Chapter 45

77.2K 1.3K 50
                                    

"Hoy! Ano ba Gene?! Tinatanong kita!"

Humikab ako at tumingin kay Alexa na halatang excited.

"Ano ulit yun?"

Napakamot lang ng ulo si Alexa at saka naupo ng maayos sa tabi ko. "Sabi ko may date na ako sa Valentine's. Kayo ba ni Raegan may plano na?"

Umiling ako, hindi pa naman kasi kami naguusap ni Raegan kung anong plano namin for Valentine's day. Iniisip ko nalang isusurprise nya ako.

"Sino nga palang kadate mo?" Tanong ko nalang para mapunta sakanya yung topic.

"Si Jacob!"

Kumunot noo ko dun. Si Jacob yung teammate ni Raegan sa tennisters. Sya yung nanligaw dati kay Alexa pero nabasted naman kasi sinagot nya si Marcus.

"Teka lang, ano bang plano mo dun sa engagement nyo ni Percy?" Tanong ko. "Ba't nagdadate ka ng iba?"

"Matagal pa yun," Pagsasawalang bahala ni Alexa.

"Ano ngayon kung matagal pa yun? Mabilis lang ang oras! Mamaya magising ka nalang ikakasal ka na dun!" Angal ko sakanya. "Kung ikakasal ka sa iba, wag mong pinapaasa si Jacob!"

Inirapan nya lang ako. "Wala naman akong balak magpakasal kay Percy eh."

Napabuntong hininga nalang ako. Ang laking problema kasi nito kay Alexa. Siguro wala na talaga syang maisip na solusyon kaya tinutulak muna nya pansamantala. Pero wala rin naman mangyayari kapag ganoon, pinapatagal lang nya. Parang ako.

Napailing ako dun. Hindi ko naman pinapatagal eh!

Okay, sige, medyo...pero may dahilan naman ako at naiintindihan yun ni Raegan!

Pumunta ng kitchen si Alexa at nagbukas ng fridge. Ibinalik ko na yung atensyon ko sa librong binabasa ko kanina nang biglang may kumalabog. Napatingin ako kay Alexa at nakitang nagpupulot sya ng apple na nahulog sa fridge.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"May naalala lang ako!" Sabi ni Alexa habang inilalagay yung apple sa fridge. "Diba February 14 yung birthday mo? Valentine's yun!"

"Oo."

Bumalik na sa tabi ko si Alexa hawak hawak yung isang bote ng orange juice. "Baka may surprise sayo si Raegan!"

"Kanina ko pa naisip yan."

"Ayyiiee!" Kinilig pa si Alexa habang yakap yakap yung throw pillow. "Ano nanaman kayang gagawin nya ngayon?"

Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti at isipin kung ano nga bang gagawin ni Raegan. Nagawa na nyang punuin ng rose petals yung mansyon nila sa Taguig dati dahil trip lang nya na magdinner kami. Eh ngayong may okasyon talaga? Anong gagawin nya para sakin?

"Teka, alam ba nya na birthday ko sa Valentine's?"

"Psh, ano ka ba, alam nya yun!" Tawa ni Alexa. "Nagrun kaya kami ng private investigation sayo."

Napalingon ako kay Alexa. "Ano?!"

"Di mo alam?"

Umiling lang ako at tumawa naman sya ng malakas.

"Hoy, anong private investigation?"

"May kinwento sakin si Amazona noon, sa tingin nya daw nagkakagusto na sya dun sa anak ng psychologist nya." Kwento ni Alexa. "Syempre di pa kita kilala noon kaya sinuggest ko na ipainvestigate ka muna."

"Ha?! Bakit mo naman isusuggest yun?!"

"Natatakot ako para kay Raegan. Emotional wreck pa sya noon diba? Kakamatay lang ng pamilya nya, mapusok pa sya. Baka mahulog loob nya sayo tapos samantalahin mo."

Napakunot lang noo ko sa kwento nya.

"But don't get me wrong, Gene. Hindi pumayag si Raegan sa idea ko kaya ako na nagpainvestigate sayo, inabot ko nalang sakanya yung file mo."

"Asan yung file?" Tanong ko. "May kopya ka ba? Gusto ko makita!"

"Meron ako sa unit ko, pero wag mo na tingnan, basics lang naman yun eh."

"Anong basics? Ano nga nakuha nyo sakin!"

"Birth certificate, yung grades mo since elementary hanggang college, mga affiliations mo, yun lang."

"EHH?! Pati grades ko?!"

"Psh, ayos lang naman diba? Honor student ka naman dati eh."

"Pero nakakahiya!!" Inalog alog ko si Alexa. "Ang pangit ng grades ko noong elementary pa ako!"

Oo nga, honor student ako dati. Pero nung highschool lang yun, nung elementary ako bulakbol pa ako. Mas gusto kong maglaro at matulog noon kesa makinig sa teacher ko.

"So? Bata ka pa nun, di ka pa masyadong seryoso sa pagaaral."

"Alexa naman ehh, kainis ka!"

Nagring yung doorbell at maya maya'y pumasok si Raegan.

"Hello," Naupo sa tabi ko si Raegan at agad naman sumampa sakanya si Azula.

"Pagod ka ah, kumain ka na?" Tanong ko.

Nakasandal si Raegan at nakatingala, napansin kong nakapikit sya.

"Huy, kumain ka na?" Sinundot ko yung pisngi nya.

"Oo, kumain na ako." Walang gana nyang sagot.

"Kung inaantok ka na, matula dun sa itaas." Sabi ko. "Wag kang pumikit dito, di ka namin kayang dalhin ni Alexa sa itaas."

Umisog si Raegan at niyakap ako mula sa likod. Ipinatong nya yung baba nya sa balikat ko. "Payakap muna."

"Andito kaya ako," Reklamo ni Alexa.

"Eh di umalis ka na kung ayaw mo 'to makita." Singhal sakanya ni Raegan. "Dun ka sa unit mo!"

"Psh." Tumayo na si Alexa. "Sige na, alis na ako. Gene, goodnight na."

"Pero Alexa, di pa tayo tapos magusap!" Angal ko at tinanggal yung pagkakayakap ni Raegan sakin. "Wag ka makinig dito!"

"Next time nalang ulit, Gene. I'll bring the file if you want or ask that idiot for it. Gabi na eh, inaantok na rin ako eh. You should go to sleep too, baka masobrahan ka sa pagaaral."

"Di naman ako nasosobrahan eh." Binato ko sa coffee table yung librong binabasa ko kanina.

Napangiti lang si Alexa. "You're always reading, Gene. Goodnight."

"Goodnight."

"Hoy, Amazona, baka anong gawin nyo ha!" Sabi naman ni Alexa kay Raegan habang papunta ng pintuan.

Binato sya ni Raegan ng unan. "Baliw! Yakap lang eh!"

Tumawa lang si Alexa at umalis na.

"Genesis..." Ibinaon ni Raegan yung mukha nya sa bandang batok ko kaya nakiliti ako.

"Raegan, nakikiliti ako."

"Bango mo," Hinalikan nya yung batok ko at lalo pa akong nakiliti.

"Tigil na!" Lumayo ako sakanya.

Nagpout naman si Raegan. "Ano ba yan,"

"Landi mo,"

"Mahal mo naman."

Di ko sya pinansin pero nagnakaw sya ng halik sa pisngi ko.

"Ano ba! Magnanakaw ka ahh!" Hinampas ko sya ng unan sa braso.

"Magnanakaw ka din eh! Ninakaw mo puso ko! Ayan! Quits na tayo!"

"Bwisit ka, ang korni mo!" Hinampas ko ulit sya pero sa totoo lang naramdaman kong umakyat nanaman yung dugo ko sa mukha. Tumawa lang si Raegan.

Matapos ang ilang minuto ng pananahimik ay tinawag nya ako. "Genesis.."

"Ano?"

"Will you be my Valentine?"

Napatingin ako sakanya, sa mga mata nyang umaasa. Napangiti nalang ako at tumango.

Ngumiti lang din sya at saka lumapit ulit sakin para yakapin ako.

Pagdating ng Friday, Valentine's day, may pasok ako kaya hinatid ako ni Raegan sa school.

"Text mo ako after class mo, susunduin kita." Humalik na sya sa noo ko. "Happy Birthday," Humalik pa sya sa pisngi ko. "And Happy Valentine's."

"Thank you," Ngiti ko.

"Sige na, I'll see you later."

Naglalakad na ako papasok ng school nang magbago ang isip ko at bumalik ulit kay Raegan. Hinalikan ko sya sa pisngi. "Happy Valentine's din."

Namula si Raegan sa ginawa ko pero ngiting ngiti din naman sya.

Pumasok na ako ng gate para lang maambush nila Rhea, Jenna at Chloe.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Niyakap nila ako isa isa.

"Salamat!"

"Oh, 19 ka na!" Binigay ni Rhea yung regalo nya sakin.

"Thank you!" Tinanggap ko yung regalo nya at inilagay sa bag.

"Blow out na yan!" Tawa naman ni Jenna sabay abot sakin ng tatlong rosas. "Alam kong di ka mahilig sa ganito pero, Happy Valentine's na din."

"Wala ka lang maisip na ipangreregalo eh!" Pangaasar ko. "Pero thank you!"

Inabutan naman ako ni Chloe ng silver bracelet. "Happy Birthday, Gene."

"Thank you!"

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga classrooms namin kasi malapit na magsimula ang mga klase. Nagpromise nalang ako sakanila na lalabas kami bukas kasi nga may date kami ni Raegan mamaya.

"Ayiie! Anong plano nyo?" Kinikilig na tanong ni Chloe.

"Dinner lang ata? Ewan ko, surprise daw eh." Kibit balikat ko.

"Asus, Raegan Luces, dinner lang?" Tumawa si Jenna saka ako tinapik sa balikat. "Minamaliit mo naman yung girlfriend mo eh."

"Di ko---minamaliit si Raegan!" Muntik muntikan ko nang itanggi na hindi ko girlfriend si Raegan! Buti nalang hindi nila napansin yung biglaan kong pagtigil sa pagsasalita.

"Gene!"

Napalingon kami sa tumawag at nakita si Katrina na tumatakbo papunta samin. Hingal na hingal syang tumigil sa tapat namin.

"Gene, m-ay i-bibi-gay a-ko s-ayo." Hingal nyang sabi sakin.

"Hinga ka muna," Sabi ko. Pawisan na kasi sya at hindi pa nya mahabol yung hininga nya.

Huminga ng malalim si Katrina saka binuksan yung bag nya, kinalkal nya yung nasa loob at saka inabot sakin ang isang maliit na box na balot ng blue wrapping paper.

"Happy Birthday, Gene." Ngiti ni Katrina sakin.

"Thank you Katri--"

"Kenneth," Pagcocorrect nya sakin.

"Thank you Kenneth, pero hindi ka na dapat nagabala pa."

Umiling si Katrina at ipinilit sakin yung regalo nya. "Please take it, Gene. Last gift ko na yan sayo, di na ako mangungulit pa, promise."

Nagaalangan akong tanggapin yung regalo pero ipinipilit nya kaya bago pa kami malate ay kinuha ko na. Masaya namang umalis si Katrina.

"Last gift na daw oh! Patingin kami!" Sabi ni Rhea.

"Gold digger ka talaga noh?" Inilayo ko sakanya yung box at itinago na iyon sa bag ko. "Umalis na nga kayo! Sisihin nyo pa ako pag nalate kayo eh! Chupi na! Shoo!"

"Taray neto, babye na! Happy Birthday!" Paalam ni Rhea.

"Salamat!" At pumasok na ako sa loob ng classroom ko.

Umupo ako sa usual sit ko at inilabas yung notebook ko. Nakita ko yung mga nakabalot na regalo ni Rhea at Katrina at pinagisipan saglit kung bubuksan ko na yun pero biglang pumasok na yung professor ko.

"Good morning class,"

"Goodmorning,"

"Okay," Inikot ni Ma'am ng tingin ang buong klase. "Happy Valentine's sa inyo."

"Happy Valentine's din po,"

Halo halo ang reaksyon ng klase. Nanahimik lang ako kasi napapaisip ako kung ano nga bang sorpresa ni Raegan sakin mamaya pagkatapos ko ng klase.

"Okay class, I would recommend you to check out the bulletin board mamaya. There are some professors that would be giving you the afternoon classes off." Sabi ni Ma'am.

Nagkatinginan kami ng mga kaklase ko, napapangiti. Bumilis ang tibok ng puso ko at umasa na sana kasama yung klase ko sa free cut mamaya. That way, mas maaga akong makakauwi para makipagkita kay Raegan.

"Now, I know you're all excited but we still have my class today so please get your books and turn to page 394."

Kinuha ko na yung libro ko. Aral muna, Gene. Focus.








--------------




To Raegan:
Free cut na ako. Lunch?


Naghintay lang ako ng ilang segundo nang tumunog ulit ang cellphone ko.


From Raegan:
Uwi ka muna, I'll wait for you.
--R


Napakunot ang noo ko. When did she start using 'R'? At akala ko ba susunduin nya ako? Bakit pinapauwi na nya ako magisa? Bahala na nga, baka trip lang talaga nya ngayon.

Inayos ko na yung gamit ko at saka naglakad na papuntang condo. Pagkarating ko doon, pinindot ko yung doorbell habang hinahanap yung susi ko.

"Hey,"

Napatingin ako nang biglang bumukas yung pintuan at bumungad sakin ang nakangiting si Raegan.

Ay wait, di pala si Raegan, si Rae.

"Rae?"

"Genie, Happy Birthday!" Niyakap ako ni Rae at dahil sa gulat, wala nalang akong nagawa kundi yakapin sya pabalik.

"Kanina ka pa?" Tanong ko nang bitawan na nya ako at pumasok na kami sa loob.

"Di ko ginusto, promise, pero ang ganda talaga nung flowers kanina eh!" Sabi ni Rae. "Speaking of flowers, wait lang." May inabot syang bouquet of white peonies na nakapatong sa side table at ibinigay yun sakin. "Raegan got this for you, pero nung kinuha na nya sa flower shop, nakalabas naman ako bigla."

"Wala naman kayo sa kalsada noh?" Medyo worried kong tanong.

Umiling si Rae. "Nope, nasa loob kami ng shop. So, do you like it?"

Ngumiti ako kay Rae. "Yes, favorite ko 'to eh."

"So, uhh, are you hungry? Nagpaluto ako kay Manang." Dinala nya ako sa table kung saan may nakaset up na lunch for two.

"Now that you mention it, gutom na ako." Ngiti kong sagot sakanya.

Tinulungan ako ni Rae na makaupo at saka ako inasikaso. Alam kong hindi naman nya sinasadya yung paglabas nya pero hindi ko mapigilang madisappoint ng onti dahil buong akala ko, si Raegan ang makakasama kong magcecelebrate ng Valentine's at Birthday ko.

"So, nung pauwi na kami, biglang may...Uhh, Genie? Ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Rae bigla. "Ha? Anong sabi mo?"

"Kinukwento ko lang yung..nevermind. Ayos ka lang ba?"

"Yeah, I'm fine."

"Kanina mo pa pinaglalaruan yang beans." Sabi nya.

Ibinaba ko na yung spoon ko. Hindi ko alam kung anong problema pero nawalan na agad ako ng gana.

"Genie, I'm really sorry--"

"Wag kang magsorry."

Malungkot ang tingin nya sakin. "Disappointed ka ba?"

Umiling ako. "Hindi, Rae, ano ka ba. Nawalan lang ako ng gana."

"Gusto mo ba ng ibang ulam? Pwede naman tayo magpaluto ulit kay Manang."

"No, Rae, busog na ako." Tumayo na ako at inilagay sa sink yung kinainan ko.

Napabuntong hininga si Rae saka tumayo at inilagay din sa sink yung plato nya.

"Akyat ka sa kwarto mo, may iniwan dun si Raegan kanina." Sabi nya sakin habang hinuhugasan yung kamay ko.

"Rae, I'm sorry, hindi naman ako disa--"

"Sige na, Genie, akyat ka na muna. Hintayin kita dito sa baba."

Sinunod ko nalang sya. Dala dala yung bag ko at yung bouquet ay umakyat ako ng kwarto ko. Sa higaan ko nakapatong ang isang kulay pulang dress.



I barely see you in red.
I bet you'll look magnificent in this.
No wait, scratch that, you'll always look magnificent to me.
-Raegan



Napangiti nalang ako at ibinaba muna yung bouquet sa study table. Birthday ko at Valentine's day pa. Di naman siguro masama kung mageenjoy ako diba? Si Rae naman ang kasama ko, mabuti nang sya kaysa kay Gan.

Nagayos na ako at isinuot yung pulang dress, naglagay din ako ng onting make up kaya pagkababa ko napanganga nalang si Rae.

"Wow,"

"Masama tumitig," Paalala ko.

"Hindi naman siguro ganun kasama kung maganda naman yung tinititigan ko diba?" Ngiti ni Rae.

Naramdaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko. Mataas ang standards ni Rae pagdating sa kung ano o sinong maganda kaya malaking bagay na icompliment nya ako.

"Tara?" Tanong ni Rae.

"Tara san?"

"Well, Birthday mo tapos Valentine's day pa kaya ilalabas kita."

"San naman tayo pupunta?" Tanong ko.

Napangiti si Rae. "Well, di naman tayo masyadong lumalabas, I don't really know too many places aside from here. Ayos lang ba kung pumunta tayong mall?"

Inabot nya sakin yung kamay nya. Ngumiti ako at inabot yun. "Sure,"

Nakahanda na si Manong Elmer pagkababa namin kaya diretso na kami sa Mall Of Asia.

"So, anong gagawin natin?" Tanong ko pagkarating namin sa MOA.

Tumingin sa paligid si Rae. "Ikaw? What do you want to do birthday girl?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan, surprise me?"

Ngumiti si Rae at saka ako dinala sa cinema.

"Okay, I've decided na manuod nalang tayo ng movie. Your turn, anong movie gusto mong panuorin?" Sabi ni Rae pagkaharap namin sa movie posters na Now Showing.

"Di ko alam."

"C'mon, pipili ka lang eh. Ano bang trip mo?"

Tiningnan ko yung mga movie posters. Parang lahat magaganda. "Bahala na nga," Pumikit ako at umikot ng isang beses sa pwesto ko. "Nakaharap na ba ako?"

Naramdaman ko ang kamay ni Rae sa balikat ko at iniharap ako sa movie posters. "Turo ka kahit saan."

Itinaas ko yung kamay ko at tumuro. Pagdilat ko nakita kong natapat yung kamay ko sa isang Filipino romantic comedy. "Eto nalang."

"Stay here, I'll buy the tickets."

"Kita nalang tayo dito, bibili na akong popcorn."

Umiling si Rae. "Hindi, hintayin mo ako dito, sabay na tayong bibili ng popcorn."

"Eh mas mabilis pag ganun."

"No, stay here." Umalis na sya at iniwan ako dun.

"Problema nun?"

Naghintay nalang ako sa tapat ng movie posters. Mabilis lang naman sya kaya agad din kaming bumili ng popcorn.

"Ang tahimik mo," Pansin sakin ni Rae pagkakuha ng popcorn.

"Ha? Eh wala naman akong sasabihin eh."

"Pwede ka naman magkwento sakin."

"Anong ikukuwento ko?"

"Uhh, anong nangyari sa klase mo kanina?"

"Wala naman, just the usual stuffs. Ikaw ba? After mo umuwi pagkakuha ng flowers, anong ginawa mo?"

Napakamot ng ulo si Rae. "Well, naglaro lang ako ng Xbox. Tapos tumulong ako kay Manang sa pagluluto."

Nagulat ako sa sinabi nya. "Tumulong ka kay Manang?"

Tumungo si Rae at inabot yung tickets sa babae sa Cinemas.

"Yup,"

Naguilty ako bigla sa sinabi nya. Tumulong pala sya sa pagluluto ng lunch namin tapos hindi ko naman naubos kasi nawalan ako ng gana.

"Hey, ayos lang," Sabi ni Rae nang nakapasok na kami sa loob.

"Sorry,"

Hinawakan nya yung kamay ko. "Wag ka magsorry, birthday mo eh! Tara na!"

Inassist na kami sa seats namin pero hindi na binitawan ni Rae yung kamay ko. Alam kong may gusto sya sakin at dapat binabawi ko na yung kamay ko kasi baka isipin nya may gusto din ako sakanya pero hindi ko magawa. Somehow naiisip ko ayos lang na ganito kasi siguro, ito yung way nya ng pagsasabi ng sorry kasi sya yung nasa labas at hindi si Raegan.

Kumuha nalang ako ng popcorn at nagfocus sa panunuod.

Pagkatapos ng movie, hindi ko naman makakailang nagenjoy ako. NagCR kami saglit ni Rae kasi kulay orange yung mga daliri namin sa popcorn. Tawa ng tawa si Rae kanina kaya alam kong nagenjoy din sya.

"Nakakatawa sila noh?" Sabi ni Rae pagkalabas namin ng CR.

"Oo, pero akala ko talaga susuko na sila sa isa't isa eh." Sabi ko.

Ngumiti si Rae at parang may sasabihin nang biglang bumagsak yung ulo nya.

"Rae? Ayos ka lang?"

Pagangat nya ng ulo nya napaatras ako sa nangingitim na matang iyon at yung nakakakilabot na ngising iyon.

"Bakit sa tuwing lumalabas ako umaatras ka ha?" Mababa ang tono ng boses nya.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Magtatalon dito?" Pagtataray ko kay Gan. Walang mangyayari sakin kung patuloy akong magpapakita ng takot sakanya.

"Pwede ba yun? Try mo nga?"

Hinampas ko lang sya sa braso. "Baliw!"

"Aray ha!" Hinimas nya yung braso nyang natamaan.

"Psh." Inirapan ko lang sya.

Hanep naman yan oh! Sana si Raegan nalang yung lumabas ulit! Hindi itong nakakainis na isa pa nyang split personality!

"Oy Beltran," Kinalabit ako ni Gan.

"Bakit?"

Ngumiti sya, yung pangil litaw na litaw. "Happy Birthday pala."

"Salamat,"

"San tayo?" Tanong nya sakin habang iniikot ng tingin ang kapaligiran namin.

"Nasa MOA tayo."

Tumingin sya sakin na para bang nagiisip.

"Ano?" Tanong ko.

Hinawakan nya bigla yung kamay ko. "Tara, samahan mo ako!"

Kinaladkad nya ako papunta sa ice skating rink.

"Hoy! Ayokong mag-ice skating! Naka dress ako!" Sinubukan kong bawiin yung kamay ko pero malakas ang pagkakahawak nya sakin.

"Ano ngayon?" Ngisi nya sakin.

"Malamig!"

"Tch, excuses, di ka lang marunong eh!" Hinila nya ako papunta sa cashier.

"Hoy! Marunong kaya ako!"

"Eh di ayos! Ate, dalawa po." Sabi nya dun sa kahera at saka bumunot ng wallet para magbayad.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala, pag trip ni Gan, trip nya. Hindi ko sya basta basta napipigilan.

Pagkabayad nya ay hinila na agad nya ako papasok sa loob para makapagpalit ng sapatos.

Naalala ko nung una at huling beses na andito ako. Kasama ko si Raegan noon at ilang linggo palang kaming magkakilala.

"Huy, bilisan mo na jan!" Sabi ni Gan sakin.

Inirapan ko lang sya. Buti pa si Raegan, thoughtful, sya yung nagsuot sakin ng sapatos.

Pagkatapos kong itali yung shoelaces ay dahan dahan na akong pumunta sa gilid ng rink. Last time na andito ako hindi ako marunong at yung pagtayo nga lang nga ay hirapan ako.

"Tara na!" Aya ni Gan sa tabi ko.

Ngumiti lang ako at sumunod sakanya.

Noong una ay paikot ikot lang kami. Mabilis pa nga si Gan at palagi akong iniiwan pero wala akong pakialam masyado kasi bumabalik din naman agad sya sa tabi ko.

"Ano ba yan Beltran ang bagal mo!" Pangaasar nya sakin.

"Di ako mabagal, mabilis ka lang! Saka nakadress kaya ako!" Pero dahil nakatingin ako sakanya noon ay hindi ko napansing dirediretso kami papunta sa gilid. Bago pa ako bumunggo sa pader ay hinawakan nya ako sa bewang at saka itinabi.

"Ano ba yan, tumingin ka nga sa dinadaanan mo, mapapahamak ka pa eh." Pangangaral nya sakin. "Kung makasermon ka sakin na wag lumabas kapag nasa kalsada para hindi mabunggo--"

"Eh kung hindi mo ako dinidistract hindi sana ako muntikang mabunggo!"

"Umayos ka nalang pwede? Tumingin ka sa dinaadaanan mo." Hinawakan nya yung kamay ko at saka ako hinila papunta sa gitna. "Dito tayo, para di ka mabunggo sa pader."

"Di mo naman ako kailangan--"

"TINGIN!" Sigaw nya at saka ako hinila kasi muntikan ko naman mabundol yung isang lalaki.

"Sorry!" Sigaw ko dun sa lalaki.

Masama ang tingin sakin ni Gan.

"Ano?"

"Marunong ka nga, tatanga tanga ka naman. Wala din."  Sabi nya.

"Hindi ako tatanga tanga." Binawi ko na yung kamay ko sakanya.

"Hindi daw pero dalawang beses ka na muntikang mabundol."

"Tumahimik ka nalang pwede?" Asar kong sabi sakanya.

"Maganda nga, tanga naman." Pabulong nyang sabi.

Binatukan ko nga sya. "Narinig ko yun!"

Gaganti dapat sya pero hindi nya tinuloy. "Pasalamat ka Birthday mo ngayon!"

"Eh di thank you!"

Isang oras kaming nagpaikot ikot doon sa ice skating rink. Kahit nagbabangayan kami ayos lang kasi nagenjoy din naman ako. Malamig nga pero inabot naman nya sakin yung jacket na suot nya kaya nakatagal ako.

"Salamat." Inabot ko na pabalik yung jacket sakanya.

Kinuha nya yun at isinuot. "Tara, dinner na tayo, gutom na ako."

Naglakad lang sya at sumunod lang ako sakanya.

"San tayo kakain?" Tanong ko. Papalabas na kami ng mall at papunta sa seaside.

"La Olivia." Sabi nya at bumagal ng onti para makasabay ako.

"Bakit dun?"

"Wag nang madaming tanong, sumunod ka nalang."

"Bwisit." Bulong ko. Ang bossy talaga! Sarap upakan!

Pagdating namin sa La Olivia, madaming tao. Karamihan mga nagdadate.

"Goodevening, Ms. Luces, right?" Sinalubong kami ng manager.

"Yes,"

"Your reservation is this way." Sabi nya at dinala kami sa isang table for two, malayo layo sa ibang mga costumers.

Maganda ang ambiance ng restaurant ngayon. May red Valentine's decorations sila all over the place at may candle and flower table setting sa gitna ng bawat table. Well, except sa table namin ni Gan na halatang mas maganda ang disenyo.

"Raegan made the reservation." Sabi ni Gan pagkaorder namin.

"Oh.."

"Wait lang." Tumayo saglit si Gan at pagkabalik nya ay may dala dala na syang bouquet ng red roses. "Para sayo."

"Gan.."

"Don't worry, bigay din yan ni Raegan." Sabi nya at inabot sakin yung bouquet.

Hindi ako sanay at komportable na binibigyan ng mga bulaklak kasi honestly, anong gagawin ko sa mga iyon? Pero dahil galing ito kay Raegan, kahit nahihiya ay tinanggap ko nalang.

"Salamat,"

"Wala yun, si Raegan naman ang nagayos lahat nito eh."

Dumating na yung pagkain namin.

"Alam mo bang kamag anak ng rose ang mga apple?" Tanong ni Gan.

"Oo, sinabi na sakin yan dati ni Raegan." Mahina kong sagot.

Kumunot ang noo ni Gan. "Alam mo, Beltran, halatang halata ang galit mo sakin--"

"Hindi ako galit sayo."

"Eh bakit pakiramdam ko galit ka sakin?"

Napabuntong hininga ako. "Hindi ako galit sayo, Gan. Naiirita lang ako kasi lagi mo akong inaasar."

"Nagbibiro lang naman ako eh."

"Well, minsan hindi ko nagugustuhan yung mga biro mo."

Tiningnan nya lang ako. Kahit kailan talaga hindi ko malaman kung paano nagdidilim yung mga matang iyon.

"Sorry na, Beltran."

Di ako sumagot at kumain lang.

"Beltran, anong sabi ng baka sa truck?"

"Beef beef." Napangiti ako. "Alam ko na yan. Eh anong sabi ng truck sa baka?"

"Ano?"

"Corny mo!"

Kumunot ang noo ni Gan. "Di ko gets.."

"Corned beef!"

Tumawa sya. "Eh ikaw yung corny eh!"

Gumaan na ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Madami din palang jokes na alam si Gan kaya nagawa nya akong patawanin magdamag.

Naupo lang kami sa seawall pagkatapos. Nanunuod ng mga magkadate na naglalakad lakad.

"Beltran, kelan mo sasagutin si Raegan?" Mahinang tanong ni Gan.

"Pag magaling na sya."

"Pag wala na kami ni Rae?"

"Oo,"

"Eh pano kapag hindi kami nawala?"

"Gagaling si Raegan." Oaninindigan ko. "Naniniwala akong gagaling din sya."

"Pano kapag inabot yun ng madaming taon?"

"Eh di maghihintay kami."

Natahimik kami, nawalan na ng sasabihin. Nawalan na ng jokes na magpapatawa samin.

"Hindi ba pwedeng ako nalang?"

Napatingin ako kay Gan.

"Di ba pwedeng ako nalang, Beltran?" Ulit nya. "Wag nalang si Raegan o si Rae?"

Umiling ako. "Hindi pwede, Gan."

"Mahal mo naman ako diba?" She gestured her whole self.

Umiling lang ulit ako. "Gan, kahit na iisang katawan lang kayo, magkakaiba parin kayo."

"Eh si Raegan din naman ako eh."

"Alam mong hindi totoo yan."

"Well, I'm part of her."

"Part of her lang, not the entire her."

Napabuntong hininga si Gan at tumingin sa malayo. "Kung meron ba akong sarili kong katawan magugustuhan mo ako?"

Hindi ako sumagot. Mahirap sagutin yung tanong na yun eh.

Matapos ang ilang minuto ay tumayo na sya. "Tara, uwi na tayo."

Tahimik lang ang biyahe namin pauwi. Hindi ko alam kung napagod ba si Gan pero ako, oo. Sobra. Ikaw ba naman pumasok sa klase mo ng umaga, paguwi mo ng lunch madadatnan mong iba ang naghihintay sayo. Tapos pagkatpos manuod ng sine ay biglang magiiba nanaman ng personality ng kasama mo at kakaladkarin ka nalang nya sa ice skating rink.

Pagkarating namin ng condo ay nagready na ako sa pagtulog. Si Gan naman nagkulong na sa kwarto nya.

Pagkahiga ko sa kama ko ay agad akong nakaidlip. Pagod na pagod ako ngayong araw.

Tok tok tok

Kahit sobrang antok ko na ay idinilat ko parin yung mga mata ko. Nakita kong pumasok ng kwarto ko si Gan.

"Gan? May kailangan ka?" Garalgal kong tanong.

"Genesis, si Raegan na 'to." Sabi nya sakin.

Napaupo ako ng maayos. "Raegan, bakit?"

Ngumiti lang sya at naupo sa tabi ko. "Wala lang, sorry kung nagising kita."

"Ayos lang yun, maaga pa naman eh." Napatingin ako sa orasan ko pero eleven fifty-five na, di na 'maaga'.

Ngumiti si Raegan at may inabot sakin na long stemmed rose. Maingat ako sa pagtanggap nun kasi may mga tinik tinik pa.

"The rose is lovely, forget the thorns?" Sabi ko. Naaalala ko parin yung sinasabi nya kapag binibigyan nya ako ng ganito.

"Yeah, I..uhh...I want to say sorry." Nahihiya nyang sabi sakin.

"Sorry for what?" Tanong ko. "Wala ka namang ginawang masama ah?"

"Hindi kasi, diba dapat ako yung Valentine mo pero you ended up spending the day with Rae and Gan."

"Ayos lang yun, saka isa pa, di pa tapos yung araw," Napatingin ulit ako sa orasan ko. "We still have like, four minutes left of February 14."

Ngumiti si Raegan at inabot yung kamay ko. Hinalikan nya yun. "Happy Birthday, Genesis."

"Thank you, Raegan."

"Nagenjoy ka ba ngayong araw?"

Tumango ako. "Oo, nagustuhan ko yung flowers tapos yung dinner reservation. Although I think I would have enjoyed it more kung ikaw yung kasama ko."

"I'm really sorry."

"Bawi ka nalang bukas?"

Tumango si Raegan.

"May two minutes pa," Sabi ko nang sinundan ko yung tingin nya sa orasan ko.

"Alam mo, wala pa akong Birthday gift." Ngiti ni Raegan at lumapit sakin.

"Di pa ba birthday gift yung dalawang bouquet ng bulaklak at itong rose na 'to?" Nagtataka kong tanong.

"Yeah well, I think I want to give you one more gift." Lumapit pa lalo sya.

"Ano?"

Hinawi nya yung buhok kong nakaharang sa mukha ko. Inilapit nya yung mukha nya at wala na akong ibang nagawa kundi pumikit.

Hinalikan nya ako. Isang mabilis na halik pero punong puno ng pagmamahal.

"Happy Birthday, Genesis. I love you."

"I love you too."

Sabay kaming napatingin sa orasan. Saktong twelve o'clock na. Tapos na ang birthday ko.

Napangiti kami pareho ni Raegan. "Sobrang last minute nun ahh."

"Thank you, Raegan. That was the best birthday gift I've ever recieved."

"Kung gusto mo pa ng isa, pwede naman."

"Don't push it."

Tumayo na sya. "Sige na, matulog ka na. Babawi nalang ako bukas."

Pinigilan ko syang umalis. "Dito ka nalang matulog, tabi tayo."

"Clingy mo ahh."

"Sige na please? Birthday ko.."

"Tapos na birthday mo. February 15 na kaya.." Ngiti nya pero naupo ulit sa tabi ko.

"Asus, gusto mo rin naman eh." Umisog ako para makahiga sya.

Pinahiga nya ako sa braso nya at niyakap ako ng mahigpit.

Dati sobrang naiilang ako kapag may nakikipagbeso sakin o yumayakap. Kahit pa sila Rhea, Chloe o Jenna na mga bestfriends ko ang gumagawa noon. Pero ngayon parang palagi ko nang gustong katabi si Raegan. Gusto ko palagi kaming magkayakap, kahit pa na masyado akong nahihiyang aminin yun.

Hinalikan ako ni Raegan sa ulo. "Goodnight."

Napangiti nalang ako kasi gusto ko yun, yung palagi nya akong hinahalikan sa noo o sa ulo. Pakiramdam ko sobrang safe ko sa tabi nya. Pakiramdam ko mahal na mahal nya ako.

Hinigpitan ko ang yakap kay Raegan. "Goodnight."

Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Countdown to the end:
043014

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon