Chapter 25

93.6K 1.7K 111
                                    

"Raegan!" Napatili ako nang muntikan na kaming mabunggo.

"ANO?!" Naiiritang sagot ni Raegan.

"Umayos ka jan! Ayoko pang mamatay!" Sabi ko. Naiiyak ako kasi ang lakas ng tibok ng puso ko, "Ano bang problema mo?!"

Iginilid ni Raegan yung kotse at saka huminga ng malalim, "I....I'm hearing this weird voice.." Ipinatong nya ang ulo nya sa steering wheel, "Nababaliw na ako..."

"Gusto mo ako muna magdrive?" Offer ko, "Kailangan nating pumunta agad kay mama."

"Wag na.."

"Raegan..sige na..." Lumabas ako ng kotse at lumipat sa side nya, "Bilis na."

"Bumalik ka na dito..Ako na magdidrive.." Tahimik na sabi ni Raegan, "Bumalik ka na dito. Please."

Bumalik ulit ako sa pwesto ko at agad na inistart ni Raegan yung kotse. Napabuntong hininga ako dahil alam ko din na mas malaki yung chance na maaksidente kami kung ako ang magdidrive. Wala pa akong driver's license at kahit sabi ni Raegan masarap idrive tong Lamborghini ni Reiniel, natatakot parin ako.

"Saka mo na idrive to kapag may lisensya ka na." Ngiti ni Raegan.

"Inaasar mo ba ako?"

"Medyo." Ngisi ni Raegan.

"Anong naririnig mo?" Segway ko, "Sabi mo may naririnig kang boses."

"Boses babae."

Napataas ang kilay ko. Nabasa ko na auditary hallucinations ay hindi magandang simtomas ng pagkabaliw. Hindi kaya nababaliw na si Raegan sa dami ng kaya nyang gawin?

"Anong sinasabi?"

"Genie daw."

"Si Rae!" Nagulat naman ako nang maalala ko yung weird na kilos ni Raegan kagabi.

"Anong Rae?" Napatingin naman saglit sakin si Raegan.

"Kagabi sabi mo hindi mo maalala yung pangalan mo. Eh di sabi ko Raegan Luces. Sabi mo parang panlalaki kaya ang gusto mo Rae nalang itawag ko sayo."

"Wait, Genesis, I never thought of my name like that!" Angal ni Raegan, "Ang ganda ganda kaya ng name ko! No one called me Rae or even Gan. Eww."

Medyo natawa ako sa pag-'eww' nya, "Arte mo!"

"Mahal ka naman." Kindat nya.

Naramdaman kong umakyat nanaman sa mukha ko yung dugo ko sa katawan, "Tigilan mo nga ako! Magdrive ka nalang! Nasisiraan ka na ng ulo!"

Sarap din batukan nitong baliw na 'to eh. Minsan di ako makasunod sa mood swings nya. Mamaya nakakunot ang noo kasi namromroblema tapos maya maya mangaasar na sya't ngingitian ako.

Mga ilang minuto pa ay tumigil na kami sa tapat ng clinic namin. Pinagbuksan ulit ako ni Raegan ng pintuan at agad na kaming pumasok sa clinic.

"Ate Katie." Bati ko sa receptionist namin.

"Gene! Raegan!" Nagulat naman si Ate Katie nang makita kami ni Raegan.

"Hi." Kaway ni Raegan.

Medyo namula si ate Katie sa ginawa ni Raegan. Lihim naman akong nainis kasi mukhang may crush din sya dito sa baliw kong manliligaw.

"Si mama po?" Singit ko kasi mukhang may balak pang magpacute si ate Katie.

"Anjan sa office nya, may kailangan kayo?"

"May pasyente sya?"

"Wala."

"Good. Wait lang ate ah, kakausapin lang namin si mama."

Hinila ko na si Raegan papasok sa office ni mama.

"Gene, Raegan!" Nagulat din si mama sa pagdating namin bigla, "Anong ginagawa nyo dito?"

"May problema kami."

"Ano yun?" Napataas naman ang kilay ni mama.

"Nababaliw na ata si Raegan."

"Eh?" Napatingin naman si Raegan sakin, "Baliw agad?"

"Teka teka. Anong ibig nyong sabihin?" Napataas ang kamay ni mama, "Anong baliw?"

"Something happened last night."

Nanlaki ang mga mata ni mama, "AGAD?!"

Natawa si Raegan sa sinabi ko at late na ng marealize ko kung ano yung nasabi ko, "HINDI YUN! MAMA NAMAN EH!"

"Eh ano?"

"Ganito..." Ikinwento ko kay mama yung nangyari kagabi.

"Tapos?" Patungo tungo si mama na tumayo at tiningnan yung bookshelf nya.

"I'm hearing voices inside my head." Dagdag ni Raegan.

"Anong sinasabi?" May kinuha na libro si mama at nagbuklat buklat.

"Genie daw. Tapos nagagandahan sya sa mga nakikita ko. Parang nakikita nya din yung nakikita ko." Paliwanag ni Raegan na hindi sigurado kung sasabihin nya ba kay mama yung mga naririnig nya.

"Nasasagot mo sya?" Tanong ni mama, "Kelan pa 'to?"

"Di ako sure kung nasasagot ko sya...Kung kelan pa 'to..." Napakamot ng ulo si Raegan at napatingin sa gawi ko, "Kasi..."

"Matagal na?" Napataas naman ang kilay ko.

"Since nakilala kita." Napatingin sa baba si Raegan na parang hiyang hiya.

"Eh di simula noong una pa nating therapy? Nung may clinical depression ka pa?" Napatingin naman si mama kay Raegan, "Bakit di mo sinasabi na may naririnig ka?"

"I've read a psychology book before." Napatayo si Raegan at naglakad lakad sa opisina, "Alam ko na kapag may ganito akong naririnig maaring nababaliw na ako!"

"Hindi ka naman nababaliw eh." Biglang sabi ni mama sa katahimikan namin.

"Eh anong nangyayari sakin doc?"

"I'm not sure yet..Pero kung gusto mo talaga malaman we can try something in my mind." Tumayo si mama at hinawakan sa balikat si Raegan, "Kalma ka lang."

Parang naiiyak si Raegan. Tumingin sya sa direksyon ko at saka pumikit at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Umupo ka muna." Pakiusap ni mama at inakay si Raegan sa upuan, "Have you heard of hypnotism?"

Napakunot ang noo ni Raegan at napangiti ako, looks like we have a nonbeliever here.

"Totoo ba yun?" Tanong ni Raegan at binigyan si mama ng di kapanikapaniwalang tingin.

"Oh, you'll be surprised.." Ngiti ni mama sabay baling sakin, "Genesis, labas ka muna."

"Ma!" Angal ko.

"Teka doc, bakit?" Angal din ni Raegan.

"Patient-doctor confidentiality. Di pa tapos magaral yang si Genesis..."

"Eh doc, pinagkakatiwalaan ko naman si Genesis eh!" Pagtutol pa rin ni Raegan, "Can she stay?"

"No Raegan." Iling ni mama.

"Ayos lang, Raegan." Ngiti ko sakanya, "I'll see you outside."

Nasa pinto na ako nang magsalita si Raegan.

"She makes me comfortable.."

Napalingon ako at nakitang sinusundan pala ako ng tingin ni Raegan.

"Doc, she makes me calm." Pagmamakaawa ni Raegan kay mama, "Can she stay? Please?"

Ayan nanaman yang sincerity nya sa boses. Parang ako yung tinamaan sa sinabi nya kasi nanlambot yung tuhod ko. Ano ba tong ginagawa mo sakin Raegan?

Napabuntong hininga naman si mama, "Genesis, halika dito."

Lumapit naman ako kay mama, "Ma?"

Inakbayan ako ni mama, "Genesis, anak, it's bring your child to work day." At hinalikan nya ako sa ulo sa tapat mismo ni Raegan.

"Mama naman eh!" Tinanggal ko yung kamay ni mama sa balikat ko kasi nahihiya ako kay Raegan. Namumula na ata ako.

Natawa si Raegan, "Ang cute nyo."

"Mas cute sya." Turo sakin ni mama at kumindat pa sya kay Raegan, "Baby kamatis ko yan eh!"

"MA!" Angal ko. Ayan nanaman yang baby kamatis na yan! Kelan ba nila titigilan yung Halloween costume ko noong bata ako?!

Tumawa si Raegan at naupo na ako sa couch opposite them.

"Game ka na?" Tanong ni mama kay Raegan.

"Wait lang..seryoso kayo? Hypnotism?" Angal ni Raegan at napatingin pa sakin.

Nginitian ko lang sya sa likod ni mama.

"Ayaw mo ba? Papatawag nalang ako ng mental hospital para masundo ka na..." Nakapamewang na si mama.

"Sige na sige na!" Napipilitang sagot ni Raegan, "Naman doktora eh! Pag yan pumalya!"

"Ano?"

"Itatakas ko na yang anak nyo!" Tawa ni Raegan.

"Baliw ka na nga!" Binatukan ni mama si Raegan at nakitawa na rin ako ng onti pero napaisip naman ako. Alam ni mama na may gusto sakin si Raegan?

"Umayos ka na!" Seryoso na si mama.

"Game."

Nagsimula na si mama. Tinuro nya sakin dati kung paano maghypnotize ng tao. Madali lang daw pero nung sinubukan ko dati kina Rhea wala naman. Pinagtritripan lang ata ako nun ni mama kasi kung ano anong asar ang inabot ko galing kina Jenna at Chloe. Si Rhea naman tawa lang ng tawa.

Natapos ako sa pagmumuni muni ko at nakita nalang na blanko na ang ekspresyon ng mukha ni Raegan. Hindi ko tuloy nakita kung pano ginawa ni mama! Kainis, kung ano ano kasing naiisip ko!

"Alam mo ba kung anong pangalan mo?" Tanong ni mama.

Tumango si Raegan.

"Anong buong pangalan mo?"

"Raegan...Raegan..." Napailing si Raegan at parang hirap na hirap sa pagsasalita, "Raegan...Imperial-Luces."

"Ilang taon ka na?"

"Eighteen."

"Kelan birthday mo?"

"December 21."

Nabasa ko nang sa simula ay kailangan muna magtanong ng mga simpleng tanong bago pumunta sa mga mahihirap na tanong. Easy round ba?

"Raegan?"

"Hmm?"

"Anong nangyari kagabi?"

Napakunot ang noo ni Raegan at blankong blanko ang mga brown nyang mata na para bang wala syang makita, "Kagabi?"

"Oo, Raegan. Anong nangyari kagabi?" Pilit ni Mama.

"May...sumakit ulo ko nun...tapos...tapos..."

"Ano Raegan?" Pilit pa ni mama.

"Dumating si Genesis..."

Napatingin si mama sakin at tumungo lang ako. Tama naman eh, naabutan ko si Raegan na nakaupo sa tabi ng kama nya at iniinda ang sakit nng ulo nya.

"Lumabas sya..." Pagpapatuloy ni Raegan.

"Sinong lumabas?"

"Sya."

"Sino, Raegan?"

Napapikit si Raegan saglit at nang dumilat ang mga mata nya nawala yung pagkablanko at napalitan nanaman yung aura nya. Umupo sya ng maayos at saka ngumiti sakin, "Hi Genie."

Kinilabutan ako sa nangyari. Iba nanaman yung pitch ng boses nya. Ganitong ganito yung aura nya kagabi!

Hindi si Raegan tong nagsasalita!

"Rae?"

Napatingin sakin si mama, "Ano?"

"Rae." Napatayo ako at lumapit kay mama.

Hindi ko pa to nababasa sa mga psychology books ko kasi bibihira lang ang ganitong cases. Pero napanuod ko 'to sa isang movie dati, "Ma.."

Tiningnan mabuti ni mama si Raegan na nagtataka, "Iba sya..."

"Ma.."

"Alam ko na Genesis." Nginitian ako ni mama, "Kasama mo ako noong nanuod tayo ng movie na yun."

"Rae?" Tawag ko kay Raegan na nagkainterest sa mga figurines na nakapatong sa table ni mama.

"Hmm? Genie. Pwedeng pahiram ulit ako ng paper saka pencil?" Distracted na tanong ni Raegan sakin.

"Rae..mamaya na pwede?" Pakiusap ko. Inupo ko si Raegan sa upuan nya kanina at lumuhod ako sa tapat nya, "Rae, naaalala mo pa ako?"

"Oo..Genie..Bili na, pahiram ng pencil saka pahinging paper."

Hinawakan ko yung kamay ni Raegan at inilagay lang yun sa lap nya kasi inaabot nya yung papers ni mama sa table.

"Rae, naaalala mo si mama?" Tiningnan ko si mama.

"Sya?"

"Oo, Rae, naaalala mo ba sya? Kilala mo ba sya?" Tanong ko.

Umiling iling si Rae, "Hindi eh. Sino ka po?"

"Raegan.."

Kumunot yung noo ni Raegan sa pagtawag sakanya ni mama.

"Rae ma..call her Rae.." Pagcorrect ko.

"Sige. Rae? Di mo ako naaalala?" Tanong ni Mama.

"Nope. Ngayon lang po kita nakita." Magalang na ngiti naman ni Raegan, "Ano pong pangalan nyo?"

Napangiti si mama pero halata ang worry sa mukha nya, "Ako si Dr. Isabelle Beltran. Ako yung psychologist mo. Mama ako ni Genesis."

Tumungo naman si Raegan at inagaw yung kamay nya mula sa hawak ko, "Hi Doc. Nice to meet you. Psychologist po? Ano po yun?"

Tinanggap ni mama yung kamay ni Raegan, "Doktor sa behavior ng isang tao."

Tumango tango si Raegan, "Pwede pong makahingi ng paper saka pahiram ng pencil?"

Napatingin ako kay mama kasi ang kulit kulit ni Raegan.

"Sige na Genesis, ikuha mo sya ng paper jan sa table ko. May pencil din ako jan." Utos ni mama sakin.

Tumayo na ako't kinuha si Rae ng mga gusto nya. Dinamihan ko na yung papel para kapag nagkamali sya meron pang extra.

Nagsimula nang magdrawing si Rae at hinila ako ni mama sa tabi ng pintuan na pinakamalayo sa pwesto ni Rae ngayon.

"Genesis, kelan pa to?" Pabulong na nagaalala si mama.

"Kagabi lang ma!" Pabulong ko ding sagot. Sabay kaming napatingin kay Raegan na busing busy sa pagdradrawing, "Kaya ko nga sya dinala dito kasi hindi ko naman alam kung bakit sya nagkakaganyan."

"Eh ngayon alam mo na?" Hamon ni mama sakin. Ganito sya sakin kapag nirereview nya ako tungkol sa pinagaaralan namin sa psychology.

"Opo."

"Ano bang gagawin ko dito. Bibihira lang 'to." Napahawak naman si mama sa noo nya at muling sinulyapan si Raegan na walang kamalay malay sa mga nangyayari.

"Hindi naman pwedeng ganyan nalang sya habang buhay ma!" Angal ko, "Hindi tama yan eh!" Naiiyak ako sa nalalaman ko kay Raegan.

Huminga ng malalim si mama at naupo sa couch opposite Raegan. Sumunod lang ako't tumabi sakanya. Pareho lang namin pinanuod si Raegan na busy parin sa ginagawa.

"Makes sense now." Biglang bulong ni mama.

"Ano po?"

"How she managed to do everything." Tiningnan lang ni mama si Raegan, "No one's capable of handling too much information. This must have been how she coped up."

"Ha?"

"Okay look," Hinarap ako ni mama, "Defense mechanism. Kung hindi makayanan ng isang tao ang mga nangyayari sa paligid nya or sa case ni Raegan, sa dami ng natututunan nya, kinocompartmentalize ng brain nya yung load ng information para mas maayos, mas madalian sya sa pagintindi."

Tumungo ako, naiintindihan ko yun.

"Ang nangyari, nakagawa si Raegan ng isa pang personality dahil sa pagcocompartmentalize nya."

"Si Rae." Tugon ko at napatingin muli kay Raegan, "Split personality ni Raegan si Rae.."





---------------------------------------------------------------



"Ayos ba Genie?" Pinapakita sakin ni Rae yung mga drawing nya na panay ako rin naman. Portrait na nakangiti, nakaside view, may kausap, iba iba. Di ko maiwasang mapangiti kasi kuhang kuha nya yung itsura ko.

"Ang galing galing mo naman magdrawing Rae!" Papuri ni mama na nakikitingin din, "Ang ganda ni Genesis dito!"

"Ang ganda Rae." Pinipilit ko nalang na hindi ipakita sakanya yung pagkailang ko. Hindi normal 'to. Asan na ba yung Raegan ko? Bakit sya nagkakaganito?

"May problema ba?" Napansin ata ni Rae yung pagaalala ko.

"Eh Rae, may itatanong ako." Simula ko. Napagusapan na namin ni mama kung anong gagawin.

"Ano yun?" Parang bata naman si Rae na agad kong nakuha ang atensyon.

"Wala ka bang naririnig na ibang boses?"

"Ha?"

"Sa ulo mo? May naririnig ka ba?"

Napaisip saglit si Rae, "Kanina."

"Ano yun?" Pilit ko. Eto na!

"Kanina..parang may nagsasalita..."

"Anong sabi?" Singit naman ni mama na nacucurious din sa sasabihin ni Raegan.

Kumunot yung noo ni Raegan at napaisip ng malalim, "Uhh..Ano ba?...Kasi..parang...ewan ang hirap iexplain."

"Ano yun?" Pilit ko, "Try mo lang. Baka maintindihan namin."

"Ang weird kasi eh. Para akong nanunuod ng TV..."

"Ha?"

Tumango tango si Raegan, "Oo..parang TV...Nagdidrive daw ako ng yellow na kotse...tapos iginilid ko...tapos...basta nagagandahan kasi ako dun sa isang building na nakita ko..gusto kong idrawing!"

Napatingin ako kay mama. Sabi ni Raegan kanina sa kotse naririnig nya yung boses. Di kaya nagkakausap sila ni Rae minsan? O kaya naman nakikita ni Rae yung mga nakikita ni Raegan?

"Tapos?" Pilit ko pa.

"Wait...may naririnig ako..." Pumikit si Raegan at naghintay lang kami.

"Rae?" Tawag ko sakanya. Nakatulog ba to?

Bigla syang tumayo at natumba ako sa ginawa nya. Nagulat kami ni mama at napalayo kay Raegan.

"SHIT!" Napasigaw si Raegan at napahawak sa ulo nya.

"Rae..kalma ka lang.." Tawag ko at agad akong tumayo para hawakan sya sa braso.

"Anong Rae?" Biglang tingin sakin ni Raegan, "Genesis, please don't call me that!"

"Ha?" Naguguluhan ako. Tinawag nya akong Genesis? Naiirita sya sa pagtawag ko ng Rae? "Raegan? Ikaw na yan?"

"Geez!" Naiirita na si Raegan sa nangyayari, "Doktora! Please, get rid of that...that...whatever that is!"

"Raegan, calm down." Napahawak na din si mama sa kabilang braso ni Raegan.

"I can't calm down! I'm hearing her voice inside my head and she's calling Genesis, Genie!" Itinaboy nya kami papalayo, "Nababaliw na ba ako? Ano ba 'to?!"

"Raegan, please..kumalma ka.." Pakiusap ko.

"Kalma? Can you hear yourself?" Tumawa si Raegan na ubod ng pagkasarkastiko, "Pano ako kakalma Genesis? I'm hearing this delusional voice inside my head saying that it's awesome if she can draw that fucking building we passed by earlier!"

"RAEGAN!" Sigaw ni mama, ayaw nya ng nagmumura.

"WHAT?!" Sigaw nya pabalik.

"TEKA LANG!" Pumagitna na ako kasi naaalala ko pa noong minsang nawalan ng pasensya si Raegan. Dalawang beses; Noong binasag nya yung mukha ni Marcus sa condo at noong muntik muntikan nya nang saktan si Rhea sa restaurant. Bayolente si Raegan kapag nawalan ng pasensya.

Tiningnan ako ng masama ni Raegan at pakiramdam ko ay matutunaw ako sa galit sa mga brown nyang mata nya. Ngayon lang nya ako tiningnan ng ganito.

"Raegan, calm down. Please?" Pakiusap ko at hinawakan ko sya sa kamay. Bahala na kung masuntok nya ako o ano, basta mapakalma ko lang sya. Saka sana di nya masaktan si mama.

"Please?" Pahabol ko kasi galit parin sya.

Huminga ng malalim si Raegan at inakay ko sya papunta sa couch. Tumabi ako sakanya, "Raegan, kalma ka lang, okay?"

"I'll try." Strained yung boses nya kaya alam kong sinusubukan nya talaga.

"Calm down for me, okay?"

"Okay."

Tiningnan ko si mama at tumungo ako.

"Raegan."

"Yes doktora?" Pikit matang sagot ni Raegan. Mabibigat ang mga binibitawan nyang hininga kaya pinapakalma pa nya ang sarili nya.

"What you're experiencing is an uncommon illness." Paliwanag ni mama, "Personally wala pa akong nakikilalang tao na may ganyan. Sa movies ko nga lang nga yan nakikita eh."

"Get straight to the point, doktora."

"May DID ka. Dissociative identity disorder. Sometimes also called Multiple Personality Disorder."

Binuksan ni Raegan yung mata nya at tiningnan si mama.

"May split personality ka Raegan.."

Napailing si Raegan, "This is ridiculous."

"Look, the voice you're hearing inside your head is another personality inside you." Paliwanag pa ni mama.

"Is this a symptom of schrizophenia or something?" Sabi ni Raegan.

"No, Raegan. You're not going crazy." Sagot ko sakanya, "May sakit ka..yun lang..Nagjojoke lang ako kanina nung sinabi kong nababaliw ka na.."

"May sakit...mental illness." Iling parin ni Raegan, "Pinatawag nyo na yung mental hospital noh?"

"No Raegan!" Hinawakan ko yung kamay nya kasi nanghihina na yung loob nya, "Hindi namin yun gagawin."

"You can still live normally." Sabi ni mama, "Hindi naman masyadong makakasagabal yang sakit mo eh."

"Normally? Am I even normal sa lagay kong to?" Sagot naman ni Raegan. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay nya kaya napatingin sya sakin, "Genesis, I can't be like this."

"Di mo naman ginusto yan ehh."

"Can we still fix this?" Pagmamakaawa ni Raegan kay mama, "I don't want to live knowing there's another...err...something thinking inside my head..."

"I guess we can do something about it. But I need to do some research." Kibit balikat ni mama, "Bibihira lang ang mga ganyang cases."

Napatingin naman si Raegan sakin at kitang kita ko yung pagaalala nya sa mga mata nya. Hindi sya komportable sa mga nangyayari sakanya ngayon.

"You'll be fine." Sabi ko.

"Wala ka bang tiwala sakin, Raegan?" Tanong ni mama.

"Meron po."

"Ganito nalang. Hindi natin alam kung kelan lumalabas si Rae. Try mo syang kausapin kung kaya mo." Sabi ni mama, "Kung kaya mo syang kontrolin, the better."

Tumango si Raegan, "Eh pano kung lumabas nalang sya?"

"Well, kasama mo naman si Genesis, she handled Rae well kanina."

Nginitian ko lang si Raegan. Napailing sya.

"Bakit?"

"You keep on seeing me on my weakest states." Mahinang sabi ni Raegan, "Ngayon naman..."

"Ano ka ba, ayos lang yan." Ngiti ko, "Astig ka pa rin naman sa paningin ko eh! Saka ayaw mo nun? Naiiba ka?" Ginulo ko yung buhok nya dahilan para magpout sya.

"Hmm. Tama na ang landian. Andito lang ako." Paalala ni mama.

"Mama naman eh!"

Bigla namang hinawakan ni Raegan yung kamay ko, "Doktora?"

"Ano?"

"Alam kong sinabi ko na sayo to last time and this obviously isn't a good time..Pero I want to make it official. With Genesis here." Panimula ni Raegan, "Gusto ko---"

"Alam ko na. Di naman ako tutol eh. Kung gusto ka nya eh di go!" Biglang sabi ni mama, "Ang kaso lang Raegan, kapag sinaktan mo yang baby kamatis ko, sinasabi ko sayo, mauupakan kita."

"Wala naman po akong balak na saktan si Genesis eh."

"Ayus ayusin mo yang dila mo. Ayoko ng nagmumura ka." Striktong sabi ni mama sabay tingin naman sakin, "Genesis, alam mo na yang pinapasok mo ahh. Malaki ka na."

Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni mama. Ayos lang sakanya na makipagrelasyon ako sa babae? Napatingin ako kay Raegan. Ano bang klaseng charm ang meron sya at napapayag nya si mama?

"Kayo na ba?" Biglang tanong ni mama.

"Ha? Ahh ehh..Hindi pa po." Sagot ni Raegan para sakin, "Di naman po ako nagmamadali eh. Nililigawan ko pa po sya."

Tumango tango si mama, "Walang kaso jan. Pero may sakit ka...Ganito, since weekend naman, jan muna kayo matulog sa bahay para mabantayan kita."

"Sige po."

"May driver ka naman diba?" Dagdag na tanong ni mama, "Magpahatid sundo ka muna kung may pupuntahan ka. Baka biglang lumabas si Rae habang nagdidrive ka. Ayokong maaksidente ka. We're not sure kung alam nya yung mga bagay na alam mo."

"Ehh...sige po." Nagdalawang isip si Raegan pero pumayag din nang napatingin sakin. Alam kong iniisip nya. Ayaw nyang masaktan ako kasi madalas kasama nya ako sa mga lakad nya.

"Ayos lang naman siguro kung dun pa rin kayo sa condo titira." Pagiisip ni mama, "Pero kailangan dalasan natin ang pagkikita..Twice a week kaya? Wednesday and Saturday?"

"Sige po...Wala naman akong tennis practice ng Wednesday eh." Pagsangayon ni Raegan.

May kumatok at sumilip si Ate Katie, "Doktora, anjan na po sila Mr. Ramirez."

"Sige." Sagot ni mama, "Dun muna kayo sa bahay. And no funny business! May tiwala ako sayo Raegan!" Pahabol ni mama.

"Sige po doktora." Sumaludo pa si Raegan kay mama bago lumabas ng opisina.

"Genesis, bantayan mo sya." Sabi naman ni mama sakin bago ako lumabas.

"Akong bahala ma."

Sumunod na kami ni mama sa labas. Sinalubong ni mama yung pasyente nya at kami naman ni Raegan ay tumambay muna sa recieving area.

"Ano na?" Tanong ko sakanya nang makapasok na sila mama sa office.

"Ewan." Sumandal si Raegan at tumingala sa kisame.

Napasandal din ako. Ano bang gagawin ko sa babaeng to? Hindi pa nga ako nakakaget over sa sandamakmak nyang talents at sa yaman nya. Tapos ngayon naman may split personality pala sya? Ngayon lang ako naka encounter ng ganito.

"Naiwan nyo." Napatingin kami kay mama na ibinaba yung mga drawing ni Rae sa coffee table sa tapat namin. Bumalik na kaagad si mama sa office nya kasi hindi nya pwedeng iwan basta basta yung pasyente nya.

"Ano 'to?" Tanong ni Raegan at kinuha yung mga papel.

"Dinrawing ni Rae." Paliwanag ko.

"Gusto nyo ng coffee? Juice? Tea? Softdrinks?" Offer ni ate Katie samin. Napataas ang kilay ko sa dami ng sinabi nya. Eh normally coffee at juice lang ang inooffer nya.

"Err..May ice tea kayo jan?" Tanong ni Raegan.

"Meron." Ngiti naman ni ate Katie, "Ikaw Gene, may gusto ka?"

"Ice tea narin ate. Thank you." Ngiti ko pero deep inside naiirita kasi may anak na nga sya lumalandi pa!

Naalala ko pa tuloy na nasa maternity leave si Ate Katie kaya nagpart time ako dito sa clinic last summer. Kung di kaya ako tumambay dito sa clinic makikilala ko kaya si Raegan?

"Thanks." Nginitian ni Raegan si ate Katie.

Tumalikod agad si ate Katie para ikuha kami ng ice tea pero nakita ko yung pamumula nya. Ay nako.

"Problema mo?" Pansin ni Raegan sakin.

"Ikaw."

"Tutulungan naman tayo ni doktora eh.." Ngiti ni Raegan, "Gagaling din ako!"

"Di naman yun eh." Mahina kong sabi. Ano ba yang mood swing nya, kanina nanghihina sya sa nalaman ngayon naman confident sya na gagaling sya?

"Eh ano?"

"Ang cute mo kasi, nakakainis ka!" Pinanggigilan ko yung pisngi nya.

"Aray ko Genesis!" Angal ni Raegan at pilit na inilayo yung kamay ko, "Masakit!"

"Masakit? Sa tingin mo di masakit yung ginawa mo kanina?" Pinisil ko naman yung ilong nya.

"Ano ba? Sorry na!" Tulak ni Raegan.

Tinigilan ko na yung pagpisil at hinawakan nalamang yung mukha nya para iharap sakin, "Tumingin ka sakin. TINGIN!"

"Ano?!"

"Wag na wag na wag ka nang magmumura sa tapat ni mama."

"Oo. Sorry na." Namumula yung pisngi at yung ilong ni Raegan sa ginawa ko. Nagiinit yung mukha nya sa kamay ko.

"Saka wag mo nang gagawin yun ulit!"

"Ang alin?!"

"Yung pagsabi kay mama ng ganun!"

"Oo na! Sorry!" Pilit na inilalayo ni Raegan yung mukha nya.

"Kontrolin mo yang pasensya mo! Baka makasakit ka nanaman!"

"Oo. Sorry na!"

"Umayos ka! Uupakan kita!" Pagbabanta ko.

Nakipagtitigan si Raegan sakin at naramdaman kong hinahatak ako papalapit sakanya. Papalapit sa mga mata nyang parang tinunaw na tsokolate.  Papalapit sa mangilan ngilan nyang freckles sa pisngi. Papalapit sa malambot nyang mga labi.

"Ahem."

Bigla naman kaming napatingin kay Ate Katie na nagbaba ng tray ng pitsel at dalawang baso sa coffee table.

"Ice tea nyo." Ngiti ni ate Katie samin.

"Thanks." Napaiwas ako ng tingin dahil nagiinit nanaman yung mukha ko. Ramdam ko yung hiya nung mahuli kami sa ganoong posisyon.

AHHHH Ang lapit pa naman ng mukha namin ni Raegan kanina! NAKAKAHIYA

Ipinagsalin ako ni Raegan ng ice tea at saka yun inabot sakin, "Eto ohh."

Kinuha ko yung baso at binatukan sya, "Kainis ka!"

"Ano nanamang ginawa ko?!" Reklamo ni Raegan na napakamot sa ulo nya.

"Wala!" Natatawa ako sa itsura nya.

"Kung di lang kita mahal eh!" Bulong ni Raegan at sumandal na sa tabi ko.

"Anong sabi mo?" Reklamo ko kahit narinig ko naman sya. Medyo masarap lang talaga pakinggan.

Lumapit si Raegan sakin at bumulong sa tenga ko, "I love you." At saka nagnakaw ng halik sa pisngi ko.

Pinaghahampas ko sya kasi nakita kong nakatingin samin si Ate Katie mula sa table nya.






------------------------------------------------------







"Dun ka muna sa kwarto ni Genesis." Sabi ni mama kay Raegan pagkatapos namin magdinner sa bahay at nakatambay kami sa sala.

Napatingin si Raegan mula sa laptop nya, "Kahit dito nalang po ako sa sofa." 

Pinakiusapan ni Raegan si Alexa na kunin yung laptop nya at ikuha kami ng ilang damit. Nagrequest din sya na yung pick up nalang ang gamitin pagpunta dito kasi yung Lamborghini nalang ang ididrive ni Alexa pabalik ng condo.
Pumayag lang si Alexa nung sinabi ni Raegan na sasama sa out of town plans ni Alexa sa termbreak nila.

"Di na, dun ka na sa kwarto nya." Pilit ni mama.

"Eh san po ako matutulog?" Angal ko.

"Tabi ka sakin. Ayaw mo ba?" Sagot ni mama.

"Eh kasya ba tayo dun ma?" Naaalala ko pa kasing ayaw ni mama ng malaking higaan kasi ramdam na ramdam nya ang pagiisa sa kwarto, "Paglalatagin mo lang ata ako sa lapag eh!"

"Dito nalang po ako sa couch doktora." Pagpupumilit ni Raegan, "Dun na si Genesis sa kwarto nya."

"Ako nalang dito." Volunteer ko naman.

"Hala! Ako na!" Pilit ni Raegan, "Ako manliligaw dito! Ako sa sofa!"

"Eh di sige. Bahala ka." Inirapan ko nga sya, "Mahuhulog ka din naman sa sahig eh."

Tiningnan ko lang yung couch na inuupuan nya. Sa tangkad nyang yan di sya makakatulog jan ng maayos.

Napailing nalang si mama, "Sige na, mauuna na akong matulog. Genesis, kunan mo ng unan at kumot yang si Raegan ah." Utos nya sakin.

"Sige po."

Umalis na si mama at iniwan kami ni Raegan sa sala. Tumayo ako, "Magpapalit na ako ng pantulog. Kukuha narin kita ng unan saka kumot. Jan ka lang ahh."

"Di ako aalis dito." Ngiti ni Raegan.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at kumuha ng pantulog at ng towel bago dumiretso sa CR. Sinilip ko saglit si Raegan sa sala at nakitang busy sya sa pagbabasa ng business reports at papers sa laptop nya.

Pagkatapos ko maligo, kinuha ko yung extra pillow ko at kumuha ng kumot sa cabinet. Yun yung ibibigay ko kay Raegan.

"Eto ohh." Nilapag ko yung unan at kumot sa tabi nya, "Magpalit ka na ng pantulog dun sa CR."

"Wait lang." May tinatype si Raegan at nakakunot ang noo nya sa pagkafocus nya sa screen.

"Wag mong ikunot yang noo mo." Sabi ko, "Magkakawrinkles ka agad nyan eh."

Tumingin sakin si Raegan at ngumiti. Nagfocus na ulit sya sa screen without frowning.

Sumandal lang ako sa couch at nagbukas ng TV. Nilipat ko sa HBO yung channel at napangiti kasi Ironman ang palabas.

"CR lang ako." Paalam ni Raegan nang ibinaba nya yung laptop nya sa center table.

"Sige."

Nanuod lang ako ng TV habang wala sya. Parang saglit nga lang nga din kasi maya maya ay nakabalik na sya na suot yung white tshirt nya at blue pyjamas na pangtulog nya.

"Ironman?" Naupo sya sa tabi ko.

"Yeah."

"Gusto mo yan?"

"Who doesn't like Ironman?" Sagot ko sakanya.

"Sabagay. You know, I was thinking of recreating his armor."

Napatingin ako sakanya, "Ano?"

"Pero nung iniisip ko palang yung energy source namromroblema na ako." Tuloy ni Raegan, "Saka wala pang ganyan ka high tech na system." Turo nya sa screen kung saan may command na sinasabi si Tony Stark sa computer system nyang si J.A.R.V.I.S.

"Eh?"

"Pero sila Vulcan siguro kayang gawin yan...Give him five or ten years." Parang kausap na ni Raegan yung sarili nya.

"Sino si Vulcan?" Tanong ko.

"Ahh.. Wala..sa Hephaestus House sya." Ngiti ni Raegan.

Tumungo nalang ako. Familia member nanaman, "Raegan, kelan mo ikukwento sakin yung tungkol sa Familia Olympia?"

"Next time." Hikab ni Raegan.

Tumayo na ako, "Sige na, matulog ka na. Inaantok ka na eh."

"Sige. Salamat."

"Goodnight."

"Goodnight."

Iniwan ko na sya sa sala at pumasok sa kwarto ko. Nahiga na ako sa kama ko at napangiti. Andito na ulit ako sa bahay ko. Sa sarili kong kama. Kasama ang mga stuff toys ko na kasama ko na sa paglaki, mga regalo sakin noong bata pa ako.

Tinititigan ko ang favorite stuff toy ko na si Garfield nang may maalala ako. Napatayo ako't lumabas agad ng kwarto.

"Raegan?"

"Hmm?"

Natutulog na si Raegan sa couch. Mukha pa ngang nahihirapan sya kasi hindi sya kasya. Nakasabit yung binti nya. Napailing ako, ang haba kasi ng legs nitong babaeng to eh.

"Dun ka na sa kwarto ko."

"Ha?"

"Tumabi ka na sakin dun."

"Di na."

"Mananaginip ka nanaman eh. Baka magising si mama mamaya." Lumapit na ako sakanya't hinila yung kumot nya, "Tara na, lipat ka na dun."

"Di na Genesis."

Hinila ko na yung braso nya, "Sige na. Di ka rin naman kasya jan."

"Ehh. Baka pagalitan pa ako ni doktora." Angal ni Raegan, "Manliligaw lang ako noh!"

"Ang kulit naman eh! Bakit dun sa condo ayos lang sayo na magtabi tayo? Bili na, lipat ka na dun sa kwarto ko."

"Ehh.." Nahihiya pa si Raegan, "Sa condo yun..Andito yung mama mo!"

Ano bang magagawa ko para makumbinsi sya?

"Raegan.."

"Ayos na ako dito Genesis. Salamat nalang."

"Dun ka na sa tabi ko, please? Di ka naman kasya jan eh. Saka baka managinip ka nanaman." Pagmamakaawa ko, "Sige na Raegan, tumabi ka na sakin, please."

Napakamot sa ulo si Raegan, "Di ko naman matanggihan yang please mo eh." Tumayo na sya. Nilagay nya sa bag yung laptop nya at saka binulsa yung cellphone nya sa center table bago kinuha yung unan at kumot nya.

Sumunod na sya sakin sa kwarto ko.

"Amina yan." Kinuha ko yung bag nya at nilagay sa tabi ng study table ko.

Nililibot ni Raegan ng tingin yung kwarto ko.

Compared sa kwarto namin sa condo, maliit lang tong kwarto ko. Color sky blue yung pintura at tanging yung kama ko, cabinet at study table ang gamit sa loob.

"Andami mong stuff toys." Sabi nya at lumapit sa cabinet ko kung saan nakapatong yung mga stuff toys ko.

"Ayoko kasi ng manika. Mas gusto ko yung stuff toys." Sabi ko at pinat yung higaan sa tabi ko.

Naupo na sa tabi ko si Raegan. Inayos ko na yung unan nya, "No funny business."

"Yes mam."

"Matulog na tayo." Humiga na ako at tumabi na sakin si Raegan.

"Patayin mo yung ilaw." Turo ko sa lampshade.

Pinatay nga ni Raegan yun at nabalot sa kadiliman yung kwarto.

Hindi kalakihan yung higaan ko kaya ramdam na ramdam ko si Raegan sa tabi ko.

"Genesis?"

"Hmm?"

"Goodnight."

"Goodnight."




Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon