Chapter 17

92.1K 1.5K 113
                                    

"Raegan, ayos ka lang?"

"Yeah, I'm fine." Pilit na ngiti ni Raegan sakin.

Andito na kami sa restaurant na pagaari nila Christine bilang celebration sa pagkapanalo nila ni Raegan, Gabby at Cedric.
Hindi naman halatang natalo si Hannah at si Jacob kasi sila pa yung maiiingay na nagpapatawa sa mga rookies at kina Jenna, Chloe at Rhea.

"Raegan, medyo namumutla ka na eh," Puna ni Mam Perez, "Anong nararamdaman mo?"

Pumikit si Raegan at tila disoriented sa paligid. Namumungay mungay ang mga mata nya habang tinitingnan nya kami, "My head hurts like hell,"

Hinaplos ni Mam Perez yung noo ni Raegan, "Di ka naman nilalagnat, sure kang sakit lang ng ulo?"

"Yeah,"

"Hatid ko na ba kayo pauwi?" Tanong sakin ni Mam.

"Err," Hindi ko alam kung anong isasagot. For sure may sariling kotse si Mam. Pero may kotse din kaming dala ni Raegan. Ang problema lang, masakit ang ulo nya kaya't hindi sya makakapagdrive. Eh hindi din naman ako marunong.

"Di na," Sagot ni Raegan para samin, "Pero patawag nalang ng company driver namin."

"Pwede namang ako na magdrive para sainyo eh," Pilit ni Mam.

"Marian naman eh, you have your own car. Ano, iiwan mo nalang yun dito?" Nakapikit na depensa ni Raegan, "Saka matagal ko nang hindi inuutusan yung company driver namin."

Umiling nalang si Mam Perez, "Masakit na nga ulo mo, matigas parin."

Sumandal lang sakin si Raegan at natulog sa balikat ko. Medyo mabigat sya pero ayos lang naman sakin kasi palagi namang ako yung sumasandal sakanya kapag nanunuod kami ng TV or movie sa sala.

"Si Alexa nga pala, hindi ko nakita ngayon. Di ba sya nanuod?" Tanong ni Jacob.

"Yung game lang ni Raegan pinanuod nya, umalis din sya agad kasi may gagawin pa daw," Pagsisinungaling ni Mam Perez.

Kanina kasi napagkasunduan namin na umalis muna si Alexa. Since ako ang kaibigan ni Rhea, ako nalang daw ang kakausap tungkol nga doon sa cheating incident. Ang katwiran ni Mam Perez, bigyan nalang daw ng benefit of the doubt si Rhea kasi hindi rin naman kami sure kung alam ni Rhea na may girlfriend si Marcus noon.
Kung tutuusin si Raegan ang nagisip noon pero pagdating namin dito sa restaurant bigla nalang syang naging matamlay.

"Sayang naman," Panghihinayang ni Jacob.

"Buti na rin at hindi nya nakita kung paano ka natalo!" Pangaasar ni Hannah.

Namula si Jacob at tinawanan namin sya, "Parang ikaw hindi natalo ah!"

"May gusto si Jacob kay Alexa?" Natatawa kong tanong.

"Matagal na!" Sagot ni Gabby.

"Kaso, basted naman!" Tawa ni Christine.

"At least he tried," Kibit balikat ni Cedric na nakatingin kay Raegan.

"Ouch, man!" Hampas ni Jacob sa balikat ni Cedric, "Lalim ng pinanghuhugutan!"

Gumalaw ng onti si Raegan at halos niyakap na ako. Hindi naman ako makakilos kasi ayako syang magising.

"Move on, man." Pagtapik ni Gabby kay Cedric, "Kay Gene na sya oh,"

"Yeah, right." Pagirap ni Cedric, "They're not together, the pictures are wrong."

"Talaga?" Pagdududa ni Gabby.

"Aysus, porke't may Christine ka na eh!" Hiyaw ni Hannah kay Gabby.

Umakbay lang si Gabby kay Christine at hinalikan ito sa pisngi. Nagkantyawan naman ang lahat.

Ang kwento nila, three years na sina Christine at Gabby. Sa tennisters daw sila nagkakilala at nabuo ang romansa. Si Jacob, niligawan si Alexa pero nabasted sya kasi si Marcus yung sinagot ni Alexa.
Si Cedric naman daw ay may gusto kay Raegan eversince last year. Pero ayaw paligaw ni Raegan kasi nga hindi pa daw sya nakakamove on sa pagiwan sakanya nung si Katarina. At ngayon nama'y fresh pa daw ang pagkamatay ng family nya.
Si Hannah, happily single. Although andami daw manliligaw nun, wala syang ineentertain kasi nagpromise sya na hindi magrerelasyon hangga't hindi natatapos ng college.

Umalis saglit si Mam Perez para tawagan yung driver ni Raegan at nang maiuwi na tong si loko.

"Maybe she's tired?" Concerned na sabi ni Cedric.

"I guess," Sagot ko, "Pero sumakit din yung ulo nya kagabi eh,"

"Eto na yung gamot," Abot ni Christine sa Paracetamol at isang baso ng tubig, "Painumin muna natin yan."

"Raegan?"

Kinuha ni Raegan yung gamot at ininom yun. Onti lang yung bawas nya sa tubig at saka nahiga at ginawang unan yung lap ko.

"Alam mo, never naging ganyan ka close si Raegan sakin," Kumento ni Christine na parang nagtatampo.

"Di naman kasi showy masyado si Raegan eh," Sabi ni Mam Perez na tapos nang tumawag sa cellphone nya.

"Well, minsan sweet sya pero hindi ganyan ka....well, clingy." Kumento naman ni Hannah.

"So, what's the difference?" Tanong ni Jenna.

"Wala naman, she just seem to be too comfortable with Gene," Kibit balikat ni Jacob.

"Hindi ko alam kung bakit kayo ganyan sakin," Kumento ko, "Nagseselos kayo sa closeness namin?"

Nagpalitan ng tingin yung green tennisters.

"Well, like we said, medyo baby pa si Raegan samin," Naiilang na sabi ni Christine.

"Kahit na magka-age lang kami," Dugtong ni Hannah at tinuro sila ni Cedric.

"Pero kasi..." Sabi naman ni Gabby na tila naghihintay ng senyas kay Christine.

"The last time may kaganyanan si Raegan ay nung sila pa ni Katarina," Pagtapos ni Jacob.

"And we're just not sure kung nakamove on na sya," Dugtong ni Christine at hinawakan pa ang kamay ko, "Hindi naman sa ayaw namin sayo or what, we're just concerned about Raegan."

Ayun, lalong lang ako naging awkward dito sa kinauupuan ko. Are they thinking na may possibility na maging kami ni Raegan? Naexplain ko naman na sakanila yung picture eh. Clingy lang talaga si Raegan sakin!

"Wait, ano bang full story kay Katarina?" Tanong ni Jenna.

"Well, first year pa si Raegan nun. Bago pa lang sya sa La Salle, siguro first term nya?" Di siguradong kwento ni Gabby, "Anyways, bago lang din sya sa tennisters noon. I remember babyng baby sya samin kasi sya lang ang rookie namin that year."

"Anyways, siguro third practice namin yun nang ipinakilala nya samin si Katarina," Dugtong ni Hannah na tinitingnan lang ang natutulog na si Raegan.

"And they were all clingy and sweet like they own the sweetest candy store in town," Dagdag ni Cedric na parang naiirita sa alaala.

"Anyways, masaya naman kami para sakanila kahit na Atenean si Katarina. Higit two years na daw sila nun eh," Dugtong ni Jacob.

"But after a few months tinawagan nalang kami nung management ng tennis court na pinagpapractican namin kasi may member daw kami na gabing gabi na eh nagprapractice pa." Iling ka kwento ni Christine, "Pinuntahan namin ni Gabby since unauthorized yung practice na yun. And ayun, naabutan namin si Raegan na nagwawalling ng pagkalakas lakas parang mabubutas yung pader."

"Ayaw nyang kumalma noon, sabi nya kailangan nya ilabas lahat," Dugtong ni Gabby, "So we just watched her repeatedly hit the ball with anger hanggang sa sumikat yung araw. And mind you, she drew this small circle on the wall at dun nya pinapatama yung bola!"

"That was seven hours straight of walling na walang fault na nagawa si Raegan." Dagdag na sabi ni Hannah, "Nung nalaman naming four na ng umaga at hindi pa tumitigil si Raegan napasugod na din kami eh,"

"But we didn't stop her from doing what she wants," Dagdag naman ni Cedric, "She stopped at 6:30 am just because she said she was hungry."

Medyo napangiti silang lahat sa alaalang gutom lang ang nagpatigil kay Raegan.
"Katarina left for Spain that day and after seeing her off, Raegan went straight to the tennis court." Sabi ni Christine, "Dun na sya naglabas ng sama ng loob,"

"Medyo galit sa mundo si Raegan noon," Alalala ni Jacob.

"And nakakatakot sya sa court," Kinilabutan na sabi ni Hannah, "Kahit na ngumingiti sya sa fans, jusko parang papatay yung mga tingin nya eh. Kung ako makakalaban nya talagang di ako makakapagfocus! Masyadong intense ang mga mata nyan!"

"I guess that's why she grew so popular even at her rookie year. Even veteran players are having a hard time playing with her," Dagdag ni Cedric, "She hits way too hard like she's always hitting the ball with anger,"

"Binuhos nya yung galit nya sa paglalaro," Sabi ni Gabby, "Technically sya ang nagpanalo sa tennisters eh. She still has no records of any loss throughout her stay with us,"

Nanahimik nalang kami after nila magkwento.

"Tapos na kayong magkwento ng buhay ko?" Biglang sabi ni Raegan. Bumangon sya at mapungay ang mga matang inilibot ang tingin saamin. Natawa sya, "Ang tagal na nun eh!"

Kabado kaming tumawa din.

"Eh nakamove on ka na ba?" Tanong ni Chloe.

Humalakhak si Raegan, "I moved on with her after that night."

"Wait, so yung galit mo sa court--?" Di makapaniwalang tanong ni Hannah.

"Baliw, ganun talaga ako maglaro," Tawa muli ni Raegan.

Napanganga yung green tennisters. Yung rookies parang sasambahin na si Raegan anytime. Lahat sila hindi makapaniwala eh. Sila Jenna, Chloe at Rhea gulat na gulat din. Sobrang papuri kasi nila kay Raegan kanina after ng match nila ni Javier.

"Mam, goodmorning po!" Biglang dating ng isang manong na parang PSG ang uniform. White polo and slacks.

Napatayo si Mam Perez at inalalayan na si Raegan patayo, "Tara na Gene, andito na sundo nyo."

"Sorry guys ahh," Apologize ni Raegan sa grupo, "Kung hindi lang masakit ulo ko eh. Sorry rookies,"

Tumango lang yung rookies saying na ayos lang daw. Lahat sila hindi pa rin makapaniwala.

"Pahinga ka nalang muna at kami nang bahala dito," Sabi ni Christine at hinatid na kami papalabas ng restaurant.

Pinagbuksan kami nung driver sa pick-up truck ni Raegan.

"Kuya, pahatid nalang sila sa condo," Habilin ni Mam Perez sa driver, "Gene, patulong ka kay kuya kung di mo madala sa itaas si Raegan. Malaking tao yan.'

"Kaya ko na po sya, Mam."

"O, sya. Raegan, pahinga ka na ahh," Paalam ni Mam kay Raegan na agad umunan sa lap ko sa backseat ng kotse. "Call me if you need me," Sinara na ni Mam Perez yung pintuan para sakin.

Pinaandar na nung manong driver yung kotse, "Ako nga po pala si Manong Elmer, driver po ako ng family nila Mam Raegan, Mam Gene,"

Hindi ko maalalang nagpakilala ako sakanya para tawagin nya akong Mam Gene pero siguro sinabihan na din sya ni Mam Perez kanina.

"Sorry about that, Genesis," Mahinang sabi ni Raegan na nakapikit lang.

"Ayos lang yun, ano ka ba!" Minasahe ko nalang yung sentido nya, "Saka isa pa, masaya namang kasama yung teammates mo eh."

"Sila Jenna?"

"Kaya na nila yun dun. Hindi naman sila papabayaan nila Christine eh," Pagassure ko kay Raegan.

Tumungo nalang si Raegan at natulog.

Pagdating namin sa condo, ginising ko si Raegan. Since kaya naman nyang tumayo magisa, inakay ko na sya paakyat at hindi na nagpatulong pa kay Manong Elmer.

Bumagsak si Raegan sa kama nya at tinanggal ko yung sapatos nya. Buti nalang at naligo na sya bago kami umalis para magcelebrate  kasi kung nagkataon eh di mabaho sya ngayon. Mukha namang komportable sya sa shorts at tshirt nya kaya di na ako nagabala pang pagpalitin sya ng damit.

"Thanks, Genie," Garagal na sabi ni Raegan.

"Anong sabi mo?"

Pero nakatulog na si Raegan.

Hindi ko alam kung san nya nakuha yung Genie pero siguro sobrang pagod lang nya at hindi na nya mabanggit yung name ko ng maayos.

Natulog muna ako dun sa couch ni Raegan sa kwarto nya kasi hindi naman ako nakapagpaalam na tumabi sakanya. Saka isa pa, ang aga aga kong nagising dahil sakanya. Time na para bumawi ako!
.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon