Chapter 30

94.4K 1.3K 42
                                    

"Genesis!"

Napabalikwas ako sa higaan sa narinig ko at agad na hinanap si Raegan. Agad ko syang nakita sa may pintuan ng kwarto nya.

"Anong ginagawa mo jan?" Mukhang nagising din si Alexa kasi parepareho kaming nakapyjamas at gulo gulo ang buhok.

"Alexa, come here please?" Pakiusap ni Raegan.

Lumapit naman si Alexa at binatukan sya ni Raegan,  "That, my friend is for getting me drunk last night!"

Natawa nalang ako, "Hangover?"

"I'd like to call it headache."

"Definitely a hangover." Ngiti ni Alexa, "I have one too. So, if you would excuse me, I'm going back to sleep." At saka nya sinipa si Raegan.

"AWW!"

"Makasigaw naman kasi eh noh? Ingay ingay. Kainis." Tumalikod na si Alexa at pumasok ulit sa kwarto nya.

Lumuhod ako sa tabi ni Raegan at tinulungan syang tumayo, "Gusto mo ng advil or something? Teka, bakit ka ba anjan?"

"Natumba ako."

Natawa nalang ako. It's not really like Raegan to fall down dahil lang sa hangover, "Kuha kita ng gamot or something?"

"How about some coffee?"

"You never had coffee except for our occassional Starbucks."

"Coffee din ang Coffee Bean."

"Not if you keep on ordering Tea there."

"Well, masakit ang ulo ko and I really feel like having some coffee."

"Fine."

Inakay ko sya sa may kitchen at pinaupo sya sa breakfast bar. Nagtimpla ako ng coffee para saming dalawa.

"San ka pumunta last night?" Tanong ni Raegan at kumuha ng baguette sa ref.

"Dito lang."

"Saan?"

"Terrace."

Nagisip saglit si Raegan, "Please don't tell me pinainom ka ni Alexa."

Di ako sure kung sasabihin ko ba sakanya yung totoo.

"Oh no, Genesis!" Di makapaniwala si Raegan, "Nagpromise ako kay doktora!"

"Red wine lang!"

"Gano kadami?"

"Three."

"Bottles?!"

"NO!"

"Goblets?"

"Yes."

"Full?"

"Half full."

Nakahinga na sya ng onti sa sinabi ko, "Okay, good. Di ka malalasing dun."

"I bet malalasing ka dun." Natawa nalang ako kaya pinanlisikan nya ako ng mata.

"Okay, look, pwede naman na akong uminom kung gusto ko ah!" Paliwanag ko, "Kung hinayaan mo akong uminom kagabi kahit every three turns nyo ni Alexa hindi ka malalasing masyado!"

"Nagpromise ako kay doktora."

"That you will keep me safe." Paalala ko at nilagay na yung mug sa harapan nya, "Pero nagpromise din ako sakanya na babantayan kita! Malay ko bang andali mong malasing? Eh di sana tinulungan kita diba?"

"Nagaaway kayo jan?" Dumating na si Alexa, "Ang ingay nyo di na ako makatulog ulit."

"Alexa, bakit mo pinainom si Genesis kagabi?" Bungad ni Raegan.

"Kasi trip namin at pwede na syang magdecide para sa sarili nya." Kibit balikat lang ni Alexa, "Legal age na sya, don't treat her like she's a little kid."

Mukhang naiinis na si Raegan.

"Kumalma ka nga jan. At least sya walang hangover tulad natin." Tumabi sya kay Raegan, "May coffee pa?"

"Yeah, kuha kita." Tumayo ako't ipinagsalin sya from the coffee maker.

Tumayo si Raegan bitbit yung coffee mug nya at umalis.

"Walkout? Seriously Raegan?" Pahabol ni Alexa pero hindi na kami nilingon ni Raegan.

"Pabayaan mo na." Sabi ko nalang at inabot na sakanya yung coffee nya.

Minamasahe ni Alexa yung sentido nya, "Never nagwalkout si Raegan sakin. She always tries her best to win the argument with me."

"Okay, fine. I'm on it."

Pumunta ako sa sala pero nakaopen ulit yung sliding doors kaya pumunta ako sa terrace. Tahimik si Raegan na nakatalikod sakin, nakatingin sa malayo at iniinom yung coffee nya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

Di sumagot si Raegan o humarap manlang sakin kaya ibinaba ko muna yung mug ko sa railings at niyakap sya from the back, "Sorry na okay?"

"You know I don't want you drinking." Mahinang sabi ni Raegan.

"Ayoko ding nalalasing ka."

Humarap na sakin si Raegan at niyakap yung bewang ko. Hinalikan nya ako sa noo bago idinikit dun yung noo nya, "Okay."

"Sorry na ahh."

"Sorry din."

"Magbreakfast na tayo dun. Iniwan mo yung tinapay mo.." Ngiti ko sakanya.





---------------------------------------------





"Alexa ano ba yan?!" Natatawa ako kay Alexa na grabe makapose sa park, pinagtitinginan na kami. Si Raegan naman picture lang ng picture.

"Ano ka ba? Halika dito! Picture tayo!" Hinila ako ni Alexa at nagpose sa tabi ko.

"C'mon Genesis! Ganyan ka lang?" Natatawa si Raegan kasi sya yung photographer namin ngayon.

"Ganito," Kinuha ni Alexa yung kamay ko at inayos ako ng posing. Wala naman akong magawa at nakisakay nalang sa trip nila. Nakarami din kami ng picture ni Alexa.

"Kayo naman!" Kinuha ni Alexa yung camera kay Raegan at tinulak yung bestfriend nya papunta sakin.

Awkward na inakbayan ako ni Raegan at ngumiti sa camera.

"Seryoso, yan lang?" Nakapamewang na reklamo ni Alexa.

"Anong gusto mo?" Angal ko.

"Something sweet? Like most of your pictures together?"

Napatigil ako dun. Dalawa palang ang alam kong picture namin ni Raegan together. Yung stolen shot na magkaholding hands kami sa Taft na naging viral sa internet at yung selfie namin together na wallpaper ni Raegan ngayon (na kaming dalawa lang ang nakakaalam).

"Bilis, umayos na kayo."

"This is our first proper picture together.." Mahinang sabi ni Raegan na napatingin sakin, "Kung hindi stolen, selfie lang meron tayo."

Click

"YAN!"

Napatingin kami kay Alexa na ngiting ngiti naman na lumapit samin at pinakita yung shot.

Nakahawak si Raegan sa bewang ko at magkatitigan kami, parehong nakangiti at parang lost in the moment. Magaling pala kumuha ng picture si Alexa kasi hindi halatang nagsasalita si Raegan dito.

"Sweet diba?" Ngiti ni Alexa, "Sarap ipost sa Instagram tapos magiging viral nanaman?"

Binatukan nga ni Raegan si Alexa, "Baliw ka ba? Gusto mong gulpihin kita?"

Natawa lang si Alexa. Alam nya kasing nahirapan ako noong inakala ng taong bayan na kami ni Raegan at nagalit sakin yung fans nya.

"Isa pa!" Request ni Alexa na lumayo.

Nagpose nalang kami ni Raegan para makuntento na si Alexa. Maya maya ay ako naman ang kumuha ng camera at pinicturan silang dalawa.

Di ko maiwasang mainsecure habang tinitignan yung pictures namin. Para talaga akong katulong tingnan sa tabi ng dalawang to.

After namin magpicture picture ay naglibot libot nalang kami at sa pamamasyal namin, di ko maiwasang mapansin na pinagtitinginan talaga kami. Yung iba nga nagpapapicture pa kay Raegan eh.

"Ikaw na sikat!" Tawa ni Raegan after may isang grupo ng babae na nagpapicture kasama sya.

"Ang gwapo ko kasi eh." Nagpose pa si Raegan.

"Pangit mo!" Tawa ko.

"Mahal ka naman!"

"Ang tanong, mahal ka ba?" Singit ni Alexa.

Di nakasagot si Raegan kaya tinawanan nalang namin sya.

"Handa akong maghintay." Anunsyo ni Raegan, "Hihintayin kong sabihin sakin ni Genesis yun."

"Matatagalan pa." Kindat naman sakin ni Alexa. Sinabi ko kasi sakanya kagabi na wala pa akong balak sagutin si Raegan hangga't may sakit sya.

"Pano mo naman nalaman? Di ka naman si Genesis ah!"

Natawa nalang si Alexa at di na pinatulan yung mga tanong ni Raegan.

Naghanda si Alexa ng picnic basket kaya yun ang pinagsalusaluhan namin. Natatawa pa nga ako kasi ang bilis nila makarecover sa hangover kaninang umaga. After breakfast natulog lang sila sa sala ng isang oras tapos ayun na, paggising nila okay na sila.

Naglatag kami ng blanket at dun kami pumwesto.

"Can I ask you something?" Tanong ni Raegan habang naka-unan sa lap ko.

"You just did." Singit ni Alexa.

Nagisip saglit si Raegan.

"Ano na?" Tanong ko.

"Badtrip naman Alexa eh!" Hinampas ni Raegan yung bestfriend nya, "Nalimutan ko tuloy!"

Natawa nalang kami.

"Eto Raegan, may tanong ako sayo." Sabi ni Alexa, "Kung ikaw ang ipapakasal kay Percival, anong gagawin mo?"

Nagisip saglit si Raegan, "Tough question."

"I know," Tungo ni Alexa, "So, ano na nga?"

"Papayag ako basta sa America kami magpapakasal." Sagot ni Raegan, "Or anywhere else na pwede din kaming magdivorce."

"So, bibigyan mo talaga sya ng chance?" Napatingin lang ako kay Raegan.

"Yeah. I mean, yun yung gusto ng parents ko eh. Susundin ko sila, pero kapag di ko kinaya, dapat may backup plan ako."

"And that's the divorce?"

"Yes. Kapag di talaga kami nagclick, eh di ayun na, divorce. At least makikita ng parents ko na sinubukan ko diba?"

Napaisip si Alexa.

"Alexa, that's just my opinion." Umupo ng maayos si Raegan, "Kilala mo naman ako eh. I'll always try to follow what my parents want for me. At kapag di ko kinaya, I always think of a backup plan."

Natigilan ako. Oo, tama sya, she always does everything that her parents want. Pero bakit hindi sya naging favorite? Ito ngang wala na yung family nya naiisip nya parin kung anong gugustuhin ng parents nya.

"Pwede kaya yun?" Napaisip naman si Alexa.

"Siguro naman papayag si Percival sa ganun." Kibit balikat ni Raegan, "Sure akong ayaw din nyang magpatali sayo kaya kahit anong planong pwedeng makatulong sakanya susunggaban nya."

"Eh si mommy kaya? Sa tingin mo papayag sya?"

"Honestly? Hindi."

Tiningnan ko lang silang dalawa. Magbestfriend nga talaga kasi nagtutulungan sila, kahit yung matitinding mga problema pa. Siguro nga madalas silang magharutan pero yun na ata yung paraan nila ng pagpapakita ng pagmamahal sa isa't isa eh.

"I have the worst luck in the world." Bulong ni Alexa sa hangin.

Kasama din kasi namin si Azula kaya ayun sya, patakbo takbo sa paligid namin. Nang maatahimik kami ay kinuha nalang ni Alexa yung camera at saka kinuhanan ng pictures yung aso at kami.

"May naisip lang ako." Sabi ko nalang.

"Ano yun?" Tanong ni Raegan na nakahiga ulit sa lap ko at busy sa pagsosolve ng 6x6 Rubic's Cube.

"I'm listening." Sabi naman ni Alexa habang tinitingnan yung mga shots nya.

"Bakit di ka naging favorite ng parents mo, Raegan?"

Natawa si Alexa sa tanong ko, "Sira ulo kasi yan!"

"Maka siraulo ka naman! Pagulungin kaya kita sa bangin?" Naasar na tugon ni Raegan.

"Seryosong tanong, bakit? Eh nasayo na kaya lahat! Naglalaro ka ng tennis, nagbabasa ka ng physics, nagpapaint at nagdradrawing ka din! Bakit kahit isa sa parents mo ay hindi ka naging favorite?"

"Kasi masyado akong perpekto? Like I said, baka nga di sila makapaniwala na kaya kong gawin ang mga gusto nilang gawin ko?" Sagot ni Raegan. Oo, nasagot na nya yang tanong na yan noon sa clinic pero hindi ako mapakali ngayon eh. Parang may mali kasi talaga?

"Alam ko na." Sagot naman ni Alexa.

"Ano yun?"

"Hindi kaya teritorial yung sila Auntie Olivia at Uncle Rick?" Sabi ni Alexa.

"Teritorial?" Nagtataka naman naming tanong.

"Nakwento na ba sayo ni Raegan sila kuya Alexander at si Reiniel?" Paninigurado muna ni Alexa.

"Yep."

"My idea of teritorial is, diba si Auntie Olivia favored si kuya Alex? Si Uncle Rick naman si Reiniel? Hindi ba kasi parang...pano ko ba ieexplain to?" Natigilan si Alexa.

"Metaphor?" Suggest ni Raegan.

"Okay, kung laruan sila Kuya Alex at si Reiniel, si kuya Alex ay doll na si Auntie Olivia lang ang pwedeng maglaro. Si Reiniel, parang race car na si Uncle Rick lang ang pwedeng gumalaw." Di siguradong paliwanag ni Alexa samin.

"Eh ano ako?" Turo ni Raegan sa sarili nya.

"You're the...ball that everyone can play with."

"Ano? Di kita gets." Napailing ako.

"I don't know if I should feel insulted or what.." Nakakunot naman ang noo ni Raegan.

"Okay look, favorite ni Auntie Olivia si kuya Alex and if she wants to play with Reiniel, hindi sya kumportable kasi nga laruan sya ni Uncle Rick. And the same goes for Uncle Rick, pwede nya ngang makasama si kuya Alex but it's not the same kasi in metaphorical sense pagaari sya ni Auntie. Gets nyo?"

"Medyo."

"And where does that put me?" Tanong ni Raegan, "If I'm the ball that everyone can play with are you saying na pwede akong laruin ni mommy at ni daddy pero hindi nila ako favorite dahil--?"

"Kasi nga bola ka. You're not exactly their kind of toys. Let's just say na dolls yung trip nung mommy mo at kotse ang trip ng daddy mo." Kibit balikat ni Alexa, "Pwede ka nilang paglaruan but they'll keep on going back to the toys that they favor the most."

"Okay." Tungo ko, nagets ko na yung sinasabi ni Alexa. Although ang weird pakinggan na ginamit nya ang mga laruan as substitute kina Raegan at sa mga kapatid nya.

Natahimik si Raegan na para bang ngayon lang narerealize ang mga sinabi ni Alexa.

"But atleast favorite ka nila lolo--"

"Don't even go there." Banta ni Raegan na hindi na pinatuloy yung sasabihin ni Alexa, "Ayokong pagusapan yan."

"Okay, okay, chill ka lang." Natatawa si Alexa na sumuko din agad, "I'm just trying to lift the mood."

"Bakit, ano yun?" Tanong ko. They're blocking me out again. Madalas kasi may mga bagay sila tungkol sa Familia na pinaguusapan tapos eto ako, clueless kasi di pa sinasabi sakin ni Raegan lahat.

"Wala." Pinanlisikan ng mata ni Raegan si Alexa. Siguro dahil nga binibring up nya yung mga topic na hindi ko pa ata dapat malaman.

"Merong may favorite kay Raegan." Sagot naman ni Alexa.

"Talaga? Sino?" Curious kong tanong.

"Alexa, I am telling you, kapag sinabi mo kay Genesis tungkol sakanila kakalbuhin kita."

"Ginagawa sayo ng buhok ko?"

"Gagawin ko yang wig kapag nagsalita ka pa."

"Ano nga yun?" Pamimilit ko naman, "Raegan naman eh! Ang KJ mo!"

"Di ako KJ!"

"KJ ka kaya, pano ka sasagutin ni Gene nyan eh andami mong tinatago sakanya?" Singit naman ni Alexa.

Natigilan si Raegan. Ngayon lang ata nya narealize yun.

"Tingnan mo? Natahimik ka jan?" Natatawa si Alexa na kinunan ng picture yung nakakunot na noong si Raegan.

"Ayoko lang na matakot sya sakin." Mahina nyang sagot.

"Bakit ba kasi di mo sya pagkatiwalaan?" Nagseryoso narin si Alexa, "Raegan, bakit ba ang nega mo ha?"

"I'm just thinking ahead."

"You're overthinking!"

"I just want her ready." Iling ni Raegan na parang di makapaniwalang pinaguusapan namin 'to.

"Eh pano kung ready na ako?" Mahina kong sabi, "Pano kung ikaw nalang ang hindi ready?"

Napatingin sakin si Raegan, hindi inaasahang sasabihin ko yun.

"Nagsalita na sya," Singit ni Alexa, "Raegan, why don't you stop taking command of everything and trust others once in a while?"

"I...I.." Natameme si Raegan.

"Okay fine. Let's take this slowly." Suggest ko nalang, "Tell me, sino yung sinasabi ni Alexa na may favorite sayo?"

Naglipat ng tingin si Raegan from me to Alexa, hindi sure kung sasabihin nya ba talaga.

"Ayaw mong sabihin?" Sabi naman ni Alexa, "Ako nalang magkukwento?"

"Eh di ikwento mo." Mahinang sabi ni Raegan.

"Wag kang aangal ah! Uupakan kita!"

"Sige na, kwento mo na."

"Yung grandparents ni Raegan. Si Lolo Leonardo at si Lola Olivia." Ngiting ngiti si Alexa at binabantayan si Raegan, "Tuwang tuwa sila kay Raegan. In fact sila yung nagpumilit na isali agad si Raegan sa orders. Ay teka, yung orders pala--"

"Alam ko na yung orders, Alexa." Ngiti ko, "Nakwento na sakin ni Raegan yan."

Tumungo si Alexa, "Eh di alam mo nang ten years old palang tong si Amazona noong sumali sya sa Order of the Jacks?"

"Yeah." Nakatingin ako kay Raegan na pinapanuod lang si Azula na maghabol ng mga paru-paro, parang walang interes sa pinaguusapan namin.

"So ayun, tuwang tuwa sila lolo Leo kay Raegan to the point na muntik muntikan nang sakanya ipagkatiwala yung airlines at hindi kay kuya Alex."

"Exagerrated ka na." Kumento ni Raegan na patuloy lang sa panunuod kay Azula.

"Anyways, hindi naman natuloy yung planong yun kasi ikakasal na dapat si kuya Alex at si ate Marian at alam na ni lolo Leo na si ate Marian din ang maghahandle ng business pagdating ng panahon."

Natigilan ako, "Wait lang, meaning to say, kaya naging business tutor ni Raegan si Mam Perez kasi kung ikinasal sya kay Kuya Alex sya ang magiging CEO?"

Napaisip ako. Eh di sobrang iba pala ng buhay ni Raegan ngayon kung buhay pa yung family nya? CEO ang professor ko ng Zeus Airlines, sikat na pintor ang kuya Alex nya, tennis varsity si Raegan at simpleng magaaral sa La Salle, at malamang sa malamang ay hindi ko sya kilala. Kasi hindi naman kami magkakakilala kung hindi pumunta si Raegan sa clinic namin para magpatulong kay mama.

"Yeah, masyado kasing focus si kuya Alex sa pagpapaint kaya ganun." Kibit balikat ni Alexa, "But that's not the point of the story, what I'm trying to say is that sobrang lakas ni Raegan sa grandparents nya nareach nya kaagad ang first trade sa maagang edad!"

"Teka lang Alexa, are you trying to say that I bribed my way into first trade?" Ibinaling na ni Raegan ang tingin kay Alexa, "You make it sound na hindi ko deserve ang first trade."

Nagkibit balikat lang si Alexa, "Seems like it. I mean, you're just thirteen--"

"I was just thirteen! Ano namang pakialam ko sa orders noon ha? Ang tagal na nating magkasama Alexa, alam mong hindi ko gustong umangat agad ng trades!" Galit na si Raegan sa pagbibintang ng bestfriend nya, "Pakelam ko naman sa order of the Jacks ha?"

"Okay, teka lang. Kalma ka lang Raegan." Hinawakan ko ang kamay ni Raegan kasi nakasarado nanaman ito at nanginginig sa galit, "Kalma ka lang."

"Sorry. I just thought.." Napailing si Alexa, "Okay, sorry that I said that. Andaya lang kasi eh, fourth trade palang ako tapos ikaw first trade agad? May invitation ka na nga siguro para sa Grand Order ano?"

Napatingin sa malayo si Raegan, halatang ayaw nya ang pinaguusapan, "Let's not talk about this anymore okay?"

"Yeah, change topic nalang."  Segundo ko. Nanliliit nanaman ang pakiramdam ko sa tabi nila. Wala akong Order, wala akong trade, ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang buong Familia Olympia. Wala lang ako kung ikukumpara sa dalawang to, bakit pa ako magpupumilit?

Natahimik nalang kami dahil hindi na alam ang sasabihin. Nagaya nalang akong umuwi kasi padilim na din.

On our way back, si Alexa ang nagdidrive. Si Raegan, sa front seat kasi ayaw ni Alexa na tumabi sya sakin, magmumukha daw syang driver so eto ako sa backseat, katabi si Azula.

"Anong gusto nyo for dinner?" Tanong ni Alexa.

"Food." Sagot ni Raegan na parang bagot na bagot na. Nakasandal na yung mukha nya sa window.

"Pakainin kaya kita ng uod?" Baling ni Alexa, "Kinakain yun!"

"Kadiri ka!"

Natawa nalang kami ni Alexa. May pagka-adventurous nga siguro si Raegan pero ayaw nyang kakaiba ang mga kinakain nya. Kung anong nakasanayan nya, yun lang kakainin nya.

Pagkadating namin sa resthouse ay dumiretso si Alexa sa kitchen. Di na nya ako pinasunod kasi ang gusto nya ientertain ko si Raegan. Medyo nabadtrip kasi ang loko sa paguusap namin kanina sa park.

"Raegan, gusto mo ng cake?" Alok ko, "May cake pang natira kahapon."

Umiling si Raegan, "Salamat nalang."

"BV ka parin?"

Dumiretso si Raegan sa terrace na hindi ako sinasagot. Nagiguilty na ako kaya sumunod ako sakanya.

"Uy..Kausapin mo naman ako."

Di sya nagsalita kaya niyakap ko nalang sya from the back, "Tampo tampo naman si Raegan."

Narinig ko nalang syang natawa sa sinabi ko kaya pinaharap ko na sya sakin.

"Alam mo, hindi ako makapagtampo ng maayos kapag ganyan ka sakin." Hinawi nya yung bangs ko at saka ako hinalikan sa noo.

"Wag ka na kasing magtatampo."

"Eh gusto kong nilalambing mo ako."

"Eh pano kung ayoko?"

"Eh di wala akong magagawa." Niyakap nya yung bewang ko at muling dinampian ng halik ang noo ko bago humalik sa ulo ko, "Ikaw ba, gusto mong nilalambing kita?"

Di ako makasagot. Nahihiya ako sakanya kaya niyakap ko nalang sya.

"Is that a yes?"

Di parin ako sumagot kaya ang ginawa ni Raegan, binuhat nya ako.

"Raegan!"

Umupo sya sa couch sa terrace at ikinandong ako. Natawa nalang ako kasi ang lakas nya't parang wala lang akong bigat na kaya nyang buhat buhatin pag trip nya.

"Genesis."

Muli, nadatnan ko nalang ang sarili ko na nakatitig sa mga tinunaw na tsokolateng mata ni Raegan.

"Raegan."

"HOY!"

Muntikan na akong mahulog sa pagkakakandong kay Raegan kung hindi lang nya yakap yakap yung bewang ko.

"Alexa naman eh!" Reklamo ni Raegan kay Alexa na nakapwesto sa may sliding door.

"Narinig ko yung tili ni Gene." Pumameywang si Alexa, "Anong ginagawa nyo ha?"

"Wala." Pilit kong tinanggal yung kamay ni Raegan sakin pero ayaw nya bumitaw. Inislide ko nalang yung sarili ko sa may gilid pero ayaw parin akong paalisin ni Raegan sa pagkakakandong ko sakanya.

"Go away, Alexa."

Natawa si Alexa, "Looks like Gene's the one trying to get away."

"Alexa, di ka marunong tumiming kahit kelan!" Reklamo ni Raegan, "Genesis, jan ka lang."

"Ayoko na. Bitawan mo na ako." Pilit kong tinanggal yung kamay nya sa bewang ko. Wala narin naman na syang magawa kundi ang bitawan ako kaya nakaupo na ako ng maayos sa tabi nya.

"Alam mo Raegan, if I were you--"

"But you're not me."

"That's not the point." Irap ni Alexa, "Kung gusto mong makipaglandian kay Gene, pasagutin mo muna sya. Ang pangit kaya tingnan, di kayo pero parang kayo? MU? Magulong usapan?"

"She's not yet ready."

Pinandilatan ko ng mata si Alexa kasi sinabi ko sakanya kagabi na wala akong balak sagutin si Raegan hangga't may sakit sya. Baka ano pang masabi nya at mapasubo ako dito kay Raegan.

Tumango si Alexa na para bang naintindihan yung mga tingin ko, "Malanding usapan?"

"Alexa, ano bang trip mo?"

"I learned something from Gene last night."

Napahilamos nalang ako. Eto na nga bang sinasabi ko eh.

"What is it?" Tanong ni Raegan.

"Pagaling ka muna." Kindat ni Alexa saka pumasok sa loob.

"Teka!" Tumayo si Raegan pero hinila ko din sya paupo.

"Hayaan mo na, nantritrip lang yun."

Hindi sigurado si Raegan sa sinabi ko, "Sure ka?"

"Yeah."

Napaisip sya saglit, "Are you hiding something from me?"

"Ha? Pano mo naman nasabi yan?"

"I mean...Meron nga?"

"Wala!"

"Your eyes says otherwise. Genesis, ano yun?"

"Wala nga."

"Sige na, sabihin mo na sakin."

Napangiti ako nang may maalala, "Sasabihin ko sayo kapag sinabi mo sakin kung ano yung Familia."

Halata naman sa mukha ni Raegan na hindi nya inaasahan yung tanong ko, "What? No!"

"Eh di manigas ka jan." Sagot ko at iniwan sya dun. Pumunta ako sa kitchen kung saan nagluluto si Alexa at katulong nya si Manang Yolly na kasambahay nila Raegan sa mansyon.

"Alexa, bakit mo sinabi yun?"

"Did you use the Familia trump card?" Ngiti ni Alexa.

Natigilan ako, "Ano?"

"I'd figure kanina na kung may itinatago kang sikreto kay Raegan, maybe you can use that to your advantage para paaminin si Raegan ng mga sikreto nya." Ngiting ngiti si Alexa sakin, "Alam ko naman na gusto mo nang malaman yung tungkol sa Familia Olympia kahit na inoffer ko na sayo yung information kagabi."

"Nagchechess ka ba?"

"No."

"Good. Kasi kapag naglaro tayo mananalo ka for sure." Napaupo ako sa breakfast bar, "Pano mo naisip yun?"

"Just came to mind when I saw you two kissing." Kibit balikat nya.

"We were not kissing!"

"Eh anong ginagawa nyo?"

Natameme ako. Magaling mangcorner tong si Alexa, "Almost kissing."

Natawa nalang sya at sya namang dating ni Raegan.

"Oh, great you're here." Greeting ni Alexa, "Why don't you take Gene to the orchard?"

"Ha?"

"Sa orchard?"

"Ewan ko kung naaapektuhan ba ng DID mo yang memory mo." Irap ni Alexa, "Yung orchard nila Jenny! Malapit lang yun dito."

Pinanlisikan sya ng mata ni Raegan at saka nya ininguso si manang Yolly. Raegan doesn't want other people to know about her condition.

"That's why I used the abbreviation. Duh."

"Pft. Sige na, Genesis, tara, lakad tayo." Aya ni Raegan sakin at inoffer ang kamay nya.

"Sama nyo na si Azula." Pahabol ni Alexa.

Tiningnan ko si Alexa at tumango sya't nginitian lang ako. Hindi ko alam kung paano nya kami napatakbo ngayon lang pero natuwa ako kasi tinutulungan nya ako kay Raegan.

Tinanggap ko yung alok ni Raegan at inaya na nya ako palabas, pero bago yun ay sinuotan nya muna ako ng hoodie kasi magdidilim na, baka daw ako lamigin.

"San yung orchard na sinasabi ni Alexa?" Tanong ko habang tinatalian ni Raegan si Azula.

"Five minute trek from here." Sagot nya, "Kina Jenny yun, Persephone house."

She said the Persephone as per-sei-fo-nii. Ang pagkakaalam ko dati per-se-fone ang bigkas nun. Nagsimula na kaming maglakad. Sa tabi lang kami ng kalsada.

"Raegan?"

"Yeah?"

"Ano yung Familia Olympia?" Ilang beses ko na ba natanong sakanya yan? Mageexplain sya pero vague yung sagot. Hindi nya kinaclarify sakin kaya ang alam ko lang, grupo sya ng mayayaman na pamilya na may tendency na ipagkasundo ang mga anak nila.

"Ano muna yung secret mo?"

"Ikaw muna."

"Well, I'm not telling you about the Familia until you tell me what your secret is."

"Eh di wag!"

Napatigil si Raegan sa paglalakad, "Wait, nagaaway ba talaga tayo dito?"

"Ha?"

Umiling lang sya, "Wala. Let's just...Ayan na din yung orchard eh."

Tinuro nya yung greenhouse sa di kalayuan. Inalalayan nya ako sa paglalakad kasi mabato yung lugar. Si Azula di mapakali kaya tinanggal na ni Raegan yung tali at pinauna nang tumakbo papunta dun yung aso.

"She still remembers the place."

"Palagi kayo dito?"

"Not really..."

Pagdating namin dun, hindi kaagad kami dumiretso sa greenhouse kundi sa parang bahay katabi nun. Nagdoorbell si Raegan at tumabi naman samin si Azula na hingal na hingal.

"Sino yan?" Isang boses ng babae ang sumigaw at maya maya'y nagbukas ng pintuan samin.

"Hey."

"Raegan!" Niyakap sya nung babae, "What a nice surprise! And who's this?"

Sa ilaw ng front porch ay nakita kong mahaba ang itim nyang buhok at nakaponytail yun. Maganda sya at morena, na para bang magdamag sya sa init ng araw. Simpleng white tank top na napapatungan ng green checkered long sleeves blouse at shorts ang suot nya. Nakaboots sya kaya parang may haciendera effect sya. Magkaheight lang kami.

"Jenny this is Genesis. Genesis this is Jennyifer Flores of Persephone house." Pakilala samin ni Raegan.

"Nice to meet you Genesis, call me Jenny." Nakipagbeso sya sakin.

"Gene nalang. Nice to meet you din." Ngiti ko kahit naaawkward ako sa pagbeso sakanya. Apparently, kay Raegan lang talaga ako sanay sa physical affections.

"So, Raegan, ginagawa nyo dito? Akala ko bukas pa kayo pupunta?" Sabi ni Jenny.

"Bukas?" Naguluhan naman si Raegan.

"Tumawag si Alexa sakin nung isang gabi, sabi nya magbabakasyon daw kayo dito for a few days. Tumawag ulit sya sakin kagabi, lasing pa ata, dadaan daw kayo bukas ng umaga." Paliwanag ni Jenny, "Pero mukhang di nya kayo inorient sa plano nya."

Natawa nalang kami. Pinagplanuhan pala talaga ni Alexa tong term break vacation namin (as if naman term break ko din..umabsent nga ako kahapon eh)

"Arf!" Tumahol si Azula kaya napansin na sya ni Jenny.

"Hello Azula!" Niyakap ni Jenny ang aso, "Sige na Raegan, I think I know why you're here, the gate's still open."

"Thanks Jen. Daan nalang ulit kami bukas, sasama na namin si Alexa." Ngiti ni Raegan at hinawakan na ang kamay ko para akayin ako.

"Bye Jenny." Paalam ko.

Nagwave lang samin si Jenny kasi pumasok si Azula sa loob ng bahay nya.

"Alam mo, si Jenny na ata yung pinakanormal na tiga Familia na nakilala ko." Sabi ko sa katahimikan ng gabi.

Binuksan ni Raegan yung gate ng greenhouse at pinapasok ako, "Talaga? Bakit, di ba kami normal ni Alexa?"

"Not really."

"Pano mo nasabi?"

"Well, pareho kayong may halo..Mukha kayong foreigner pareho..Woah.."

Namangha ako sa flowers sa loob ng greenhouse. Iba ibang klase, iba ibang kulay.

"Si Marian normal naman tingnan ahh."

"Eh parang artista naman si Mam Perez eh!"

Natawa si Raegan, "Si Marian? Talaga lang ahh. Eh si Skyler?"

"Masyadong matangkad at nakakatakot. Di yun normal." Natawa nalang din ako.

"So normal lang tingnan si Jenny, ganun?"

"Maganda din sya, pero unlike you guys, di halimaw yung height nya at mukha syang normal na tao manamit."

"What's wrong with my clothes?" Napatingin si Raegan sa suot nyang green tshirt, shorts at tennis shoes, "Ganito naman ako manamit palagi ah!"

"Para kasing kakatapos mo lang rumampa sa catwalk eh."

Natawa naman si Raegan sa sinabi ko. Kinuha nya yung garden scissors sa gilid at gumupit ng rose. Binigay nya yun sakin, "Forget the thorns, the rose is lovely."

"Thank you." Inamoy ko yung rose hoping na maitatago ko sakanya yung pamumula ko.

"Would you like to dance?" Alok nya na ibinaba yung scissors at inabot yung kamay sakin.

"Ngayon? Dito?"

"Bakit hindi?"

Natawa ako sakanya, "Ang corny mo. Sige na."

Kinuha ko yung kamay nya at pumwesto na kami sa gitna ng mga bulaklak. She hummed Schubert's Ave Maria habang nililead ako sa sayaw.

"Para naman tayong baliw dito eh." Natatawa ako sa ginagawa namin.

"You're ruining the moment." Ngiti ni Raegan at muling nag-hum.

Sinandal ko nalang yung ulo ko sa dibdib nya, "Pero ang sweet."

"Anything for you, Genesis."

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon