Chapter 18

86.2K 1.3K 87
                                    

"Gene!"

"Mam Perez," Ang mahina kong tugon.

Nasa labas kami ng emergency room ng isang mamahaling ospital. Dumating nalang ang mga medical personel sa condo unit at dinala si Raegan. Wala man lang kumausap sakin o kung ano, buti na nga lang at hinayaan nila akong sumakay ng ambulance at makatabi si Raegan.

"Ayos ka lang?" Worried na tanong ni Mam Perez sakin. Andito na sya sa ospital kanina pagdating namin, tila hinihintay kami.

"I'm fine, I guess."

Tumungo nalang si Mam at inakay ako papunta sa waiting area.

Hindi ko makalimutan yung itsura ni Raegan. Para lang sya natutulog kanina habang kinukunan sya ng blood pressure nung mga medics. Ang dami din nilang chineck kay Raegan eh.

"She'll be fine, don't worry." Pagassure sakin ni Mam.

Saglit akong iniwan ni Mam kasi may tumawag sakanya sa cellphone nya. And speaking of cellphone, hawak ko parin tong cellphone ni Raegan.

Hindi ko alam kung anong meron sa monogram na 'HI' pero tinitigan ko yun, hoping na may malalaman ako dun.

"Hephaestus Industries, that's a high tech phone you got there." Biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Based on the monogram design, that's handmade. Where'd you get it?" Tanong ng isang lalaking naka suot ng white coat over his simple polo and slacks. Gwapo sya, parang Alden Richards ang dating.

"It's not mine," Mahina kong sagot.

"I'm sorry, I'm Dr. Apollo Miraber." Inoffer nya yung kamay nya, "Resident pediatric."

Wow, pediatrician, hindi halata sakanya.

"Gene Beltran," Tinanggap ko yung kamay nya.

"Gene, nakausap ko--Oh hey, Apollo." Biglang dating ni Mam Perez.

"Marian, good to see you," Ngiti ni Dr. Apollo. Shitness, bagay sakanya yung name na Apollo, parang greek sun god kasi ang dating nya eh. HOT.

"Gene, pinatransfer ko na si Raegan sa isang private room," Balita ni Mam Perez sakin.

"Raegan, as in the Raegan Luces?" Tanong ni Dr. Apollo, "House Zeus, Order of the Jacks, First Trade?"

Ano daw?!
Wala akong naintindihan sa mga sinabi nya!

"Yep,"

"Anong nangyari sakanya??"

"Splitting head aches, fainted," Tipid na sagot ni Mam Perez.

"Sounds bad for her to faint," Sabi ni Dr. Apollo, "Anyways, I got to go. Contact me directly if you need anything else,"

"No need, I'm quite sure your father will accomodate us greatly." Sagot ni Mam Perez.

"Still, if you need me, I'm just a call away." Ngiti ni Dr. Apollo at umalis na sya.

"Sino yun?" Tanong ko, "Kakilala nyo ni Raegan?"

"Anak ng may ari nitong ospital," Sagot ni Mam Perez, "Tara na, baka magising na si Raegan. Hahanapin ka nun."

Dinala ako ni Mam Perez sa eight floor ng ospital. Room 813. Mahinang kumatok si mam saka ako pinapasok.

Malaki yung kwarto, sky blue ang pintura ng pader, simple pero malaki. May vase ng puting bulaklak sa isang drawer sa dulo ng kwarto. May paintings din pero hindi ko na muna inabala yun kasi nakatingin lang ako sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Raegan.

Naupo ako sa tabi ng kama ni Raegan at tiningnan lang sya.
Hindi talaga ako magsasawang tingnan sya. Para syang anghel sa maamo nyang mukha. Napangiti ako kasi ibang iba sya kapag gising, astigin kasi si Raegan eh. Boyish ang kilos.

"Binigyan lang nila si Raegan ng pain relievers. She needs to stay for the night for close inspection." Mahinang sabi ni Mam Perez.

Naupo si Mam sa kabilang side ni Raegan at hinaplos ang mukha nito.

"Hay nako, she really looks like him," Mahinang sabi ni Mam Perez at pinahid ang tumulong luha nya.

"Mam?"

"Sorry ha," Pilit na ngiti ni Mam Perez sakin, "Little sister na din kasi ang turing ko dito sa mokong na 'to eh."

So, close pala talaga sila. Or atleast si Mam Perez lang, kasi hindi naman ganito ka-intimate yung pagkwento ni Raegan sakin. Parang acquintance lang ang turing ni Raegan.

Jusko, ang hirap talaga malaman kung anong tumatakbo sa isip nitong si Raegan.
Ang clingy nya sakin, ang protective nya kay Alexa, ang angas nya sa court, normal sa teammates nya, reserved sa empleyado nya at sa mga kakilala nya na may kinalaman sa business nila or something tulad nitong si Mam Perez.

Pinanuod lang namin si Raegan na matulog, humihinga sa ilong nya at nageexhale sa bibig nya. Grabe, atleta talaga ang pangangatawan nya.

"Kumain ka na ba, Gene?" Tanong ni Mam sakin after what feels like forever.

"Ayos pa po ako Mam,"

Napatingin kami kay Raegan kasi dumilat na sya, "Genesis,"

"Andito ako," Sabi ko at hinawakan ko yung kamay nya. Hindi ko maiwasang mapangiti kasi ako talaga yung una nyang hinanap.

Ngumiti si Raegan, "Hey,"

"Ayos ka na? May nararamdaman ka ba?" Tanong ko.

"My head hurts like hell," Garagal na sagot ni Raegan.

"You want something? Water, perhaps?" Tanong naman ni Mam Perez at inabot yung baso ng tubig sa may bedside table.

"Marian, anjan ka pala,"

"Try mo din kasing tumingin sa paligid eh noh?" Nakangiting sabi ni Mam, "Palagi nalang kay Gene ang atensyon mo."

"That's because she well deserves my full attention,"

Naramdaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko. Ano nanaman bang ginawa ko para masabi ni Raegan yun? Saka isa pa, panong masakit na nga ang ulo nya ay nasasabi nya pa yun? Baka wala sa sarili to dahil sa medicines nya.

Uminom ng tubig si Raegan sa inabot na baso ni Mam Perez.

May kumatok sa pintuan at pumasok si Alexa.

"Hi, tumawag sakin si kuya Apollo eh," Pagpapaliwanag nya.

"Kuya Apollo?" Nagtataka kong tanong. Kilala nya si Dr. Apollo? O ibang Apollo ang tinutukoy nya? Gaano ba kadami ang Apollo sa mundo?

"Long story," Kindat ni Alexa sakin.

Hindi ko alam kung maliit lang talaga ang mundo kasi parang ang daming contact nitong mga 'to. Pero siguro dahil mayayaman sila at kasama sa business nila ang pakikipagkaibigan sa isa't isa.

"Ano Amazona? Anyare sayo?" Tanong ni Alexa at naupo sa tabi ko.

"Head ache," Sagot ni Raegan at naupo sya ng maayos sa higaan. Inassist namin sya ni Mam Perez, "Thanks,"

"That's got to be quite a headache para madala ka dito sa ospital," Sabi ni Alexa.

"Bumagsak kasi sya," Kwento naman ni Mam Perez.

"Tch. Itutulog ko lang naman 'to eh."

May kumatok sa pintuan at pumasok ang isang matandang lalaki. Itsura palang nya alam mo nang beteranong doktor na eh. Nakasunod sakanya si Dr. Apollo at isa pang doktor at isang nurse.

"Good evening, Ms. Perez, Ms. Zhukov and Ms. Luces," Bati nung head doctor ata.

"Dr. Leonard Miraber," Tungo ni Raegan.

Ngumiti yung head doctor na Dr. Leonard Mirber pala ang pangalan, "It's nice to see you again Raegan, although hindi ko inaasahang sa ganitong paraan."


"Well, that's thanks to my bad headache and overpanicky friend here," Turo ni Raegan sakin at tumawa sila.

Grabe, pinahiya pa ako! Eh ako na nga itong tumulong sakanya!

"Anyways, Raegan, we'll be keeping you overnight just to make sure you're fine." Sabi ni Dr. Miraber na tatay pala ni Dr. Apollo. Sila ang may ari nitong ospital sabi ni Mam Perez kaya siguro sobrang yaman nila?

"Sucks, I still have work to do eh," Disappointed na sabi ni Raegan.

"I'm quite sure your business can wait," Singit ni Dr. Apollo, "You'll have plenty of time for it when you get better, for now, you need to rest."

"Can we stay?" Tanong ni Mam Perez.

"Of course," Sagot nung isa pang doctor na parang kambal ni Dr. Apollo. Pareho kasi silang gwapo, except this guy has the same grim expression nitong tatay nila.

"So, Raegan, I hope you'll get better soon, Ms. Zhukov." Paalam ni Dr. Miraber, "Ms. Perez, can I talk to you privately?"

Parang inaasahan na din naman na ni Mam Perez yun kaya tumayo na sya, "I'll be back later with dinner,"

"Thanks," Tungo namin ni Alexa.

Umalis na silang grupo ng doktor at si Mam Perez. Tahimik lang kaming tatlo sa kwarto. Lumipat si Alexa sa couch at nagbukas ng TV.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Raegan sakin.

"Oo naman, diba dapat ako nagtatanong nyan sayo?" Bawi ko.

"Well, I'm quite sure it's scary for you when I passed out."

"Andun naman si Azula eh," Ngiti ko, "Oo nga pala, I'm sorry kung ginamit ko tong cellphone mo kanina. Wala kasi akong number ni Mam Perez eh," Ibinalik ko na kay Raegan yung cellphone nya.

"Buti nabuksan mo," Natatawang tinanggap ni Raegan yung cellphone.

"Ewan ko nga kung pano ko nabuksan eh," Natatawa kong ikinwento sakanya, "Bakit naman kasi fingerprint scanner pa gusto nyan?"

"Well, madami kasing private things tong phone ko. Ayokong may ibang gumagamit,"

Nahiya naman ako kasi feeling ko nanghihimasok ako sa privacy nya, "Sorry,"

"Don't worry, it's all right. Ano bang nakita mo?"

"Yung contacts mo lang. Ano yung Familia Olympia? Saka bakit may listahan ka ng Olympian gods?"

Tumawa si Alexa, kanina pa ata nakikinig sa usapan namin, "Seriously Raegan? Di mo pa ba sinasabi sakanya?"

"Unneccessary information," Tipid na sagot ni Raegan, "Sorry Genesis ahh, next time ko nalang ieexplain sayo kung ano yung Familia."

"Ano bang meron dun? Kulto ba yun? Fraternity? Sorority?" Tanong ko.

Tumawa ulit si Alexa, "We're much much more better than that, Gene."

"Member ka din nun?" Tanong ko.

"Yeah,"

"Oy, Alexa, pabalik dun sa news," Sabi ni Raegan kay Alexa na naglilipat ng channel.

Grabe, galing lang sumegway eh noh? Akala nya siguro di ko mapapansin na iniiba nya yung topic! Pero sige, sabi naman nya ieexplain din nya sakin next time eh. Hayaan ko nalang muna sya.

"Eto?" Tanong ni Alexa nang mailipat sa news channel yung TV.

"Yep,"

"Eh biased naman ang reports nila dito eh," Kumento ni Alexa.

"Lahat naman ng media ay biased," Sagot ni Raegan, "They always choose to report the news in a way para magmukhang masama ang isang elemento."

Tumungo si Alexa, "Wala nang balita ngayon na walang bahid ng personal opinyon ng reporter or ng channel. Lahat biased na,"

Pinakinggan ko lang sila, never ko pa kasi naisip na may ganito pala sa news? May biased biased pa silang nalalaman.

"Gene, ang tahimik mo." Sabi ni Alexa sakin.

"Wala naman akong sasabihin eh,"

Napangiti si Raegan sa sagot ko.

So, nanuod lang kami ng balita. Sila Raegan ay kung ano anong kumento ang sinasabi. Walang balitang nakaligtas sakanila kasi madami silang sasabihin. Kesyo mukhang nagdrudrugs yung reporter, irrelevant yung balita, yung maling report tungkol sa senator na nakipaghiwalay sa asawa kasi may kabit, pati yung balita sa artista napagdiskitahan nila.
Natawa nalang ako sakanila kasi hindi sila naubusan ng complain or comment. Lalo na si Alexa! Inis na inis kasi wala daw content yung balita!

"Eh ano namang alam nyo sa journalism?" Bumukas yung pintuan at bumalik si Mam Perez na may dalang pagkain para samin.

"Anong sabi ni Uncle Leonard?" Tanong ni Alexa kay Mam. Wow lang, tinawag nyang Uncle yung may ari ng ospital na to. Siguro kakilala nya talaga kasi diba kanina kuya yung itinawag nya kay Dr. Apollo.

"He invited me to their family dinner," Parang nauumay na sabi ni Mam, "Geez, alam ko na kung anong gusto nila sakin eh,"

"Ano nga ba?" Tanong ko.

"Ay nako, iooffer sakin si Leo," Naiiritang sabi ni Mam Perez at ibinaba yung pagkain sa table, "Raegan, sorry ah. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo. Sana ayos lang tong Chinese food. Dinamihan ko narin in case na gutom ka, alam ko naman yang appetite mo eh."

"Bakit naman? Di ko gets," Sabi ko. Tumayo kami ni Alexa para tulungan syang ilabas yung pagkain.

Natawa naman si Raegan, "Ayos lang. Eh anong plano mo?" Tanong nya kay Mam na parang wala lang akong sinabi.

"Ewan ko, di pa ako nakakamove sakanya," Mahinang sagot ni Mam Perez.

"Eh buong buhay nyo magkasama na kayo eh," Dagdag ni Alexa, "Di pa ata kayo pinapanganak napagkasunduan nang kayo ang magsasama eh. Kahit siguro ako mahihirapang makamove on sakanya,"

"Hindi ko kayo maintindihan," Kumento ko at inabutan ng pagkain si Raegan.

"Siguro naman naikwento na sayo ni Raegan yung kuya nya? Si Alexander?" Sabi ni Mam Perez at naglagay ng baso ng orange juice sa bedside table para kay Raegan.

"Opo" Uminom muna ako ng juice kasi nauuhaw na din ako.

"Fiance ko sya,"

Halos maidura ko yung iniinom ko.

"Seryoso?!"

Natawa naman sila Alexa at Raegan sa reaction ko. Napangiti lang si Mam Perez.

"Kaya pala little sister, mam?" Tanong ko.

"Yes," Naupo sa tabi ng kama si Mam, "Kaya nga kamukhang kamukha nya si Xander eh,"

"Mas gwapo naman ako dun!" Bawi ni Raegan at tinawanan lang si Mam. Akala siguro nya hindi ko mapapansin yung lungkot sa mga mata nya kasi yung pamilya nya ang pinaguusapan.

"Hay nako, miss ko na sya," Malungkot na sabi ni Mam.

"Tinago mo naman yung paintings ni kuya diba?" Tanong ni Raegan at sumubo ng noodles.

"Tulungan na kita?" Tanong ko naman kay Raegan kasi nanginginig yung kamay nya. Halos hindi nya maisubo yung noodles ng maayos.

"Kaya ko na," Ngiti ni Raegan.

"Nakadisplay pa kamo," Sagot ni Mam Perez sa tanong ni Raegan.

"Ilang paintings ba ni kuya Xander ang meron ka?" Tanong ni Alexa, "Ang hirap kasi makakuha ng paintings nya eh, masyadong in demand!"

Natawa si Mam Perez, "Bigay nya yung meron ako."

Nanlaki yung mga mata ni Alexa, "Hala! Baka naman unknown to the public pa yan? Naiexhibit na ba nya yan?"

"Nope," Proud na sabi ni Mam.

"Shit, ang mahal ng market value nyan!" Sabi ni Alexa, "Patingin ako sometime ah!"

"Di pwede! Private collection ko yun eh," Pagbelat ni Mam. Natawa ako, may childish side pa pala si Mam.

"Sige na, Marian!" Atungal ni Alexa, "Fan ako ni kuya Xander eh!"

"Dun ka nalang bumisita sa bahay," Mahinang tugon ni Raegan, "Ioopen ko yung studio nya kay Marian eh,"

"Raegan!" Angal ni Mam Perez, "Sabi mo private yun! Sakin mo lang ipapakita!"

"Para matahimik na tong si Alexa, at di ka na kulitin," Sagot ni Raegan, "Saka alam ko naman kung gaano kaimportante sayo yung private collection mo ng artworks ni kuya. Alam ko for your eyes only yun,"

Nagblush si Mam Perez, "Don't tell me nakita mo na?"

Umiling si Raegan, "Walang ibang nakakita nun kundi ikaw at si Kuya. Nagkulong talaga sya sa studio nya nung ginagawa nya yung mga nireregalo nya sayo eh. Unless pinakita mo na sa iba yung collection?"

Umiling si Mam Perez, "For our eyes only lang yun."

"Ganyan pala kayo ni Kuya Xander," Ngiti ni Alexa, "Ang cute lang. So punta nalang tayo sa bahay nyo, Raegan? Di ko na kukulitin si Marian."

Ngumiti nalang ako. May nalaman ako sa pamilya ni Raegan ngayon. Painter pala ang kuya Alexander nya.

"Raegan, yun lang?" Tanong ko kay Raegan kasi ibinaba na nya yung pagkain nya.

"I lost my appetite, matutulog muna ako," Garalgal na sabi nya, "Ang sakit talaga ng ulo ko eh,"

"Sige, sige," Tinulungan ko syang mahiga.

"Sorry ahh," Pabulong na sabi nya.

"Ayos lang, wag kang magaalala samin. Pahinga ka na, dito lang kami," Ngiti ko sakanya.

Ngumiti lang si Raegan at pumikit na.

Inubos na namin yung pagkain namin ng tahimik, baka kasi magising si Raegan kapag nagusap pa kami.
Nilagay nalang namin sa mini fridge yung natirang noodles na para sana kay Raegan.

"Magugutom din yan paggising nya," Pabulong na sabi ni Alexa.

"Halimaw yan sa pagkain eh," Pagsangayon naman ni Mam Perez, "Masakit lang talaga ang ulo ngayon.

Napabuntong hininga ako. Ayokong nakikitang ganito si Raegan eh. Di ako sanay.

Maya maya ay nagpaalam na si Alexa na uuwi na sya.

"I'll stay here with you," Sabi ni Mam Perez sakin nung nakaalis na si Alexa.

"Ayos lang po Mam, kaya ko naman na eh,"

"I'll stay, ako naman na din ang nagaact na guardian nya eh,"

"Talaga po?"

"Kind of," Sagot ni Mam, "Independent naman si Raegan eh, pero I still keep an eye on her kasi naging fiance ko yung kuya nya. All those years little sister na ang tingin ko sakanya. Ako na nga nagturo sakanya kung pano ihandle yung business nila eh,"

Bumuntong hininga si Mam.

"Kaya po ba alam nyo yung business nila?" Tanong ko, "Kayo po ba dapat ni Kuya err Xander ang maghahandle nun in the future?"

Tumungo si Mam Perez, "Actually sakin iaasa nung father nila yung business. Masyado kasing focused si Xander sa arts eh. Pero ayos lang naman sakin, inaasahan ko na yun eh,"

"Mam, alam nyo po, wala akong masyadong alam sa family ni Raegan," Nahihiya kong sabi sabay tingin sa natutulog na Raegan.

"Medyo complicated kasi yung family nya," Sabi ni mam, "But not in a bad way naman." Dugtong pa nya, "Sadyang malihim pa si Raegan kasi nga naiilang pa sya magopen up. Hayaan mo, darating din sya dun."

Hinawi ko yung buhok ni Raega na humarang sa mukha nya.

"Sige na Gene, pagod na din ako eh. Matutulog na ako," Sabi ni mam at nahiga na sya dun sa sofa.

"Goodnight po,"

Dun lang ako sa upuan sa tabi ng kama ni Raegan. Ayoko kasi sya iwan. Saka baka managinip nanaman sya. Dapat magising ko kaagad sya bago pa sya mahulog sa kama.
Alam kong mahihiya sya kay Mam Perez kapag nangyari yun.

.

.

.

.

.

.

"Hmmm,"

Naramdaman kong gumalaw si Raegan kaya umayos ako't iniangat yung ulo ko.

"Raegan?" Binuksan ko yung ilaw.

"Ano yun?" Napabangon si Mam Perez sa biglang liwanag.

Nakaupo si Raegan sa kama, mapupungay ang mga mata sa tulog. Ang weak nya tingnan sa lagay na 'to. Para syang batang naliligaw. Asan na yung maangas na si Raegan?

"Raegan? Ayos ka lang?" Tanong ko.

"May masakit ba? Tatawag akong nurse," Sabi naman ni Mam Perez. Tumayo sya at lumapit sa higaan.

Tiningnan lang kami nang nagtataka ni Raegan.

"Sorry, I...uhh.." Napahawak si Raegan sa ulo nya.

"Masakit?" Tanong ko, napatingin lang ako kay Mam Perez.

"I'm sorry, it's just that..." Sabi ni Raegan. Garalgal yung boses nya pero parang ilang pitches ang taas sa normal. Parang hindi tuloy si Raegan ang nagsasalita.

"Raegan, come on. Masakit ba?? Tatawag na akong doctor," Worried na tanong ni Mam Perez.

Tiningnan kami ni Raegan.
Pati yung kislap ng mga mata nya parang iba. Ganun ba talaga kasakit yung ulo nya? Parang ibang tao kasi tong nasa harap namin.

"I..I...I don't know you."

-------------------------------------------------------------------

A/N:

HALA KAYO! ANYARE KAY RAEGAN!
ahaahahahaha
Ako na masamang author. Masyadong pabitin :3

Syempre, para maexcite kayo't abangan nyo diba? AHAHAHA
Laters~

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon