Chapter 33

101K 1.4K 121
                                    

"Genesis?"

Kanina pa kumakatok si Raegan sa pintuan ko pero hindi ko sya kayang pagbuksan. Hindi ko sya kayang harapin.

"Genesis naman oh! Please open the door!"

Simula ng dumating ako sa kwarto para sakin dito sa mansyon ng Zeus house sa Familia Headquarters wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

Naaalala ko parin yung nangyari kanina sa Olympian Parthenon (yun nalang itatawag ko sa mala-Parthenon na mansyon na yun). After namin magbow ay pinapaupo nila sa high table si Raegan kasama nung mga miyembro ata ng Grand Order. Pero hindi sya pumayag at isinama ako sa dulong table sa kanan kung saan napansin kong pinakaonti ang nakaupo. Bago kami umupo doon ay nagbow pa ulit yung mga tao sa table na yun samin.

Hindi kami nagusap ni Raegan. Ayaw din namin magtinginan kanina kasi alam kong nasasaktan kami pareho sa nangyari. Ako dahil alam kong walang wala ako sakanya at sya dahil sa pagtraydor ko at pagbow din sakanya.

Nung papunta na kami dito sa Zeus mansion ay sinubukan na akong kausapin ni Raegan pero nagpahatid na ako sa butler na makakalbo na, si Albert, sa kwarto ko kaya nakatakas ako kay Raegan.

"Genesis, bubuksan ko na 'to!" Sigaw ni Raegan sa labas ng kwarto ko.

Binigyan ako ni Raegan ng isang oras mapagisa bago nya ako kinatok pero hindi ko sya pinagbuksan kaya eto sya, nagpapanic para makita ako.

Narinig ko nalang ang kalantsing ng mga susi at maya maya'y pagbukas ng pintuan ko. Hindi ako nagangat ng tingin mula sa pagkakaupo ko sa higaan.

"Genesis..."

"Di ka ata nakaka--intindi na ayokong makita ka ngayon.." Badtrip naman na sipon yan oh! Napsinghot pa tuloy ako sa kalagitnaan ng pangungusap ko.

"Genesis, please...Talk to me.."

Umiling nalang ako, baka traydurin naman ako ng boses ko ngayon eh.

"Okay, sige, ako nalang magsasalita." Tumigil sya para maghintay kung may sasabihin ba ako pero wala syang natanggap. "Sorry na Genesis."

Inaalala ko lahat ng pagkakataong nagsorry sya sakin. Napakadaming beses pero lahat sincere ang pagkakasabi nya. Lalo akong naiyak kasi itong sorry na ito ang pinakasincere sa lahat. Damang dama ko ang sakit sa boses nya na nanghihingi ng kapatawaran.

Lumuhod sya sa tabi ng higaan, katapat ko.

"Genesis, I'm sorry." Naiiyak nadin sya. "Tanggap ko kung ayaw mo na sakin pero Genesis, please, wag mo akong iiwan."

Tiningnan ko lang yung mga nangungusap nyang brown na mata. Tumutulo na ang mga luha nya.

Ngayon lang umiyak si Raegan dahil sakin.

"I don't really have anybody else, Genesis..." Pinunasan nya yung mga luha nya. "Please don't leave me.."

Di ko na mapigilan ang sarili ko. Niyakap ko sya at binaon ang mukha ko sa balikat nya. Amoy na amoy ko yung bango nya at dama ko din na niyakap nya ako pabalik.

"Genesis, I'm sorry.." Hikbi nya.

"I'm sorry din."

Matapos namin magiyakan ay muli nya akong hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.

Dun ko na sya pinatulog sa tabi ko, halata kasi sa pagkakakunot ng noo nya na masakit nanaman ang ulo nito. Saka isa pa, kung mananaginip nanaman sya hindi ko alam yung kwarto nya, walang manggigising sakanya.

Mabilis na nakatulog si Raegan sa tabi ko. Pinapanuod ko lang sya kasi hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Kaya ko ba talaga magmahal ng isang katulad mo?

Dati ang nagiisang pagaalinlangan ko sa pagsagot sakanya ay yung pagiging babae namin pareho. Pero sa paglipas ng mga buwan ay nasanay ako't handa na yun kalimutan pero nadadagdagan pa ang problema namin.

Kung kailan balak ko na syang sagutin saka naman sya nagkasakit ng Dissociative Identity Disorder o yung Split Personality nya. Hindi ko sya kayang sagutin knowing na mahal nya ako pero kapag lumabas na si Rae hindi na nya ako mahal.

Pagaling lang sya sasagutin ko na sya pero eto nanaman, may bago kaming problema. At mas malaki ata 'to kesa sa Split Personality nya.

Hindi ko lubos akalain na yung taong pumasok sa clinic namin ni mama ilang buwan na ang nakakaraan ay isang napakalaki at importanteng tao. Akala ko ordinaryong tao lang sya na may dinaranas na depression dahil sa pagkawala ng pamilya nya.

Kasi si Raegan ay hindi ordinaryong tao.

Akala ko simpleng writer lang sya, atleta, artist, painter, musician...Akala ko Jack-of-all-Trades lang sya o yung sinabi ni Alexa dati na isa syang 'polymath'...
Akala ko mayaman lang sya pero CEO din pala sya ng pinakamalaking airlines sa bansa.

Akala ko dun na matatapos lahat ng pasabog nya.

Maling akala lang pala.

Kasi si Raegan ay hindi ordinaryong tao.

Miyembro din pala sya ng isang malaking organisasyon ng mayayaman. Madami syang kamag-anak na mayayaman din at iba iba ang mga negosyo't kumpanya nila.
Hindi lang pala sya tigapagmana ng airlines nila, mas malaki pa dun ang mamanahin nya...Sya pala ang magmamana sa pamamahala sa Familia Olympia.

Sya, si Raegan ay hindi ordinaryong tao. Dahil ang pagkakakilala kong Raegan Luces ay mas kilala pa pala nila bilang isang taong nag ngangalang,

Raegan Olympia Imperial-Luces.

Dumilat sya bigla kaya umiwas ako ng tingin.

"Genesis...tahan ka na.." Mahinang sabi ni Raegan. "Ayokong nakikita kang umiiyak."

Pinunasan nya yung pisngi ko. Ni hindi ko man lang napansin na umiiyak nanaman pala ako.

"Sorry kung nagbow din ako sayo."

Niyakap nya akong mahigpit.

"Sorry kung di ko sinabi sayo."


---------------------------------------------



"HOY!"

"Wag kang maingay!"

Nagising ako sa malakas na sigaw at ang pabulong na responde na yun. Nakita ko si Raegan na nakaupo sa tabi ko, gulo gulo ang buhok at nakatayo sa paahan ng higaan ay ang nakapamewang na si Alexa.

"Nagising tuloy sya!" Reklamo ni Raegan kay Alexa.

"Bakit naman kasi magkatabi kayong natulog?" Tanong ng isang babae sa couch sa gilid ng kwarto.

Apat silang nakaupo dun na hindi ko agad napansin. Yung nagsalita ay kulay brown at nakabraid ang mahabang buhok. Simpleng tshirt at shorts lang ang suot nya pero mukha syang artistahin sa ganda.
Yung katabi nyang babae ay nakablue na simpleng dress. Hindi masyadong magarbo pero parang kakatapos lang nya rumampa sa catwalk. Nakaakbay sakanya ang isang lalaki na naka black and white long sleeves.
At yung panghuli naman na kasama nila doon ay isang lalaki na naka casual. Naka white polo shirt lang sya at shorts.

Para tuloy may photoshoot na magaganap sa parte na yun ng kwarto dahil para silang model na nakapose.

"Ano bang ginagawa nyo dito?" Tanong ni Raegan na halata sa mukha ang pagkairita.

"Wala, trip lang namin na bisitahin ka." Sagot nung lalaki na nakacasual.

"Mukha namang wala kaming naiistorbo eh." Nakangisi yung babaeng naka-tshirt. "May damit kayo pareho eh."

Binato ni Raegan yung babaeng yun ng unan pero sinalo lang nya.

"Kalokohan mo, Leah!" Banat ni Raegan. "Hindi ako ganun!"

"Mahina ka lang, kamo." Natatawa yung lalaking naka-long sleeves.

"Makapagsalita ka parang nagalaw mo na si Joanne ah?" Banat naman ni Alexa.

Sumimangot yung lalaki at nagsitawanan lang sila. Siguro yung babaeng akbay nya yung Joanne kasi sya yung pinakanatuwa sa sinabi ni Alexa at tiningnan lang sya ng masama nung lalaki.

"Sige na Genesis, mauna ka nang magCR, kausapin ko lang tong mga 'to." Sabi ni Raegan sakin.

"Di kayo sabay?" Sabi nung babaeng nabato ng unan kanina, Leah ata pangalan nya.

"Sa living room nalang kami, Genesis." Sabi ni Raegan, hindi na nya pinansin yung pangangantiyaw ni Leah.

"Sa dining room," Pagcorrect naman ni Alexa. "Sabay na kaming magbebreakfast sainyo. Sunod ka nalang dun, Gene."

"Sige."

Pumasok na ako ng CR at sila naman ay lumabas na ng kwarto.

Mabilis lang akong naligo kasi ayokong hintayin nila ako dun. Yung dress nalang na pinili ni Alexa ang sinuot ko at yung simpleng sandals. Pagkatapos ko magbihis, saka ko lang narealize na hindi ko alam kung saan yung dining room. Malaki pa naman tong mansyon kaya bahala na, magiikot nalang muna ako o magtatanong kung sakaling may makasalubong ako.

Sakto namang paglabas ko ng kwarto may isang maid na parang naghihintay sakin.

"Good morning, this way please, Lady Genesis."

Napakunot yung noo ko sa sinabi nya, Lady Genesis? Seryoso ba sya? At talagang nagbow pa sya sakin!

"Gene nalang."

Tumango sya at tinuro yung daan. Parang takot na takot sya sakin.

Napailing nalang ako. Anong klaseng lugar ba to? Sinunod ko nalang sya, mas madali naman kasing sundan nalang sya papuntang dining room kesa libutin ko tong mansyon sa paghahanap.

Pagdating namin sa dining room, nakaligo narin si Raegan  at nakikipagkwentuhan sa mga nanggising samin. Napansin kong silang dalawa nalang ni Alexa ang hindi ginagalaw ang pagkain sa harap nila.

"Gene! Dito ka," Pinaupo ako ni Alexa sa pagitan nila ni Raegan.

Dumating yung butler na si Albert at hinila yung upuan para sakin. Nakakahiya man, umupo nalang ako kasi alam kong yun yung trabaho nila, ang pagsilbihan kami.

"Anong gusto mo, Gene?" Tanong ni Alexa.

Kinuha ko nalang yung table napkin sa harap ko at ipinatong yun sa lap ko. Yun kasi yung ginawa ni Alexa. Naglagay yung maid ng pinggan at kubyertos sa harapan ko.

"Kung ano nalang meron," Ngiti ko kay Alexa.

Sumignal nalang si Alexa dun sa butler.

"So, Genesis, gano na kayo katagal magkakilala ni Olympia?" Tanong nung lalaking naka-long sleeves.

"Ha?" Nagulat naman ako, hindi ko inaasahang tatanungin nila ako. Naalala ko nanaman tuloy yung paalala ni Raegan kagabi na wag akong magsasalita o sasagot hangga't hindi nya pinapayagan.

"Wag kang bastos, magpakilala ka muna." Parang walang gana ang sagot ni Raegan.

"Ba't ba ang init ng ulo mo, Olympia?" Sagot nung lalaki.

"Tigilan mo kasi pagtawag sakanya ng Olympia." Sagot naman nung lalaking naka-casual lang. "Alam mong ayaw ni Raegan nyan eh."

"Eh yun yung trip ko eh!" Sagot nung isa pang lalaki.

"Pagpasensyahan mo nalang sya, Raegan." Sabi nung babaeng nakadress. "Ako na nagsosorry sayo para sakanya."

"Joanne!" Angal nung lalaki. "There's no need for that!"

"Apology accepted." Sagot ni Raegan.

Naghain yung butler ng pancakes at bacon sa harapan ko. Nagpasalamat ako sakanya. Yung maid naman ang nagsalin ng juice sa glass ko, nanginginig yung kamay nya kaya nginitian ko sya at nagpasalamat din sakanya. Halata kasing takot na takot sya samin.

Tahimik akong nagdasal bago kinuha yung tinidor at kutsilyo. Wala kasing kutsara eh.

Inabutan ako ni Alexa ng butter at si Raegan naman ang nagabot ng syrup. Nagpasalamat ako sakanilang pareho.

"Genesis, I'm sorry narin kung ganito tong si Roland." Sabi nung babaeng nakadress. "Ako nga pala si Joanne Cucinotta."

Woah. Pang-foreigner ang apelyido!

"Hi," Di ko alam kung anong sasabihin kaya yun nalang, isang simpleng 'hi'.

"Ito pala, fiance ko si Roland Miraber at kapatid nya, si Daniel." Pakilala ni Joanne sa dalawang lalaki.

"Ako si Leah Mercurio." Pakilala nung nakatshirt na babae.

"Nice to meet you," Ngiti ko. "Ako si--"

"Genesis Ramos-Beltran." Sabat ni Leah. "Kilala ka na ng buong Familia sa bonggang entrada nyo ni Raegan kagabi."

Namula ako sa sagot nya.

"Leah!" Saway ni Alexa. "Dahan dahan lang! Di sya sanay sa ganun."

"Well, sorry not so sorry." Sabi ni Leah. "Kung ako yun matutuwa ako! Hindi sa lahat ng pagkakataon papansinin ako ng buong Familia."

"Eh hindi nga sya sanay sa ganun!" Saway na din ni Joanne saka humarap sakin, "Sorry ulit, Genesis, inggitera tong si Leah eh."

"Hoy hindi ako inggitera!"

"Hindi daw?" Natatawa si Daniel.

Hiniwa ni Raegan yung pancake ko. "Hayaan mo lang sila. Kumain ka na."

"Salamat."

"Sweet naman," Kumento ni Leah.

Nginitian lang sya ni Raegan at kumain na kami.

Naiilang ako sakanila kaya nakikinig lang ako sa usapan nila. Napagtanto ko na si Joanne Cucinotta pala yung kinausap dati nila Raegan sa telepono pagkatapos nung Marcus incident. Sya yung may ari ng La Olivia at nalaman ko din na tiga Hestia House sya.
Si Hestia ang Greek goddess of the hearth fire at domestic life. Kaya siguro restaurants ang business ng pamilya nya?

Si Leah Mercurio naman tiga Hermes House daw. Parang related sa Media yung business nila kasi maya't maya ang ring ng cellphone nya at kapag sumagot sya, maririnig mo ang katagang: "Fine, total media black out. I'll call the station." Tapos may itetext sya.

Si Roland at Daniel Miraber daw tiga second house ng Apollo House. Pinsan nila si Dr. Apollo Miraber sa Olympian Hospital. Nagaaral sila pareho para maging doktor.

Pagkatapos kumain nagaya si Leah na maglibot libot. Gusto daw nyang guluhin yung mga tao sa Aphrodite house at game na game naman dun si Roland.

"Gusto mo lang makita sila Venus eh." Kumento ni Joanne.

Si Venus at Skyler pala hindi ko na nakita ulit. Kamusta kaya sila?

"Baka si Violet?" Pangaasar ni Leah.

"OY!" Sabat ni Daniel. "AKIN si Violet."

"Maka-'akin' ka jan eh basted ka naman dun." Tawa ni Leah.

"Ikaw din naman ah!" Sagot ni Daniel kay Leah.

Tiningnan ko lang si Leah, di sya straight?

"Lords Gustave and Vulcan Van der Waals of the first house of Hephaestus." Bungad ni Albert the butler.

Napatingin kami sa dalawang lalaking sobrang tatangkad. 6 footers sila at itsura'y ikakatakot mo. Malalaki sila pareho, pero on different terms. Yung isa sobrang taba, yung isa sobrang maskulado. Yung mataba ay may mahabang balbas at mahabang buhok. Yung maskulado ay malinis naman ang gupit pero may tumutubo nang balbas na parang hindi sya nakapagahit kagabi. Parehong blue ang mga mata nila at hooked ang matangos nilang ilong.

"Hello," Matipid na bati nila Leah sa bagong dating.

"Raeghan Luzez," Sabi nung mataba. Malaki ang boses nya at may accent sya kaya mahangin ang ilang syllables, tunog na tunog yung 'r' at nagtutunog 'z' ang mga 's' nya.

"Lord Gustave," Tungo ni Raegan. "Welcome back to the Philippines."

"Been a verry long taym zince I have been here." Sagot ni Gustave at nagshake sila ng kamay ni Raegan. Sa sobrang laki nya nagmukhang normal yung 5'10 ni Raegan sa tabi nya.

"Dame Raeghan," Sabi naman nung maskuladong higante. "Looking good." Katulad ng kapatid nya ay malaki't nakakatakot din ang boses nya, pareho silang may accent.

"Thanks, Lord Vulcan," Sagot ni Raegan at sila din ay nagshake hands. "Long time, no see."

"We were thinking of visiting the Aphrodite house." Sabi ni Roland. "Care to join us, Lords Gustave and Vulcan?"

"Nein." Sagot ni Gustave. "We were nevver rreally welcome there."

"Perhaps, you Lord Vulcan are interested?" Offer naman ni Leah. "I heard you're with an Aphrodite now."

Kumunot ang noo ni Vulcan at parang namula bahagya ang pisngi nya.

"No thanks, Dame Leah." Polite na sagot ni Vulcan. "We came herre to see Dame Raeghan about the new zatellite phonez."

I wonder kung ang meaning ng 'Dame' ay Lady or something. Paulit ulit ang gamit ni Vulcan eh. Anong lenggwahe kaya yun?

"Back from Germany and still talking about work." Sabi naman ni Joanne. "Do you plan to take a break?"

"We would lovve to. But thiz iz the chance to talk to Lady Raeghan." Sagot ni Gustave.

Oh! So tiga Germany sila?

"Sige na, guys, I have work to do." Sabi ni Raegan sa grupo. "Isama nyo muna si Genesis. Alexa, ikaw na bahala sakanya."

"Raegan.." Mahina lang ang pagkakasabi ko sa takot na maiwanan kasama ang mga mayayaman na ito at si Alexa.

"Genesis, sumama ka na. Baka mabore ka lang dito." Ngiti ni Raegan. Inabot nya ulit yung credit card nya kay Alexa at sinabing, "Ikaw na bahala sakanya, wag mong pababayaan yan."

"Kaming bahala sakanya, Raegan." Umakbay sakin si Leah kaya pinanlisikan sya ng tingin ni Raegan.

"Umayos ka Leah." Banta ni Raegan.

Tinanggal ni Joanne yung pagkakaakbay sakin ni Leah at ikinawit nya yung braso nya sakin.

"Don't worry, Raegan. Babantayan namin sya ni Alexa." Sabi ni Joanne.

Inakay na nila ako palabas pero pagdating sa pintuan.

"GENESIS!" Tumakbo si Raegan papunta sakin.

"Ano yun?"

"I forgot to give you something."

May hinugot si Raegan na singsing sa kaliwang kamay nya at isinuot yun sa right ring finger ko. Pero masyadong malaki yung singsing kaya inilipat nya sa middle finger.

"Keep safe." Sabi ni Raegan at hinalikan ako sa noo.

Napatingin ako sa singsing.
Ginto sya at may malaking bughaw na dyamante. Maliit lang pero parang nakaukit sa ilalim ng dyamante ang isang eagle. Siguro yung family crest nila Raegan? For a moment akala ko yun yung suot nyang singsing kahapon pero narealize kong parang mas maliit yung dyamante nitong suot ko.

"Ano 'to?" Tanong ko.

Ngumiti si Raegan na pagkatamis tamis saka ipinakita yung singsing nya na kamukha ng isinuot nya sakin. Mas malaki lang yun kumpara sa ibinigay nya sakin. Couple rings?

"Sige na, I'll see you later." Sabi nya at saka tumalikod para samahan sila Gustave at Vulcan Van der Waals.

Hinablot ni Leah yung kamay ko at tiningnan yung singsing.

"Oh my gods of freaking Olympus." Mahinang sambit nya habang nanlalaki ang mga mata.

Si Joanne naman ang kumuha ng kamay ko at tiningnan yung singsing.

"Eto nga yun!"

Sumunod na kumuha ng kamay ko ay si Roland. Silang dalawa ng kapatid nya ang sabay na tumingin nung singsing.

"Binigay nya.."

"The ring.."

Huling kumuha ng kamay ko ay si Alexa. Maingat ang paghawak nya sakin at manghang mangha sila sa singsing.

"The ring of Hera." Sabi nya.

Ano daw? Ring of Hera?

"Ano?"

"Gene, the ring of Hera is only given to the bride of the heir of Zeus." Paliwanag ni Alexa. "Kay auntie Olivia yang singsing na yan."

"Sa mommy ni Raegan?"

Tumango sya.

"Eh di na kay Raegan na yung ring of Zeus?" Tanong ni Joanne.

"Yun ba yung kamukha nito?" Tanong ko. "Pero parang mas malaki at pang lalaki?"

Nanlaki ang mga mata nilang lahat.

"Yun nga," Sagot ni Alexa. "Suot ni Raegan?"

"Oo."

"Oh shiz.." Napailing si Leah at umatras sakin.

Natawa naman si Joanne.

"Akalain mo yun? Umangat na sya ng sobra sobra di na natin maaabot."

"Bakit, ano ba yun?" Inosente kong tanong.

"Kung tutuusin pwedeng pwede na kami utus utusan ni Raegan." Sabi ni Alexa. "Opisyal nang kalevel na nya sila mommy sa Grand Order."

Pakiramdam ko may nagbuhos ng malamig na tubig sa ulo ko. Lalong lumaki ang agwat namin ni Raegan. Kung ako ang lupa, sya ang langit...ay mali, sya yung outer space!

"The girl's now the youngest Familia member to reach such level." Sabi naman ni Daniel. "I wonder..."

"Don't even think about that." Saway ni Joanne. "Hindi ganoong klase ng tao si Raegan! Kahit buhay pa ang pamilya nya maaabot nya agad yan ng walang problema."

"Ano yun?" Naintriga ako sa pagdedepensa ni Joanne.

"Tara na." Nagaya na si Alexa kaya pumayag na sila't naglakad na palabas ng mansyon.

Hinila ko si Alexa. "Alexa, ano yung tungkol kay Raegan?"

Di sigurado si Alexa kung sasabihin nya sakin yung gusto kong malaman kaya itinapat ko sa mukha nya yung singsing.

"Ibabato ko to pag di mo sinabi!" Banta ko.

Alam kong mahalaga yung singsing kaya nanlaki ang mga mata nya.

"Badtrip ka, Gene!" Mahinang singhal nya para di marinig nung mga kasama namin. "May chismis dati na pinapatay ni Raegan yung pamilya nya para sya yung maging Heir!"

"Ano?!"

"Pero may bulong bulungan din na yung tiga suporta nya ang nagpapatay." Mahina parin ang boses ni Alexa. "Eitherway, alam naman natin na hindi ganung tao si Raegan."

Si Raegan na nga yung namatayan ng pamilya! Sya yung nawalan tapos magagawa pa nilang pagisipan sya ng masama?! Hindi ba nila alam na kinailangan pa ni Raegan pumunta ng psychologist para magpatulong sa depression nya?!

"Chismis lang yung, Gene." Bulong pa ni Alexa. "Alam naman natin na aksidente yun at hindi yun magagawa ni Raegan. Hayaan mo nalang."

Pinayungan kami ng mga maid at butlers sa paglalakad papunta sa isang villa na hindi naman kalayuan sa Zeus mansion. Tadtad ito ng design ng bulaklak at kalapati. Ang mga halaman at puno sa paligid nito ay puro pampaganda kaya parang ansarap picturan ng lugar.

"We're here to see the Adamms." Sabi ni Roland sa butler na sumalubong samin.

Pinatuloy naman kami ng butler at dinala sa bakuran kung saan may isang malaking pool na hugis puso. Sa tabi nito at nagpapaaraw ay sila Venus Adamms at mga kamaganak nya na mukhang nanggaling sa isang FHM magazine sa mga suot na swimsuits.

"Venus!" Tawag ni Alexa.

Nakita agad kami ni Venus at napasugod samin. Napalunok ako kasi tumatalbog talaga yung boobs nya, parang iluluwa na nung suot nyang pulang swimsuit yung malulusog nyang dibdib.

"Alexa! Joanne! " Una nyang niyakap si Alexa at sunod ay si Joanne. "What are you guys doing here?"

"Wala akong hug?" Reklamo ni Leah.

Inirapan lang sya ni Venus, "As if I'd do that!"

"Si Violet?" Tanong naman ni Daniel.

"Over there," Tinuro ni Venus yung isang babae na nakadapa at nagbababad sa araw.

Dumiretso dun si Leah at si Daniel.

Napailing nalang si Venus sa dalawa. "Those two, they never change. Oh, hey, Gene."

"Hi," Ngiti ko. Naaalala pa pala nya ako.

"We didn't know you guys are taking a swim." Sabi ni Alexa.

"Actually, the guys are swimming, us girls are sun bathing." Pagliliwanag ni Venus.

Napatingin ako sa swimming pool kung saan may ilang mga lalaki na nagsiswimming. Kaya pala puro babae yung mga nakahilata sa ilalim ng araw.

Nagpaabot si Venus ng bathrobe sa butler para hindi naman sya exposed habang nakikipagusap samin.

"Let's go inside." Sabi ni Venus.

Pumunta kami sa isang room kung saan may glass window na tanaw ang swimming pool. Napangiti ako nang makita ko si Leah at Daniel na may pinagaagawang bote sa tabi nung babaeng nakadapa. Siguro nagaaway kung sino magpapahid ng sunscreen kay Violet.

Dinalhan kami ng tea ng isang butler nila.

Nagkwentuhan lang sila. Di ako masyadong nakikisali.

"Oh my gods, is that--?!" Nanlaki yung mata ni Venus nung uminom ako ng tea.

"What?"

Tinuro nya yung kamay ko na nakahawak sa cup. Nakita nya pala yung singsing na bigay ni Raegan.

"Yep, Raegan gave it to her earlier." Casual na sabi ni Joanne.

"She's like her bride now." Sabi ni Alexa.

"They're both brides!" Tawa naman ni Roland.

"Wow, Gene, good for you!" Papuri ni Venus na mukhang hangang hanga nga sakin. "I remember you two a few months ago! Just friends back then."

"Actually, they are still friends right now." Pagliliwanag ni Alexa. "Raegan's courting her but she haven't answered her yet."

Nagulat naman sila Joanne, Roland at Venus sa nalaman.

"Really?" Sabi ni Venus. "I thought when you two walked in last night, you're together?"

"Oh, no." Umiling nalang ako. "We're not together yet."

"YET." Inulit ni Venus at saka tumawa. "Oh my gosh, you two are so perfect for each other!"

Me? Perfect for Raegan? Sure ba sya sa sinasabi nya o naaawa lang sya sakin?
There is no way am I perfect for Raegan Olympia Imperial-Luces!

Napansin ata ni Alexa yung reaksyon ko kasi naramdaman kong nasipa ako sa ilalim ng table. Tiningnan ko sya at pinanlakihan nya ako ng mata.

"She was planning to answer her but something came up." Ngiti ni Alexa.

"Oh? What was it?" Naintriga si Roland.

"Oh, you know, she got busy with her studies, tennis and work." Kibit balikat ko, hoping na hindi nila mapapansin yung pagaalinlangan ko. "I just didn't want to add 'girlfriend duties' to her already busy schedule."

"Ohh..that's just.." Napailing si Venus. "Raegan should be spending more time with you!"

"Baka naman may iba na?" Tanong naman ni Roland.

"Roland!" Saway ni Joanne. "Wag kang ganyan!"

"What? Just being honest." Sagot ni Roland. "Saka isa pa, baka lang naman diba? Noh Genesis?"

"Gene nalang." Ngiti ko. Gusto ko sila Raegan at mama lang ang tumatawag sakin sa buong pangalan ko. Iba kasi kapag sakanila galing eh.

"We all know Raegan's not that kind of person." Pagdedefend ni Alexa sa bestfriend nya. "She's strictly monogamous when it comes to her relationships."

Monogamous? Wow, minsan ko lang marinig yan.

"And even if she did find someone else, I'm sure Gene would notice." Dagdag ni Venus.

Never pumasok sa isip ko na hahanap ng iba si Raegan. Ganun kasi pagkakakilala ko sakanya eh. She's too loyal.

Nagkwentuhan pa kami and natahimik lang ng dumating na sila Leah at Daniel kasunod si Violet na nagsuot nadin ng bathrobe.

I've gotta say, sobrang ganda ni Violet! Blond din yung buhok nya katulad ni Venus at parehong blue ang mga mata nila. Pero somehow, mas maganda si Violet. Hindi ko mapagtanto kung saang banda pero basta, mas maganda si Violet para sakin kaysa kay Venus.

"Can I have some tea too?" Tanong ni Violet dun sa butler na nakatayo lang sa gilid. Lumapit sya sa table at si Daniel na ang humila ng chair para sakanya. Nagunahan pa sila ni Leah sa bakanteng upuan sa tabi ni Violet pero nanalo si Leah.

"Scones?" Alok ni Leah kay Violet at inilapit yung plato ng sugar scones sakanya. Nagsalin yung butler ng tea sa cup sa tapat ni Violet.

"Thanks." Matamis ang ngiti ni Violet na kumuha ng scone.

"So, Violet, how's the fashion industry working for you?" Panimula ni Joanne. "Got something new up your sleeves?"

"Yeah, Violet!" Dagdag pa ni Alexa. "I'm really interested to know about your new collection."

"Well, the fashion industry's still the same, but I've got this new idea of using silk as my main fabric on my next collection." Paliwanag ni Violet.

Sya siguro yung Violet na binanggit nila Raegan sakin dati na resident fashion designer ng Familia, yung nagayos ng walk in closet ni Raegan sa mansyon nila sa Taguig.

"But let's not talk about me, I'm interested on you, Ms. Beltran." Baling ni Violet sakin. "What did you do to get Raegan's attention?"

"Me?" Napaturo ako sa sarili ko. "I didn't do anything." Umiling iling ako, wala naman talaga kasi akong ginagawa para pansinin ako ni Raegan. Tinarayan ko pa nga sya dati nung una kaming magkita, pano ba naman, inasar yung height ko! Maliit daw ako eh higante yung height nya!

"Really?" Di naniwala si Violet. "How did you met her then?"

"I met her in a psychology clinic last April." Simpleng sagot ko.

"Really? What's Raegan doing in a clinic like that? What are you doing there?"

"I..We own the clinic." Napalunok naman ako, feeling ko nasa hotseat ako ngayon! "My mom's a psychologist.. Raegan was experiencing depression back then for the loss of her family and I was in the clinic working part time for the summer."

"Raegan had depression?" Singit ni Venus.

"Yes."

Si Alexa, Joanne at Leah lang ang hindi nagulat sa sinabi ko. Siguro alam nila yung pinagdaanan ni Raegan dati pagkatapos mamatay ng pamilya nya.

"Okay," Tumango si Violet. "Wasn't expecting that from her. I thought she'd be stronger..."

"She's not exactly perfect you know." Sabi ni Venus. "Raegan's got to have something wrong with her too."

Kung alam lang nila ang psychological problem ni Raegan. Hindi lang clinical depression ang nagkaroon sya kung hindi meron din syang split personality!

"Oh well, she's still cute." Sabi ni Violet at humigop sa tea nya. "You're one lucky girl, Ms. Beltran. I never got her attention."

"C-call me Gene." Nauutal kong sabi. Nagkagusto si Violet kay Raegan?

Biglang tumunog yung cellphone ni Alexa kaya inexcuse nya muna yung sarili nya para sagutin yung tawag. Pakiramdam ko talaga ginigisa nila ako sa hot seat lalo na nung napansin ni Violet yung singsing.

"She actually gave it away.." Natutuwang umiling si Violet. "I dreamed of having that ring on my finger some time ago, but hey, congratulations, Gene."

Pakiramdam ko tuloy nagpropose si Raegan at fiance ko na sya ngayon. Yung mga papuri nila parang ikakasal na kami eh!

"Raegan called," Anunsyo ni Alexa pagkabalik nya sa upuan nya. "She's inviting the heirs over for lunch."

"Ooh! I should get ready!" Napatalon si Violet sa upuan nya. "See you guys later."

Tinapik nya ako sa balikat bago umalis.

"I have this weird feeling she's gonna overdo it for Raegan." Napailing si Venus. "She always try to look her best for that girl."

"Violet likes Raegan?" Kinakabahan ako pero gusto ko malaman.

"Ever since Raegan went out of the closet." Sagot ni Roland sabay higop ng tea.

"But don't worry," Pagaassure naman sakin ni Joanne. "Raegan wouldn't notice her if she has her eyes on you."

Napangiti nalang ako. At least yun alam ko. Raegan's loyal, di yun titingin sa iba kahit pa kasing ganda ni Violet...O baka naman gusto ko lang iassure ang sarili ko dahil alam kong wala akong laban sakanya?

Nagsitayuan narin kami para magsibalik sa mga tinutuluyan namin. Sabi nila magpapalit muna sila ng damit for lunch kasi ayaw daw nilang magmukhang ewan sa tapat ng tigapagmana. Hinatid na ako ni Alexa, Leah at Daniel sa Zeus mansion, sila Joanne at Roland kasi nauna nang umalis.

"Gene? Pupunta ba kayo ni Raegan sa party mamaya?" Tanong ni Alexa nang makarating na kami sa tapat ng Zeus mansion.

"Hindi pa ako sigurado eh. Si Raegan kasi magdedecide."

"Well, tanungin mo sya mamaya," Sabi ni Daniel. "Kasi kung ayaw nya at gusto mo naman, pwede kang sumama sakin."

"Ako?" Nagulat naman ako kay Daniel.

"Yeah, ikaw." Parang nahihiya sya't ibinulsa ang mga kamay. "Kung gusto mo lang naman."

"Ay nako, Dan." Napailing si Leah at tinapik tapik sa balikat si Daniel. "Maghanap ka ng ibang pagtritripan pwede? Yung hindi kilala si Raegan. Alam mong talo tayo sa babaeng yun eh."

"Mahirap maghanap ng hindi nakakakilala sakanya." Tawa ni Daniel. "Sige na Gene, mauna na kami. We'll see you again later."

"Sige, salamat sa paghatid." Nagpaalam na sila Leah at Daniel. Nagkukulitan pa yung dalawa sa paglalakad. Hinarap naman ako ni Alexa.

"Alam naming lahat na hindi mahilig sa mga party si Raegan. Nasesense na naming naginvite sya for lunch kasi di sya magpapakita sa Masquerade mamayang gabi." Sabi ni Alexa. "Kung ibang lalaki ang naginvite sayo baka iba sabihin ko pero mabait si Dan, I'm sure he's just being friendly."

"You're saying?" Medyo nalilito ako kay Alexa.

Pinagbuksan na kami ng pintuan nung isang butler na kanina pa nakabantay samin. Pumasok na kami sa loob ni Alexa.

"Gusto kong sumama ka kay Dan sa party mamaya if ever ayaw pumunta ni Raegan." Nagkibit balikat lang si Alexa. "I'm sure walang problema kay Raegan basta magpapaalam ka."

"Ano bang meron sa party na yun?"

"Sinabi na sayo ni Raegan lahat diba?" Paninigurado ni Alexa.

"Oo."

"Well, since you're not running away yet, which I perfectly understand..Ayaw kasi maniwala nung babaeng yun na hindi mo sya iiwan..Lubos lubosin na natin, the party's where you will see how awesome it is to be a Familia member."

Dumiretso kami sa sitting room kung saan nadatnan namin si Raegan na nakikipagusap parin sa Van der Waals brothers. May mga hawak hawak silang baso ng brandy ata yun kaya napakunot ang noo ko.

"Don't worry Dame Beltran, Raegan refuzed to drink with uz. That iz ized tea in her glazz." Paliwanag nung maskuladong si Vulcan.

Natawa naman si Gustave at talagang tinapik pa sa balikat si Raegan. "Now I know how yeh are with yer girlz."

"You know I have low alcohol tolerance." Ngiti ni Raegan at hinapit ako sa bewang. "Genesis has nothing to do with my decision not to drink."

Napangiti naman ako kasi naalala ko nanaman yung minsang malasing sya. Buti naman at natuto na sya!

"Ahh, lady Geneziz yeh arre one lucky girrl." Ngiti ni Gustave sakin.

"Thank you," Nagbow ako sakanya kasi...ewan...parang yun yung tamang gawin eh.

"Say, Lords Gustave and Vulcan, can you excuse me for a while? I need to talk to them." Sabi ni Raegan.

"Sicher. Go ahead, we'll juzt talk about your zuggeztionz." Sabi ni Vulcan.

Nagbow si Raegan sakanila at saka kami dinala sa kabilang kwarto.

"Kamusta?" Tanong nya pagkasara ng pinto.

"Ayos lang." Kibit balikat ni Alexa. "Kayo? Kamusta yung design?"

"Sumasakit yung ulo ko sakanila kasi ang kapal ng accent nila." Tumawa si Raegan. "Pero sanay na ako. Mas madali nga silang makausap kapag personal kesa sa telepono na parang ewan.."

Napangiti ako. Maayos na ata si Raegan, nawala na sa isip nya yung mga nangyari kagabi.

"Eto na yung card mo, di naman namin nagamit." Inabot na ni Alexa yung credit card ni Raegan. "Bakit kasi hindi ka pa magopen ng account para kay Gene?"

"Di rin nya gagamitin yun," Sagot ni Raegan at tinago na sa wallet nya yung card.

"Buti alam mo."

Kinindatan lang ako ni Raegan.

"Sige na, get ready for lunch. May darating tayong bisita." Sabi nya sakin.

"Anong susuotin ko?" Tanong ko.

"Akong bahala sayo." Sagot naman ni Alexa. "Dala mo naman yung mga binili natin diba?"

"Oo.."

"Good. I'll help you."

"Okay, sige na. I'll just entertain the Van der Waals." Sabi ni Raegan.

"Raegan wait!" Pinigilan sya ni Alexa. "Pupunta ka ba sa masquerade ball?"

"Ha? Hindi..Ayoko nun eh." Umiling si Raegan.

"Inaya kasi ni Dan si Genesis in case na ayaw mong pumunta."

Napatingin sakin si Raegan. Yung itsura nya hindi ko malaman kung ano. Parang gulat na di makapaniwalang may nagaya sakin sa isang Familia party.

"Gusto mo ba pumunta?"

"Pag wala ka, ayoko." Umiling ako. Totoo naman eh. Wala akong balak pumunta sa isang party na punong puno ng mga mayayamang tao hangga't wala sya sa tabi ko.

Ngumiti si Raegan. "Sige na, magready na kayo ni Alexa."

"Raegan?" Pahabol pa ni Alexa. "Please don't let Rae out."

"Of course."

Umalis na si Raegan at pumunta na kami ni Alexa sa kwarto ko. Pinaligo nya ulit ako't kinalkal nya yung bag ko para sa damit na susuotin ko. Sumunod nalang ako sakanya, alam naman nya yung ginagawa nya eh.




------------------------------------------------------



"Oh my gods, Gene! You look good!" Papuri ni Joanne.

"Thanks. You look good too."

Nagsisidatingan na ang mga bisita ni Raegan para sa lunch party nila. Sabi ni Alexa ako daw ang 'bride' ni Raegan kaya dapat andun ako. Naghahanda pa si Raegan kaya kami ni Alexa ang sumasalubong sa mga bisita...well, sya lang talaga kasi mukha akong ewan na ngingiti lang sakanila.

Sobrang kaba ko kasi ang gaganda't ang gagwapo ng mga heirs kahit na semi-formal lang ang mga suot nila. Napansin ko lang na ang babata pa nila. Ang pinakamatanda ata ay sila Mam Perez, Joanne, Roland, Venus at yung mga Van der Waals na hindi ako sure sa age pero feel ko lahat sila'y around 30 lang, more or less. Ang pinakabata ata sa lahat ng pinakilala sakin ni Alexa ay yung si Patricia na tiga Artemis house.

Lahat ng bisita ay pinapadiretso ni Alexa sa sitting room kung saan binibigyan sila ng inumin at hinahayaang magusap usap.

40 na lahat ng tao dun at parang may hinihintay pang iba. Bakit ang dami?

Tinitingnan ko sila Mam Perez, Venus at Joanne na naguusap sa di kalayuan nang maramdaman ko ang kamay ni Alexa sa braso ko.

"Bakit? Ano yun?" Nagalala naman ako kasi namutla si Alexa bigla. Tumingin ako sa direksyon na tinititigan nya at medyo napanganga.

Isang lalaking bagong dating ang naglalakad papunta saamin. Gwapo sya, matangkad at maskulado, parang basketball player ang pangangatawan. Medyo hawig nya si Jericho Rosales mas maputi lang sya. Hindi ko alam pero parang nakita ko na sya dati, pamilyar eh.

"Hi, Alexandrea." Bati nya kay Alexa, yung ngiti nya sobrang tamis na para bang tuwang tuwa sya na makita si Alexa.

"Percival Altamirano." Matalim ang tingin ni Alexa sakanya.

Percival Altamirano? Eh di sya yung fiance nya?!

"Please, call me Percy." Sagot ni Percival, parang sarkastiko yung tono ng boses. "Masyadong mahaba ang Percival."

"Then don't call me Alexandrea." Bawi ni Alexa. "Alexa nalang."

Nawala na yung mga ngiti nila at para silang magpapatayan dalawa sa mga tingin na binibigay nila sa isa't isa. Nakakatakot yung aura nila pareho, parang galit na galit sa isa't isa eh.

Percy...

Parang familiar yung name nya.

Percy...

Familiar din yung face nya.

Percy...

San ko ba sya nakita dati?

"Teka, kilala kita!" Sabi ko.

Sabay silang napatingin sakin.

"Diba ikaw yung Percy na kadate ni Rhea dati?"

"Kilala mo si Rhea?" Tanong ni Percy.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Alexa.

"Oo, tama! Ikaw nga yung pinakilala nya sakin sa mall dati!" Para naman akong ewan nang marealize kong sya nga yung kasama ni Rhea dati nung magkasalubong kami habang bumibili ako ng popcorn.

"Teka, ano?" Naguguluhan si Alexa sa nangyayari.

"Ikaw ba yun?" Di naman makapaniwala si Percy. "Yung bestfriend ni Rhea?"

"Teka lang, anong meron, yung Rhea ba na sinasabi nyo ay yung mangaagaw na kaibigan mo, Gene?" Tanong ni Alexa.

"Anong mangaagaw?" Singhal ni Percy kay Alexa. "Di mangaagaw si Rhea!"

"Teka lang, kayo parin?"

"Oo naman!"

"Ano?"

Naguguluhan na kaming tatlo sa nangyayari.
Si Percival na fiance ni Alexa ay yung Percy na boyfriend ni Rhea?!

Bigla kaming natigilan kasi biglang nagpalakpakan yung mga tao kaya napatingin kami sakanila.

Oh.

My.

Gulay.

SI RAEGAN! Nakadress si Raegan! At ang ganda ganda nya!

Ngumiti si Raegan and I swear nagliwanag yung buong paligid! Nagsilapitan sakanya yung mga bisita.

"Oy," Isinara ni Alexa yung bibig ko.

"Lunch is ready," Anunsyo ni Albert the butler.

Nagpuntahan na sa dining room yung mga bisita. Hinila na ako ni Alexa papalayo kay Percy.
Pagdating namin sa dining room, yung simpleng table na kinainan namin kaninang umaga, napalitan na ng isang napakahabang table. Nagsiupuan na dun yung mga tao. Tatabi sana ako kay Alexa pero may humawak sa kamay ko, pagtingin ko kung sino parang tumigil saglit yung puso ko.

"Ayaw mo ba akong tabihan?"

Jusko, yung kumikinang nyang brown na mata talaga parang tinunaw na tsokolate. Iba yung ngiti ni Raegan sakin ngayon. Hindi ko malaman kung paano yun pero ang sure ako, sobrang ganda nya sa malapitan. Iba pala ang itsura nya kapag nagdamit syang pambabae, naglagay ng onting makeup at nagsuot ng alahas.

"Tara?"

Inakay nya na ako sa unahan ng table, sa kanan ng kabisera nya ako pinaupo.

Nang makaayos na ang lahat si Raegan nalang ang nanatiling nakatayo.

"Thank you for coming today," Anunsyo nya. "It is my great pleasure to have all of you here in our home."

Tumingin sya sakin at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pero ngumiti nalang ako pabalik.

"I'd like to say sorry for being absent this past few months, I admit I took my family's death quite badly, but here I am now, ready to face the Familia."

Nagsisitanguan at ngitian yung mga heirs. Natahimik saglit si Raegan habang tinitingnan nya isa isa ang mga mukha ng bisita nya. Napangiti sya't kinuha yung glass nya na may lamang champagne.

"Just to make things clear, I did not leave the Order of the Jacks for the Grand Order."

"But the ring?" Turo nung isang lalaki sa bandang gitna ng table. Sya ata yung pinakilala sakin ni Alexa na member ng Demeter house. "You're wearing the ring of Zeus. Does that mean you're officially the leader of the Zeus House now?"

Napabuntong hininga si Raegan. "Yes. I am the leader now, but that doesn't mean I've changed." Tumingin sya sakin at sinabi, "I'm still the same Raegan that you came to know."

Sapul. Right through the heart.

"But anyways, I'm here to celebrate my return with you all." Itinaas nya yung champagne glass nya. "To the family. May the gods bless us."

Nagcheers kami at sinimulan nang ihain ang tanghailan.

"So, Raegan, tell us about your bride." Sabi ni Percy na hindi nalalayo ang upuan samin. "I can see the ring of Hera on her finger. You've given it away already?"

"Yes, Percival, I gave her the ring." Sagot ni Raegan. "How about you? Talked to your father about the engagement yet?"

Hindi ata inaasahan ni Percival yung pagbalik sakanya ng tanong kasi naubo sya.

"Yes. He wouldn't break it off."

"Who're you engaged to?" Tanong naman ni Mam Perez na malapit lang din samin ang kinauupuan.

"Alexandrea Zhukov of Athena House." Naiiritang sagot ni Percy. Obvious na ayaw din nya ng engagement nila.

Tiningnan ko si Alexa sa bandang gitna ng table, busy sa pakikipagusap kina Leah.

"Oh, Alexa.." Napatango si Mam Perez, nawalan ng sasabihin.

Nagkwentuhan pa sila at maya maya'y tapos na din kaming kumain. May biglang tumugtog sa kabilang kwarto kaya nagsitayuan na ang mga bisita at dumiretso doon.

Hinawakan ni Raegan ang kamay ko. "Wag kang lalayo sakin."

Yung pinanggagalingan pala ng tugtugin ay isang ballroom. May mga table sa gilid pero malawak ang espasyo sa gitna para sa kung sino mang gustong sumayaw kasabay ng tugtugin ng string quartet sa isang sulok.

Nagkayayaan na ang mga tao't pumunta sa gitna para sumayaw. Hinila narin ako ni Raegan doon kaya wala akong magawa kundi ang humawak sa leeg nya habang sya'y sa bewang ko.

"Ang ganda mo ngayon," Ngiti ni Raegan.

"Sa-salamat." Nautal pa ako kasi ang intense ng titig nya sakin. Para akong matutunaw sa tingin nya!

"Nageenjoy ka ba?" Tanong nya habang iginigiya ako kasabay ng awit.

"Medyo.."

"Ayaw mo ba?"

"Hindi lang ako sanay. Saka andami kong hindi kilala."

Napansin ko si Roland at Joanne na sumasayaw sa malapit. Napatingin pa ako sa ibang mga sumasayaw at narealize na kami lang bukod tangi ni Raegan ang magpartner na parehong babae. Nailang nanaman ako. Ang weird siguro namin tingnan? Parehong nakadress?

"Tingin ka sakin Genesis."

Tumingin naman ako ulit sakanya at nagpakalunod sa brown nyang mata.

"Wag mo silang papansinin."

"Bakit mo binigay yung singsing?"

Hindi nya ata inaasahan na itatanong ko yun kasi napakunot ang noo nya.

"Because I want you to have it."

"Raegan, hindi naman tayo eh."

Hanep na yan, Genesis! BAKIT MO SINABI YUN?!
Halata sa mukha ni Raegan ang sakit sa sinabi ko.

"Sorry, I didn't mean to...Nabigla lang ako."

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ayoko, pero kasi, sobrang big deal nya eh.." Napailing nalang ako. "Raegan, sa mommy mo tong singsing na 'to tapos binibigay mo agad sakin samantalang hindi pa tayo?"

Wala syang masabi kaya nagpatuloy lang ako.

"Kanina pa nila pinapansin yung singsing sa kamay ko and everytime they do, halatang halata sa mukha nila na gulat silang ibinigay mo sakin 'to."

"Hindi ko naman gustong--"

"Raegan they look at me like I don't deserve the ring."

Napatigil kami sa pagsasayaw. Nakatayo nalang kami dun sa gitna.

"Genesis, I gave you the ring prematurely kasi ayokong isipin nila na nagsasama ako ng outsider dito sa Familia." Napapikit si Raegan at nang buksan nya ang mga mata nya, halatang nasasaktan sya. "Gusto kong iacknowledge ka nila bilang mahal ko kasi alam kong huhusgahan ka nila."

Napaatras ako. Eh di alam nya din na walang wala ako kumpara sakanya? Alam nya din na masama ang tingin sakin ni Leila Garcia at ni Christina Zhukov? So naiisip nya din yun lahat? Akala ko all this time hindi nya alam ang mga tingin ng tao sakin, na wala akong kwenta kumpara sakanya at hindi ko deserve si Raegan.

"I gave you the ring because I want them to know na kapag ginawan ka nila ng masama, ako ang makakalaban nila."

Tinanggal ko yung singsing at inabot sakanya.

"Eto na, ayoko nyan."

Umiling sya at hindi tinanggap yung singsing. Itinulak lang yung kamay ko. "Sayo na yan."

Natapos yung kanta na nakatayo lang kami dun at magkatitigan.

"Hi Raegan!"

Dumating sa tabi namin si Violet at ang ganda ganda nya sa pink and violet dress nya. Ang taas din ng heels nya kaya halos magkaheight na sila ni Raegan.

"Let's dance?" Aya nya kay Raegan.

"Gene!" Bigla namang sumulpot sa tabi ko si Daniel. "Sayaw tayo?"

Magkatitigan lang kami ni Raegan hanggang sa hilahin na sya ni Violet at ako nama'y hinawakan na ni Daniel.

"Nagaway ba kayo?" Tanong ni Daniel na nililead na ako sa sayaw. Sinuot ko nalang ulit yung singsing kasi wala naman akong bulsa o kahit anong pwedeng paglagyan nun.

Umiling ako. "Hindi. Naguusap lang kami."

"Eh ba't maiiyak ka na?"

"Naiiyak ba ako?" Sandali akong bumitaw sakanya para punasan yung mata ko.

Kumuha sya ng panyo at inabot yun sakin. "Wag kang iiyak, please. Ayoko ng umiiyak na babae, nanghihina ako."

Natawa naman ako dun. "Ba't ka nanghihina?"

"Naaalala ko yung iyak ni mommy nung namatay sa sakit sa puso yung bunso naming kapatid."

"Hala! Sorry!"

"Ayos lang. Wag ka nang iiyak ahh." Ngumiti si Daniel.

"Salamat Daniel..."

"Dan nalang." Ngiti nya. "O kaya Danny kung trip mo."

"Dan...Danny" Tinry ko. "Dan nalang siguro."

"So, anong pinaguusapan nyo ni Raegan?"

"Yung singsing.." Napayuko naman ako kasi nahihiya akong tingnan sya.

"Wag kang mahiya." Inangat nya yung mukha ko dahilan para magtama yung tingin namin. "Anong meron sa singsing mo? Di ka ba kumportable jan? Maluwag? Masikip? Pwede naman ipaadjust yan eh. May kakilala ako sa---"

"Hindi yun.."

"Ano?"

"Eh kasi.." Napaiwas naman ako ng tingin. Masyadong nakakadistract yung tingin nya, not to mention ang gwapo gwapo pa nya.

"Naiilang ka ba? Sorry ahh."

"Sorry din."

Hindi na sya nagtanong pa tungkol sa singsing kasi naramdaman na ata nyang ayoko yung pagusapan.
Natapos na yung kanta kaya hinatid na ako ni Daniel sa isang table. Nagpakuha pa sya ng champagne para saming dalawa, para daw may iniinom kami habang nagkwekwentuhan.

"Oo nga pala, pupunta ba kayo ni Raegan sa masquerade ball mamaya?" Tanong nya.

"Ayaw nya eh."

"Eh ikaw? Gusto mo bang pumunta?"

Napatingin lang ako sakanya at halatang gusto nyang sumama ako.

"Masquerade ball naman yun eh. May maskara, nakatago yung mukha mo." Sabi ni Dan. "Hindi ka nila makikilala."

"Di ako sigurado."

"Sige na please? Wala kasi akong date eh. Nakakahiya naman pumunta magisa."

"Si Violet?"

"Isasama sya ni Francis, yung tiga Dionysus House."

"Si Leah?"

Natawa si Dan. "May kadate nadin sya, si Cedric, saka isa pa, baka magaway lang kami magdamag."

"Close kayo ni Leah?" Tanong ko para mailayo sa topic ng date ang usapan namin.

"Yeah. Magkakapit bahay kasi kami dito kaya every summer magkalaro kami." Kibit balikat nya. "So, ano na? Sama ka?"

"Wala akong damit eh." Palusot ko. "Wala din akong mask."

"Madali lang yan, anjan naman si Violet eh. Tuwang tuwa yun kapag may nagpapatulong sakanya tungkol sa damit." Sagot ni Dan. "Ano, game ka?"

Napatingin ako kay Raegan sa gitna ng dancefloor. Kasayaw parin nya si Violet. Habang pinapanuod ko sila, laking gulat ko naman nang halikan sya ni Violet sa labi! Inantay kong itulak sya ni Raegan pero wala, nagpahalik lang sya! At ngiting ngiti pa ang loko!

"Sige, sama na ako. Pero pwedeng sa iba nalang magpatulong?"

"Pwedeng kay Venus, Joanne o Alexa.. Pili ka lang. Ako na kakausap sakanila."

"Kay Joanne." Sagot ko habang nakatingin parin kina Violet at Raegan na patuloy sa pagsasayaw.

Hindi ako pwedeng magpatulong kay Alexa kasi masyado syang matanong, malalaman nya agad na nagaway kami ni Raegan. Si Venus naman kapatid si Violet, di rin pwede, kaya si Joanne nalang. Tutal mabait din naman sya sakin.

"Ayos! Thanks Gene!"

Ngumiti ako kay Dan, "Salamat din."

Thanks for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

PS. Thank you google translate for helping me with the German words. Kung may marunong jan ng German at may mali ako, pakimessage nalang, I'll appreciate the correction.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon