Chapter 29

102K 1.5K 61
                                    

"Genesis! Gising na!"

Sinubukan kong tumalikod at magtalukbong pa ng kumot kasi inaantok pa ako pero hinila din yun ni Raegan pababa.

"Inaantok pa ako.."

"Sige na, kumain ka na ng breakfast at dun ka na sa kotse matulog ulit. Gawin mo pa akong unan kung gusto mo." Sagot ni Raegan, "Bilis na, magagalit si Alexa sayo nyan eh. Kanina pa sya gising."

"Si Alexa yun eh!"

"Gene?!" Narinig namin yung tawag ni Alexa mula sa ibaba. Napaupo na tuloy ako.

"Tingnan mo, tatayo ka din pala." Natatawa si Raegan sakin.

Ayaw na kasi namin makitang galit si Alexa. Ever since the fixed marriage announcement naging grumpy na sya at maiksi ang pasensya. Nung minsan nalate kami ni Raegan sa restaurant for dinner, she remained silent all throught the night. When we tried to start a conversation sasagot sya sa isang napakasungit na manner mas gugustuhin mo nalang na manahimik.

"Sumunod ka na dun sa baba, si Alexa nagluto ng breakfast." Sabi ni Raegan at hinila na ako sa kama.

"Sige.." Kinusot ko na yung mata ko at sumunod sakanya palabas ng kwarto ko.

Umalis na si Raegan sa direksyon ng stairs at ako nama'y sa CR.

"Genesis?"

"Hmm?"

Lumapit si Raegan sakin at humalik sa pisngi ko, "Good morning."

"Dami mong alam!" Napahampas ako sa braso nya at tumalikod na papuntang CR.

Pagharap ko sa salamin namumula yung pisngi ko. Si Raegan talaga! Pero napangiti ako kasi ang sweet nya lang.

Pagbaba ko sa kitchen nakangiti si Alexa at suot suot yung green apron nya na may nakadrawing na owl.

"Goodmorning Gene!" Bati nya.

"Goodmorning Alexa." Ngiti ko, sana magpatuloy ang good mood nya kundi patay kami ni Raegan.

"Kumain ka na't pinababa ko na kay Raegan yung mga gamit natin." Sabi ni Alexa at naglagay ng bacon sa plato ko.

Nagsalin ako ng gatas sa baso ko. Di ko trip magcoffee ngayon, gusto ko pang matulog ulit sa biyahe. Saka ayokong palampasin yung opportunity na maging unan si Raegan!

Naupo na rin si Alexa sa tabi ko.

"Andaya!" Biglang dating ni Raegan mula sa labas, "Di nyo man lang ako hinintay?"

"Hinihintay ka kaya namin!" Pagsisinungaling ko.

"Daw." Bulong ni Alexa at natawa nalang ako sakanya. Kakain na dapat kasi kami nang dumating si Amazona.

"Ayos!" Naupo na rin si Raegan sa table.

Hinintay nila akong matapos magdasal at saka kami sabay sabay na kumain. Pati si Azula na nasa tabi ng binti ni Raegan ay hindi nagsimulang kumain hangga't hindi sumusubo ang amo.

After kumain ay kinuha ko na yung backpack ko at sabay sabay na kaming umalis ng condo. Napabalik lang si Raegan kasi nalimutan nya isuot kay Azula yung dog collar nito.

"Dalawang oras." Sabi ni Alexa, "Dalawang oras at andun na rin tayo sa Tagaytay."

"Matutulog lang ako." Sabi ko naman.

"Unan nya ako." Sagot naman ni Raegan at inakbayan ako.

"Sana nagsama ako ng iba." Napaisip naman si Alexa, "Para meron din akong kasakasama habang naglalandian kayong dalawa."

Palagi nyang sinasabi na naglalandian kami ni Raegan samantalang ganito naman na kami dati palang. Except may mga kahulugan na kasi yung kilos ni Raegan, dati bago sya umamin sakin I found it more of a friendly notion.

"Sana tinawagan mo si--" Pero hindi natuloy si Raegan kasi narealize nya na mababadtrip lang si Alexa kapag pinaalala si Percival o si Marcus.

"Si Venus?" Tuloy nalang ni Alexa na hindi nahalata yung saglit na kaba namin ni Raegan, "Busy sya dun sa boyfriend nya eh. Si Skyler naman may alumni homecoming daw sa dati nyang school."

"Si Leah o si Lucas?"

"Busy si Leah sa pagpreprepare ng birthday party ni Lucy. Si Lucas ayoko munang kausapin."

"Bakit ayaw mo kay Lucas?"

"Kasi katropa nya si Percival diba?!"

Ayun, nagkamali si Raegan at nakatapak ng landmine. Aasahan ko na ang pagsabog ng kasungitan ni Alexa from this hour onwards.

Pinagbuksan ako ni Raegan ng pintuan sa silver Pick Up truck ng kuya Alex nya.

"Si Violet nga pala tinawagan ako last night." Biglang sabi ni Alexa. Mukhang mali ako ng akala na nabadtrip na sya kasi mukhang normal pa ang attitude nya.

"Anong sabi?" Sagot ni Raegan na umayos ng upo kasi naramdaman nya atang nakaligtas kami dun sa pagkakamali nya kanina lang.

"Ayun, tinatanong kung gusto ko nang palitan yung closet ko. Namimiss nya na daw ako."

Kaming tatlo sa backseat ng kotse, si Alexa sa kaliwa ko at si Raegan sa kanan ko. Si Manong Elmer naman ayos na sa driver's seat at si Azula ang nakapwesto sa front seat. Ayaw kasi ni Raegan na ilagay si Azula sa trunk bed kaya dun nalang daw sa unahan.

"Sino si Violet?" Tanong ko para makasali sa conversation nila.

"Yung fashion designer na kapatid ni Venus." Sagot ni Alexa.

"Sya yung umayos ng walk in closet ko sa bahay." Dagdag ni Raegan.

Naalala ko nanaman yung walk in closet ni Raegan sa mansyon nila. Color coded lahat at sobrang ayos. Parang may OCD nga lang nga yung nagset up nun kasi sobrang organized.

"She fixes our closets for us kasi sya yung resident fashion designer ng Familia." Kwento ni Alexa.

"Gusto nya kasi fashionable at presentable kaming lahat sa Familia." Dagdag ni Raegan na umakbay na sakin nang makalabas ng parking yung kotse.

Sumandal ako kay Raegan at napahikab.

"Tulog ka muna, mahaba pa byahe natin." Sabi ni Raegan at humalik sa ulo ko.

"Please, reserve the couple thingy until we get there." Reklamo ni Alexa na umayos ng upo, "Madami kayong time when we get there."

Nilabas ni Raegan yung cellphone nya at nagtype ng message. Hindi ko na binasa kung ano yun kasi pumikit na ako't natulog.





--------------------------------------------------------





"Gene?"

"Genesis?"

Di ko pinansin yung mga tawag sakin kasi inaantok pa talaga ako't gusto ko pa matulog.

"Genesis?"

"Hayaan mo nalang kaya muna? Ang aga rin kasi nating ginising yan eh."

"Eh ikaw lang naman ang may gusto na maaga tayo."

"Atleast andito na tayo agad diba? Nakaiwas ng traffic?!"

"Yeah right. Whatever, buhatin ko nalang sya papasok?"

"Baka magising?"

"Eh ano ba talaga gusto mo? Gising o tulog?"

"Kung san sya komptortable!"

"Eh di bubuhatin ko na sya."

"Sige na nga!"

Naramdaman kong may malalakas na brasong bumuhat sakin. Iminulat ko ng onti ang mga mata ko para lang makita si Raegan.

"Nagising ba kita?" Bulong nya sakin.

"Di naman."

"Inaantok ka pa?"

Tumango tango ako. Pinuyat din naman kasi ako ni Rae kagabi. Nageempake kami ni Raegan noon nang biglang lumabas si Rae at kinulit ako na maglaro kami ng Nintendo Wii. Gustong gusto nya yung tennis game dun at palagi akong talo sakanya. She possesses Raegan's tennis reflexes.

"Tulog ka na muna, ako nang bahala sayo."

Ngumiti nalang ako't pumikit ulit. Inihilig ko ang ulo sa dibdib ni Raegan.

Maya maya pa'y naramdaman ko na inihiga ako ni Raegan sa isang malambot na surface. Siguro higaan o malambot na sofa. Kung ano man iyon, ramdam ko na napapalibutan ako ng unan. Kinumutan ako ni Raegan bago nya hinimas himas yung pisngi ko.

"Sleep well." At naramdaman kong humalik sya sa pisngi ko.

Napangiti nalang ako't nakatulog na ulit.




-----------------------------------------------------





"Oh, Genesis! Sa wakas nagising ka narin!" Bati ni Alexa sakin nang lumabas ako ng kwarto papunta sa sala ata yun.

"Anong oras na?" Tanong ko't hinimas himas yung braso ko kasi lumalabas yung goosebumps ko sa lamig.

"Ten." Sagot ni Raegan mula sa likod ko, "Sarap ng tulog mo ahh." At niyakap nya ako. She feels so warm.

"Salamat sa pagbuhat."

"Salamat sa pagintindi sakin kagabi." Ngiti ni Raegan.

"Si Rae naman yun eh.."

Napakamot ng ulo si Raegan, "She's still me...Well, a part of me..But me."

"Bakit, anong meron kagabi?" Tanong ni Alexa at pinaupo ako sa sofa katabi nya.

"Lumabas si Rae nung nageempake kami ni Raegan kagabi. Ayun, kinulit ako tapos naglaro kami ng tennis sa Wii." Kwento ko.

"Tell me you beat her." Sabi naman ni Alexa.

Umiling ako at naglabas ng buntong hininga si Alexa, "Isa lang! Kahit isang talo lang?"

"Nope."

Tumawa si Raegan, "Its not even valid if Rae lost. Si Rae yun eh, not me."

"But she's still part of you." Bawi ni Alexa na ibinabalik yung sinabi ni Raegan sakin kanina, "Part of you, so yeah, still you."

"Panalo pa rin." Pagmamalaki ni Raegan.

"Yeah right whatever."

"Bakit, wala pa bang nakakatalo kay Raegan sa tennis?" Tanong ko.

"Well, she lost a few games nung nagtry sya for the Junior Australian Open. But other than that, wala pa." Sagot ni Alexa, "And I can't wait to watch her get beaten again."

"Pero ang tagal na nun ahh!"

"Oo nga." Sagot ulit ni Alexa, "Kaya nga gusto ko na syang makitang matalo ulit."

"Anyways, Genesis, you're cold. Use this." Hinubad ni Raegan yung Gryffindor jacket nya at inabot yun sakin.

"I'm a Ravenclaw but yeah, thanks." Ngiti ko at tinanggap nalang yung maroon jacket. Medyo maluwag kasi mas malaki si Raegan sakin pero komportable naman. Napangiti pa ako kasi amoy na amoy Raegan.

"Really? Ravenclaw? I'm a Slytherin." Parang natuwa naman si Alexa sa nalaman tungkol sakin. Another Potterhead here!

"Ravenclaw's better than Slytherin. At least they're the brightest." Singit ni Raegan na inaasar si Alexa.

"Slytherin beats Gryffindor." Alexa rolled her eyes, "Dumbledore's obvious favoritism in the first book cost us our House Cup winning streak."

"Yeah right whatever, your house is the home of Voldemort and his faithful Death Eaters. If that's not enough to say that Slytherin's a crappy house, go tell Rowling she stinks." Sagot ni Raegan.

"Excuse me! Snape's a Slytherin!" Pagdedepensa ni Alexa, "Saka hindi ba Gryffindor si Peter Pettigrew? He betrayed the Marauders and basically handed Harry and his parents over to Voldemort! And yeah, we don't stink!"

"Says the witch who's common room is in the dungeons."

"Okay, okay..." Pumagitna na ulit ako kasi mukhang may balak sila magdebate buong araw tungkol sa Harry Potter, "Every house has their own ups and downs, and that makes Hogwarts a lovely place for British Witch and Wizards. Gusto ko pa sana pagusapan yan pero nauuhaw ako. San yung kitchen?"

Tumayo si Raegan, "Anong gusto mo?"

"Ako na, san ba?"

"You know what, why don't you stay there and I'll grab us all some hot choco, that good?"

"With marshmallows please." Tungo ni Alexa.

"Sige." Sagot ko nalang.

"Good, be back in a minute." At umalis na si Raegan leaving me with Alexa in the sala.

"Tara, I'll show you something." Tumayo si Alexa't hinila ako papunta sa likuran ng sofa. Hinawi nya yung white curtains at binuksan yung sliding glass doors to reveal a terrace kung saan merong napakagandang view ng Taal volcano.

"Wow."

"Great huh?" Ngiti ni Alexa.

"Sobra." Napangiti ako sa magandang tanawin. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakapunta ng Tagaytay. And this is just awesome.

"Sorry ahh."

Napatingin ako kay Alexa, "Sorry para saan?"

"You know, for being such a bitch the past few days." Buntong hininga ni Alexa.

"Naiintindihan naman namin eh."

"Yeah, pero unjustifiable parin yung actions ko. Kahit naman may ganung nangyari sakin dapat di ko kayo dinadamay." Napatingin nalang sa malayo si Alexa, "Ang hirap lang kasi eh. I've been trying so hard to get away from her and here she goes engaging me to a man I hardly know."

Inakbayan ko sya, "I'm sorry. Pero di mo ba naisip na kaya nya lang ginagawa yan ay dahil gusto nyang masecure yung magandang future mo?"

"What's so good with my future with Percival?" Napatakip ng mukha si Alexa kasi naiiyak na sya, "I mean, magaaway lang kami at maghihiwalay din sa dulo! Di ko naman sya mahal eh! And I want to marry the man I'll love."

"Hey! Andaya naman Alexa eh!! I'm supposed to be showing this to her!"

Napalingon ako kay Raegan na may daladalang tatlong mugs ng hot choco.

"Uy, umiiyak ka?" Inabot sakin ni Raegan yung isang mug, "Alexa naman eh.."

"Sorry." Niyakap ni Alexa si Raegan.

"Can't hug you back right now." Tawa ni Raegan at bumitaw si Alexa. Inabot ni Raegan yung isang mug sa bestfriend nya.

"Thanks." Pinunasan na ni Alexa yung mga luha nya at saka tumawa, "Sorry, ngayon pa ako nagdrama."

"We understand. Sobrang ganda kasi ng Taal kaya naapektuhan ka." Tawa ni Raegan.

"Pero honestly Alexa, everything's gonna be fine. Magigising din yung mommy mo. Maybe not now but maybe later."  Ngiti ko.

"Yeah, I just hope matauhan sya bago magtwentyfive si Percival." Natawa nalang si Alexa, "And before I reach twenty."

"Two years, give or take." Ngiti ni Raegan.

"Oh well, to my arranged future."  Tinaas nya yung mug.

"And to your deranged mother." Pinagclick ni Raegan yung mugs nila.

"Cheers." Nakisali nalang ako't tumawa kaming lahat.

May chairs sa terrace at dun kami pumwesto, nagkukwentuhan tungkol sa Harry Potter, Percy Jackson at Hunger Games habang ineenjoy yung hot choco namin at yung magandang view ng Taal volcano.

"After lunch labas tayo ahh." Sabi ni Alexa.

"San?"

"Kahit saan." Sagot lang ni Alexa, "Ayoko namang dito lang tayo diba? Parang bumyahe tayo sa wala."

Tumayo naman bigla si Raegan at humarap samin.

"May canvass ba tayo dito?" Tanong nya samin.

"Magpapaint ka dito?" Sagot ni Alexa.

"Eh Lexie ang ganda ng view! Sayang naman!" Sagot ni Raegan.

"Oh great." Napailing nalang si Alexa, "Rae.."

Mataas na ulit yung pitch ng boses nya. Lumabas na ang artistic split personality ni Raegan, si Rae.

"Meron ba?" Pilit ni Rae.

"Nagdala kami.." Napabuntong hininga nalang ako, "Kunin ko sa kotse."

"Ah Gene, binaba na yun ni Raegan kanina. Baka nasa kwarto na yun."

"Aling kwarto?"

"Yung tinulugan mo kanina." Pilit na ngiti ni Alexa.

Inakay ko si Rae sa upuan, "Jan ka muna, kunin ko lang yung gamit mo, okay?"

"Okay." Tumango tango lang si Rae at nginitian ako. Yung ngiting hindi kay Raegan kundi sakanya, kay Rae lang.

"Alexa." Nginitian ko nalang din sya kasi obvious sa expression nya na sira na yung plano nyang lumabas ngayon. Hindi kasi namin inilalabas si Rae. Nung unang beses kasi nawala si Rae sa mall at nagpanic kami ni Alexa, so yeah. Dito nalang kami sa resthouse all day.

Bumalik ako sa kwarto na pinagdalhan sakin ni Raegan kanina. Dun sa paahan ng kama nakalagay yung bags namin.

"Asan yung canvass dito?"

Nilibot ko ng tingin yung buong kwarto. Chineck ko yung cabinet at dun nakita yung mga canvass, stand at pintura. May sketchbook din, pencils at coloring materials. Prinepare namin yun kagabi kasi baka nga lumabas bigla si Rae at maghanap ng drawing materials.

Kinuha ko nalang muna yung sketchbook at yung drawing materials. Mamaya nalang siguro yung canvass. Tatlo lang yung dala namin eh, mauubusan kami kapag ginamit agad yun ni Rae.

Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako ng isang magandang tugtugin sa piano. Di familiar yung tugtog pero masarap sya pakinggan, very relaxing.

Nadatnan ko sila Alexa at Rae sa sala. Di ko napansin kanina na meron palang upright piano dun sa gilid at yun yung nilalaro ni Rae ngayon. Si Alexa nakaupo lang sa sofa at pinapanuod si Rae.

"Magaling pala sya." Bulong ni Alexa nang ilapag ko yung gamit sa center table at umupo sa tabi nya. Ngayon nga lang pala nya narinig tumugtog si Rae. Madalas kasi nagdradrawing lang sya kapag bumibisita si Alexa.

"Parang si Raegan din lang." Bulong ko pabalik.

Natapos nang tumugtog si Rae. Nanahimik sya for a minute bago tumugtog ulit ng iba namang kanta.

"There goes our vacation." Buntong hininga ni Alexa habang pinapanuod si Rae.

"Babalik din si Raegan. Don't worry." Ngiti ko, "We can still have a great vacation."

"Sana makatulog na sya." Bulong ni Alexa.

Nasabi ko na kay Alexa na napansin ko na kapag natutulog si Rae paggising nya si Raegan na ulit sya. Pero yes, meron ding ilang okasyon na si Rae ang katauhan nya paggising.

"Mapapagod din yan." Sabi ko nalang.

"Sa kitchen lang ako. Tulungan ko nalang si manang Yosa na magluto. Call me if you need me. Tili ka lang." Ngiti ni Alexa.

"Di naman na ko naman na ata kailangan tumili."

"Yeah, laters."

Pinanuod ko nalang tumugtog si Rae. Magaling din naman sya eh.








------------------------------------------------------------









"Genie, kain na daw tayo."

"Ha?"

Napaupo ako nang makita si Raegan. Ay wait, si Rae pala sya kasi iba yung ngiti nya at tinawag nya akong Genie at hindi Genesis.

"Kain na daw tayo." Ulit ni Rae.

Tumayo na ako at sumunod sakanya sa dining area. Nakatulog pala ako sa pakikinig kay Rae kanina.

"Hey sleepyhead." Bati ni Alexa na naghahain ng ulam sa table, "Haba ng tulog mo ahh."

"Fiesta ba?" Tanong ko kasi ang daming nakahandang ulam.

"Di naman, trip ko lang magluto." Ngiti ni Alexa.

"Tinulungan ko sya sa cake!" Proud na sabi ni Rae, "Ako naglagay ng frostings!"

"Nagbake kayo?"

"Yeah, ang galing galing mo nga eh." Papuri naman ni Alexa't ginulo yung buhok ni Rae.

Ngumiti lang si Rae kaya napangiti nalang din ako. Para kasi syang bata eh. Although yes, emotionally and psychologically speaking, bata pa talaga si Rae pero medyo mahirap kasi makita yun lalo na't nasa katawan sya ng isang taong 5'10 ang height at sandamakmak ang kakayahan.

Dumating na si Azula mula sa kung saan kaya't pumwesto na kami. Nagdasal na ako't nagsimula na kaming kumain.

"Ito ba yung bahay mo Lexie? Ang ganda eh.." Sabi ni Rae.

"Ha? Ehh..Kay Raegan tong bahay na 'to...Resthouse nyo." Naiilang na sagot ni Alexa. Hindi parin pala sya sanay na pagusapan si Raegan kay Rae. Ang weird lang kasi eh.

Tumungo tungo lang si Rae, "Okkaayy.."

"So, Rae, tell us, may iba ka bang naaalala tungkol sa kabataan nyo ni Raegan?" Singit ko nalang. Hirap kasi kami ni Alexa na paaminin si Rae and Raegan's still uncomfortable sa idea na palabasin si Rae habang nagsesession kami ni mama.

"What do you want to know?" Sagot ni Rae.

Napatingin sakin si Alexa't napangiti sya, "Oh, you know, nothing much. Family kaya?"

Slowly but surely. Start by asking simple questions. Bibigay din si Rae at may masasabi samin na hindi pa alam ni Raegan.

"Magaling magpaint si Kuya Alexander." Ngiti ni Rae, "I've seen some of his works and I think they're really great."

Tumungo tungo kami. Alam na namin yan eh. We need to know any childhood trauma that could have caused Raegan's split personality!

"Kainggit nga sya eh." Parang malungkot na kwento ni Rae.

"Bakit ka naman maiinggit?" Napatingin sakin si Alexa. Okay, ito bago. Never nagkwento si Raegan ng inggit tungkol sa kapatid nya.

Napakamot lang ng ulo si Rae at nginitian kami, "Ang galing nya kasi eh!"

"Yun lang?" Tanong ko. Siguro naman meron pa? Sige na Rae, magkwento ka pa!

"Yun lang." Ngiti ni Rae na ipinagpatuloy lang ang pagkain.

Napabuntong hininga nalang tuloy kami ni Alexa sa pagkadismaya. Ang hirap naman kasi pagsalitain nitong si Rae eh!

"May tanong lang ako." Biglang sabi ni Rae kaya napatingin ako sakanya.

"Ano yun?"

"Si Raegan?"

"What about her?" Tanong ni Alexa.

"Bakit ang hirap nyang kausapin?" Tanong ni Rae.

"Eh walang kwentang kausap yun eh!" Halakhak ni Alexa.

"Hindi!" Iling ni Rae, "Kasi kapag ako yung nasa labas ang dali lang na kausapin ko sya, pero kapag sya yung nasa labas di ko sya makausap ng maayos."

"Panong di makausap ng maayos?" Napataas naman yung kilay ko sa sinabi nya.

"Di sya makasagot agad. Kailangan sumigaw pa ako sa isipan namin."

"Sigaw?" Nagtaka naman si Alexa, "Pano ka nakakasigaw sa isip nyo?"

Napakamot ng ulo si Rae, "Ewan...Parang kailangan ko ng matinding concentration kapag may sasabihin ako."

Napaisip ako dun. So ganun pala sila magusap ni Raegan?

"Ang daya nga eh. Nakikita nya lahat ng nakikita ko tapos ako hindi ko makita yung nakikita nya..." Lumabi si Rae na parang nagtatampo.

"Di mo nakikita?" Tanong ko, "Eh bakit minsan may sinasabi si Raegan na nagagandahan ka sa mga nakikita nya?"

Honestly, naguguluhan ako sa paguusap namin. Ang hirap kasing iimagine na ibang tao si Rae kasi iisa nga lang yung katawan nila ni Raegan. Palaging si Raegan ang naiisip ko kahit na si Rae itong kaharap namin.

"Minsan may nakikita ako..." Kibit balikat ni Rae, "Pero minsan lang. Madalas black."

"Black?" Singit ni Alexa.

"Parang nanunuod ng TV." Ngiti ni Rae at nagpatuloy na sa pagkain.

After namin kumain ay bumalik muna kami sa terrace kasi atat na si Rae na idrawing yung view dun.
Naglabas nalang kami ni Alexa ng libro para may magawa kami habang binabantayan sya.

Siguro nakakadalawang oras na kami dun at nakakailang drawing na din si Rae nang mapagod sya at tumabi samin.

"Genie.." Niyakap ni Rae yung braso ko.

"Hmm?" Inipit ko muna yung bookmark ko sa binabasa ko para mabalikan ko mamaya bago sya hinarap pero nailang ako kasi ang lapit ng mukha nya sakin, "A-ano y-yun?"

"Wala lang..Tinatamad na ako eh.." Lumabi pa si Rae, "Kain tayong cake?"

"Kakakain lang natin." Sagot ni Alexa.

"Ehh Lexie gutom na ako." Kay Alexa naman nagpacute si Rae kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"May alaga ka ba sa tyan?" Natatawa si Alexa at saka tumayo na, "Tara."

Sumunod nalang ako sakanilang dalawa papuntang kitchen. Kinuha ni Alexa yung cake sa ref at pinatong sa breakfast counter.

"Woah." Namangha ako kasi ang ganda ng frosting design! White, green at blue!

"Ganda noh?" Ngiti ni Rae.

"Parang ayoko namang kainin yan." Napailing ako, "Ang ganda eh! Sayang!"

"Nakakainsulto naman Gene, pinaghirapan namin ibake yan ni Rae eh!" Natawa si Alexa at kumuha na ng kutsilyo.

"Sige na, sige na," Natawa nalang ako, "Pero picturan ko muna."

Kinuha ko yung cellphone ko at kinunan yung cake.

"Slice ko na ahh." Paalam pa ni Alexa.

Kumuha ako ng mga platito at tinidor para samin. Nilagyan yun ni Alexa ng tigiisang slice.

"Magtira naman tayo para mamayang dinner." Sabi ni Alexa at saka binalik yung cake sa ref.

Nagtimpla pa kami ni Rae ng hot choco bago bumalik sa terrace kung saan nakahanda na yung slices ng cake sa coffee table.

"This is the life." Napangiti si Alexa after taking one bite, "Ansarap!"

"SARAP!" Sumigaw pa si Rae kaya natawa nalang kami.

Napatitig ako kay Rae.
Oo, magkaiba sila ni Raegan pero wala naman sigurong masama kung kakaibiganin ko sya at iintindihin? Hindi rin naman nya ginustong mangyari yung split personality. Bakit ako maiilang sakanya? Isipin ko nalang na nagmomood swing si Raegan.

"Tulala ka jan Genie?" Tanong ni Rae.

"Wala. Ang cute mo kasi tingnan eh." At pinanggigilan ko yung pisngi nya.

"OY! YUNG CHOCO!" Reklamo ni Alexa kasi nasipa ni Rae yung coffee table.

"BLEH!" Nagbelat lang si Rae sakanya kaya ang nangyari, pinagtulungan namin ni Alexa na kurot kurotin at kilitiin si Rae.

"TAMA NA!" Naiiyak na sa kakatawa si Rae, "GENIE TAMA NA! LEXIE!"

"DIDILA KA PA?" Nangigigil na banta ni Alexa.

Nagbelat pa ulit si Rae kaya tawang tawang pinagtripan ni Alexa yung mukha ng bestfriend nya. Nagpupumiglas si Rae kaya ako yung humawak sa kamay nya.

"ALEXA! GENESIS!" Sigaw ni Rae.

Natigilan kami.

"Raegan?" Tanong ni Alexa.

Binawi ni Raegan yung kamay nya sa hawak ko at saka nya hinawakan si Alexa sa balikat. Sa isang galaw lang ay nakapaibabaw na ito sakanya, "Miss me?" At saka nya ito sinubukan halikan.

"RAEGAN!" Tili ni Alexa at natatawang tinulak yung mukha ni Raegan.

Natawa lang ako habang pinapanuod sila. Kalokohan talaga nitong si Raegan.

"Nginingiti ngiti mo jan?" Tanong ni Raegan nang umayos na sila ng pwesto ni Alexa.

"Wala. Para kasi kayong bata eh." Sagot pero ang totoo masaya lang akong nakalabas na ulit sya. Mabait naman si Rae pero mas prefer ko parin si Raegan.

"Aysus, namiss mo lang ako eh." Lumapit si Raegan sakin at sinubukan akong halikan sa pisngi pero tinulak ko lang din sya palayo.

"Mukha mo!"

Tumawa si Alexa, "Eh wala ka pala eh! Gene, halika dito!"

Lumipat ako ng pwesto sa tabi ni Alexa.

"Kitams Raegan!" Natatawang umakbay sakin si Alexa at humalik sa pisngi ko.

"OY!" Angal ni Raegan at pilit na hinila ako papalayo pero nakisakay na ako sa trip nila at yumakap kay Alexa.

"Genesis naman eh!" Maktol ni Raegan at pilit na hinila ako papalayo kay Alexa.

"Wala, ayoko na sayo." Nagbelat ako sakanya at saka lalong hinigpitan yung yakap kay Alexa.

"Buti nga sayo!" Pangaasar ni Alexa na iniwas iwas pa ako kay Raegan.

Nagharutan lang kami maghapon. At dahil nakalabas na nga si Raegan, natuloy na yung plano ni Alexa na gumala kami.

Si Alexa yung nagdrive kaya kung saan saan kami nakarating. Kumakanta kanta pa kami kasabay ng radio kasi ang lakas ng trip namin.

Tumigil kami sa isang restaurant para dun na magdinner. As usual, si Raegan ang may sagot samin kaya itong si Alexa yung mga mahal ang pinagoorder.

"Para maiba diba?" Paliwanag pa ni Alexa pagkaalis ng waiter.

"Aysus,iinom ka noh?" Tanong ni Raegan.

"Bakit, masama?" Bawi ni Alexa.

"Ikaw magdidrive." Paalala ko.

"Eh di si Raegan magdidrive."

"Bawal akong magdrive." Iling ni Raegan, "Baka lumabas si Rae. Ayaw mo namang maaksidente diba?"

"Eh di tawagan nalang natin si Kuya Elmer dito." Palusot ni Alexa.

Nailing nalang si Raegan at inilabas yung cellphone nya para magtype ng message. Siguro para kay manong Elmer.

Maya maya ay dumating na yung pagkain namin.
Grabe, si Raegan parang gutom na gutom. Andaming nakain. After nun ay lumipat kami sa may terrace ng restaurant. Si Alexa ulit yung nagorder ng drinks.

"Ice tea lang ako." Ngiti ko sakanila.

"Sure ka?" Tanong ni Alexa, "Inom tayo."

"Di pwede." Sagot ni Raegan para sakin. Napangiti nalang ako, bantay sarado ako sakanya kasi nagpromise sya kay mama na iingatan ako.

Pagdating nung Jose Cuervo ay agad na tumagay si Alexa. Tiningnan ko lang sya kasi hindi man lang sya sumipsip sa lime na kasamang ibinigay samin.

"Ikaw?" Inabot niya yung baso kay Raegan.

"Ehh, di pwede." Pagtanggi ni Raegan na tiningnan pa ako.

"Andaya naman kung ako lang iinom!" Reklamo ni Alexa na sinalinan na yung baso at inabot naman yun sakin, "Gene, kung di iinom si Raegan, ikaw nalang."

"Alexa naman eh!" Angal ni Raegan at kinuha yung baso sakin.

"Ikaw o si Gene." Hamon ni Alexa na nakangisi.

"Mauupakan talaga kita eh." Inis na ininom na ni Raegan yung alak, at saka sumipsip sa lime, "Happy?"

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon