Chapter 16

104K 1.5K 110
                                    

"Genesis, gising na,"

"Hmmm,"

Naramdaman ko nalang na tumigil yung mahinang pagyugyog sakin ni Raegan at napalitan ito ng paghaplos nya sa mukha ko.

"Gising na,"

Umalis sya sa tabi ko at narinig kong hinawi nya yung makakapal na kurtina.

"Ay nako, sisikat na yung araw oh,"

Kahit antok na antok pa ako'y iminulat ko na ang mata ko at hinarap si Raegan na nakatayo sa tabi ng bintana.

"Sarado mo nga yan!" Reklamo ko kasi natatakot ako sa Manila skyline. Madilim pa sa labas at nagsisimula pa lang sumikat ang araw, pero maaninag mo ang nagsisitaasang mga building.

"Takot ka pa rin sa heights?" Tanong ni Raegan at umupo sya sa tabi ko, "Di ka pa ba sanay?"

"I can't get used to it."

Napakamot ng ulo si Raegan, "So hindi mo binubuksan yung kurtina?"

Yung makakapal na beige na kurtina kasi ang tanging humaharang sa salamin na nagsisilbi na ring pader. Sakop nito ang buong espasyo noon kaya't hindi ko iyon nilalapitan o binubuksan.

"Nope," Pagiling ko.

Walang response si Raegan, nakatingin lang kami pareho sa labas. Tinititigan ko yun Manila skyline, hoping na masasanay din ako sa heights.
Unti unting sumisikat yung araw at nagliliwanag yung paligid.

"Sunsets are too cliche," Mahinang sabi ni Raegan saka sya ngumiti sa direksyon ko, "Rising sun na ang bago ngayon!"

"Dami mong alam," Inaantok kong sabi.

Tumayo si Raegan at isinara na nga iyong kurtina, humarap sya sakin at pumameywang.

"Ano, di ka pa babangon? Kailangan maaga ako dun kasi magwawarm up pa kami,"

"Bakit naman kasi ang aga?! 5:30am palang oh!" Reklamo ko sakanya, "Saka isa pa, wala naman akong gagawin dun, pwede bang pumunta nalang ako kapag yung game mo na mismo?"

"Hindi pwede! Nagpromise ako sakanila na ipapakilala kita eh," Medyo pacute na padabog nya. Gusto ko tuloy sya tawanan kasi hindi bagay. Ang astig pa naman nya tingnan sa La Salle lawn tennis varsity uniform nya.

"Susunod nalang ako dun," At nahiga na ulit ako.

"Genesis!!" Patalon na umupo si Raegan sa kama, "Sige na please?"

"Raegan, inaantok pa ako!"

"Genesis naman eh! Opening game ko 'to! Against Ateneo pa! You need to be in the front seat! The earlier, the better!"

"But not this early!" Bawi ko sakanya ng nakapikit, "Raegan, mamayang 8am pa yung game mo!"

"Sige, hahayaan kitang matulog muna, iiwan na kita dito. Pero papasundo kita kay Marian?"

Napaupo ako sa narinig ko, "Kay Mam Perez?!"

"Yep," Nakangisi ang loko.

"Raegan, blackmail na yan." Pinanlisikan ko sya ng mata.

"I know, but I promised my team mates that I'll introduce you to them," Pagamin nya, "So, ano? Kay Marian ka nalang sasabay?"

"Kainis ka, sana matalo ka mamaya." Padabog akong bumangon at dumiretso sa CR.

"As if that'll happen."

Nang matapos na akong maligo and everything, nagbaon nalang kami ng breakfast kasi napagdesisyonan ni Raegan na sa kotse nalang kumain. Baka daw kasi malate sya kapag dun pa kami sa condo kumain, nababagalan pa naman siya sakin.

"Eyes on the road!" Reklamo ko nang bigla biglang inapakan ni Raegan yung brakes at halos masubsob ako sa dashboard ng pickup. Buti nalang at nakaseatbelt ako.

"Geez, sorry about that."

"Kasi naman eh! Bakit ba sobrang nagmamadali ka? Ang aga pa oh!"

"I..just...I dunno..." Nauutal na sabi ni Raegan.

"Huy, baka naman kinakabahan ka na?" Natatawa kong asar sakanya.

Saglit na sumilip si Raegan sakin, "It's my first game after. . .you know."

Napalitan ng assurance yung pangasar kong ngiti, "I'm sure they'll be proud of you."

Hindi nya pa rin nakakalimutan yung family nya. Siguro palagi silang nanunuod ng games nya?
Napalitan ng lungkot ang kanina'y masayang kislap ng mga mata ni Raegan. Jusko, pati ata ako mahahawaan nya. Contagious pa naman yung feelings nya. Kapag masaya sya, sasaya din ako. Kapag tahimik sya, tahimik din ako. Kapag Bad mood sya, ganun din ako. Damay damay lang since sa iisang condo lang kami nakatira at palagi kaming magkasama.

Pilit na ngumiti si Raegan, "Good thing you'll be there. Ikaw na kasi ang bagong inspiration ko eh,"

Binatukan ko nga sya at tinawanan, "Dami mong alam!" Para lang naman magbago yung atmosphere. Baka kasi maapektuhan yung game nya kung malungkot sya.

Pagdating namin sa venue, agad na dinala ni Raegan yung equipment nya at hinila ako patungo sa grupo ng Lasallian tennis players na nagiistretch na.

"Hey, Raegan! You're late!!" Sigaw nung isang lalaking six footer. Gwapo sya at singkit, may maliit na bandaid sya sa nose bridge na tila nabali yun at kakaayos lang.

"Catch!" Sigaw naman nung isang cute na girl na nakabraid ang mahabang buhok. May binato syang green papunta sakin.

Napapikit nalang ako kasi sa mukha ko tatama yung green thing na binato nya.

Boogsh

"HANNAH!" Galit na sigaw ni Raegan.

Napamulat nalang ako at nakitang sinalo ni Raegan yung green na tennis ball pala sa tapat mismo ng mukha ko. Ilang inch lang ang layo ng likod ng kamay nya sa ilong ko.

"Uh-oh,"

Galit na lumapit si Raegan dun sa Hannah pala ang pangalan pero hinarang sya nung lalaking may bandaid sa ilong, "Raegan, calm down."

"That wasn't nice," Singhal ni Raegan.

"Raegan, I'm fine," Napa-English na din ako at hinila ko si Raegan papalayo.

Tumawa lang yung Hannah, "Ano ka ba? Alam ko namang sasaluhin mo yung bola eh!"

Humarap naman yung lalaki dun sa Hannah, "But it's still not nice,"

"Ang KJ nyo, Jake." Nakalabing sabi ni Hannah at lumapit naman sya sakin, "Oh well, I'm sorry about that. Name's Hannah,"

"Montana," Natatawang dugtong nung guy na tinawag nyang Jake.

"Hannah Montero!" Inis na pagcorrect ni Hannah.

"Ayos lang, Genesis Beltran." Tanggap ko sa nakalahad nyang kamay. "Call me Gene."

Tinulak nung lalaki si Hannah papalayo at saka naman ngumiti sakin, "Jacob Reyes, nice to meet you, Gene."

"Nice to meet you too," Natatawa kong tinanggap din yung kamay nya.

"Hoy, Raegan, nagsorry na ako. Kumalma ka na jan," Reklamo naman ni Hannah kay Raegan na mukhang nabadtrip na ng tuluyan.

Binatukan ni Raegan si Hannah at napangiwi ako sa lakas, halos masubsob din kasi si Hannah, "Mapapatay na kita eh,"

"Grabe ka naman! Masakit yun ahh!" napakamot ng ulo si Hannah.

May tumawa ng malakas at napatingin kami sakanya. Isang girl na super sexy sa varsity clothes nya. Kamukha nya si Megan Fox pero mala-Lara Croft yung lakad nya. Nakaponytail yung mahaba nyang buhok at may pinapatalbog syang bola sa tennis racket nya.

"Ano, Christine, nababaliw ka na jan?" Kumento ni Hannah.

Napangiti tuloy ako, si Hannah ata yung madaldal at makulit sa grupo nila eh.

"Raegan, if you're gonna kill this little raccoon, sama na ako." At ginulo nung Christine ang buhok ni Hannah.

"Then I'll provide the getaway vehicle," Biglang dating naman ng isa pang lalaki na medyo malaki ang katawan. Katulad nung si Jacob ay mas matangkad sya kay Raegan kaya parang bansot kaming tingnan ni Hannah (Mas matangkad sakin si Hannah pero hindi nagkakalayo yung height namin). Parang may lahi syang bumbay at may stubles na sya sa baba, suggesting na kapag di pa sya nag-ahit soon, magkakabalbas na sya. Inakbayan nya si Hannah.

"Ano, i-salvage na natin 'to?" Binuhat ni Jacob si Hannah.

"Shiiit!, NOOOO!" Tili ni Hannah at nagpumiglas.

"Ano nang nangyari sa stretching nyo?" Biglang sabi ng isang lalaki na naka green polo shirt. May green din syang cap. Mukhang hindi player to since lagpas thirty na ata yung edad nya. Nakita nya ako, "Oh, sino to?"

"Genesis Beltran po, coach." Akbay ni Raegan sakin.

"Bagong girlfriend mo?" Tanong nung bumbay guy kay Raegan.

"Baliw, hindi!" Deny ni Raegan, "Yung housemate ko!"

"Wait, diba sya yung girl dun sa pics?" Tanong ni Christine kay Raegan at tiningnan ako from head to foot. Na-conscious tuloy ako sa itsura ko. Ayos lang naman ang green tshirt at white shorts diba? Saka di naman flashy yung black high cut Chucks ko.

"Anong pics?" Inosente kong tanong.

"I don't know about what pic you're talking about, pero sinabihan kita Gabby na ilead ang group sa stretching. Tingnan nyo si Cedric! Nagjojogging na kasama yung rookies!" Sabi nung coach kay bumbay guy at itinuro yung lalaking maputi na nilelead yung tatlong girls and boys sa pagtakbo sa paligid ng court.

"Sorry, coach." Bawi nila at pumila na para magistretch.

"Genesis, dun ka muna bleachers," Turo ni Raegan sa benches at ibinigay sakin yung paper bag na pinaglagyan namin ng breakfast sandwiches, "Eto, kain ka muna. Mamaya nalang ulit after namin magwarm up."

"Sige," Tumungo nalang ako at kinuha yung paperbag.

Pinanuod ko silang magistretching at magjogging paikot ikot sa court. Inenjoy ko nalang yung sandwiches since gutom pa ako.

"Hi," Biglang umupo yung maputing lalaki na nagjogging kanina sa tabi ko.
Gwapo sya at blue ang mata nya. Sya ata ang pinakamatangkad sa tennis team nila. Amerikano ang dating nya sakin at katulad nung si Gabby, may stubbles na din sya.

"Hi,"

"I heard you're Raegan's new girlfriend." British accent na sabi nya. Okay, hindi pala Amerikano kung hindi Briton!

"No, no!" Deny ko na may kasama pang hand gestures, "I'm not her girlfriend!"

"Really?" Surprised na sabi nung guy, "Then the pictures are wrong?"

"What pictures?" Inosenteng tanong ko ulit.

Kinuha nung guy yung iPhone nya at inopen yung Twitter nya. May tinype sya at hinanap saka ipinakita sakin ang dalawang magkatabing pictures namin ni Raegan. Magkaholding hands kaming naglalakad at naka-uniform pa ako. This was definitely taken nung first day of classes ko na sinundo ako ni Raegan.

Seems like @RaeganLuces is now taken.

"That's not true!" Reklamo ko dun sa guy at binalik yung iPhone nya.

"Then, what's this?" Tanong nung guy, tinutukoy yung picture.

"Raegan fetched me from school, that's all."

Tumungo nalang yung guy at tinago yung phone nya, "Sorry, I'm Cedric by the way,"

Napabuntong hininga ako, "I'm Genesis, but you can call me Gene."

"Nice name, Gene." Ngiti ni Cedric, "So you and Raegan are friends?"

"Yes,"

"That's nice."

"Hey, Cedric! C'mere! Coach has something to say!" Sigaw ni Hannah at nagwawave pa ng kamay.

"Gotta go," Paalam ni Cedric at tumakbo na papunta sa tennis team.

Habang nagkakaroon sila ng team meeting, napansin ko na may dumating na team na nakablue sa kabilang side ng court. Nanlilisik ang mga tingin nila sa team ni Raegan.
Siguro ito na yung Ateneo?

Binaba na ng Ateneo team yung gamit nila at nagsimula nang magistretch.

"Genesis," Napatingin ako sa tao sa tapat ko. Si Raegan pala. Pawisan na sya sa stretching na ginawa nila.

"Magpunas ka nga!" Pagpapaalala ko sakanya.

May nagbato ng towel sa ulo ni Raegan, si Christine at papalapit na sya samin.

"I can't believe you're approaching your girlfriend dripping wet." Pagiling ni Christine at naupo sya sa tabi ko. "Hi, I'm Christine Jamilla."

"I'm Genesis Beltran," Naiilang kong tinanggap yung kamay nya, "But I'm not Raegan's girlfriend."

Nagduda sya sakin, "Really now? Then what about the pictures circulating in Twitter?"

"Cedric showed them to me earlier," Sagot ko, "Those are just misunderstandings. Raegan fetched me from school, that's all."

Ibinaling naman ni Christine ang atensyon kay Raegan, "And when did you turn sweet? May holding hands ka pang nalalaman?"

"Bakit? May problema ka?" Ganti ni Raegan. Kinuha nya yung waterbottle nya at uminom.

"Di ka naman ganyan eh," Nakalabing sabi ni Christine. Napangiti tuloy ako kasi may pagkachildish din pala sya, "Ni ayaw mo nga kapag niyayakap kita eh,"

"Eh kasi baka magka-issue nanaman tayo." Simpleng sagot ni Raegan, "Baka kuyugin ako ng fans club mo," At ngumuso sya sa direksyon ng bleachers na may isang kumpol na ng nakagreen na fans na may hawak na, Christine for the Win!

Okay, di ko inaasahang may fansclub si Christine. Pero, sabagay. Maganda naman sya. Mas matangkad sya sakin pero mas matangkad pa rin si Raegan ng ilang inches. The way she walked earlier, parang astigin din sya.

"Tsk. Anjan nanaman sila," Naiiritang sabi ni Christine at umiwas ng tingin, "I'll freaking kill them if I find an ugly picture of me in the internet."

"Ha?" Inosente kong nasabi.

Tinuro ni Raegan yung isang boy sa fangroup na may hawak na DSLR at kasalukuyang kinukunan kami ng picture.

"Geez, when will they get tired?" Naiirita si Christine.

"Kapag losyang ka na," Tawa ni Raegan.

"Baliw!"

"Hey, what are you laughing there?" Biglang singit naman ng bagong dating na si bumbay guy named Gabby. Naupo sya sa tabi ni Christine.

"Yang baby balbas mo," Tawa naman ni Christine na iniba yung subject.

"Problema nyo sa balbas ko?" At conscious na hinimas ni bumbay guy Gabby yung baba nya.

"Ahitin mo na kasi!" Natatawang reklamo ni Raegan.

"Ayoko nga! Pahahabain ko 'to noh!"

"Yeah, right. Tapos magsuot ka na din ng turban!" Hagikgik naman ni Christine.

"Badtrip kayo," Pagiling nalang ni Gabby. Tumingin sya sakin at ngumiti, "Sorry sa kabaliwan nila ahh, I'm Gabriel Zahin."

"Genesis Beltran," Ngiti ko din, "Call me Gene."

"Wow, nice name. Call me Gabby nalang,"

"Okay,"

"Hey! Bakit kayo nagtatawanan dyan without us?" Reklamo ni Hannah na kasunod sila Cedric at Jacob.

"Oo nga! Ang daya nyo ahh!" Dagdag ni Jacob.

"Aysus, inggit lang kayo eh!" Tawa pa ulit ni Christine.
Apparently, masayahing tao tong si Christine at madaling mapatawa. Tuwang tuwa sya eh.

Pinasakan ni Raegan ng sandwich yung bibig ni Christine at nagsitawanan kaming lahat, "Makatawa ka wagas!"

"Badtrip ka, Raegan!" Dinura ni Christine yung pagkain at saka napalitan ng kaba yung emosyon nya, "Jusko, baka magtrending tayo mamaya!!!" Kabadong tingin nya kay Raegan tapos lipat ng tingin dun sa fansclub nya na patuloy ang pagkuha ng stolen pictures saamin.

"Hindi yan! Nakatakip si Cedric oh!" Turo ni Gabby, "Yung pwet lang nya makukunan ng pictures!"

"Yeah, right. They should totally check my ass out," Dugtong ni Cedric na pinalo pa yung pwet nya na lalong nagpatawa saaming lahat.

"Wait, you understand Filipino?" Gulat kong tanong.

"Nakakaeynteyndey luhng." Pilit na nagFilipino si Cedric.

"Dude, that sucks!" Asar ni Jacob na tinapik nalang si Cedric sa balikat.

"You should practice more," Sabi ni Christine.

"Oo nga!" Pagsangayon din ni Hannah.

Sumipol si Raegan habang nakatingin sa kabilang side ng court kung saan tapos nang magstretching yung mga nakablue na Ateneans.

"Sama ng tingin sayo Raegan nung si Javier oh," Nguso ni Hannah.

"Diba palagi namang masama tumingin yung si Javier?" Tanong ni Jacob na nakatingin na din sa mga Ateneans.

"Sino si Javier?" Pabulong kong tanong kay Christine.

"Si Justine Javier, yung girl na maputi at may blue cap. Yung nakatingin lang dito?" Pagdescribe ni Christine.

Nakita ko yung sinasabi nilang Javier. Sya yung pinakamatangkad na girl sa group nila. Nakatayo lang sya at masama ang tingin sa grupo namin dito sa bleachers.

"Durugin mo nalang ulit sa court, Raegan." Kibit balikat na sabi ni Gabby, "Baka kasi galit pa sya dun sa last game nyo?"

"Eh kasalanan naman nya yun eh," Sabi ni Raegan, "Matatalisod sya tapos ako sisisihin nya? Tanga lang?" At tumawa nalang sya.

"Hindi naman yun yung dahilan eh," Sabi ni Jacob, "Puro aces yung tinira mo sa last set, di mo man lang sya pinagbigyang makabawi,"

"Guys, naawa na ako sakanya nun eh," Sabi ni Raegan, "Obvious na ngang may sprain sya from that fall pero pinagpatuloy nya pa rin yung game. Eh di in-ace ko na yung last set para tapos na agad. Di na sya maghahabol ng bola."

"That wounded her pride, dude," Sabi ni Cedric, "Imagine getting beaten up by a rookie in that way,"

"Yeah well, ipanglaba nalang nya yung pride nya," Tawa ni Raegan.

"Ang lakas ng hangin!" Binatukan ni Christine si Raegan.

Nagsisidatingan na yung mga tao at unti unti nang napupuno yung stadium.

"Oi, Gabby, yung babies natin oh! Parang maiihi na sa kaba! Pakalmahin mo nga!" Turo ni Christine dun sa tigtatlong boys and girls na tahimik lang sa bench.

"Babies?" Tanong ko nang umalis si Gabby at tinungo yung mga nasa bench.

"Rookies namin," Sagot ni Hannah, "Well, rookie din naman yang si Raegan last year eh kaya medyo baby pa sya,"

"Gaano na ba kayo katagal sa team?" Tanong ko.

"Four years na kami ni Gabby," Sabi ni Christine,"And last year na din."

"Three years na kami nila Cedric and Jacob," Dagdag naman ni Hannah.

"Two years," Tipid na sagot ni Raegan.

Napatango nalang ako. Si Raegan pala ang pinakabago sa team nila. Well, aside sa rookies nila.

"Tara na't baka magalit si Coach," Sabi ni Jacob, "Kailangan din natin samahan yung rookies muna,"

"Sige, Gene, enjoy the game." Paalam ni Hannah.

"Goodluck," Paalam ko sakanila.

"Laters," Paalam ni Raegan saakin at saka ako hinalikan sa noo.
Napansin kong nagsitaasan yung kilay nila sa ginawa ni Raegan pero di nalang nila pinansin, siguro may ganoong mga instances lang talaga si Raegan a sweet and caring sya sa mga friends nya.

"First game si Raegan," Kindat ni Christine, "Versus Javier," At umalis na sila.

Naiwan ako doon magisa sa bench. Front row pa naman ako kaya walang masyadong tao. Tumunog yung cellphone ko.

Incoming Call from Jenna

"Hello?"

"Gene, asan ka?"

"Front row,"

"San dito?"

"Malapit sa bench ng mga Lasallian,"

"Ikaw ba yung nakagreen? Taas mo nga kamay mo,"

Itinaas ko yung kamay ko.

"Ayun, ayos na, kita ka na namin."

"Okay, sige baba ko na ahh,"

At inend ko na yung call, wala pang ilang segundo ay may tumapik ng balikat ko.

"Jenna, ang bilis--Mam!" Napatayo ako kasi si Mam Perez pala yun, looking like a teenager sa green La Salle tshirt nya, white shorts at white cap. Hawak nya yung shades nya at cellphone.

"Hi," Bati nya.

"Mam, goodmorning po," Nanginginig kong bati sakanya.

"May katabi ka ba? Pwedeng sumama na sayo?" Tanong ni Mam.

"Padating na po yung friends ko, pero sige po mam. Upo po kayo, madami pa naman pong bakante eh." Inoffer ko na sakanya yung seat.

"Thanks,"

Naupo na rin ako sa tabi nya. Okay, this is awkward.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon