Chapter 15

114K 1.5K 35
                                    

"Genesis, ano na?"

"Ang kulit mo din eh noh?!" Reklamo ko. Kakatapos lang namin kumain at nagbabasa na ako ng lessons in advance para sa klase ni Mam Perez.

"Genesis naman ehhhh," Nakapout na sabi ni Raegan. Halos dumapa na sya sa couch dito sa tabi ko.

"Wala ka bang assignment?" Reklamo ko at inilipat sa susunod na pahina yung binabasa ko.

"Tinatamad pa akong gawin yun eh,"

"Mag-aral ka nga!" Binatukan ko na sya para sumunod, pero tuluyan na ngang humiga si Raegan sa couch at ginawang unan yung hita ko.

"I usually do my homeworks before I sleep," Kampanteng sabi ni Raegan na nakatingin sa kisame.

"Di ka nahihirapan nun?"

"Pampatulog ko kasi yun eh," Nakangiting sabi nya.

Di ko tuloy maiwasang tingnan mabuti ang mukha ni Raegan. Anjan na kasi eh, malapit lang.

"Wag mo akong titigan," Nakangising kumento nya.

"Ang ganda ng mata mo," Compliment ko sakanya. Well, totoo naman eh. Ang ganda kaya ng pagkabrown nung mata nya. Parang tinunaw na tsokolate. Lalo na itong nakakapansin kapag nasisinagan ng araw.

Dati gusto kong makakita ng blue at green na mata, pero yung brown eyes lang ni Raegan, kuntento na ako.

"Maganda ka din," Kindat nya.

"Hahahahaha" Sarkastikong tawa ko, etong mala-modelong atleta sinasabihan ako ng maganda? Sinong niloko nya?!

"Wag kang ha-ha ng haha jan," Ngiting ngiti na sabi ni Raegan, "HAHAlikan na kita eh,"

"Luh," Tinulak ko nga yung mukha papalayo kasi baka makita nyang nagbublush ako. Ramdam na ramdam ko nanaman kasing umakyat yung dugo ko sa mukha.

"Ayaw pang maniwala," Nakapout na hinimas nya yung ilong nya. Ewan ko ba pero feeling ko talaga napapalakas yung tulak ko sakanya minsan kapag kinikilig ako eh, at sya namang masahe nya dun sa ilong nya na parang ayaw nyang mapango.

"Eh ang hirap kasi maniwala sa mga sinasabi mo." Baling ko, "Hindi ko kasi maintindihan kung nagjojoke ka o nagseseryoso,"

Umupo na ng maayos si Raegan, "What if I say I like you, maniniwala ka?"

Hala, ANO DAW??!!
Wait, oh my gosh, di ako makahinga ng maayos. Nagkukulang ata ng oxygen tong brain ko. Si Raegan may gusto sakin?!

"Joke ba yan?"

Humiga nalang ulit si Raegan sa lap ko at di na nagsalita, nakatalikod yung ulo nya sakin kaya di ko makita yung reaction nya.

"Raegan?"

"Hmmm?" Ungol nya.

Di ko alam kung anong gagawin ko, nadisappoint ata sya sa sagot ko!
Pero kung ganun na nga, eh di ibig sabihin seryoso syang may gusto na sya sakin?

"Raegan?" Tawag ko uli.

"Hmmm?"

Nako naman, disappointed nga ang lokarit!!
Quick, isip ka ng gagawin, Gene! Cheer her up! Kasalanan mo to eh! Eh kung nagiisip ka ng mas matinong sagot kaysa yang 'Joke ba yan?' reply mo! Eh di sana!! Ay nako.

Sige na, bahala na si Ironman.

"Raegan?"

Hindi na sumagot o umungol si Raegan at para bang naghintay nalang ng sasabihin ko.

Kahit kumakabog na yung dibdib ko ay yumuko ako, hinawi ko yung buhok na nakaharang sa mukha ni Raegan at dinampian ko sya ng halik sa pisngi.
"Tampo tampo naman si Raegan,"

Napatingin si Raegan sakin bigla, pulang pula yung mukha nya at sa pakurap kurap na ginagawa nya, halatang hindi nya inaasahan na magagawa ko yun. Well, ako rin naman eh, hindi ko akalaing magagawa ko yun. Sila Rhea nga hindi ko binibigyan ng any affectionate moves or what. Hindi naman kasi ako ganung klase ng tao, pero si Raegan? Ewan, nung una na-aawkward talaga ako ng sobra sa affection na pinapakita nya pero somehow, sa pagpapatuloy nya nun, nasanay na din ako.

Napahawak si Raegan sa pisngi nya na hinalikan ko, "Did you just--?"

Tumungo nalang ako, nahihiya din ako sa ginawa ko eh.

Napangiti naman si Raegan ng sobra, "Well, that's a first."

Hindi ako nakasagot nang bumangon na si Raegan at dumiretso sa study table nya. Hinablot nya yung bag nya sa sahig at magiliw na kinuha yung yellow pad, ballpen at calculator nya.

"Nainspired lang?" Natatawa kong tanong, just for the sake na mawala yung awkwardness sa atmosphere.

"Timeran mo ako, gagawa ako ng record." Focused na sabi ni Raegan, hindi na nya iniangat yung tingin nya sa notepad at dirediretsong nagsulat, only to stop for a few seconds to input something sa scientific calculator nya.

Lumapit ako sakanya, medyo nakakacurious kasi kung anong ginagawa ng mga engineering students.

"Woah," Namamangha kong sabi.

Pero di ako pinansin ni Raegan, patuloy lang sya sa pagsolve sa sandamakmak na math problems nya. Sa dami ng x,y,z, squares, squareroots, logarithms at geometrical drawings sa papel nya parang hindi na kasya lahat.

Mabilis syang magsulat at magsolve. Nakakatakot na nga kasi parang mapupunit yung yellow pad sa bilis ng kamay nya. Dirediretso lang sya at wala pang binabalikan na equation para burahin o icheck.

"DONE!" Nakangising sagot ni Raegan.

"Agad agad?" Nanlaki yung mata ko.

"Yep," Pinakita nya yung piraso ng yellow pad na sinulatan nya.

"Halimaw ka ba?" Tanong ko habang chinecheck yung gawa nya. Mga 25 items din yung sinagutan nya within 10 minutes na nakatayo ako sa likuran nya. "Sigurado ka bang tama lahat to?"

"Well, hindi ako sure dun sa number 3 at 7 but I'm pretty cconfident about the rest of my answers."

Tiningnan ko lang sya, 2 questions LANG out of 25 ang hindi nya sure?!

"I think it's best if you recheck everything," At iniabot ko yung papel pabalik sakanya.

"Tinatamad na ako," Tinanggap ni Raegan yung papel at isinalaksak lang sa bag nya.

"Hoy! Wag kang tatamadtamad! Mamaya bumagsak ka!"

Tumawa lang si Raegan, "Wala ka namang bilib sakin eh,"

Binatukan ko nga sya, "May sayad ka pala eh! Math kaya yang binabalewala mo! Andami kong kakilala na hindi nakasurvive sa engineering, oy!"

"Well, ibahin mo ako sakanila!"

Binatukan ko ulit sya, "Baliw ka na ba, ha?"

"Baliw sayo," Bulong ni Raegan sa sarili nya, pero wala, narinig ko pa rin eh.

"Ano?!" Demanda ko kahit narinig ko naman sya.

"Wala, ang ganda mo, kako."

Binatukan ko nalang din ulit ang lokarit at bumalik na sa pwesto ko sa couch kanina.

Tumayo si Raegan at pumunta ng kitchen, kumuha ata sya ng tubig kasi narinig ko nalang na sinara yung ref.

"Arf!" Tahol ni Azula sa paahan ko. Sumampa sya sa couch at sya naman ang iniunan ang ulo sa lap ko.

"Malambot ba yung legs ko at trip nyo kong gawing unan?" Tanong ko sa inaantok na aso.

"Medyo," Sagot ni Raegan mula sa kitchen.

"Baliw!"

Naupo si Raegan sa kabilang side ko at kinamot nya yung likuran ng tenga ni Azula.

"Ano na nga palang sagot mo, Genesis?" Tanong ni Raegan.

"Saan?"

"Yung tennis game ko this coming Saturday, sasama ka ba?"

Pinagisipan ko yung invitation nya. Hindi rin naman kasi ako sure kung anong gagawin ko this weekend eh. Pero Monday palang ngayon, baka magkaroon ako ng biglang meeting or whatever. Kung school related kasi ay siguradong yun ang ipraprioritize ko.

"Pwede bang wag magpromise?"

"Eehh, di pwede!" Nakapout na alma ni Raegan. "Dapat nakareserve ka na buong Saturday!"

"Akala ko ba umaga lang yung game mo? Bakit whole day na ngayon?"

"Syempre, magcecelebrate pa tayo and stuff," Kibit balikat nya.

Natawa tuloy ako, "Wala pa nga celebrate agad? Confidence mo, di ko ma reach!"

"Aysus, wala naman silang panama sakin eh!"

Isinara ko na yung libro kong kanina ko pa pilit na binabasa, basta ba walang magawa si Raegan asahan mong kukulitin ka nya. "May bagong bagyo ba ngayon? Ang lakas ng hangin eh!"

"Ouch lang ahh," Sarkastikong reklamo nya, "Wala ka ba talagang bilib sakin?"

"Ay nako, bilib na bilib na nga ako sayo eh." Sarkastiko ko ding sagot sakanya, "Ang galing galing mo kaya!"

"Ganun pala ah!"

Walang ano ano'y isiningit ni Raegan yung isang braso nya sa likuran ng tuhod ko at yung isa nama'y inilusot nya sa kilikili ko at sa likod ko at saka nya ako binuhat na parang wala lang akong bigat!

"RAEGAN!!!" Tili ko, nabitawan ko yung libro ko at si Azula nama'y nahulog din sa couch.

Tumawa lang si Raegan at patakbong dinala ako sa itaas.

"JUSKO, RAEGAN IBABA MO NA AKO!"

Tumawa pa rin sya at dinala ako sa kwarto ko.

"RAPE! RAPE!" Natatawa kong sigaw. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin. Natatawa na din ako sa tuwa ni Raegan eh.

Inihagis ako ni Raegan sa malambot kong kama at saka sya tumalon kasunod ko.

Ewan ko ba, ang lakas ng topak ni kumag at sinimulan naman nya akong kilitiin ngayon.

"Ano, sasama ka na?"

"A-ayoko!"

Pilit kong itinutulak yung mga kamay nya na patuloy lang sa pangingiliti sakin. Ang hirap na nga huminga kasi tawa ako ng tawa.

"Ano?"

"AYOKO!"

At ipinagpatuloy lang nya yung ginagawa nya. Halos masipa ko na nga sya sa mukha eh. Buti nalang at nakailag sya.

"Ano? Di pa din?"

"OO NA! SASAMA NA AKO!" Pagsuko ko kasi hindi ko na talaga kaya.

"Sasama ka din pala, pinahirapan mo pa ako!" Humiga na si Raegan sa tabi ko.

Hinampas ko nga sya sa mukha ng unan, "Eh sino ba kasing nagsabing buhatin at kilitiin mo ako, ha??!"

"WALA!" Hinablot ni Raegan yung isa pang unan at gumanti ng hampas pero nailagan ko yun. Kaso lang, nahulog naman ako sa kama.

"Genesis!" Worried na bumaba ng kama si Raegan, "Ayos ka lang?"

"Eh, ikaw kaya mahulog sa kama!"

Natawa si Raegan, "Gabi gabi ko namang nagagawa yan eh,"

Kahit masakit yung kaliwang balikat ko, napakurap parin ako sa sagot nya, "Hanggang ngayon?"

Tumungo nalang sya at muli, binuhat ako at maingat na inilapag sa kama.
Parang nawala na yung hiya ko at hinayaan ko nalang syang buhat buhatin ako. Pero sabagay, malakas naman sya. Tennis player eh!

"Gusto mo masahiin kita?"

"Ha?"

"Ang clueless mo masyado, massage, you want?" Offer ni Raegan, "Masakit ata yang pagkakabagsak mo ehh,"

Di ako makasagot kasi masakit naman talaga. Feeling ko hindi ko maigagalaw ng maayos yung kaliwa kong katawan kasi nga masakit yung kaliwang balikat ko.

Pinadapa ako ni Raegan at nagsimula na syang imassage ako.

"Ang bigat masyado ng kamay mo! Masakit!" Reklamo ko.

"Aba'y sorry naman! First time ko kaya 'to,"

Napaigtad ako sa pwesto ko, "Seryoso?!"

"Wag ka ngang malikot!" Pilit akong pinadapa ulit ni Raegan pero hindi ko na sya sinunod.

"Ayoko na, kuha mo nalang ako ng icepack."

Jusko, nakakahiya naman sa rich kid na to! Never pa pala syang nagmassage sa buong buhay nya tapos hahayaan ko lang syang gawin sakin yun! Ano ako, special?! Wag na!

"Nahiya ka pa eh, sige na, expi din to ohh,"

"Eh kasi naman Raegan eh," Angal ko.

"Ano ka ba naman, Genesis! Ngayon ka pa mahihiya? Sige na, dumapa ka na, akong bahala sayo!"

"Ayoko,"

"Isa! Pag di ka dumapa, hahalikan kita!"

"Ayoko!"

"Aba't! Sinusubukan mo ako ahh!"

Sinubukan kong lumayo pero nahawakan na ni Raegan yung magkabila kong pisngi. Itinulak ko sya pero natumba lang sya at nahila nya lang ako. Ang lagay tuloy nami'y nakahiga sya sa kama samantalang nakapaibabaw ako sakanya.

"RAEGAN!" Reklamo ko't pilit na umiwas. Pakiramdam ko talaga naubos na yung dugo ko sa katawan at nagsiakyatan na lahat sa mukha ko.

"One of these days bibigay ako't mahahalikan talaga kita," Bitaw sakin ni Raegan.

"Baliw!" Hinampas ko ulit sya ng unan at saka tumakas na ako papuntang banyo. Wala na akong gana magaral ngayong gabi. Nagsepilyo na ako't naghanda na para matulog.

Pagbalik ko sa kwarto ko si Raegan humihilik na dun sa kama ko.

"Oy," Marahan ko syang niyugyog para gisingin.

"Patabi nalang ako ngayon, Genesis," Mahinang ungol ni Raegan, antok na antok na.

"Bahala ka nga," Napailing nalang ako kasi kahit malaki yung kama ko, malaking tao din tong si Raegan. Sakop na sakop nya yung buong kalahati ng higaan.

Pinatay ko na yung ilaw at nahiga na sa tabi nya.

Okay, breathing excercise muna at hindi pa ako sanay na may katabi ako sa kama.

Breathe in


Breathe out


Aysus, parang si Raegan lang eh! Kaya ko to! Kalma ka lang, Genesis!

Di ko nalang namalayan na nakatulog na rin pala ako sa kakaisip ng kung ano ano.

.

.

.

Pero parang ilang minuto palang akong tulog nang may marinig akong kalabog. Agad akong napaupo at binuksan yung bedside lamp ko.

Ayun, nahulog nanaman po si Raegan sa kama.

"Raegan?" Concerned kong tanong habang kinukusot ang inaantok ko pang mata.

"Geez, ayos lang ako. Tulog ka na ulit."

Chineck ko yung orasan ko:
3:21am

"Raegan, sure kang ayos ka lang?" Tanong ko nang bumangon na sa sahig si Raegan at naupo sa gilid ng kama.

"Di naman ako tumama sa bedside table mo eh,"

"Pero kasi--"

Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi pagtingin ni Raegan sakin ay nakangiti na sya. Aside sa namumula pa nyang mata, wala naman ata syang problema.

"Napanaginipan mo ulit sila?" Tanong ko, naupo narin ako at inabot yung kamay nya.

Medyo naiiyak na tumungo si Raegan sakin, "Ang sakit ng ulo ko, Genesis,"

"Gusto mong gamot?"

Tumungo si Raegan kaya bumangon na ako't pumunta sa medicine cabinet namin. Kumuha ako ng paracetamol at bumaba para kumuha ng isang baso ng tubig. Nagmadali akong bumalik ng kwarto ko at iniabot yun kay Raegan.

"Salamat," Garagal na sagot nya. Ininom na nya yung gamot at inubos yung tubig. Inilapag nalang nya yung baso sa bedside table ko.

"Tulog ka na ulit," Bilin ko.

"Sige,"

Nahiga na ulit kami pero di ko na pinatay yung lamp. Tinitigan ko nalang yung mga glow in the dark na stars sa kisame. Gabi gabi bago ako makatulog tinititigan ko yun sa kadiliman, ang thoughtful kasi ni Raegan para ilagay ang mga iyon noong bagong lipat palang ako dito sa condo nya.

"Genesis?" Tawag ni Raegan sakin.

"Hmmm?"

Naramdaman ko yung kamay ni Raegan na hinawakan yung kamay ko at pinisil nya yun.

"Kanta ka," Request nya.

"Hala, di ako kumakanta!"

"Please?"

"Di nga ako kumakanta, Raegan. Ang kulit mo naman eh."

Himalang di na nagpumilit pa si Raegan at nanahimik nalang. Maya maya'y humihilik na din sya at mahimbing nanaman ang tulog.

Pinagmasdan ko nalang muna sya matulog.
"Ang cute mo, Raegan." Bulong ko sakanya.

Kung narinig man nya yung sinabi ko, hindi sya nagpakita ng ano mang senyales. Pinagmasdan ko nalang sya hanggang sa pati ako'y nakabalik na sa tulog.


Kinabukasan, si Raegan na ang nag-gising saakin.

"Genesis, bangon ka na jan,"

Kahit inaantok pa ako'y bumangon na rin ako.

"Ayos ka na?" Tanong ko sakanya nang maalala kong nagrereklamo sya sa sakit ng ulo nya kagabi.

"Kayang kaya ko na!" Masigla nyang sagot.

"Ayos naman,"


Sa mga sumunod na gabi ay hindi na kami nagtabi pa ulit ni Raegan. Yun nga lang, gabi gabi ay nagigising ako sa malakas na kalabog mula sa kabilang kwarto.
Noong Wednesday morning nagising ulit ako sa usual na kalabog. Worried na baka napaano nanaman sya ay bumangon ako't chineck sya sa kwarto nya. Pero wala, mahimbing naman ang pagkakahiga ni Raegan dun sa higaan nya. Feeling ko tuloy minumulto na kami kasi hindi ko alam kung saan nanggagaling yung mga kalabog.

Pagdating ng Friday ay maaga kaming umalis ng condo ni Raegan. Inaaraw araw na nya kasi yung paghahatid saakin at medyo nasasanay na din akong pinagtitinginan kami ng mga tao.
Kung ako din kasi makikita si Raegan sa kalsada, talagang mapapalingon ako!

"Make sure na wala kang gagawin tomorrow," Bilin ni Raegan nang makarating na kami sa tapat ng gate ng St. Scholastica's.

"Eh pano kapag school related?"

"Sasama ka parin sakin,"

Hinampas ko nga sya ng librong hawak ko, "Baliw ka ba? Studies first!"

"Oy, minsan lang yung games ko ayaw mo pa manuod?" Reklamo nya.

"Manunuod naman talaga ako kung wala akong school stuff na gagawin eh."

"Kaya nga wag ka nang magiisched pa ng kung anong school stuff mo bukas," Ulit ni Raegan.

"Sige na, sige na!"

"Hi, Gene! Hi, Raegan!" Biglang dating ni Rhea sa tabi ko.

"Hey, there." Nakangiting bati ni Raegan.

"Hi," Bati ko naman sakanya.

"Anong pinagtatalunan nyo?" Tanong ni Rhea kay Raegan. Medyo halata pang nagpapacute ang lokarit kasi kuntodo maka-pretty eyes.

"I was just reminding her not to make any dates tomorrow," Accented na English ni Raegan.

"Ha?" Napangisi ako kasi medyo natulala si Rhea na parang hindi nakuha yung sinabi ni Raegan.

Napahampas tuloy ng noo si Raegan nang marealize nya yung pagkakamali nya, "Sorry, medyo sanay kasi ako mag-English. Pinapaalalahanan ko lang si Genesis na wag magiischedule ng date bukas."

"Ayos lang," Ngiti ni Rhea, "For sure walang gagawin yan bukas, first week palang naman kasi eh. Saka anong meron bukas?"

"First game ko this season."

"Oohh, UAAP! Pwede ba akong manuod?"

"Yeah, sure you can."

"Ayos!" Halos mapatalon sa tuwa si Rhea, "Gene, sama ako ahh!"

"Oo na,"

"Sige na, pasok na kayo, baka malate pa kayo. Batukan pa ako ng isa jan," Natatawang bilin ni Raegan.

"Sige na, bye." Paalam ko. Talaga namang babatukan ko sya kapag nalate ako kay Mam Perez.

"Bye, Raegan." Pacute na paalam ni Rhea.

Lumapit si Raegan and as usual, binigyan ako ng goodbye kiss sa noo. Napansin kong nanlaki yung mata ni Rhea kaya hinila ko na sya papasok bago pa sya magreact.

"Girl! ANO YUN?!" Pasigaw na tanong ni Rhea with matching hampas pa sa braso ko.

"Aray ko naman!"

"GENE, BAKIT KA NYA KINISS SA NOO?!!" Niyugyog naman nya ako ngayon.

"Eh di bumalik ka doon at humingi ka din ng goodbye kiss!" Reklamo ko at ipinagtulakan ko pa sya.

"EHHHHH NAMAN GENE!! ANDAYA MO!!!"

"Anong madaya dun?!"

Niyugyog lang ako ni Rhea, "Kayo na ba?? Bakit di ka nagsasabi?!"

"Friends lang kami, ano ka ba?! Ang OA mo eh."

"Crush ko sya eh,"

Medyo nanlaki yung mata ko. Si Rhea may crush kay Raegan? Akala ko ba straight as a meter stick tong lokarit na to? Tumawid na ba sya sa kadiliman na kinabibilangan nila Jenna at Chloe?

"Chura mo, oy! Girl crush lang!" Bawi ni Rhea at tinawanan pa ako.

"Girl crush ka pang nalalaman," Baling ko sakanya, "Nahawaan ka na ba nila Jenna?"

Hinampas ako ni Rhea sa braso, "Baliw! Girl crush lang eh! Hinahangaan na babae! Saka makasabi ka naman ng nakakahawa, ano, sakit lang?"

Umiling nalang ako, "Dami mong alam"

"Teka, single ba si Raegan ngayon?" Biglang tanong ni Rhea.

Nakarating na kami sa stairs, "Ha? Eh, ewan. Sige na, babye!"

"Tanungin mo ah!! Ikaw ka-close eh!" Bilin ni Rhea saka ko na sya iniwan.

Habang naglalakad, narealize kong wala akong kaalam alam sa lovelife ni Raegan. Hindi naman kasi sya masyadong palakwento tungkol sa buhay nya. Madalas kalokohan at kung ano anong trivia lang ang pinaguusapan namin.
Hindi ko alam kung may boyfriend sya ngayon. Or baka naman may girlfriend sya? Nabanggit nya kasi dati na bisexual sya.
Parang lumakas yung kabog ng dibdib ko habang iniimagine si Raegan na may kasamang babae.

Oh gosh, ANO BA TONG INIISIP KO!

Nakarating na ako sa classroom namin na ubod ng tahimik. Naupo na ako sa upuan ko sa tapat ng teacher's table.
Walang naguusap at karamiha'y kung hindi nagbabasa ng libro namin ay may kinakalikot sa mga cellphone nila. Ayaw kasi ni Mam Perez ng maingay kaya ayan, sa sobrang takot namin sakanya hindi na namin magawang magsocialize dito sa classroom. Iilan nga lang kakilala ko dito eh!

"Good morning class!" Biglang bati ni Mam Perez sa may pintuan. Kakarating nya lang and hindi sya nakapusod ngayon. Nakabraid lang ngayon ang brownish black hair nya kaya parang bumata sya. Yung itsura nya parang estudyante nalang din ngayon.

"I hope nagaral kayo in advance," Sabi ni Mam habang ibinababa sa table yung mga gamit nya.

"Yes mam!" Sagot namin.

Kahit nga wala kaming pasok sa kanya ay nagaaral ako sa klase nya. Ang galing nya kasi magturo at ang dami kong natututunan sakanya. Okay well, dagdag motivation na din kasi yung takot ko sakanya. Syempre sabi nya kasi she'll keep an eye on me dahil dun sa ginawa ni Raegan.

Nagsimula nang maglecture si Mam kaya inilabas ko na yung notebook ko at nagtake down ng notes. Di ko na naramdaman yung oras na lumipas hanggang sa magring yung bell.

"Time na pala," Sabi ni Mam habang nagaayos na kami ng  gamit in preparation for our next class, "Dapat bibigyan ko kayo ng Assignment kung hindi dahil kay Miss Beltran."

"Mam?" Napaturo ako sa sarili ko.

"Sabi ni Raegan may gagawin daw kayong importante bukas kaya binalaan nya akong wag daw magbigay sainyo ng homework." Nakangiting sabi ni Mam sakin.

Naghiyawan sa tuwa yung klase namin at may ilang nagpasalamat pa talaga sakin.

"Err, thanks mam?"

Natawa lang si Mam sakin at umalis na sya ng room.

Badtrip tong si Raegan! Kung ano anong sinasabi kay Mam Perez!

After ng morning classes ko ay tinawagan ko ang lokarit.

"Hello?"

"Raegan!"

 "Yeah?"

"Ano nanamang pinagsasabi mo kay Mam Perez?!" Reklamo ko sakanya.

Tumawa si Raegan sa kabilang linya.

"Raegan naman eh, baka sabihin ni Mam sinusulsulan ko sya through you,"

"Wala ka namang sinasabi sakin diba? Kusa kong ginagawa yung mga yun. Bakit ka naguiguilty jan?"

"Ikaw kasi eh,"

"Pinapadali ko na nga yang buhay mo eh, ayaw mo pa nun?"

"Ayoko,"

Dinig kong nagbuntong hininga si Raegan sa kabilang linya, "Sige na, Genesis. May next class pa ako eh. Maglunch ka na,"

Di ko alam kung anong meron pero halata yung depression sa boses ni Raegan. Nalungkot ba sya sa sinabi ko?
"Raegan,"

"Bye, Genesis. Mamaya nalang sa condo. Anjan na yung prof ko. Lunch ka na ahh!"

May sasabihin pa sana ako kaso binaba na ni Raegan yung call.

"Hi, Gene!"

Hinarap ko yung bumati sakin only to regret it. Anjan nanaman si Katrina with a box of chocolate in hand.

"For you," Inabot nya sakin yung box.

"Gusto mo ba akong magkadiabetese? Andami nyan oh!" Hindi ko tinanggap yung box.

"Ahh ehh, kasi baka gusto mong ishare kila Rhea," Nahihiyang sabi ni Katrina.

Grabe, sobrang naaaawa na ako sakanya. Pero hindi, magmamatigas ako! Matigas din kasi ulo nya eh! Ayaw pa kasing tumigil!

"Tingnan mo to! Ang bait bait at naisipan pang bigyan kami ng chocolates!" Biglang akbay ni Jenna kay Katrina.

Si Chloe naman na kasama nya ay kinuha yung box ng chocolates kay Katrina, "Hey, Kenneth. Thanks!"

"Hi!" Nakangiting bati ni Katrina sa dalawang bagong dating.

"Nga pala, Gene. May kinukwento samin si Rhea." Baling ni Jenna sakin.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Manunuod daw tayo ng game ni Raegan bukas?" Sabi ni Chloe.

"Ha? Ehh, oo."

"Anong game?" Nakakunot ang noo ni Katrina.

Hindi ko maiwasang mapangiti, nagseselos ata sya kay Raegan?

"Opening game ng UAAP Tennis. Maglalaro si Raegan Luces." Biglang dating naman ni Rhea at yumakap sa kanang braso ko, medyo kinilig kilig pa sya sa sinabi nya.

"Psh. Tennis game lang eh, wala namang espesyal dun." Iritableng sabi ni Katrina.

"Well, its better than nothing," Kibit balikat ni Chloe.

"Bakit, may sport ka ba, Kenneth?" Natatawang tanong ni Jenna. Okay, napansin na din ata nya na nagseselos tong manliligaw ko kay Raegan.

"Nagbabasketball ako!" Proud na sabi ni Katrina.

Natawa si Rhea sa tabi ko, "Talaga? Why haven't I seen you play before?"

Namula yung tenga ni Katrina at napatingin sya sa paahan nya.

Patago ko ngang kinurot sa tagiliran tong si Rhea. Masyado atang nasaktan si Katrina sa sinabi nitong baliw na to. Pinanlakihan lang nya ako ng mata.

"Sige na, Kenneth. Una na kami," Paalam ni Jenna, "Salamat sa chocolates ahh!"

"Bye, Kenneth." Kindat ni Chloe sakanya.

"Try mong sumabit tapos lagay ka ng pabigat sa paahan mo. Tatangkad ka nun!" Pinat ni Rhea yung ulo ni Katrina, "Bye,"

Di na ako nagpaalam at sumunod nalang sakanila.

Hay nako, onting push nalang talaga at titigil na din itong si Katrina! Onting tiis nalang sa konsensya ko at wala na akong proproblemahin pa.

Pagdating namin sa Canteen ay agad na kaming umorder ng pagkain. Pareparehong gutom.

"Hey, Gene. May bayad ba yung panunuod sa game ni Raegan?" Tanong ni Chloe habang kumakain kami.

"Ewan ko,"

"Text mo nga!" Sabi naman ni Rhea.

"May klase yun ngayon,"

"Wow ahh, alam na alam ang sched?" Natatawang tukso ni Jenna.

"Baliw, kausap ko kasi sya kanina bago dumating si Katrina."

"Overly attached girlfriend lang?" Tawa ulit ni Jenna. Di ko nalang sya pinansin.

"Tanungin mo nalang mamaya paguwi mo." Sabi ni Chloe.

"Anyways, how is it, living with her?" Tanong ni Rhea.

Nagkibit balikat lang ako.

"Ano yun?" Tanong nila.

"Ewan, normal lang."

"Anong normal? Bili! Kwento ka naman!" Request ni Jenna.

"Normal lang...ay wait, sorry, abnormal ka nga pala." Biro ko.

Tawa naman ng tawa sila Chloe at Rhea. Si Jenna naman mukhang naasar kasi halos batuhin na nya sakin yung kutsara nya.

"Pero seryoso na, girl." Pagpigil ni Rhea, "Paano yung set up nyo sa condo?"

"Well," Nagisip ako saglit, "Ano bang gusto nyong malaman?"

"Gano muna kalaki yung condo nyo?" Tanong ni Chloe.

"Malaki, actually penthouse loft unit sya," Sagot ko.

Nanlaki yung mga mata nila, "Seryoso?!"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Medyo," Sabi ni Jenna, "Tapos? Ano na?"

"Well, Since malaki naman yung condo, wala kaming problema masyado. May tig-isa kaming kwarto."

"Akala ko tabi kayo matulog," Tawa ni Rhea.

"Minsan, kapag trip nya, nagtatabi kami.."

At nagulat nanaman sila, "DI NGA?!"

"Shh! Ang lakas ng boses nyo!"

"Grabe din tong si Raegan eh noh? Anyare sayo Gene?" Tanong ni Chloe.

"Bakit?"

"Hindi ka naman ganyan eh. Remember nung nagsleep over tayo dati kina Rhea? Di ka nakatulog kasi di ka sanay na may katabi! Tapos ngayon ayos lang sayo basta si Raegan?" Sabi ni Jenna.

"Eh anong gusto mong sabihin?"

"May gusto ka ba sakanya?"

"Wala!"

"Oh, eh bakit parang nagbabago ka?" Tanong ni Rhea, "Dati ayaw mong nagbebeso kami sayo kasi awkward kamo. Tapos ngayon nagpapahalik ka na sa noo?"

"Hindi naman din ako komportable sa ginagawa nya eh,"

"Bakit di mo sinasabi kay Raegan?" Tanong naman ni Chloe.

"Ewan,"

Natahimik kami at binuksan na ni Chloe yung box ng chocolate.

"Oi, masarap pala!" Sabi niya, "Kuha ka, Gene!"

"No thanks. Busog na ako."

Inubos nila yung chocolates.

"Masarap, Gene. Bakit di ka kumuha?" Sabi ni Jenna.

"Baka kasi may alam nyo na," Kindat ko sakanila at inayos ko na yung gamit ko.

"Anong alam na namin?" Inosenteng tanong ni Chloe.

"Baka may gayuma," Kindat ko muli bago ako kumaripas ng takbo papalayo.

Natawa nalang ako nang marinig kong naguuubo na sila Jenna doon sa table, nilingon ko sila bago ako makalabas ng canteen at nakitang umiinom sila ng sandamakmak na tubig.

"Napapala nyong mga pakialamera," Tawa ko at pumunta na sa next class ko.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon