Chapter 43

73.2K 1.3K 75
                                    

"Hep hep! Wait lang, di pa ako tapos magsalita!"

Pinigilan ako ni Raegan na lumabas ng pintuan.

"Ano ba! Malalate tayo nyan eh!"

"May gusto nga lang akong itanong sayo!"

"Di ba pwedeng sa elevator nalang? Or sa kotse? Ba't kailangan dito pa?"

Hindi ko alam kung anong problema ni Raegan pero parang kinakabahan sya. Ayaw nya tumingin ng diretso sakin at medyo namumula yung pisngi nya.

"Hoy, anong problema mo?" Sinundot ko yung braso nya.

Napahawak si Raegan sa batok nya at kabadong tumingin sakin.

"Kasi..Genesis..ano.."

"Ano?"

Bumuntong hininga si Raegan. "Date tayo mamaya, pwede?"

Nagulat ako sa tanong nya. Pinilit kong wag ngumiti pero hindi ko kinaya. Nakakakilig kaya! Eto yung first time na tinanong nya ako kung gusto ko magdate. Madalas kasi kapag lumalabas kami wala lang, di namin tinatawag na date.

Tiningnan lang ako ni Raegan, naghihintay ng sagot.

"Mamaya, kapag may nalaman tayong bago pagiisipan ko." Sumuot ako sa ilalim ng braso nya para makalabas. "Tara na! Malalate tayo!"

"ANDAYA!" Sumunod sakin si Raegan pero hindi na sya nagpumilit pa.

Pero ang totoo nyan, may matutunan man kami o wala sakanya, papayag parin ako. Gusto ko lang syang bigyan ng rason para pagbutihin pa ang pagalala sa nakaraan nya. Saka ayokong ipahalatang kinilig ako sa ginawa nya.

Tahimik lang si Raegan sa biyahe. Siguro iniisip yung pagtanong nya sakin? Ay wait, ako pala nagiisip nun.

"Oy," Sinundot ko yung tagiliran nya.

"Hmm?" Lumingon sakin si Raegan.

"Ang tahimik mo."

Nagpout si Raegan. "Di mo pa kasi ako sinasagot.."

Napangiti ako. Okay, di pala ako nagaassume kanina, iniisip din pala nya yun.

At dahil malakas ang loob ko ngayon, kinindatan ko sya. "Wait ka lang,"

Nalaglag ang panga ni Raegan sa ginawa ko. Pero bago pa sya makapagsalita ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng clinic at tumakas na ako papalabas.

Narinig ko nalang ang pagsigaw ni Raegan ng pangalan ko. Nagmadali akong pumasok ng office ni mama.

"Hoy, nagmamadali ka jan?" Nagtatakang tanong ni mama matapos akong magmano sakanya.

"GENESIS!"

Natawa lang ako sa asar na itsura ni Raegan.

"Okay," Tungo ni mama na naintindihan na ang nangyayari. "Anong ginawa ni Genesis?"

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa ginawa mo!" Pinisil ni Raegan yung ilong ko at hindi pinansin ang tanong ni mama.

"ARAY!" Tinulak ko sya papalayo at saka tumawa. Ewan ko ba kung anong topak ko ngayon, gusto kong pagtripan si Raegan.

"Ano bang pinakain mo jan? Bakit hyper yan, Raegan?" Tanong ni mama.

"Wala naman doktora." Iling ni Raegan.

Kahit gusto ko pa pagtripan si Raegan ay hindi na pwede. Andito na kami sa clinic at dapat magfocus na kami.

Umayos na ako at nagseryoso. "Game na po at nang makaalis na kami dito."

Napatingin silang dalawa sakin at sa pangalawang pagkakataon ngayong araw ay kinindatan ko si Raegan.

Nanigas sa pagkakatayo si Raegan at dahan dahan ay namula sya.

Napangiti ako. Ngayon, as in ngayon ko lang napa-blush si Raegan! ACHIEVEMENT UNLOCKED! At ang cute cute nya ngayon! Gusto kong panggigilan yung namumula nyang pisngi!

"Bakit nagmamadali ka, Genesis?" Tanong ni mama.

Natawa lang ako. "Tanungin nyo po si Raegan."

Tumingin naman si mama kay Raegan pero hindi nakasagot si Raegan. Namumula parin sya.

"Ayos ka lang Raegan?" Pagaalala ni mama.

Lalo lang akong natawa. Sabi ko magseseryoso na ako pero wala, ang cute pala pagtripan ni Raegan! Namumula sya! Nakaganti din ako sa wakas!

"Hoy," Tinapik ko sya sa balikat. "Tama na, joke lang ehh."

Pinanlisikan nya ako ng mata. "Umayos ka Genesis, baka anong magawa ko sayo."

Kinurot ni mama si Raegan sa tagiliran. "Anong gagawin mo ha?!"

"ARAY KO! JOKE LANG DOKTORA! ARAY!" Napahiyaw si Raegan. Natawa lang ako, masakit kasi mangurot si mama.

"Maupo ka na nga jan at nang makapagsimula na tayo!" Pabirong pagsusungit ni mama.

Naupo na kami ni Raegan, sya sa chair nya sa tapat ng desk at ako sa couch sa likuran nya.

Naghintay muna ng isang minuto si mama para kumalma kaming lahat. Nakakatawa naman kasi yung nangyari eh!

"Okay, Raegan, start na tayo?" Tanong ni mama.

"Game dok!" Tungo ni Raegan.

"Ikwento mo yung mga nangyari since nung huli tayong nagusap." Sabi ni mama.

Nagkwento nga si Raegan pero wala naman kaming bagong nalaman.

"Sige Raegan, okay na yan. Pwede na ba namin makausap si Rae?" Tanong ni mama matapos ang pagkukwento ni Raegan.

"Uhh..wait lang doktora, I need to know something." Sabi ni Raegan. "Ilang buwan na tayong nagse-session pero hanggang ngayon wala paring nangyayari."

Tiningnan lang ni mama si Raegan, hinihintay na magpatuloy sya.

"Bakit di parin ako gumagaling?" Pagpipilit ni Raegan.

Nagkatinginan lang kami ni mama. Naalala ko tuloy yung paguusap namin. Na parang lumalala pa ang sakit ni Raegan ngayon dahil sa pagdalas ng paglabas nila Rae at Gan.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Raegan saamin ni mama at napabuntong hininga sya sabay sandal sa upuan. "Lumalala pa ako noh?"

"Raegan, hindi naman sa--" Panimula ko.

"Lumalala nga ako?" Paguulit ni Raegan. "C'mon Genesis, doktora, sabihin nyo na!"

"Raegan, look, sinusubukan naman namin eh, pero hindi natin sure kung pano ka mapapagaling. Hindi lahat ng cases ng DID ay nareresolba." Pagpapaliwanag ni mama. "Saka isa pa, hindi pa rin natin matrace kung ano yung main reason kung bakit ka nagkasplit personality. Hindi pa natin alam kung bakit nabuo si Rae."

Napailing si Raegan at napahilamos ng kamay. "This isn't good."

"Raegan, wag kang ganyan, think positive! Gagaling ka din." Hinawakan ko yung balikat nya. "Wag kang susuko!"

Ginawaran lang ako ni Raegan ng isang maliit na ngiti. Wala na, bumagsak na ng tuluyan yung mood nya.

"Tandaan mo, pag sumuko ka di kita sasagutin!" Banta ko, umaasang gaganahan ulit sya.

Napailing lang ulit at yumuko si Raegan. "For all I know baka si Rae o si Gan ang sagutin mo eh."

"Ha?" Nagtaka si mama.

"Oo nga pala doktora, di ko nasabi sayo, may gusto din si Rae at Gan kay Genesis." Badtrip na kwento ni Raegan. "Kung hindi pa magaaway yung dalawang yun hindi ko malalaman."

Napatingin lang sakin si mama, nagtataka. Syempre hindi ko maikwento sakanya kasi hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa nangyari noong gabing iyon.

"Anong nagaway?" Tanong ni mama.

Napabuntong hininga si Raegan. "Nung isang gabi lumabas si Gan at pinasok yung kwarto ni Genesis, natutulog na sya noon kaya tinangka ni Gan na halikan sya."

"Ano?!" Napaatras ako, kaya pala nasa kwarto ko si Gan!

"Nakita ni Rae yung nangyayari kaya pinigilan nya si Gan. Ayun, nagising si Genesis kasi natabig ni Gan yung bedside lamp dahil sa biglang sakit ng ulo at pagkahilo na naramdaman nya. Nagaway si Rae at Gan hanggang sa nawalan nalang kami ng malay." Naiirita ang itsura ni Raegan habang nagkukwento.

"Totoo ba yun Genesis?" Tanong ni mama sakin.

Tumungo lang ako.

Nanahimik kaming tatlo. Si mama nagiisip, si Raegan badtrip at ako...well...ewan ko, nalilito parin ako sa narinig ko. Parang nirereject parin ng utak ko yung idea na pati si Rae at Gan ay may gusto sakin.

"Of course, of course." Mahinang sabi ni mama at medyo natatawa sa kung ano mang naisip nya.

"Anong nakakatawa?" Tanong ni Raegan.

"Hindi talaga natin maiiwasan na magustuhan ni Rae at Gan si Genesis."

"Ano?!"

"What?!"

Nagkatinginan kami ni Raegan dahil sa sabay na pagkakasalita pero agad din namin ibinalik ang atensyon kay mama.

"Raegan, kahit anong gawin natin, si Rae at Gan ay bahagi parin ng pagkatao mo. Oo, ibang personality sila pero meron parin silang pagkakahawig sayo kasi ikaw ang unang katauhan." Paliwanag ni mama. "Dahil naaattract ka kay Genesis, may part din kina Rae at Gan na maaattract sakanya."

Naguluhan ako dun.

"At dahil palaging anjan si Genesis para sainyong tatlo, hindi nila maiiwasan na magkagusto din sakanya." Pagpapatuloy ni mama.

Nagkaroon ng katahimikan sa kwarto habang pinagiisipan namin yung sinabi ni mama.

"Eh di kung may ibang nagbabantay kay Rae or kay Gan baka sa iba sila nagkagusto?" Tanong ko.

"Posible, as long as may katangian yung nagbabantay na kapareha ng katangian na nagustuhan sayo ni Raegan, Genesis."

"Kainis." Bulong ni Raegan sa sarili habang nakayuko. "Kainis, kainis, kainis!"

"Raegan, ayos lang, alam naman nila kung sinong pipiliin ko eh." Sabi ko sakanya. "Ikaw."

Natawa bigla si Raegan. "Alam nyo, ang gulo ng sitwasyon ko eh." Inangat nya yung ulo para tingnan kami. "Tatlo nga kaming may gusto kay Genesis, pero ang malupit dun, iisang katawan lang kami!"

Hindi ko gusto yung tawang iyon ni Raegan. Mapait iyon at parang naghahanap sya ng masisisi sa kalagayan nya.

"Kahit na sabihin mong ako ang pipiliin mo, iisa lang ang katawan namin." Sabi ni Raegan. "Pag pinili mo ako, kasama mo silang mapipili kasi trapped kaming tatlo dito." Tinuro nya yung katawan nya.

Pinigilan kong wag maiyak kasi alam kong nasasaktan si Raegan sa nangyayari. Ayoko ng ganito. Hindi ko hiniling 'to. Wala akong ginusto sa lahat ng nangyayari samin ngayon.

Hindi ko ginustong mainlove sa kapwa ko babae.

Hindi ko ginustong mainlove sa tigapagmana ng Familia Olympia.

At mas lalong hindi ko ginusto mainlove sa isang taong may split personality.

"Ngayon alam mo na kung bakit ayaw pa kitang sagutin hangga't hindi ka gumagaling." Sabi ko.

Nagkatinginan lang kami ni Raegan. Naluluha narin sya.

"Pero hindi pa ba sapat na rason yun para pilitin mong gumaling?" Tanong ko kay Raegan. "Kasi Raegan, gusto kong magkaroon ng isang normal, well, not-so-normal na relasyon kasama ka. Pero hindi yun mangyayari hangga't anjan si Rae at Gan."

Lumapit ako at hinawakan ang kamay ni Raegan. "Subukan mo lang Raegan, subukan mo lang magpagaling. Wag kang susuko."

Narinig ko nalang ang mahinang click ng pintuan at alam kong lumabas muna si mama para bigyan kami ng privacy ni Raegan.

Nagpout lang si Raegan at umiwas ng tingin. "Hindi naman ako sumusuko eh.. I just hate the idea of them liking you too."

Napangiti ako. "Selos ka?"

Napapikit si Raegan at tumungo.

"Raegan, wala akong pakialam kung may gusto din sakin si Rae at si Gan, kasi in the end of the day, ikaw parin."

Tumayo ako at hinalikan si Raegan sa noo.

Napangiti ako. Kapag si Raegan kasi ang humahalik sa noo ko it's either kumakalma ako o nagooverdrive ang puso ko. Sya kaya, anong nararamdaman nya ngayon?

Tiningnan ko si Raegan at nakitang nakangiti din sya.

"Wag kang magseselos sakanila, okay?" Dinama ko yung pisngi nya. "Kasi ang pagkakaalam nila Rhea, ikaw ang girlfriend ko." Ipinagdiinan ko talaga yung 'ikaw'.

Natawa si Raegan. "Promise mo yan ahh. Kapag gumaling ako, sasagutin mo na ako."

"Oo naman, kaya bilisan mo na ang paggaling at nang maipagsigawan mo na sa buong mundo na opisyal na tayo. Saka para hindi na ako naiilang kina Rhea."

Kumunot ang noo ni Raegan. "Naiilang ka?"

"Di ako sanay magsinungaling kaya naiilang ako sakanila."

Tahimik lang si Raegan habang magkadikit ang mga noo namin.

Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa posisyon na iyon. Lumayo lang ako at tumayo ng maayos nang mangalay na ako.

Napatingin ako sa bintana at nakitang madilim na sa labas. Inabot na kami ng gabi sa session na ito.

"Uwi na tayo?" Tanong ni Raegan na nakatingin din sa labas ng bintana.

"Raegan,"

Napatingin sakin si Raegan.

"Date tayo?"






-------------






"Ano ba yan?!" Nakakunot ang noong tanong sakin ni Raegan.

"Seryoso, di ka pa nakakain nito?" Itinapat ko sa mukha ni Raegan yung isaw.

Andito na kami ngayon sa tapat ng ihawan ilang kanto lang ang layo sa clinic. Matapos ko tanungin si Raegan kung gusto nya makipagdate sakin ay kinaladkad ko sya dito.

"Kadiri.." Kumento ni Raegan nang kainin ko na yung isaw.

"Alam mo ang arte mo."

"Alam mo ang arte mo." Kinopya nya ako. "Genesis, alam mo namang ayokong nageexperimento sa pagkain ko."

"Sabi mo sakin dati 'It's always good to try something new.' Anyare dun ha?" Kumuha naman ako ng betamax at isinawsaw yun sa suka.

"I know I said that, pero sabi ko nga, ayokong nageexperimento sa pagkain. Magkasakit pa ako jan."

Kinagatan ko yung betamax. "So okay lang na magkasakit ako? Di mo ako pinipigilan eh!"

Lalong kumunot ang noo ni Raegan sa sinabi ko. Halatang hindi nya naisip yun. "Ehh...g-g-ginusto mo yan eh!"

Natawa lang ako sakanya. Kumuha ako ng isaw, isinawsaw yun sa suka at itinapat yun sa bibig nya. "Sige na please? Susubuan na nga kita oh."

"Ayoko." Umiwas si Raegan.

Pinanlisikan ko sya ng mata. "Isa."

Napatingin sakin si Raegan, hindi inaasahang bibilangan ko sya. Eh ano pa bang magagawa ko? Hindi gumana yung 'please' ko eh.

"Dalawa, sinasabi ko sayo Raegan pag di mo 'to kinain magagalit ako sayo."

Nakipagtitigan lang sya sakin.

"Tat--"

"FINE!" Hinablot ni Raegan yung stick sa kamay ko at saka sumubo.

Natatawa ako kasi nakapikit talaga sya at parang hindi masikmurang kumakain sya ng isaw ngayon. Palihim akong kumuha ng picture nya.

"Ayan na, naubos ko na! Happy?" Pabatong itinapon ni Raegan yung stick sa basurahan.

"Mauubos mo rin pala, arte arte pa." Ngiti ko. "Ano? Masarap?"

"Ewan."

Natawa nalang ako. At least napakain ko sya diba?

Bumili pa ako ng isa pang isaw at betamax habang si Raegan naman ay pinanuod lang akong kumain. Sinubukan ko syang alukin pero ayaw na talaga nya. Ayoko naman na syang pilitin pa at baka sya naman ang magalit sakin.

"Ano pa bang di mo nasusubukan?" Tanong ko habang naglalakad kami.

Nagkibit balikat lang si Raegan.

Nagisip pa ako saglit ng mga pagkaing posibleng hindi pa natitikman ni Raegan.

"Alam ko na!" Inabot ko yung kamay ni Raegan at hinila sya papunta sa isang kanto.

"Ano naman yan?" Tanong ni Raegan sa kulay orange na bilog bilog sa tray.

"Kwek kwek." Sagot ng tindera na nangingiti rin kay Raegan.

"Kwek kwek?"

"Magkano ate?" Tanong ko.

"Sampu, apat na piraso." Sabi ni ate at inabutan kami ng lalagyan.

Kumuha ako ng stick at inabutan si Raegan. Kumuha ako ng apat na piraso ng kwek kwek at saka hinarap ulit si Raegan. "Anong gusto mo? Matamis, maanghang o suka?"

"Ha?" Litong lito si Raegan. Halatang hindi pa sya nakakakain nito.

Ang cute lang nya. Madalas kasi sya yung may alam sa mga bagay bagay pero ngayon clueless sya.

"Matamis nalang po, ate." Sabi ko sa tindera at nilagyan nya ng matamis na sauce yung kwek kwek.

Tumusok ako ng isa at itinapat yun kay Raegan. "Try mo."

"Ano ba yan?" Takang tanong ni Raegan.

Kumagat ako sa kwek kwek at ipinakita kay Raegan yung kalahating natira sa stick. "Quail egg lang yan oh."

Naibsan yung pagkakunot ng noo ni Raegan pero ayaw parin nya subukan. Inubos ko na yung kwek kwek at saka tumuhog ng isa pa ulit.

"Sige na Raegan, try mo lang, masarap yan oh." Itinapat ko yung kwek kwek sa bibig nya.

Tiningnan lang yun ni Raegan ng ilang segundo bago sinubo ng buo.

Napangiti ako habang ngumunguya sya.

"Ano?"

Nilunok muna ni Raegan yung nginunguya nya bago ako nginitian. "Masarap pala."

Natawa kaming dalawa ng tindera.

Naka thirty pesos na kwek kwek kami ni Raegan, hati kami.

Bilang panulak, bumili kami ng buko juice sa katabing tindahan.

"Akalain mo yun, masarap pala ang kwek kwek." Sabi ni Raegan pagkatapos uminom.

"Gusto mo pa magtry ng iba?"

"Ano?"

"Balot?"

"NO WAY!" Iling nya. "Pakainin mo na ako ng isaw at betamax, wag lang balot!"

Natawa ako sa reaksyon nya. Kahit papano naman ay naarinig na nya yung balot.

"Ba't ayaw mo?"

"Nakakadiri kaya." Parang kinilabutan pa si Raegan. "Sinubukan na namin yun dati pero wala, ayoko talaga eh."

"Sinong kasama mong sumubok?" Curious kong tanong.

"Sila Leah." Sagot ni Raegan. "Bata pa kami nun tapos wala kaming magawa. Naghamon si Joanne kaya ayun, napagtripan namin."

"Kumakain ng balot si Joanne?" Gulat kong tanong.

Naalala ko si Joanne Cucinotta. Isang eleganteng babae kakain ng balot?

"Ano ka ba, restaurant ang business nila. Natural pagkain ang pagkakaabalahan ng babaeng yun." Tawa ni Raegan. "Basta pagkain, wala syang uurungan. Nakakain na nga ng uod yun eh."

"Uod?!"

"Diba may ganun? Yung edible na uod?" Di siguradong sabi ni Raegan. "Anyways, basta alam ko nakakain na sya nun sa...wait, san nga ba? Malaysia? Indonesia? Thailand? Ehh basta sa Southeast Asia yun!"

Natawa ako sa pagkakalito ni Raegan sa ikinikwento nya.

Habang nagkukwento pa ulit si Raegan ay hindi ko maiwasang titigan sya. Kanina lang ay parang pinagsakluban sya ng langit at lupa pero ngayon parang ang saya saya na nya.

Oo, siguro hindi ko ginusto na mainlove sa kapwa ko babae.
Hindi ko ginusto mainlove sa tigapagmana ng Familia Olympia.
Hindi ko ginusto mainlove sa isang taong may split personality.

Sobrang gulo man ng sitwasyon naming dalawa, isa lang ang sigurado ako.

Mahal ko si Raegan.


"Genesis? Nakikinig ka ba?"

Nagising ako sa pagmumuni-muni. "Ay, ano yun?"

Tiningnan lang ako ni Raegan bago sya ngumiti at umiling. "Wala, kalimutan mo na yun."

"Hindi nga? Ano yun?" Pagpupumilit ko. Baka kasi importante yung sinabi nya at hindi ako nakikinig.

"Sabi ko thank you kasi dinala mo ako dito." Pinisil ni Raegan yung ilong ko.

"Aray ko!" Lumayo ako sakanya. "Masakit ah!"

"Asus," Natawa lang si Raegan pero biglang bumagsak yung ulo nya.

"Raegan?" Napalapit ako sa kanya sa pagaalala.

"Genie,"

Parang may nagbuhos ng malamig na tubig sa ulo ko noong marinig ko ang mataas na pitch na boses na iyon.

"Rae?"

"Asan tayo?" Tumingin sa paligid si Rae.

"Nasa Taguig tayo." Paliwanag ko.

Napatingin si Rae sa plastic ng buko juice na hawak nya. "Buko juice?"

"Oo." Tungo ko.

Napangiti si Rae, yung mga mata naniningkit. Ininom nya yung natitirang buko juice. "Ano nga palang ginagawa natin dito?"

"Wala lang." Nawalan na tuloy ako ng gana na kumain pa o kung ano. "Uwi na tayo?"

Tiningnan lang ako ni Rae. "Sorry,"

"Ha?"

"Sorry kung lumabas ako bigla." Paliwanag ni Rae.

"Wala yun, ayos lang." Pilit na ngiti ko.

Umiling si Rae. "Sorry din Genie kung may gusto din ako sayo."

Hindi ko inaasahan yun.

"So, totoo nga?" Paninigurado ko, "may gusto ka sakin?"

Nahihiyang tumungo si Rae. "Pero di ko naman ginusto 'to eh..It's just...ang bait mo sakin tapos palagi ka pang anjan sa tabi ko kapag lumalabas ako."

"Andun din naman si Alexa eh." Napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam kung paano ko ihahandle itong sitwasyon. Parang may batang umaamin na crush nya ako. Di ako pwedeng magtaray kasi masasaktan sya.

"Andun nga si Alexa, pero bestfriend ang tingin ni Raegan sakanya diba?" Sabi ni Rae, napansin kong bahagyang namumula yung pisngi nya. "Saka isa pa, palagi naman akong pinagtritripan nun eh."

Napangiti ako. Naalala kong lumalabas ang pagiging makulit ni Alexa kapag nasa labas si Rae at ang pagiging bully nya kapag si Gan naman ang nasa labas.

"Tara na nga, uwi na tayo." Nagsimula na akong maglakad pero inabot ni Rae yung braso ko at pinigilan ako.

"Teka lang Genie,"

"Bakit?"

"Sorry na." Parang maiiyak na si Rae. "Sorry at bigla akong lumabas, parang nageenjoy pa naman kayo ni Raegan."

"Rae, sinabi ko na sayo, ayos lang." Ngiti ko. "Di naman kasi sa lahat ng oras nakokontrol nyo ang paglabas diba?"

Tumungo si Rae.

Naglakad na ako at sumabay na si Rae sakin.

"Alam mo Genie dati palagi kaming nagpapractice magpiano ni kuya Alexander." Panimula ni Rae. "Alala ko pa nun hindi ko maabot yung ibang notes kasi maiksi yung braso ko tapos si kuya ang aabot nun para sakin."

Tumungo lang ako. "Close kayo?"

Nagkibit balikat si Rae. "Parang...Kapag busy kasi si kuya nalilimutan nya ako."

Natahimik kami sa paglalakad. Kahit na gabi na ay hindi naman madilim yunng nilalakaran namin kasi may mga poste ng ilaw.

"Alam mo, favorite ni mommy si kuya Alex."

"Wala naman talagang favorite ang mga magulang, Rae." Sabi ko. "Pare pareho kayong mahal ng mommy nyo."

Umiling si Rae. "Pero kahit na, palaging bukang bibig ni mommy si kuya. Palagi nyang inaalam kung ayos lang si kuya o kung ano."

"Baka naman ganun din sya sayo? Di mo lang napapansin?"

Tahimik na nagisip si Rae. "Kung ganun sya, mapapansin nya na nagagawa kong maghapong magpractice ng violin para sakanya."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Naalala ko yung araw na sinabi ni Rae na nagdudugo dati yung mga daliri nya sa  sobrang pagpapractice.

"I've always tried my best para mapansin kami ni mommy, pero palaging nakay kuya Alex yung attention nya."

Napatingala si Rae kaya napatingin din ako sa itaas. Iilan lang ang mga bituin kasi maliwanag masyado sa syudad. Sabi ni Raegan kapag nasa probinsya daw ay mas litaw ang mga bituin.

"Music and arts...Those are the things our mother loved the most." Napatingin sakin si Rae. "And kuya Alex was the best at it..."

Malungkot ang boses ni Rae.

"Magaling ka din naman eh." Sabi ko.

"Pangalawa lang ako sakanya." Pilit na ngiti ni Rae. "Kahit na ilang instrument pa ang pagaralan ko, number one parin si Kuya Alex lalo na pagdating sa piano. Kahit na ilang painting pa ang gawin ko, wala iyon kung ikukumpara sa isang painting ni kuya Alex."

"Wag mong sabihin yan, Rae."

"I'll always be second best, Genie." Tumigil si Rae sa tapat ng pick up truck ng kuya Alex nya at pinagbuksan ako ng pintuan. "The same way I'll never be the best for you."




------------------




Hindi ako makatulog. Kanina pa ako paikot ikot sa kama ko, inaalala yung kwento ni Rae sakin.

"I'll always be second best, Genie. The same way I'll never be the best for you."

Pinilit kong magtaklob ng kumot pero wala parin, hindi ako madalaw dalaw ng antok. Sa sobrang inis ay napaupo nalang ako.

"Ano baaaa! Gusto kong matulog!" Pabulong kong sabi sa kawalan.

Inikot ko lang ng tingin ang kadiliman ng kwarto ko at saka napatingin sa itaas, sa daan daang glow in the dark stars na idinikit doon ni Raegan nung bagong lipat pa lang ako dito.

Naaninagan ko ang isang di malamang bagay sa may bookshelf ko. Binuksan ko yung bedside lamp ko at nasilaw sa biglang liwanag.

"Ano yun?" Napatayo ako at kinuha yung bagay sa bookshelf ko.

Isang maliit na istatwa ng babae at lalaki na sumasayaw na inukit sa kahoy. Dinama ko yung bawat kurba nito, medyo namamangha sa pagkakumplikado ng pagkakaukit.

"Rae.."

Tama, ito yung peace offering ni Rae sakin pagkabalik namin sa Quezon, noong inakala nyang galit ako sakanya sa paghalik nya kay Violet.

Napailing ako. Ala-una na ng madaling araw tapos naniningin pa ako ng mga istatwa? Inilapag ko na ulit yun katabi ng mga libro ko at bumalik sa kama ko.

Pero bigla akong napatigil.

"I've always tried my best para mapansin kami ni mommy, pero palaging nakay kuya Alex yung attention nya."

Napatingin ulit ako sa istatwang gawa ni Rae. Maganda iyon at walang katulad. Pinaghirapan nyang gawin para sakin.

Hinawakan ko ulit yung istatwa.

Bakit hindi ko yun napansin noon?

Kaya siguro nagkasplit personality si Raegan at nabuo si Rae ay dahil pinilit nyang gawin ang lahat para sa mommy nya.

Frustration.

Nafrustrate noon si Raegan dahil hindi nya makuha yung atensyon ng mommy nila. Nafrustrate sya na natatakpan sya ng anino ng kuya nya, na kahit lumampas na sya sa normal na kakayahan ng mga kaedaran nya ay ipinagpatuloy parin nya ang pagpapractice.

Maaari ding natrigger yung split personality nya noong nabasag nya yung frame ng painting ng kuya nya. Maaring yun ang unang beses na nakalabas si Rae kasi hirap si Raegan na alalahanin yun. Kasi hindi nya yun alaala, kay Rae yun.

Huminga ako ng malalim, hindi makapaniwala sa nadiskubre ko tungkol kay Rae at Raegan.

Alam ko na kung paano nagkasplit personality si Raegan. At sigurado ako, ngayong alam na namin ang rason, malapit na kami sa pagreresolba ng sakit ni Raegan.

Onti nalang at mapapagaling na din namin sya.

Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Countdown to the end.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon