Chapter 28

105K 1.7K 137
                                    

"Genie!!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang tawag na yun.

"Raegan?!"

"Anong Raegan ka jan!"

"Sorry! Rae!" Kinorrect ko na yung sarili ko at umayos ng upo sa higaan ko.

Si Raegan, iba nanaman ang kinang ng mga mata. Nginitian nya ako pero iba yung ngiti, masyado itong natutuwa kaya naniningkit yung mga mata nya. Si Rae.

"Sorry kung ginising kita." Sabi nya.

"Ayos lang. Ano bang kailangan mo?" Kinusot ko yung mata kong inaantok pa.

"Laro tayo!"

"Ha?"

"May xbox jan sa baba. Laro tayo!"

"Eh Rae, inaantok pa ako." Nagtalukbong ako pero hinila nya rin yun pababa.

"Genie naman eh.. Bakit kapag si Raegan nakikipaglaro ka?" Maktol ni Rae.

"Ha?"

"Nakikita ko kayo minsan. Parang sa TV lang...Napapanuod ko kayo..Bakit ganun Genie, mas gusto mo ba si Raegan kesa sakin?"

Napakamot ako ng ulo. Pano ko ba ipapaliwanag sakanya na si Raegan naman talaga ang totoong katauhan nya? Na sya ay produkto lang ng kung anong kababalaghan sa madilim pang nakaraan ni Raegan?

"Eh Rae, bestfriend ko si Raegan eh. Natural mas gusto ko sya kasama. Saka di nya ako gigisingin kung di naman importante yung kailangan nya sakin." Sabi ko nalang.

Nahiga si Rae across my legs at tinakpan yung mukha nya gamit yung mga kamay nya.

Napailing ako. Mali ata yung nasabi ko.

"Sige na..Laro na tayo."

"Talaga?!" Napatayo naman agad si Rae.

"Oo..Sige na, set up mo muna yung Xbox sa baba. Maghihilamos lang ako."

"Thanks Genie!" Niyakap ako ni Rae bago sya tumakbo pababa.

Nakatitig lang ako sa pintuan nang pumasok si Azula.

"Arf!"

"Bakit?"

"Arf arf arf!"

"Siguro kung nakakapagsalita ka may karamay ako. Baka maintindihan mo tong nararamdaman ko."

Tiningnan lang ako ni Azula.

"Ako ata mababaliw sa sakit nyang amo mo eh.." Sabi ko nalang at tumayo na para pumunta ng CR.

Iniwan kong nakabukas yung pintuan ng CR kasi tinitignan ako ni Azula habang nagsesepilyo. Nakabuka yung bibig nya at nakalabas ang dila.

Natapos na ako't sinamahan ako ni Azula sa kitchen. Busy si Rae sa pagfifigure out kung anong cord ang isasaksak sa kung saan.

"Ayos na?" Tanong ko kahit obvious namang hindi pa.

"Ehh..Wait lang..kaya ko 'to." Palusot ni Rae.

Napangiti ako't kumuha ng bowl, cereals at gatas.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Rae.

"Ha? Ahh ehh oo." Distracted na sagot nya, "Genie, anong tawag sa color na 'to?"

Pinakita nya sakin yung cord na kulay yellow.

"Yellow yan."

Tumango tango sya at nagpatuloy sa ginagawa.

Naalala ko yung sabi ni mama kahapon sakin. Pagpasensyahan ko daw si Rae kasi may mga bagay syang hindi pa alam. Example, hindi nya alam ang silbi ng sabon. Pero alam nya kung para saan yung shampoo.
Nainis pa ako kay Rae noon kasi nageexplore pala sya sa condo tapos pagdating nya ng CR pinagtripan nya yung mga gamit dun. Basang basa sya nun. Para syang bata.

Ring

Pumunta ako sa pintuan at napagbuksan si Alexa.

"Hey, good morning! Pero mukhang hindi good ang morning mo." Bati ni Alexa.

"Masama lang ang gising, pasok ka."

Pumasok naman si Alexa't nakitang busy si Rae sa mga cords sa ilalim ng flatscreen TV. Magkakasama kasi yung PS4, Xbox, Digibox at stereo dun.

"Goodmorning!" Bati ni Alexa kay Rae at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Hey Lexie." Distracted na bati ni Rae.

"Rae.." Naintindihan agad ni Alexa na hindi si Raegan ang kasama ngayon. Rae figured na mas magandang tawagin si Alexa na Lexie two weeks ago nung una nya itong nakita.

Sinamahan ako ni Alexa sa dining area. Pumunta sya sa fridge at kumuha ng orange juice. Nagsalin sya sa isang baso bago umupo sa tapat ko. Parang bahay narin nya tong condo kasi palagi na syang nagiistay dito after learning Raegan's illness. Nagpromise sya na tutulungan nya yung bestfriend nya eh.

"Akala ko naman nakokontrol na ni Raegan?" Pabulong na tanong sakin ni Alexa.

"Di ko nga alam eh." Napatingin ako kay Rae, "Okay naman kami kagabi pero ginising nya ako tapos si Rae na pala yan."

"Tsk. Dapat nagrereview pa naman yang si Raegan. Malapit na finals week eh." Iling ni Alexa.

"Ang bilis naman? Midterms palang namin eh!"

August palang pero matatapos na agad yung term nila.

"Trimestral po kami." Paalala ni Alexa.

"Yeah, right." Kumain nalang ako kahit ang lambot na nung Coco Crunch na cereals ko at nakakawalang gana na.

"Genie...pano ba 'to?" Nag give up na si Rae sa pagkakabit ng Xbox.

Tumayo naman si Alexa para tulungan yung split personality ng bestfriend nya, "Ano ba yan Rae?"

"Gusto ko maglaro ng Xbox...Lexie marunong ka ba nito?" Parang bata na pakiusap ni Rae at inabot yung cords kay Alexa.

"Ako na jan. Maupo ka muna sa couch okay?" Kinuha naman ni Alexa yung cords at sya ang pumalit sa pwesto ni Rae sa tapat ng TV set.

Kasabay kong matapos ng pagkain ang pagtapos ni Alexa sa pagkakabit ng Xbox. Binuksan na nya yun at sila ni Rae ang naglaro.

Nagpaalam ako sakanila at umakyat muna ako para maligo. Pagdaan ko sa kwarto ni Raegan ay sinilip ko yun.

Napailing nalang ako kasi nagkalat ang mga canvass na may drawing at painting na. Di ko naman ikakailang maganda yung gawa ni Rae pero ang dami na eh. Bili na nga ng bili si Raegan ng canvass para di ako mahirapan kapag lumalabas si Rae at naghahanap ng madradrawingan.

Patapos na akong maligo nang..

"GENIEEE!"

Kahit tumutulo pa yung buhok ko ay napasuot ako ng Tshirt at shorts sabay takbo sa ibaba para lang abutan na dinadaganan na ni Alexa si Raegan.

"Alexa! Rae! Anong problema?!" Tanong ko habang pababa ng stairs. Muntik muntikan pa akong matapilok sa pagmamadali.

"LEXIEE!" Sigaw ni Rae at pilit na tinutulak si Alexa.

"WAG KANG MAKULIT!!UUPAKAN NA TALAGA KITA!" Sagot naman ni Alexa na halatang nanggigigil.

Hinila ko si Alexa papalayo kay Rae at hinawakan sya.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko kay Alexa, "Anong ginawa nya?"

"Eh kasi tong amazonang to! Ikaw Raegan wag mong ipagkakalat yan!" Tinitigan ng masama ni Alexa si Rae.

"RAE NGA SABI EH!" Angal naman ni Rae bago humarap sakin, "Alam mo ba Genie si Lexie--!!"

Di nya natuloy ang sasabihin kasi inatake nanaman sya ni Alexa at wala na akong nagawa kundi ang tigilan sya bago pa nya masaktan si Rae.

"Subukan mo lang!" Banta ni Alexa nang mahila ko na sya papalayo.

Biglang tumawa si Rae at tumayo. Sinuklay nito ang buhok nya gamit ang kamay at nginitian kami. Napatigil ako kasi iba nanaman yung ngiting yun. Hindi na naniningkit yung mga mata.

"Raegan?" Tanong ko.

"Ayos yun Alexa ahh..May sikreto ka palang tinatago sakin?" Tawa ni Raegan, "May maganda rin pala kay Rae eh.."

Oo, si Raegan na yan. Tinawag na nya si Alexa sa pangalan nya eh. Nakalabas na ulit sya.

"RAEGAN!" Nanggigigil na tili ni Alexa at di ko na sya napigilan pa. Inatake nya si Raegan na sinalo naman sya.

Tawa ng tawa si Raegan at naghabulan pa sila sa sala. Napangiti nalang ako habang pinapanuod sila. Parang mga bata lang kasi. Kahit medyo nalilito ako't bigla nalang syang lumabas, natuwa naman ako't nakabalik na si Raegan. Mas gusto ko naman talaga sya kesa kay Rae eh.

"Bakit di mo sinabi sakin?" Tanong ni Raegan ng nahabol sya ni Alexa at bumagsak sya sa couch na nakapaibabaw si Alexa sakanya.

"Kasi!!"

Di ko alam kung anong gustong gawin ni Alexa kay Raegan pero inaabot nito yung mukha nya. Tawa lang ng tawa si Raegan at umiiwas.

Nahawakan din ni Alexa yung mukha ni Raegan at saka nya pinisil pisil yung pisngi nito.

"ARAY KO!" Sigaw ni Raegan na pilit na tinutulak si Alexa. Namumula na yung mukha nito.

"SUBUKAN MO LANG SABIHIN YUN KAY GENE IPAPAPATAY KITA!" Pagbabanta naman ni Alexa.

"GENESIS! ALAM MO BA AHHHH!!" Di nanaman nito naituloy ang sinasabi kasi tinakpan ni Alexa yung mukha ni Raegan gamit yung throw pillow.

"Sige na Gene, tapusin mo na yung paliligo mo. May shampoo pa yang buhok mo.. Saka--" Nginusuan ako ni Alexa at napatingin ako sa katawan ko.

NALIMUTAN KONG MAGSUOT NG BRA!

"Sige! Salamat!" Tumakbo na ako paakyat, "Wag mong patayin yang si Raegan! Sasagutin ko pa yan!"

"AWOO WAWW?!" Sigaw ni Raegan sa ilalim ng unan. Tinawanan lang namin sya ni Alexa.





-----------------------------------------------------





"Ayos na kayo?" Tanong ko sakanila. Nakabihis na ako ng maayos at kakatapos ko lang maligo at magpatuyo ng buhok. Naabutan ko silang tahimik na nanunuod ng TV at para bang hindi nangyari yung asaran nila kanina.

"Sya lang naman ang di ayos eh." Sagot ni Raegan at hinampas ng throw pillow ang mukha ni Alexa.

"AKO PANG...DI MAAYOS...EH IKAW...YUNG SIRAULO...DITO?!" Hinampas hampas ni Alexa si Raegan ng unan bilang ganti.

"Oo na..Tama na! Si Raegan na ang siraulo dito." Pumagitna na ako sakanila kasi pulang pula nanaman si Raegan kakatawa at asar na asar na si Alexa.

"Kasi naman eh!" Naupo na si Alexa.

Sa gitna nila ako umupo kasi baka magbangayan nanaman sila.

"Eh kung sinabi mo sakin dati? Sana nagawan ko ng paraan diba?" Sabi naman ni Raegan na inakbayan ako.

"Eh kasi naman!" Asar na asar si Alexa.

"Ano ba kasi yang pinaguusapan nyo?" Tanong ko.

Tumawa si Raegan at kinurot ni Alexa yung kamay nitong nakaakbay sakin.

"ARAY KO AH!" Sigaw ni Raegan.

Hinampas ko nga sya ng unan sa mukha, "Umayos ka! Sa tenga ko pa talaga eh noh?!" Ang sakit sa tenga, sisigaw nalang itatapat pa sakin.

Hinila naman ako ni Alexa at sya ang umakbay sakin, "Akin ka na nga lang, Gene. Sinasaktan ka nyang amazonang yan!"

"ANO?!" Hinila ako ni Raegan.

"GENE!" Bawi ni Alexa sakin.

"TEKA!" Sigaw ko, "Ako ba talaga pagaagawan nyo din?!"

"Eh kasi naman si Raegan!"

"Eh yang si Alexa eh!"

Binatukan ko nga sila pareho, "Umayos kayo!"

Nagbehave naman silang dalawa sa magkabilang tabi ko.

"Ano na, sasabihin nyo ba sakin yung pinagaawayan nyo?" Panimula ko ulit.

"Hindi." Sagot ni Alexa.

"Oo." Sagot naman ni Raegan.

"Subukan mong sabihin kay Gene ipapapatay talaga kita!" Banta ni Alexa.

"Won't work." Ngisi ni Raegan, "Gene alam mo ba--"

"Pag nalaman ni Gene yan, sya ang ipapapatay ko." Ngisi naman ni Alexa.

Natahimik si Raegan at tiningnan ng masama yung bestfriend nya.

"Subukan mo lang galawin si Genesis kakainin kita ng buhay." Banta ni Raegan at protektadong inakbayan ako.

Tumawa si Alexa, "Ang baduy mo!"

"Bleeh!" Dumila lang sakanya si Raegan.

Natawa naman ako kasi para pala silang bata kung magbangayan. Saka syempre, kinilig din ako ng onti kasi ako lang pala ang kahinaan nya.

Kung ano man yung pinagaawayan nila, isa lang ang nagets ko. Si Rae ang nakakaalam nun. Siguro nung naliligo ako nasabi ni Rae kay Alexa tapos nagpanic sya and ayun na nga ang naabutan ko.

Nanuod nalang kami ng TV. America's Next Top Model at sila Alexa at Raegan ang nagrereklamo sa kung gaano kapangit yung mga model. Ang papayat daw at kung ano ano pa.

"Nga pala, termbreak punta tayong Palawan." Biglang sabi ni Alexa.

"Ayoko na sa Palawan." Kumento naman ni Raegan na nakatingin parin sa TV.

"Nakapunta ka na bang Palawan Gene?" Tanong sakin ni Alexa.

"Hindi pa.."

"Ayan. Settled na.." Sabi naman ni Alexa kay Raegan.

"Teka ano?!" Angal ko.

"Isasama ka namin sa Palawan sa termbreak." Sabi ni Alexa. More of a statement than a question na para bang wala akong say sa desisyon.

"Teka lang! May pasok pa ako! Kayo lang may term break!" Angal ko.

"Eh di ieexcuse ka namin!" Sagot naman ni Alexa na bumalik na sa panunuod ng TV, "Iinvite pa natin si ate Marian kung gusto mo eh!!"

"Oo nga noh?" Napatingin sakanya si Raegan.

"HOY! Wag kayong magdesisyon agad agad!" Reklamo ko.

"Sabi mo di ka pa nakakapuntang Palawan? Eh di dadalhin ka namin dun!" Sagot lang ni Alexa.

Natahimik ako. Ano bang magagawa ko para di ako kaladkarin ng mga 'to sa Palawan?

"Eh ayoko sa Palawan. Tagaytay nalang tayo!" Pacute ko kay Raegan.

Napatingin naman sakin si Raegan na para bang di makapaniwalang sasabihin ko yun. Wala naman kasi akong ibang maisip. Mabuti na yung Tagaytay kasi di na kami lalayo.

"Tagaytay?"

"Oo! Mas malapit! Di na tayo lalayo!" Umarte akong excited.

"Eh ang boring naman sa Tagaytay eh!" Reklamo ni Alexa.

"Eh di wag nalang!" Gustong gusto ko na ngumiti kasi sumusunod na sila sa gusto ko.

"Ehh Genesis.." Napakamot naman ng ulo si Raegan.

"Kausapin mo yan Raegan. Di mo pa tinutupad yung promise mo sakin." Sabi ni Alexa.

Napalunok si Raegan nang makita akong nagpapacute. Sige na! Mahulog ka na sa plano ko please!

"Fine. Tagaytay tayo."

"WHAT?!"

"Eh Alexa ayoko namang pilitin si Genesis kung ayaw nya!"

Binato ni Alexa si Raegan ng unan, "Ang hina mo pala jan kay Gene eh!"

"Kung ayaw mo eh di kami nalang ni Genesis ang pupunta. Umuwi ka nalang munang Quezon! Attend ka ng birthday ni Lucy!" Tawa ni Raegan.

"Ayoko nga!" Pout ni Alexa, "Sama nalang akong Tagaytay."

"Maginvite ka pa ng iba kung trip mo."

"Sino naman?"

"Ewan ko sayo.."

"Alam ko na! Iinvite ko sila!"

"Sino?"

"The heirs."

"ANO?!"

Tumawa si Alexa, "Di mo pa ba alam? Umuwi na lahat ng Heirs dito sa Pilipinas! Kumpleto na tayong lahat!"

"Ano yun?" Inosente ko namang tanong. Anong The Heirs ang pinagsasasabi nila?

"Yung mga naka-line up na tigapagmana ng mga First Houses ng Familia Olympia." Sagot ni Alexa, "Katulad nyang si Raegan."

"Alexaaa tigilan mo na!" Naiiritang sagot ni Raegan.

"Magpapaparty ako dun and I'm inviting them all."

Napailing si Raegan, "Di kami pupunta."

"Di ka makakatakas kasi dun kami sa Villa nyo magpaparty." Taas noong sagot ni Alexa.

"Maghohotel nalang kami ni Genesis." Counter ni Raegan.

"Kakausapin ko si Lucas."

"Alexa naman eh!!" Maktol ni Raegan.

"Pumili ka, welcome party para kina Vulcan o iwewelcome na natin si Gene sa Zeus house?"

"FINE!" Bumigay na si Raegan, "Geez. Mauupakan talaga kita eh."

"You swore on the river Styx." Paalala ni Alexa, "Saka time na para malaman ni Gene kung anong klaseng pamilya ang Familia."

"Di pa ineexplain sakin ni Raegan yan." Kumento ko.

"Di parin?!" Gulat naman na humarap sakin si Alexa.

Umiling ako, "Nope."

"Raegan.."

"What? Ayoko muna.."

"So hahayaan mo syang mameet yung Heirs na walang ideya kung ano yung haharapin nya?"

"Di ko sya ihaharap."

"Ikinahihiya mo na si Gene ngayon?"

"Hindi!"

"Eh ano?"

"KASI NAHIHIYA PA AKO SA NANGYAYARI SAKIN!" Napatayo naman si Raegan, "Ayoko pang harapin sila! Baka lumabas si Rae!"

Natahimik si Alexa sa biglang pagseseryoso ng tono ni Raegan.

"Alexa, wag muna, please? Kung gusto mong mag out of town, sige, game ako jan pero please, forget inviting the heirs."

Napabuntong hininga si Alexa, "Fine."

"Thank you." Umalis si Raegan at umakyat sa kwarto nya.

"Ako na." Pinigilan ko si Alexa at sinundan ko na si Raegan sa itaas.

"Raegan.." Katok ko sa pintuan nya at pumasok na rin.

Naabutan kong nagpupulot ng canvass si Raegan.

"Raegan.." Hinawakan ko sya sa balikat, "Uy, kausapin mo naman ako.."

"Sorry ahh." Humarap sya sakin at nginitian ako. That authentic Raegan Luces smile.

"Bakit ba kasi ayaw mo pa sabihin sakin yang Familia na yan?" Tanong ko sakanya.

Nilapag ni Raegan yung mga canvass sa isang sulok at tinakpan yun ng tela. Madami dami na rin ito kaya nakastack na.

"Uy Raegan?"

"Natatakot akong baka di mo kayanin at bukas ay iwan mo nalang ako..."

"Eh nung nalaman ko nga yang split personality mo tinakbuhan ba kita?" Sabi ko, "Eh mas nakakatakot kaya yan kesa sa kung anong kayamanan o tinatago nyo sa Familia."

Umiling iling si Raegan, "Yun na nga eh..Baka di mo kayanin kapag dinagdagan ko pa. Tama na munang yung split personality ko ang pinoproblema natin."

Lumapit nga ako sakanya. Obvious sa mukha nya yung takot at pagaalala. Pinisil ko yung ilong nya, "Ang drama mo. Kelan ba ako umalis sa tabi mo ah?"

Niyakap ni Raegan yung bewang ko dahilan para mapalapit pa lalo ako sakanya, "Thank the gods hindi pa naman."

"Bakit gods?"

"Kasi blasphemy kapag singular lang. Kaya plural para sa Olympian gods." Kindat nya at humalik sa pisngi ko.

"Ay sorry, naglalandian na pala kayo."

Napabitaw ako kay Raegan pero mahigpit yung yakap nya sakin. Tiningnan ng masama ni Raegan si Alexa habang ako'y nagtago sa dibdib nya, feel ko kasing namumula yung mukha ko. Nakakahiya.

"Sorry." Sabi ni Alexa, "Sa idea ko kanina sa baba at sa pagistorbo ko sainyo."

"Ayos na." Ngiti ni Raegan.

"Oookaayyy...This is obviously awkward and I really do feel the third wheel vibes kaya uuwi na ako't magrereview. Ikaw din Raegan, malapit na ang finals natin."

"I know that." Sagot ni Raegan, "Sige, thanks Alexa, see you tomorrow."

"Yeah. Gene, bye."

"Bye." Nagawa ko nang magangat ng tingin kasi ang rude naman kung di ako magpapaalam ng maayos.

Napangiti si Alexa sakin, siguro namumula parin ako, "Bantayan mo yang si Raegan. Kapag nawala yan sa Dean's List mawawala yung unlimited absent perks nya. Kailangan natin yun for Rae."

"Yeah yeah, I know that." Sagot ni Raegan.

Hinampas ko nga sya, nagmamagandang loob na nga yung bestfriend nya eh!

"Bye." Umalis na si Alexa at iniwan kami.

"Where were we?" Tanong sakin ni Raegan at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

"Don't even think about it. Bitawan mo na ako." Sabi ko at pinipigilan yung kilig.

"Ayaw mo?"

"Nope."

"Kiss?"

"No."

"Cuddle?"

Natahimik ako. Medyo gusto ko yun.

Binuhat ako bigla ni Raegan at inihiga sa kama. Tumabi sya sakin at pinaunan ako sa braso nya. Pumayag naman ako't niyakap yung tyan nya.

"Ansabi nung Kenneth na yun?" Mahinang tawa ni Raegan, "Eh parang tayo na rin sa lagay na 'to."

"Don't ruin the mood." Sabi ko nalang.

"Psh. Oo nga pala, bestfriend mo lang ako."

"San mo nakuha yan?" Napatingin ako sakanya.

"Yun yung sabi mo kay Rae kanina eh.."

"I only said that kasi ayoko pang iexplain sakanya tong set up natin."

"Ikinahihiya mo ako?"

"Di naman sa ganun..Fragile pa kasi yung personality ni Rae. Baka mabigla sya kapag sinabi kong 'Uy, yung other personality mo nililigawan ako!'."

Tumango tango si Raegan, "Makes sense."

Hinalikan ni Raegan yung ulo ko. I really love it when she does that. Kahit nararamdaman kong maliit ako ayos lang kasi ramdam ko na protektado nya ako.
Okay, di naman talaga ako maliit. Lumiliit lang yung feel ko kapag katabi ko sya kasi higante naman talaga si Raegan compared sakin.

"Genesis?"

"Hmm?"

"I love you."

"I know."






---------------------------------------------------








"Raegan oh." Ipinatong ko yung mug ng mainit na gatas sa study table nya.

"Thanks." Distracted na sagot nya.

Hinayaan ko lang sya. First week of September at finals na nila. Busy sa pagrereview si Raegan. Nakakalat yung yellow paper nya na punong puno ng math formulas. Yung calculator nya parang mapupudpod na yung buttons kasi maya maya ang pagpindot ni Raegan.

Napangiti ako. Ganito pala magaral ang engineering student.

Bumalik na ako sa center table kung saan nakabukas naman yung binabasa kong libro kanina. Tumabi sakin si Azula at umunan sa lap ko. Hinayaan ko nalang kasi ganun talaga maglambing yung aso.

Ring

"Hayaan mo lang." Sabi ni Raegan.

Tumutunog yung telepono.

Ring

Ring

Ring

"Sorry, Raegan Luces is currently unavailable. Leave a message." Ang pormal na pormal na boses ni Raegan ang tumunog sa answering machine.

"Hey Luces, it's me, Percival. You're not answering your cell... I'm having a party this weekend at the marina, thought you should come and celebrate because I GOT PROMOTED IN THE ORDER OF THE KINGS!" Ang husky nung boses ng lalaki at tuwang tuwa sya, "Also, I haven't seen you in ages. Call me."

Natapos na yung recording at napatingin lang kami ni Raegan sa telepono.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Si Percival. Poseidon house." Bumalik na si Raegan sa ginagawa nya.

"Di mo ba sya tatawagan?" Tanong ko.

Napaisip si Raegan at humarap sakin, "Do you want to go to a party?"

"Anong klaseng party?"

"Uhhh...Pano ko ba idedescribe...Medyo fancy kasi yung party sa una..pero usually kapag si Percival ang host nagiging wild pagdating ng ten o'clock."

Ring

Ring

"Hayaan mo lang. Baka si Percival ulit yan, may nalimutan sabihin." Sabi ni Raegan.

Ring

Ring

"Sorry, Raegan Luces is currently unavailable. Leave a message." Tumunog ulit yung answering machine.

"RAEGAN! WHERE ARE YOU?! YOU'RE NOT PICKING UP YOUR CELL! MY FREAKING MOM ARRANGED A MARRIAGE FOR ME! HEEELLLPPP!!" Histerikal ang boses ni Alexa.

"Ano daw?" Napanganga ako sa narinig ko.

Tumakbo si Raegan sa kwarto nya at bumalik na hawak hawak yung cellphone nya. Nakaloud speakers kaya naririnig kong may tinatawagan sya.

Ring

"RAEGAN! THANK THE GODS!" Sigaw agad ni Alexa sa loudspeakers.

"Calm down. Tama ba yung narinig ko? Arranged marriage?"

"Yes! Oh my freaking gods, Raegan! Help me!!" Naiiyak na si Alexa sa kabilang linya.

"Asan ka?" Hinablot ni Raegan yung jacket nya na nakasampay sa upuan ng study table nya. Sinenyasan din nya akong magready.

"Sa labas ng bahay namin!" Umiiyak na talaga si Alexa, "Raegan! Talk to her please! Ayoko pang ikasal!"

"Kalma ka lang! Papunta na kami jan!" Hinila na ako ni Raegan palabas ng condo. At patakbo kaming pumunta ng elevator.

"Hello? Kuya, magready ka, aalis tayo." Tawag ni Raegan. Siguro si Manong Elmer yun, yung driver nya.

Mahigpit yung hawak ni Raegan sakin.

"Geez, ano bang pumasok sa isip ni Auntie Cristy?" Mahinang sabi ni Raegan, "Arranged marriage? Nako naman, anong ginawa mo Alexa?!"

"Baka naman gusto lang nung mommy ni Alexa na maayos mapangasawa nya?" Sabi ko nalang, "Benefit of the doubt."

"Eh kasi masyadong controlling yung si Auntie Cristy. Kaya nga lumalayo si Alexa diba? Nako naman! Baka ito na yung parusa nya kay Alexa?"

"Wag mong sabihin yan!"

Pagdating namin sa parking ay nakaready na si Manong Elmer.

"Mansyon ng mga Zhukov, kuya!" Utos agad ni Raegan pagkalapit namin. She opened the door for me, "Bilisan mo kuya, emergency!"

"Nako naman..." Mahina ang boses ni Raegan at halatang worried sya para sa best friend.

"Kalma ka nga lang nga." Hinawakan ko yung kamay nya at pinisil pisil yun, "Parang ikaw naman yung ikakasal eh!"

Natawa si Raegan, "Kung buhay kahit isa sa parents ko? Iaarrange din nila ako for sure."

"Ha?"

"Si Kuya Alex saka si Marian. Pinagkasundo lang yung dalawang yun. Maswerte lang talaga't nagustuhan ang isa't isa."

Nanlaki yung mata ko sa nalaman, "Wait, Familia thing ba yan?"

Napabuntong hininga si Raegan, "Yes."

"Mafia ba kayo?!"

"Ha?! Hindi ahh!" Iling ni Raegan at medyo natawa pa, "Pero parang ganun na rin yung dating...Just without the guns and rivalry thingy in the movies."

Ang dami kong naisip. Parang mafia? Just without the guns and the rivalries in the movies?

Di ko tuloy napansin yung oras at napatingin nalang ako sa labas nang tumigil yung kotse sa tapat ng isang malaking gate.

Binaba ni Raegan yung bintana nya, "Raegan Luces, first house, Zeus." Opisyal na sabi nya dun sa guard na nagpanic at mabilis na binuksan yung gate.

Tumigil yung kotse sa tapat ng isang napakagandang mansyon. Katulad ng nangyari noong first time kong nakita ang bahay ni Raegan, napanganga ako sa laki at ganda ng lugar.

Pagkababa ni Raegan ay biglang dumating si Alexa at sinalubong ng yakap yung bestfriend nya.

"Raegan!" Iyak ni Alexa sa balikat ni Raegan, "Help me."

"Tahan na, asan si Auntie?" Tanong ni Raegan na hinihimas yung likod ni Alexa, "Kakausapin ko sya."

"Gene, thanks." Inabot ni Alexa yung kamay ko habang yakap yakap parin nya si Raegan.

"Wala yun." Ngiti ko sakanya, "Tahan ka na, sayang make up mo. Papangit ka nyan!"

Natawa si Alexa at tinanggap yung handkerchief ni Raegan. Pinunasan nya yung luha nya.

"Kumalat tuloy yung mascara..." Kumento ni Alexa habang pinupunasan yung pisngi nya.

"Ayos lang yan, maganda ka parin." Akbay ni Raegan, "Tara, kausapin ko si Auntie."

Inakay kami ni Alexa papasok ng mansyon nila.

Napansin ko na nakadress si Alexa at napakaformal ng suot nya. Buti nalang suot ko pa yung isa sa mga nabili naming dress kasi may session kami ni Raegan sa clinic ni mama kanina. Di ako gusgusin tingnan para imeet yung mommy ni Alexa. Si Raegan maayos naman tingnan sa jacket, tshirt, jeans at sneakers nya.

"Sasha, buti andito ka pa! Raegan?!" Sinalubong kami ng isang lalaki na nakasuit sa may living room ata yun at halatang nagulat sya samin, "Anong ginagawa mo dito?!"

Napalunok ako. Ang gwapo nya! Mas matangkad sya kay Raegan at mukhang fit na fit sya. Iba yung pagkatangos ng ilong nya at pareho sila ng mata ni Alexa.

"Hey Petyr." Bati ni Raegan, "Si Auntie?"

Ito siguro yung kakambal ni Alexa?

"Raegan, I wouldn't want to see her if I were you." Kabadong inadjust ni Petyr yung silver tie nya, may accent yung pagiingles nya, "This is a family dinner."

"Petyr?!" Isang high pitch at striktong boses ang tumawag kay Petyr.

Nanigas sila Alexa, Raegan at Petyr sa boses. Mula sa isang hall sa kanan ay lumabas ang isang babaeng maganda. Mukhang matanda na ito, nakasalamin na at nakabun ang itim nitong buhok. Nakasuot sya ng pulang dress at matching red heels. Ang sungit nya tingnan kasi naka-chin up ito pero bagay naman sakanya. Pareho sila ng mata ni Alexa.

"Lady Cristina Zhukov." Nagbow si Raegan na para bang reyna yung mommy ni Alexa. Kinopya ko nalang sya kasi hindi ko alam yung gagawin, ayoko namang magmukhang ewan dito.

"Lady Raegan Luces." Nag-nod yung mommy ni Alexa, "I wasn't expecting you here. Tinawag ka ni Sasha?"

Sino si Sasha? Yun ba yung nickname ni Alexa dito? Bakit Sasha?

"Yes, auntie." Tungo ni Raegan, "She's distressed--"

"Something she shouldn't be. I arranged her with a very nice man. He's a perfect match." Strikto yung pagkakasabi ng mommy ni Alexa na para bang wala nang makakapagpabago pa ng isip nito. Napahawak si Alexa sa likuran na jacket ni Raegan.

"But Auntie, Alexa's too young--"

"Of course they won't get married until they're twentyfive."

"Still Auntie, Alexa couldn't marry this guy, whoever he is." Pagdadahilan sakanya ni Raegan.

"The man she is to marry is not just anybody. Percival Altamirano just achieved second trade in the High Order of the Kings." Pagcocorrect ni Auntie Cristy.

"Percival?" Parang nagulat naman si Raegan sa nalaman.

Teka, diba Percival yung tumawag kanina lang at inimbitahan si Raegan sa isang party? Yung husky pakinggan ang boses? Yun ba yung mapapangasawa ni Alexa?

"Yes, Percival Altamirano of the Poseidon House." Inulit ni Aunty Cristy, "He was promoted earlier to second trade and is next in line to the Grand Order of the Kings after his father."

Napanganga si Raegan at nawalan ng sasabihin.

"Mom, di ko sya pwedeng pakasalan!" Biglang sabi ni Alexa.

"Nonsense, Sasha." Iling nung mommy nya, "You're going to marry him whether you like it or not!"

"Auntie, why don't you give Alexa a chance? Arranged marriages doesn't really work that well anymore, maybe in your time, but in our time, no." Dahilan naman ni Raegan.

"And what can you say about your brother Alexander and Marian of House Hera?" Baling naman ng mommy ni Alexa kay Raegan at pinagtaasan ito ng kilay, "Isn't that well enough for you?"

"They were arranged before they were born. They were given a chance to grow fond of each other, while Alexa on the other hand barely knows Percival!" Sagot ni Raegan, "We only see him in the Familia parties!"

"That's why I'm giving them time." Sagot ng mommy ni Alexa, "They can do whatever they want but they will eventually marry at twentyfive."

"But Percival's older than me!" Sagot ni Alexa, "He's like, twenty-three already!"

"Then less time for you." Sagot naman ng mommy nya, "Now Raegan since you're here with your..friend." Tiningnan nya ako from head to toe with obvious dislike, "Why don't you join us for dinner?"

Feeling ko binuhusan nya ako ng malamig na tubig. Isang tingin lang ang binigay nya sakin tapos ganun na agad? Ayaw na nya sakin? Ganun ba ako kapangit?

"No thanks, Auntie. We're full." Sagot ni Raegan, "But can you please reconsider? Is Percival even aware of this engagement?"

"No, his Lord father, Philip made the arrangements with us." Sagot ng mommy ni Alexa, "But I'm quite sure he'll hear about this soon enough. Are you sure you don't want to have dinner? Atleast stay for the dessert."

Umiling si Raegan, "No thanks, auntie."

"Fine then, it was nice seeing you again Raegan." Tungo ni Auntie Cristy, "Petyr, Sasha." Tinawag nya yung mga anak nya para sumunod sakanya.

"No mom." Iling ni Alexa at nanatili sa pwesto, "I'm going home."

"Okay then, Petyr, come."

"I-I'll s-see t-them o-off." Nanginginig na sagot ni Petyr.

"Okay then." At umalis na sya pabalik sa pinanggalingan nya.

Napayakap si Alexa kay Raegan pagkaalis na pagkaalis ng mommy nya. Humagulgol ito sa jacket ni Raegan.

"Sasha.." Napahawak naman yung kapatid nyang si Petyr sa likod nito.

"Bitawan mo ko Petyr!" Singhal ni Alexa, "You've always been the favorite child! Dapat ikaw yung iaarrange ni mommy kasi ikaw yung tigapagmana!"

"I..I can't do anything.." Iling ni Petyr, "Saka alam mo naman na isa tayo sa mga matriarchal families? Ikaw ang tigapagmana!"

"Kaya nga ako lumayo eh!" Hagulgol ni Alexa, "Para ikaw yung mapili ni mommy!"

"Tama na Alexa," Pinapatahan na ni Raegan si Alexa, "Tara na, umuwi na tayo."

Iniwan na namin si Petyr at lumabas na ng mansyon.

"SASHA!" Habol ng kapatid nya.

"Ano?!" Naiiritang sagot ni Alexa.

"I'm sorry."

"You promised to the Styx, Petyr. Sabi mo ikaw ang maghahandle ng business paglaki natin. Anong nangyari sa promise na yun?"

"I'm sorry. I tried my best, Sasha."

"Why isn't it good enough, Petyr?" Pinunasan ni Alexa yung luha nya, "I did my share and left, I disobeyed her and everything! You just have to be there to present yourself!"

"I...I..I tried..."

"Then why did it have to come to this?!"

"Maybe because she wants to teach you one final lesson?" Frustrated na rin si Petyr, "Sasha, I was never the favorite child! YOU WERE! Ano bang magagawa ko? She wanted you back kahit na umalis ka na! She always checked up on you at dinededma nya ako! AKO NA NASA HARAP NA NYA!"

Natahimik si Alexa at hindi makasagot.

"Sasha, wala akong magawa. Matriarchal talaga si mommy." Napailing nalang si Petyr, "I tried to stop her, believe me. I presented myself. I did my best for you."

Bumitaw si Alexa kay Raegan at lumapit sa kapatid. Niyakap nya ito't hinalikan sa pisngi.

"I'm sorry Petyr."

Sumakay na si Alexa ng kotse at sumunod na kami ni Raegan.

Umalis na kami pero tanging ako lang saming tatlo ang lumingon para makita si Petyr na mapaluhod sa tabi ng driveway.




------------------------------------------




"Gusto mo dun muna samin matulog?" Tanong ni Raegan kay Alexa pagkatigil ng kotse sa tapat ng condominium building namin.

"No thanks, Raegan..Magrereview pa ako." Walang ganang sabi ni Alexa, "But thanks for picking me up and trying to talk to her."

"Ayos lang yun.."

Niyakap ako ni Alexa, "Ikaw din, Gene. Thank you sa pagsama mo and I'm sorry kung ganun si mommy."

"Ayos lang." Ngiti ko sakanya.

Sumakay na kami ng elevator.

"Bye." Paalam ni Alexa pagtigil sa 21st floor.

Bago magsara yung pintuan ay pinigilan ito ni Raegan at inabot yung kamay ni Alexa. Niyakap nya ang best friend, "Don't do anything stupid, okay?"

Natawa si Alexa at binatukan si Raegan, "I'm from Athena House, we don't do stupid."

Ngumiti si Raegan, "Goodnight, Sasha."

"Goodnight Olympia." Kindat ni Alexa at nagsara na yung pintuan.

"Olympia?" Tanong ko kay Raegan.

Tumawa lang si Raegan, "Wala yun."

Pagdating namin sa floor namin, si Raegan na ang nagbukas ng pintuan. Tulog na si Azula sa cot nito.

"Bakit nga pala Sasha yung tawag kay Alexa?" Tanong ko at tinulungan tanggalin yung jacket ni Raegan.

"Ewan ko..Russian thing."

Naupo ulit ako sa pwesto ko sa couch. Andun pa yung librong binabasa ko kanina bago yung lahat ng nangyari.

Naupo naman si Raegan sa tabi ko, "Tinamad na akong magaral. Bukas nalang ulit."

"Sure ka?"

"Yeah. I'm almost finished na din naman." Sagot nya at umakbay sakin.

Sumandal ako sakanya at nilanghap yung amoy nya. Bakit gabi na ay fresh parin amoyin tong si Raegan?

"Bakit ganun kayo sa familia Raegan?" Tanong ko habang inaalala yung mommy ni Alexa.

"Ano?"

"Freakishly rich...Sophisticated..Powerful..Complicated.."

"Ganun talaga kami eh.."

Natahimik ako. Kaya ko ba talagang pasukin ang mundo ni Raegan? Kasi kapag naging kami ay siguradong sigurado mapapasok ko yun. Ipapakilala ako ni Raegan sa lahat.

"Ano yung high order of the kings?" Tanong ko nalang para di ako manlumo sa pagaalala kung paano ako tiningnan ng mommy ni Alexa.

"It's an order within the Familia...Parang...Parang fraternity within a..let's say college or university. Yung familia yung college okay?"

"Okay?"

"Okay, uhh...yung orders pwedeng salihan ng mga familia members...mapa Zeus, Hera, Athena, Poseidon o kung anong house ka pa." Paliwanag ni Raegan, "They created those orders para pwede kaming makipagsocialize with other houses."

"Ganon ba talaga kalaki yung Familia?"

"Yes."

"Member ka din ba ng order of the kings?" Tanong ko pa.

"No..Although they've already sent me their invitations."

"Bakit di ka kasali?"

Napatigil si Raegan. Obviously,  napansin na nyang masyado na akong maraming nalalaman.

"Raegan, sige na please? Sabihin mo na sakin. Bakit di ka kasali?"

"Member na kasi ako ng Order of the Jacks." Napailing nalang si Raegan at ako nama'y lihim na napangiti. Wala talaga syang laban kapag sinabi ko na yung magic word na 'please'.

"Meron pang iba?"

"Four orders kasi yan. Yung una, Order of the kings, dun sumasali yung mga tigapagmana ng mga family businesses. Lahat sila may interest sa science, math, sport and of course, business. Member si daddy nyan eh.

"Pangalawa, yung Order of the Queens. Ang mga member naman dito ay interested sa music at arts. Karamihan ng members dito yung mga babae sa familia, pero syempre, may mga lalaki din katulad ni Kuya Alex. Si mommy nga pala, member din dito."

Tumungo tungo ako. So ganun pala yun? May mga order sila para organized. Di ko maiwasang mapaisip kung gaano kalaki ang familia at kailangan pa nila ng ganito kakumplikadong proseso para iorder ang sarili nila. Kumplikado na nga tingnan yung mga houses na ipinangalan sa Olympian gods.

"Sabi mo apat?"

"Yeah," Tungo ni Raegan, "Yung pangatlo, order of the Aces. Halo halo ang members nito. Usually sila yung mga rejects."

"Rejects?"

"May mga requirements kasi yan eh. Like I said, yung Kings dapat may interest ka sa business, math, science or sports. Yung Queens tungkol naman sa music at arts. Kung wala kang mga ganun o kaya naman hindi mo mameet yung standards nila sa Aces ang bagsak mo. Nakakatawa nga isipin kasi yung Aces dapat ang pinakamaganda kasi walang diskriminasyon sakanila pero sila pa yung naging bagsakan nung mga hindi alam kung saan ilulugar yung sarili nila."

"Ganun? Eh ano yung order mo?"

"Order of the Jacks. Kami yung mga hindi din alam kung saan ilulugar ang sarili namin."

"Parang Aces lang?"

"Kinda. Kami kasi yung mga hindi alam kung saan magfofocus. We can do both what the King and Queen wants, kaya namin imeet yung requirements nung dalawa pero di talaga kami makapili ng specific field. Kaya sa Jacks kami sumasali kasi dun pwedeng hindi kami magfocus sa iisang field lang."

"So hindi lang ikaw ang marunong ng mga ginagawa mo? Marami kayo?" Napanganga naman ako. There's someone out there na katulad ni Raegan sa galing? People na nageexcel din sa math, science, music, arts at sports?

"Kind of..Pero syempre iba iba yung level of mastery namin."

Napatungo ako, "Marami ba kayo sa Order of the Jacks?"

"Kami yung pinakaonti."

Natahimik ako kasi naubusan na ako ng itatanong until naalala ko yung sinabi ng mommy ni Alexa.

"Bakit kayo napropromote sa orders?"

Napatingin sakin si Raegan, "Dami mong natututunan ah!"

"Sige na! Sabihin mo na sakin! Please?"

"Fine." Napakamot ng ulo si Raegan, "May heirarchy kasi kami. The better you do at that field that you chose, mas mataas yung trade mo. Trades yung tawag sa level."

"Okay..Anong trade mo?"

"First trade na ako."

"Pinakamababa ba yun?"

"No."

"Eh ano yun?"

"Pinakamataas."

"Agad?!" Napatingin ako sakanya.

Natawa si Raegan, "Yes. First Trade na ako."

"Si Alexa, anong order nya saka anong trade?" Tanong ko.

"Order of the Kings, fourth trade."

"Mababa ba yung fourth?" Tanong ko.

"Actually that's good enough. We start at fifth trade kasi."

"Kelan kayo nagiistart?"

"Fifteen years old ang requirement. Pero minsan mas bata pa dun. Depende sa skills ng tao at kung nagkainteres sayo yung order."

"Si Mam Perez? Anong order at trade?"

"Order of the Kings. Second Trade.

"Si Venus?"

"Order of the Queens. Third trade."

"Si Skyler?"

"Order of the Kings. Third trade."

"Yung mommy ni Alexa?"

"Grand Order of the Kings."

"Anong pinagkaiba nung Grand Order?"

"Sila yung nagooversee sa buong Familia Olympia. Also, sila yung first trade ng Order of the Kings and Queens."

"So nagmemerge sila sa highest trade?"

"Yes. Kasi mahirap makapasok ng first trade. Andami nilang requirements. Usually sobrang gagaling na ng mga yun." Paliwanag ni Raegan, "At sobrang tatanda na!" Tawa pa nya.

Napatango nalang ako. Ang kumplikado naman nun!

"Tara na, tulog na tayo." Aya ni Raegan.

"Teka, may naalala ako..."

"Ano yun?"

"Diba nung nakipaginuman tayo with Alexa, Venus and Skyler tapos tinawagan mo yung sino ba yun? Joanna?"

"Joanne."

"Ayun, Joanne, may sinabi sya na pinapanuod ka ng order since you were thirteen?"

"Yes."

"Bakit? Ano yun?"

Napabuntong hininga si Raegan at hinila na ako patayo.

"The order of the Jacks recruited me to third trade when I was ten and I reached first trade when I was thirteen. Tara na."

Nanlaki yung mga mata ko, "Thirteen?!"

"Yes."

"Ang bata mo pa nun!"

"I know. I'm the youngest first trade member in the history of the Familia Olympia."

"Eh di parang member ka na rin ng Grand Order?"

Tiningnan ako ni Raegan, "Do you really want to know?"

"Yes."

Bumuntong hininga sya at tumigil sa paghila sakin sa couch, "Will you promise you won't run away from me after hearing what I'm about to say?"

"I promise."

"Promise to the Styx?"

"Ano yun?"

"It's how we make unbreakable oaths. We swear to the River Styx."

"Okay fine, I swear to the river Styx na hindi ako lalayo sayo kahit ano pa yang sasabihin mo." Di ko magets kung bakit ka susumpa sa ilog para maging unbreakable yung promise pero sinunod ko nalang yung kondisyon nya para sabihin na nya sakin.

"Technically speaking, Order of the Jacks first trade members are equivalent to the second trade of the order of the Kings and Queens. Pero we're usually under probation bago mabigyan ng invitation to the Grand Order."

"Probation?"

"Usually it's one or two years. Pero depende din sa galing mo, minsan mas maiksi pa dun."

"Pero thirteen ka palang nung nakaabot ng first---" Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi naalala ko yung sinabi nya na may invitation na sya sa order of the Kings.

"Invited ka na sa Grand Order?"

Napapikit si Raegan at nagdadalawang isip kung sasabihin ba nya sakin.

"Raegan, invited ka na sa Grand Order of the Kings?"

Naalala ko si Mam Perez. Second Trade lang sya sa Order of the Kings pero isa na sya sa leading psychologist sa bansa.
Si Skyler, di sya tinatawag na ate ni Raegan pero obvious namang mas nakakatanda sya samin kasi nagtratrabaho na't sundalo pa. Third trade lang daw.
Si Venus. Dermatologist. Nakakatanda din samin. Third trade lang din.
Naiisip ko yung mommy ni Alexa na mukhang nasa late forties na nya. Sobrang strikto pero mukhang magaling din sa kung ano mang business ang pinapatakbo nya. Grand Order of the Kings.

"Raegan," Tinawag ko ulit sya kasi di sya makasagot, "Invited ka na sa Grand Order of the Kings?"

Napabuntong hininga ulit sya, "Yes, Genesis. I'm the youngest member of the Familia to ever be invited to the Grand Order of the Kings."

"Oh my gosh...Kalevel mo na yung mommy ni Alexa?" Di ako makapaniwala.

"Di ko pa naman tinatanggap yung invitation eh!"

"Pero invited ka na!"

"Genesis, let's not make a big deal out of it please? I'm still me and I'm not planning on accepting their invitation. I'm completely happy with the Jacks."

May point naman sya. Walang nagbago sakanya. Sya parin si Raegan na nakilala ko.

Pero mas lalo lang tumaas yung tingin ko sakanya. At kasabay ng pagtaas noon ay ang pagbaba ko. Siguro kaya ganoon nalang kasama ang tingin sakin ni Leila Garcia at nung mommy ni Alexa? Ano nga lang ba ako kung ikukumpara kay Raegan Luces? Ordinaryo lang ako. Simple. Samantalang si Raegan, sa edad nyang iyan ay mataas na ang naaabot.

"Tara na," Hila nya ulit sakin papuntang stairs, "Inaantok na ako."

"Sige."

__________________________________

A/N:

I feel bad for Genesis. The more she gets to know Raegan, the more she realizes their differences. Somehow I think tama si Raegan for delaying telling her everything about the Familia. Baka kasi matakot si Genesis eh.
But then again, I'm just the writer, what would I know?
We'll just see how things would go later on in the story. Okay?

Kayo? What do you think of the Orders? Genesis reaction? Alexa's engagement? Rae's childish personality? All in all, what do you think of the chapter?

Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon