Chapter 14

108K 1.6K 234
                                    

"Hoy Genesis, ang bagal mo kumain!"

"Eh kasi naman, inaantok pa ako!" Reklamo ko kay Raegan na nakakadalawang serving na ng sinangag na kanin para sa breakfast nya.

"Gusto mo ata malate eh," Mahinang sabi ni Raegan.

"Palibhasa 8 o'clock pa first class mo!" Banat ko.

"Eh sino ba nagsabing kumuha ka ng 7:30 class?" Bawi ni Raegan habang umiinom ng gatas.

"Eh kasi naman! Yun lang yung pwede kong isingit na class ni Mam Perez! Lahat ng classes nya kung hindi full, conflicting naman sa iba kong classes."

"Eh ano ba kasing meron jan sa Mam Perez na yan?"

"Sya kaya ang isa sa mga pinakamagaling na psychologist sa bansa!" Pagpapaliwanag ko.

"Anong name?" Tanong ni Raegan, kinuha nya yung phone nya.

"Dr. Marian D. Perez."

Hindi na nagtype si Raegan sa phone nya para isearch yung professor ko kasi ibinaba nya na iyon at saka humalakhak ng ubod ng lakas.

"Hoy! Anong nakakatawa?"

"Seryoso, isa talaga sya sa pinakamagaling na psychologist? Eh psycho din yun eh! May sayad kaya yung lokarit na yun!" At tumawa pa sya ulit.

Pinasakan ko nga sya ng pandesal sa bibig kasi ang lakas talaga ng tawa nya, walang tigil pa. "Ang ingay mo uy! Saka, kilala mo ba yun? Makasabi ka naman ng may sayad yung tao eh!"

"I grew up with her." Simpleng sagot nya.

"ANO?!"

"Eh ikaw kaya saksakan ko ng pandesal jan?! Maka ano ka jan eh!" Tawang tawa si Raegan.

"Panong--?"

"Family friends." Pagnguya ni Raegan sa pandesal, "Saka sya din yung naassign na tutor ko."

Mejo natawa ako, "Tutor mo?"

"Business tutor kasi." Nakangusong sagot ni Raegan. Tumakbo nanaman yung heartbeat ko sa ginawa nya at napansin nya ata dahil ngumisi sya.

"Ang aga aga nagbublush ka jan," Pangaasar nya

"Tumigil ka nga jan!"

Tumawa lang si Raegan at tinapos na namin ang breakfast namin.

"Oy Genesis, 7 o'clock na. Tara, hatid na kita sainyo." Sabi ni Raegan pagkatapos ko magsepilyo.

"Wag mo na akong ihatid! Kaya ko na yun!"

Pero tinulak na ako ni Raegan palabas, nagpaalam na sya kay Azula at saka ako hinila sa elevator. Pagdating namin sa labas ng condo building, dumiretso na ako sa direksyon ng school ko at sumunod lang sya sa tabi ko.

"Anong building ba first class mo ngayon?" Tanong ko nalang.

"Andrew," Simpleng sagot nya.

"Aling building yun jan?" Tanong ko sabay nguso sa campus ng La Salle na nasa kabilang side lang ng Taft.

"Dun pa, yung mataas na building katabi ng One Archers," Turo ni Raegan sa bandang likuran namin.

"Hoy, ang layo nun! Wag mo na akong ihatid!"

Umiling lang si Raegan, "Wala naman akong gagawin sa classroom kapag maaga akong dumating dun eh."

"Di ba mahaba yung pila sa elevator?"

"Di naman ako nageelevator sa Andrew eh, more on stairs ako." Simpleng ngiti ni Raegan. Sabay kumunot yung noo nya at hinapit nya yung bewang ko papalapit sakanya kasi may paparating na lalaking gusgusin at ang sama ng tingin samin.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon