nagpapaganda dito. Buti na rin 'to para hindi ako mailang.

Pumasok na agad ako sa libreng cubicle at doon umihi.

"Ang tagal naman ni Blitz." Bulong ko sa sarili ko.

Palabas na sana ako sa cubicle na kinaroroonan ko ng mapansin kong may dalawang pares ng mga paa ang pumasok sa loob ng CR. Isang pambabae at isang panlalaki.

Napakunot ang noo ko dahil bakit may lalaki dito? Ang alam ko ay pambabaeng CR 'to!

Sinilip ko kung sino yung pumasok at nakita kong si Justin 'to at isang babae na sa tingin ko ay nagtatrabaho din dito. Agad kong isinara ang pinto ng cubicle ng makita ko silang naghahalikan.

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon