[9]

7.3K 337 67
                                    

(ARIN'S POV)

Habang nagsusuklay ako ng buhok ko, bigla akong napatingin sa hourglass na binigay nung grim reaper. Nasa bedside table ito at kalahati na ng buhangin nito ang nauubos. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nakita ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin namin nalalaman kung sino ang nagtangka sa buhay ni Blitz. Kahit na ayaw kong makalimutan nya ako, gusto ko pa rin siyang magising at bumalik sa dating buhay niya.

"Tara na girl!" maharot na sabi ni Blitz dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Bakit ang lungkot mo? Hindi ka pa rin ba makaget-over sa nangyari kagabi?"

"Hindi. May naalala lang ako." Palusot ko sa kanya pagkatapos ay ngumiti ako ng pilit.

"So ano? Tara na? Baka malate ka pa sa trabaho mo." Sabi nya pagkatapos ay lumapit siya sa akin at inayos ang buhok ko.

"Hindi ka na magme-makeup o magpapaganda man lang?" naguguluhang tanong ko habang nakatingala sa kanya na busy pa rin sa pag-aayos ng buhok ko.

"Bakit naman ako magpapaganda? Sinong papagandahan ko dun? Wala namang makakakita sa akin. Ikaw lang."

Lumayo ako sa kanya pagkatapos ay tinitigan ko siyang mabuti.

"May sakit ka ba? Nilalagnat ka ba?" tanong ko pagkatapos ay lumapit ulit ako sa kanya at hinipo ko ang noo at leeg niya kung mainit ba.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko pagkatapos ay inilayo ito sa kanya at pinaikot niya ang dalawa niyang mata.

"Wala akong sakit. Okay? Nagbabagong buhay lang ako." Sabi niya sabay kindat sa akin.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung anong problema ng mata niya pero kanina pa siya kindat ng kindat sa akin. Hindi kaya masamang espiritu itong kaharap ko?

"Hindi pa ba tayo aalis? Ako na naman papagalitan mo kapag nalate ka." Wika niya pagkatapos ay nauna ng naglakad sa akin.

---

Pagkatapos kong magbihis ng uniform, agad na akong lumabas ng locker room sakto namang nakasalubong ko si Joseph, isa sa ka-close kong katrabaho dito sa Pink Fluff.

"Good morning Arin!" masayang bati niya sa akin.

"Ang saya mo ata ngayon ah." Sabi ko ng nakangiti sa kanya.

"Nakita kasi kita."

"HAHAHAHAHAHAHA! Ayan ka na naman sa mga biro mo." Sabi ko pagkatapos ay pabiro ko siyang hinampas sa may balikat niya.

"HAHAHAHAHAHAHA! Payday kasi ngayon kaya ako masaya. Ngayon pa lang iniisip ko na kung anu-ano ang mga bibilhin ko. Ikaw may gusto ka bang ipabili sa akin?"

"Sus. Sa iyo na yang sweldo mo. Meron naman akong sariling sweldo. Teka, sa'yo ba yung pabangong naaamoy ko?" tanong ko habang nasinghot-singhot.

"Oo. Mabango ba?"

"Oo. Paamoy nga." Sabi ko pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at inamoy siya sa may bandang leeg niya.

"Mabango?"

"Yeah. Anong brand?"

"Hulaan moooooo." Sabi niya habang pabiro akong dinuduro-duro.

"Ayaw pa sabihin. Pabebe!" pang-aasar ko sa kanya.

"Strawberry Shake Bratsplash 'to ng Bench. Hahahaha!"

MARRIED TO A GAY GHOSTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora