Chapter 42

71.5K 1.4K 140
                                    

"Oy Gene, kanina ka pa tahimik jan."

"Wala lang ako sa mood." Sagot ko kina Rhea.

Andito kami ngayon sa canteen, kumakain ng lunch. Balik klase nanaman kami matapos ang Christmas vacation.

"Ano nga palang regalo sayo ni Raegan?" Tanong ni Chloe.

"Stuff toy." Walang gana kong sagot. "Si Captain Barry."

"Stuff toy lang?" Sabi naman ni Rhea. "Ang yaman nun, tapos stuff toy lang ibibigay sa girlfriend?"

Tiningnan ko sya ng masama. Minsan hindi ko rin maintindihan tong si Rhea. "Syempre customized yung teddy bear! Nakasuot sya ng pilot outfit. Kaya nga Captain Barry eh, kasi pilot sya!"

"Bakit ikaw Rhea? Anong regalo sayo ni Percy ha?" Tanong ni Jenna.

Abot tenga ang ngiti ni Rhea. "Secret."

"Secret secret ka pang nalalaman!" Binato ni Chloe si Rhea ng tissue. "Bilis na! Share mo na yan!"

"Ayoko nga!" Binato pabalik ni Rhea yung tissue kay Chloe. "Saming dalawa nalang yun."

"Ang daya naman eh." Angal ni Jenna.

"Tara na nga!" Tumayo na ako. Tapos narin naman na kami kumain, baka malate pa kami kung magkwekwentuhan pa sila.

Sumunod narin sila sakin. Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Katrina.

"Oy, Kenneth!" Bati ni Jenna. "Musta na?"

Ngumiti lang si Katrina sakanya. "Ayos lang. Kayo? Ikaw, Gene, kamusta ka na?"

"Ayos lang." Ngumiti din ako sakanya.

Aaminin ko, naiirita man ako sakanya sa panliligaw nya dati, nakakamiss din pala sya. Siguro nasanay ako kasi tatlong taon syang naghahabol sakin.

"Sige guys, una na kami ni Chloe." Pamamaalam ni Jenna. "Gene, sabay ka na kay Kenneth, parehas naman kayo ng next class diba?"

"Sabay nadin ako sakanila!" Sabat naman ni Rhea at sumunod nadin kina Jenna at Chloe. "See ya!"

Nagkatinginan lang kami ni Katrina. Dati kasi pinapalayas nila si Katrina, pero ngayon iniiwan nalang nila ako kasama sya.

"Tara na?" Aya ko. Wala narin naman na akong magagawa, iniwan na nila ako.

"Tara." Tungo ni Katrina.

Habang naglalakad kami ay tahimik lang kami. Ang weird tuloy ng pakiramdam ko. Siguro nawiweirduhan din sya? O kaya naman nasasaktan. Syempre kasi ilang taon din sya nanligaw sakin tapos makikita nya harap harapan na hinalikan ako ni Gan!

"Kamusta na kayo ni Luces?" Biglang tanong ni Katrina.

Napatingin ako sakanya. "Uhh.." Okay, ano bang pwede kong sabihin? Ah! Alam ko na! "Going strong." Ngiti ko.

Maliit lang na ngiti ang iginawad sakin ni Katrina. Pakiramdam ko naman ngayon ang sama sama ko.

Sa wakas ay nakarating na kami sa classroom namin. Agad akong pumwesto sa tabi ni Jovie at si Katrina naman ay sa bandang likuran. Sumuko na nga talaga sya sakin.

Pagkatapos ng klase ko, napansin kong may pinagkakaguluhan sa labas ng gate. Di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"BELTRAN!"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nagulat nang makitang si Raegan ang napapalibutan ng tao. Nagexcuse sya sa mga taong nagpapapicture kasama sya at lumapit sakin.

"Pumunta pa ako dito para sunduin ka tapos aalis ka without me?" Mababa ang tono ng boses nya at kahit may suot syang aviator shades, alam kong si Gan ang kausap ko.

"Di mo naman ako kailangan sunduin eh." Nakakunot ang noo kong sagot sakanya. Ano na naman ba ang trip nitong si Gan at sinusundo ako dito?

Tinanggal ni Gan yung sun glasses nya para mas makita ako. "Wag kang ganyan, baka isipin nila nagaway kayo ni Raegan."

Napabuntong hininga ako. Kailangan kong kumalma, di ako pwedeng kumilos ng hindi nagiisip mabuti dahil sikat si Raegan at nasa pampublikong lugar kami. Ngayon pa nga lang nga na naguusap kami ay pinagtitinginan na kami.

"Sige na, tara nang umuwi."

Sumabay sa paglalakad si Gan at inakbayan ako. Pinanlisikan ko sya ng mata pero di nya ako pinansin at sinuot lang ulit yung shades nya.

Maayos ang araw ko, hindi ako dapat magpaapekto sa kalokohan ni Gan.

"Kelan ka nakalabas?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Kanina lang nung papunta na si Raegan sainyo."

"Hindi ka naman siguro lumabas habang nasa kalsada sya?"

Natawa si Gan kaya napatigil ako sa paglalakad. "Ang totoo nyan muntikan na kaming masagasaan."

"BALIW KA BA?!" Pinaghahampas ko yung braso nya. "Bakit sa may kalsada?!"

"Aray ko ah!" Umilag si Gan pero hinabol ko sya at kinurot ang braso. "ARAY!"

"Bakit naman kasi sa kalsada pa?! Pano kung nasagasaan nga kayo?!"

"ARAY KO! Hindi naman nangyari yun diba?! Andito pa ako!"

Binitawan ko na sya pero galit parin ako! Pano kung nasaktan sila? Pano kung--Arrrghhh!!

"Lumayo ka sakin Gan kung ayaw mong sapukin kita." 

Tahimik lang na sumunod sakin si Gan hanggang sa makarating kami sa elevator ng condo.

"Sorry na."

"Anong sorry na? Gan, sinabi ko na sainyo ni Rae, wag kayong lalabas kapag nasa kalsada si Raegan o kung sino mang nasa labas!"

"Eh hindi ko naman sinasadya eh!"

"Kahit na! Sana pinigilan mo! Pano kung sa ilang segundo na nagaadjust ka sa paligid mo ay nasagasaan kayo?!"

Nakakainis si Gan, gusto ko syang paghahampasin pero hindi ko pwedeng gawin yun, kahit si Gan ang nasa labas, nagsheshare parin silang tatlo ni Raegan at Rae sa iisang katawan.

"Sorry na nga diba?" Nakasimangot na sabi ni Gan. "Wag ka na magalit, saka isa pa, andito naman ako oh! Walang galos!"

"Nagaalala lang naman kasi ako!" Napabuntong hininga nalang ako. "Saglit lang na walang nagbabantay sainyo tapos muntikan ka nang masagasaan?!"

Hindi ko alam kung anong topak ni Gan pero ngiting ngiti sya sa pagpasok namin ng condo.

"Ikaw ha, pag ginawa mo ulit yan sinusumpa ko sayo makakatikim ka sakin!"

Inilapit bigla ni Gan yung mukha nya sa mukha ko.

"Anong matitikman ko?" Nakangisi nyang tanong.

"WALA!" Tinulak ko papalayo yung mukha nya. Pero ang totoo kinabahan ako sa ginawa nya. Akala ko hahalikan nya ako.

Tumawa lang si Gan at umakyat na sa kwarto nya. Nakahinga ako ng maluwag sa pagalis nya. Pumunta nalang muna akong kitchen para kumuha ng maiinom. Parang natuyo yung laway ko sa pagtatalak ko kay Gan.

"Arf!" Tahol ni Azula sakin.

"Uhaw ka din?" Tanong ko sakanya.

Umupo lang sya sa tapat ko, nakalabas ang dila at wumawagayway ang buntot. "Arf arf!"

"Alam mo naman sigurong di kita naiintindihan noh?"

Tumagilid lang ang ulo nya.

"Hayy nako, wag kang magpacute sakin." Sabi ko sakanya.

Umiinom ako ng tubig nang bigla ba naman akong dinilaan ni Azula sa kaliwang binti! Natural nagulat ako't nakiliti! Nakaskirt lang kaya ako!

Tumakbo lang papalayo si Azula. "Arf arf!"

"Badtrip ka ah!!" Natatawa ako sa aso, gusto lang pala makipaglaro. Hinabol ko sya paakyat pero natigilan ako ng makita kong pumasok sya sa kwarto ni Raegan.

"Azula? Raegan?" Kumatok lang ako at sumilip sa loob.

"RAEGAN!" Napatakbo ako sa loob nang makitang nakahandusay si Raegan sa sahig katabi ng mga paintings ni Rae. Si Azula dinidilaan ang mukha ng amo nya.

"Raegan?" Tinulak ko sya para makahiga sya at nang makita ko syang mabuti. Nagdudugo ang ilong nya.

"Raegan? Rae? Gan?" Marahan ko syang sinampal sa pisngi para magising. "Raegan? Gumising ka, please! Wag kang ganyan! Gising!"

Tumatahol tahol si Azula sa tabi ko. Alam din siguro nya na hindi maayos ang amo nya.

"Azula, pakuha ng tissue box!" Utos ko sa aso. Tinuro ko yung tissue box sa bedside table ni Raegan. Matalinong aso naman si Azula kaya sumunod sya sa utos ko.

Pinunasan ko yung dugo sa ilong ni Raegan at patuloy na ginigising sya.

"Ugghh." Nagulat ako nang umungol sya.

"Raegan? Ayos ka lang? Raegan, gising ka na please?"

Naramdaman ko ang paghawak ni Raegan sa braso ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagtatalon naman si Azula at dinilaan ang pisngi ni Raegan.

"Genie," Mahina nyang sabi.

So si Rae ang nasa labas ngayon?

"Rae? Anong nangyari?" Tanong ko habang tinutulungan syang makaupo at makasandal sa paahan ng kama.

Napahawak si Rae sa ulo nya. Kumunot ang noo nya na para bang nasasaktan.

"Ayaw ako palabasin ni Gan." Halos bulong na sabi nya.

"Ha? Bakit naman?"

"Basta." Umiling lang si Rae at hinimas himas yung ulo ni Azula.

Bakit naman sila magaaway sa paglabas ngayon? Wala namang ginawa si Gan o si Rae na ikagagalit nila sa isa't isa.

"Ayos ka na? Wala bang masakit?"

Ngumiti lang si Rae, yung mata'y naniningkit. "Ayos na ako, Genie. Salamat."

"Sigurado ka?"

Napakunot ang noo ni Rae nang makitang duguan ang kamay ko. Nakita din nya yung duguang tissue na nakakalat sa sahig.

"Nagdudugo yung ilong nyo nung nakita ko kayo." Pagpapaliwanag ko sakanya atsaka pinunasan yung natitirang dugo sa nguso nya.

"Sorry, pinagalala pa kita." Guilty nyang sabi sakin.

"Ayos lang. Sigurado ka bang ayos ka na? Wala ka nang ibang nararamdaman?"

Umiling si Rae at pilit na tumayo. Inalalayan ko sya kasi parang matutumba sya.

"CR lang ako, Genie. Don't worry, I'm fine." Pinabitaw na nya ako sakanya at saka umalis sya para magCR.

Pagkalabas nya ay napatingin lang ako kay Azula.

"Anong problema nun?"

"Arf!" Tahol ni Azula. Tinulak lang nya yung duguang tissue papunta sakin kaya pinulot ko yung kalat at lumabas ng kwarto.

Kinatok ko si Rae sa CR. "Ayos ka lang jan?"

Dinig ang pagagos ng tubig sa loob. Naliligo sya? O baka naman naghihilamos lang?

"Ayos lang ako!" Ang muffled na sagot ni Rae sakin.

Pumasok muna ako ng kwarto ko para magpalit ng damit. Siguro naman kaya na nya yun. Kapag kailangan naman nya ng tulong ay tatawagin lang nya agad ako.

Pagkalabas ko, naabutan ko si Rae na basang basa ang ulo.

"Anyare sayo?" Tanong ko.

"Wala, nagbasa lang." Ngiti nya sakin.

"Eh ba't di ka magpunas?" Pumunta ako sa CR at kinuha yung towel nya. "Basang basa ka oh!" Pinunasan ko yung mukha nya at yung ulo nya.

"Ikaw na jan." Pinaubaya ko na sakanya yung pagpupunas kasi nangangalay na ako sa pagabot sa ulo nya. Ang hirap kaya, mas matangkad sya sakin!

"Genie, labas tayo?" Tanong ni Rae habang nagpupunas. "Punta tayong mall?"

"Ha? Eh ano namang gagawin natin dun?"

"Wala lang, ikot lang tayo."

"Di pwede, pupunta pa tayong clinic eh."

Nagpout si Rae. "Anong gagawin natin sa clinic?"

"Papacheck kita kay mama, di magandang balita yang pagdudugo ng ilong nyo."

"Wag na tayong pumunta dun, Genie. Mall nalang tayo o kung ayaw mo, dito nalang tayo, laro tayo ng games kung gusto mo."

"Eh Rae, kailangan natin ipacheck kung ayos ka lang."

"Ayos lang naman ako, Genie eh.." Pagpupumilit ni Rae. "Nasobrahan lang talaga yung pagpipigil ni Gan na palabasin ako."

Tiningnan ko sya, parang may tinatago kasi sya eh. "Bakit nga ba nagpipigil si Gan?"

Napakamot ng ulo si Rae, hindi nya ata inaasahan yung tanong ko.

"I overheard her thinking of something...Pinilit ko agad lumabas pero naramdaman nya ata yun ginagawa ko kaya pinigilan nya."

"Anong narinig mo?" Curious kong tanong.

Namula si Rae at umiling. "Di ko pwedeng sabihin."

"Ano nga?" Habol ko sakanya. Hinablot ko yung towel sa ulo nya. "Hoy, kinakausap kaya kita!"

Umiling lang si Rae at umiwas.

Ano naman kayang maiisip ni Gan at kinailangan ni Rae lumaabas?

Teka, ano bang interest meron silang dalawa na pwede nilang pagawayan o pagusapan? Art? Music? Science? Math? Ako?

Napailing ako sa pagiisip nun. Oo, alam ko na silang tatlong persona ay masyadong concerned na sakin dahil sa pagbabantay ko at pagiging involved ko kay Raegan pero hindi naman sapat na dahilan yun para pagawayan nila ako.

Eh bakit nagaway na dati si Raegan at Gan dahil sayo?

Napailing ako. Syempre may reason naman yung pagaaway na yun, pinoprotektahan lang ako ni Raegan from Gan kasi hindi ko ginusto yung paghalik nya sakin sa harapan ng mga kaibigan ko. Si Rae at si Gan? Wala silang pagaawayan...Unless may binabalak si Gan at pinoprotektahan naman ako ngayon ni Rae?

Ay nako! Tama na nga ang pagiisip ng kung ano ano!

Bumaba na ako sa living room at naabutan dun si Azula na nakadapa sa sofa. Mukhang bored na bored sya.

"Azula," Naupo ako sa tabi nya at hinimas himas sya. "Gusto mo lumabas?"

Umangat ang ulo ni Azula. "Arf!"

"Gusto mo yun?" Natuwa ako sa reaksyon ng aso. "Hintayin natin si Rae tapos punta tayong MOA."

Pinanggigilan ko muna si Azula at nang bumaba si Rae ay inaya ko na sya.

"Rae, gusto mo lumabas diba?"

"Oo, bakit?"

"Punta tayong MOA, bored si Azula eh."

Napangiti si Rae. "Tara!"

Naitext ko naman na si Manong Elmer na aalis kami kaya pagkababa namin sa parking ay ready to go na yung kotse.

Excited na sumakay si Azula sa front seat at kami ni Rae, sa backseat.

"Sa MOA po tayo, kuya." Sabi ko kay Manong Elmer.

May maliit na ngiti si Rae habang nakatingin sa labas ng bintana. Masaya ata sya at naisipan ko ding lumabas.

Dumiretso kami sa may baywalk kasi kasama namin si Azula. Naglaro lang kami dun, naghahabulan (at pinagtitinginan ng mga tao). Nang magdilim na ay inaya ko nang kumain si Rae.

"Si Azula lang pala kailangan para lumabas tayo eh." Sabi ni Rae.

Kinuha ko yung handkerchief ko at inabot ang noo ni Rae. "Magpunas ka nga! Basang basa ka ng pawis."

"Thanks." Ngiti nya at kinuha yung panyo sa kamay ko. Pinunasan nya yung sarili nya.

"Arf!" Sumampa si Azula sa binti ko, nakatingin sakin habang nakalabas ang dila.

"Wait lang!" Natatawa ako dun sa aso. Inaabot nya kasi yung baso ko.

Nagrequest ako ng paper cup at nilagyan yun ng tubig. Ibinaba ko sa tapat ni Azula at pinanuod syang uminom. Halatang uhaw na uhaw sya.

"Genie,"

"Hmm?" Napatingin ako kay Rae mula sa panunuod ko kay Azula. "Ano yun?"

"Salamat."

"Ba't ka nagpapasalamat?"

"Kasi pumayag ka na lumabas tayo." Ngiti ni Rae.

"Pasalamat ka kay Azula, kung hindi sya nagpacute sakin kanina sa sala hindi magbabago isip ko."

"Azula!" Tawag ni Rae sa aso. Agad namang lumapit sakanya si Azula at sumampa sa binti nya. "Thank you ah!" Niyakap nya yung aso at saka binigyan ng chicken mula sa plato nya.

Napangiti ako, para kasing si Raegan tingnan si Rae ngayon. Mahal na mahal kasi ni Raegan si Azula at itong si Rae naman ay tuwang tuwa sa aso.

Pagdating ng Friday, nagpahatid muna ako sa clinic pagkatapos ng klase ko. Hindi na muna ako pumayag na magpasama kay Alexa kasi busy sya ngayon, ayoko namang makaabala sakanya.

"Genesis! Kanina ka pa?" Bati ni mama pagkadating ko sa clinic.

Nagmano ako kay mama. "Hindi po, kararating ko lang po."

"Ano, kamusta pagaaral mo?" Tanong ni mama at pinapasok ako sa office nya. Buti pala wala syang pasyente.

"Ayos naman po." Sagot ko at naupo sa chair na palaging inuupuan ni Raegan. "Mama, may bago po kasing nangyari kay Raegan."

Napatingin sakin si mama. "Ano yun?"

"Nung isang araw po lumabas si Gan at sinundo ako sa school. Pagkauwi namin umakyat sya ng kwarto nya, tinawag ako ni Azula at pagdating namin dun ay nasa sahig na si Raegan at nagdudugo ang ilong, paggising po nya si Rae na sya." Kwento ko.

"Nagcollapse nanaman sya?"

"Opo."

Nagisip saglit si mama. "Tinanong mo ba sya kung bakit nangyari yun?"

"Ang sabi po nya pinipigilan sya lumabas ni Gan."

"Bakit naman sya pipigilan ni Gan? At bakit gusto nya lumabas?"

"Yun nga po yung problema ko, sabi po ni Rae may narinig syang iniisip si Gan kaya gusto nyang lumabas, eh naramdaman daw po ata ni Gan yung gusto nyang gawin kaya pinigilan nya. Ayun, nasobrahan po ata at nagcollapse sila at nagdugo ang ilong."

Napaisip si mama sa kwento ko. "Hindi ba sinabi sayo ni Rae kung ano yung narinig nya kay Gan?"

Umiling ako. "Umiwas po sya sa tanong ko. Nung tinanong ko naman po ulit sya ayaw nya akong sagutin. Si Raegan po walang narinig nung time na yun."

Nagkatinginan lang kami ni mama. Maya maya ay napabuntong hininga sya at napailing. "Bakit parang lumalala pa sya?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni mama. Parang hindi ko ata kakayanin kapag nadagdagan pa yung split personalities ni Raegan. At hindi ko rin kakayanin kapag naging mas dominant sila Rae o Gan kaysa kay Raegan. Dapat, in the end of the day, si Raegan parin ang dominant personality.

"Oh, kalma ka jan.." Natatawa si mama sa reaksyon ko.

"Mama, di pwedeng lumala si Raegan."

Nailing si mama. "Hindi naman natin makokontrol yun eh. Saka isa pa, hindi lang ikaw ang ayaw lumala si Raegan."

Halata sa itsura ni mama na nagaalala din sya para kay Raegan.

"Ganito nalang Genesis, alamin mo kung ano yung iniisip ni Gan. Baka makatulong satin kung malalaman natin yun." Tumayo si mama at hinawakan ako sa balikat. "And make sure hindi na madadagdagan pa yung stress ni Raegan."

"Panong di madadagdagan?"

Natawa si mama. "Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo."

Napanganga lang ako sa sinabi ni mama. Seryoso ba sya?

Natawa si mama at pinangigilan ako. Pinagtritripan nanaman pala nya ako eh! Namimiss na ako nitong si mama.

Nagkwentuhan kami hanggang sa mapansin kong late na pala. Baka hinahanap na ako ni Raegan.

"Sige po mama, uwi na po ako." Pamamaalam ko.

"Sige sige, ingat ka ha! I'll see you soon."

Humalik si mama sa pisngi ko at umalis na ako.

Nag-taxi ako pabalik ng Manila kasi alam kong magagalit si Raegan kapag nalaman nyang nagcommute lang ako. Ayaw nya kasing mapahamak ako. Saka gabi na din, tinatamad na akong magjeep.

Naalala ko yung sinabi ni mama na pwedeng lumalala yung sakit ni Raegan.

Napailing ako. Hindi pwedeng lumala si Raegan, nahihirapan na nga kami ngayon eh, pano pa kaya kapag nadagdagan pa yung split personality nya?

"Kuya, jan nalang po sa gilid." Turo ko sa taxi driver.

Itinabi ni kuya yung taxi sa tapat ng condo. Nagbayad ako at lumabas.

Napatingin ako sa mataas na building. Dati natatanaw ko lang ito kapag papauwi ako, pero ngayon dito na ako tumutuloy.

Ang dami nang nagbago simula noong nakilala ko si Raegan.

Pagkabukas ko ng pintuan ng unit namin ay sinalubong agad ako ni Azula.

"Hello! Si Raegan, andito na?" Tanong ko sa aso.

"Arf!"

"Beltran?"

Nanlumo ako nang marinig ang apelyido ko. Si Gan ang nasa labas ngayon, sya lang naman kasi ang tumatawag sakin ng ganoon sa kanilang tatlo.

"Gan? Kelan ka pa nasa labas?" Tanong ko.

"Kanina lang pagkadating ni Raegan dito."

"Kumain ka na?" Tanong ko habang nagbubukas ng ref.

"Kanina pa, ikaw?"

Umiling ako at kinuha yung tirang ulam sa ref. Inilagay ko yun sa microwave.

Di na ako pinansin ni Gan at nagbukas nalang sya ng TV. Inilipat nya yun sa iilang channel na gusto nyang panuorin at nagsettle down sa National Geographic na kasalukuyang nagpapalabas ng isang documentary tungkol sa Amazon forest.

Habang kumakain ako ay pinapanuod ko si Gan. Tahimik lang sya na nanunuod ng TV pero for some reasons, parang hindi sya nagpapay attention dun sa palabas, parang nakatitig lang sya dun.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Ha?" Napatingin bigla sakin si Gan na para bang nahugot sa pagkakatulala. "Ano yun?"

"Ano yang pinapanuod mo?" Tanong ko ulit kahit alam ko naman kung ano talaga yung palabas.

"Wala lang, tungkol sa Amazon forest."

"Oh, ano daw meron?" Tanong ko habang pinipigilan ngumiti.

"Err, stuffs..Kumain ka na nga lang jan! Tanong ka ng tanong!" Distracted nga si Gan kasi parang di nya inaasahan na magtatanong ako.

Pagkatapos ko kumain ay binalak ko nang umakyat ng kwarto ko. Inaantok na kasi ako.

"Matutulog na ako ah." Paalam ko kay Gan. "Di ka pa ba inaantok?"

Umiling si Gan. "Di pa. Sige na, good night."

"Good night."

Nagpalit na ako ng pantulog at nagtootbrush. Pagkahiga ko sa kama ko ay napabuntong hininga ako. Napagod kasi ako.

Pero parang wala pang ilang minuto akong naiidlip ay may narinig akong nabasag.

"Wag..kang.."

Nagising ako at nakitang nakaupo si Raegan sa may sahig at hawak hawak yung ulo nya. Sa tabi nya ay nabasag yung bedside lamp ko.

"Raegan!" Napatayo ako at hinawakan sya sa braso pero pinalayo nya lang ako.

"ANO BA!" Sigaw nya habang nakapikit ang mata. Pinilit nyang tumayo pero pagewang gewang sya sa paglalakad palabas ng kwarto ko.

"Raegan!" Tawag ko sakanya.

"Hindi ako si Raegan!" Sigaw nya sakin habang nakasandal sa pader sa hallway. "ARAY!"

Hindi ko alam kung anong problema nya pero parang nasasaktan sya. Napahawak ulit sya sa ulo nya.

"Wag kang makialam Rae!" Sabi nya.

Kung hindi sya si Raegan at kausap nya si Rae, ibig sabihin ay si Gan parin ang nasa labas!

"Gan?" Hinawakan ko sya sa balikat, kinakabahan na kapag sa braso ko sya hawakan ay itulak lang nya ulit ako papalayo.

Lumingon sakin si Gan at nakita kong nagdudugo nanaman ang ilong nya.

"GAN! Nagdudugo na yang ilong mo!" Kabado kong sabi. "Ano bang problema?"

Napailing si Gan at lumayo sakin. Binuksan nya yung pintuan ng kwarto nya at natumba sa loob.

"Gan! Ano ba?!"

"Tigilan mo ako Rae!" Sigaw nya habang inaangat ang sarili. Umiling sya at hinawakan ang ulo nya. Parang hindi nya ako naririnig.

"Gan!"

Bumagsak ulit sa sahig si Gan at sa pagkakataong ito ay ilang segundo syang hindi gumalaw.

"Gan! Gising! Walang ganyanan! Rae! Ano ba?!" Yinuyugyog ko sya at pilit na ginigising, patuloy sa pagagos ang dugo nya sa ilong.

"RAEGAN! Ano ba!" Marahan kong sinampal sampal si Raegan sa pisngi.

Gumalaw si Raegan at umiwas sakin at hinawakan ulit yung ulo nya. "Wala kang pakialam Rae kung gusto ko sya!"

Mababa yung boses nya, si Gan yung nagsalita. Teka sinong gusto nya?

Dumilat sya pero hindi madilim ang mga mata nya.

"Wala akong pakialam dun Gan, si Genie ay kay Raegan."

Kinilabutan ako sa narinig ko. Mataas ang pitch ng boses na yun at tinawag nya akong Genie. Si Rae!

"AHH!" Napasigaw si Rae habang hawak hawak ang ulo nya. "ANO BA GAN! WAG MO IPILIT!"

Ano ba tong nangyayari?! Parang sumasakit na din ang ulo ko sa nangyayari sakanila.

"HINDI AKO DUWAG!" Sigaw ni Rae. "ALAM KO LANG KUNG HANGGANG SAN ANG LIMITASYON KO! WAG MO NA IPILIT!"

Nalilito na ako. Kanina si Gan ang nasa labas, ngayon naman si Rae!

"Rae, Gan! Tigilan nyo na yan!" Sabi ko. Pero parang hindi nila ako narinig.

Bakit ba sila nagaaway?

"Wala kang pakialam Rae kung gusto ko sya!"
"Si Genie ay kay Raegan."
"ALAM KO LANG KUNG HANGGANG SAN ANG LIMITASYON KO!"

Napatingin ako sa katawan ni Raegan na namimilipit sa sakit sa sahig. Naalala ko yung mga tingin ni Rae sakin at kung gaano kadaming paintings nya ang ako ang ginamit nyang subject.

"Kung malakas lang ako." Yun ang ibinulong nya sakin nung minsan. May ibig sabihin ba sya noong panahon na yun?

Napailing ako. Hindi ba't ganun lang talaga si Rae?

Pero pano naman si Gan? Sinundo nya ako noong minsan at madalas nya akong inaasar kay Raegan. Nagawa pa nga nya akong halikan eh!

"Anong matitikman ko?" Ang maloko nyang tanong sakin nung isang araw na pinapagalitan ko sya.

Hindi pwede! Napailing ako. Kung ano mang naiisip ko ay imposibleng mangyari.

Umungol si Rae sa sahig.

"Tigilan mo na, Gan." Mahina na ang boses ni Rae. "Mahal ni Genie si Raegan. Wala tayong laban."

Napaatras ako sa nakahandusay na katawan ni Rae. Tama nga ang hinala ko.

May gusto sakin si Rae at Gan.



Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon