[3]

8.2K 411 35
                                    

(3rd Person's POV)

Masayang nanonood ng telebisyon sina Conrad at Evy nang biglang pumasok ang kanilang katulong na animo'y nakakita ng multo ang itsura. Natataranta itong lumapit sa mag-asawa at may kung anong tinuturo mula sa labas ng mansyon.

Tinanong ng mag-asawa kung ano ang gustong sabihin ng kanilang katulong pero hindi ito makapagsalita ng matino kaya naman tumayo sila sa kanilang kinauupuan at lumabas ng bahay nila at ganun na lamang ang gulat nila ng makita ang isang babaeng naka-puting bestida na gumagapang papalapit sa kanila. Basang-basa ang damit nito dahil sa lakas ng ulan. Nakatakip ang buhok niya sa kanyang mukha at punong-puno ng putik ang damit nya.

"S-Sino ka?" takot na takot na tanong ni Conrad.

Dahan-dahang inalis ng babae ang pagkakatakip ng buhok nya sa mukha. Gumapang naman ang takot sa katawan ng mag-asawa at ng katulong nila ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mata nila nang mapagtanto kung sino ito.

"ARIN?!" sabay na tanong ng mag-asawa.

"Ay jusko! Buti naman po at nakilala nyo ako. Kanina pa ako nanghihingi ng tubig dyan sa katulong nyo kaso tinakbuhan naman ako. Hinang-hina na kaya ako. Ang haba kasi ng nilakad ko!" inis na sabi ni Arin habang dahan-dahang tumatayo.

"P-Pero anong ginagawa mo dito? Diba dapat magkasama na kayo ng anak ko?" tanong naman ni Evy.

Hinipan muna ni Arin ang bangs niya bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mansyon ng mga Francisco. Umupo siya sa sofa at doon nag-unat-unat.

"Ikuha nyo po muna ako ng tubig bago ko sagutin ang mga tanong nyo." Sabi ni Arin.

Agad namang tumakbo papuntang kusina ang katulong ng mag-asawa para kumuha ng tubig. Nang maiabot na niya ang tubig kay Arin, agad rin naman itong umalis upang pribadong makapag-usap ang tatlo.

"So, bakit ka nandito? Hindi ka ba kinuha ng anak ko?" mausisang tanong ni Evy.

"Hindi totoo ang mga pinagsasasabi sa inyo ni Pung Suy. Hindi totoong may gusto sa akin ang anak nyo at mas lalong hindi totoo na lalaki na ang anak nyo dahil sabi ni Blitz, ang kabaklaan niya ang tanging forever dito sa mundo."

"You mean, ginoyo lang kami ni Pung Suy?"

"Bingo!" sabi ni Arin sabay tutok ng kamay niya na korteng baril sa ulo niya at kunwaring pinaputok ito.

"Pero bakit mo nakikita ang anak namin?"

"Sabi ng grim reaper na nakausap namin---"

"Grim reaper?"

"Opo. Grim reaper as in yung sumusundo ng kaluluwa."

"May nakausap kayong grim reaper?"

"Opo. Ayon nga sa grim reaper na yun, may kakayahan daw akong makakita ng kaluluwa. Ang mga taong katulad ko daw ay nagsisilbing tulay ng mga kaluluwa at tao para magkaroon sila ng komunikasyon. At dahil din sa bracelet na suot-suot ko ngayon, hindi kami pwedeng maghiwalay ni Blitz. Kung nasaan ako, nandun din siya."

"Ibig sabihin, kasama mo ang anak namin ngayon?" tanong ni Conrad.

"Opo."

Agad na napahagulgol ng iyak ang mag-asawa dahil sa narinig nila kay Arin.

"May gusto pong sabihin ang anak nyo kaya kami nandito."

"A-Ano yun?" umiiyak pa rin na tanong ni Evy.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now