Chapter 3

130K 2.1K 313
                                    

“Good morning mam.” Bati ng sales lady samin.

Nginitian lang ni Raegan yung babae, na tila’y kinilig pa. Ang landi. Kainis.

“Upo ka muna.” Sabi ni Raegan.

“Sige na, pili ka na dun oh.” Tinuro ko na yung mga raketa at naupo muna.

Chineck ko ulit yung cellphone ko habang wala si Raegan. Andaming messages galing kina Jenna at Chloe from 30 minutes ago.

From Chloe
Grabe girl, ang cute ng date mo!

From Jenna
Ang tangkad nya! Kaya ba nakaheels ka ngayon? AHAHAHA XD

Peste tong babaeng to. Nagawa pang asarin yung height ko! Eh magkasing height lang naman kami!

From Chloe
Shit, ang cute ng smile ni Raegan! Pwede bang palit nalang tayo? Sayo na si Jenna, akin nalang si cutie?! Hahahaha

Ano ba tong si Chloe, ang landi. Handang ipagpalit yung girlfriend nyang si Jenna para kay Raegan?! Di na nakuntento!

From Jenna
Kwento ka naman tungkol sakanya!

Chismosa naman nitong isang ‘to. Kung alam lang nya na pinagpapalit na sya ng girlfriend nya. Ahahaha

From Chloe
Girl, magreply ka naman!

From Jenna
Ang ingay ni Chloe. Crush na crush yang si Raegan. Bantayan mo baka landiin nanaman nitong honey ko. -___-

Ay buti nalang nasagap na nya.

From Chloe
Ay shit, tingnan mo yung sports equipment shop sa 4th floor mamaya!

From Chloe
Girl, check mo yung King Sports Unlimited!

From Jenna
HOY BABAE, NAGDADATE KA NA NG ATHLETE MODEL?!

Napatingin ako sa shop na pinasukan namin ni Raegan. King Sports Unlimited. Teka, anong model sinasabi nitong mga to?

Tumingin ako sa paligid at napanga-nga sa isang napakalaking poster katabi ng mga sapatos at raketang nakadisplay.

POSTER NI RAEGAN.

“Genesis, anong mas gusto mo dito sa dalawa?”

“Genesis,”

“Hoy, Genesis!”

Nagising ako sa katotohanan at tiningnan si Raegan na kanina pa pala ako tinatanong, “Ha?”

“Ang sabi ko, alin mas gusto mo dito?” Pinakita nya sakin yung dalawang raketa, isang green at isang puti.

“Ewan.”

“Ano ba yan.” Ibinaba ni Raegan yung dalawang raketa at tumingin ulit sa mga nakadisplay na raketa. “Ay, parang maganda yun!”

Pumunta ulit sya sa mga nakadisplay na raketa at binalik yung dalawang kinuha nya kanina. Dikit na dikit naman yung saleslady na nagwelcome samin kanina. Kainis, akala mo maganda, hipon naman! Layuan mo nga si Raegan!

Hindi maalis yung tingin ko sa poster. Si Raegan nga yun, suot ang green and white tennis varsity uniform ng La Salle. Pawisan sya sa poster at mukhang hinihingal na nagaabang sa bola. Ang astig nya tingnan dun.

“What do you think?” Tanong ulit ni Raegan, pinakita nya sakin yung White na tennis racket with green markings.

“Raegan,”

“Hmm?”

“Ikaw ba yun?” Tinuro ko yung poster.

“Ahh. Yun ba? Matagal na yan.” Simpleng sagot ni Raegan. “Ano na?”

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon