Chapter 31

83.3K 1.3K 27
                                    

"Gene, what's your favorite flower?" Tanong ni Jenny habang nasa orchard ulit kami.

"White peonies." Sagot ko.

"Really?" Napatingin samin si Alexa.

Sunday, third and last day na namin sa Tagaytay. Maaga palang ay nasa Persephone orchard na kami para bisitahin si Jenny. Kaya lang, habang kami ay busy sa pamimitas ng mga bulaklak (libre na daw sabi ni Jenny) si Raegan ay nakaupo lang sa isang bench kasama si Azula. Sumasakit nanaman ang ulo nya.

"Ikaw Raegan? Any favorite flowers?" Pansin ni Jenny sa nakayukong si Raegan, "Oy, sure ka kaya mo pa?"

"Roses." Sagot ni Raegan, "Any color, anyways, do you know that apples came from the same family as roses does? They're practically cousins!"

"Woah there." Napatingin sakanya si Alexa, "Kelan ka pa nagsasabi ng ganyan?"

"I dunno, ngayon lang?" Sarkastikong sagot ni Raegan.

"Pasensya ka na Jenny ahh. Tinotopak nanaman sya eh." Paliwanag ni Alexa kay Jenny, "Nerd mode on."

"Ayos lang. Palagi namang may topak si Raegan sakin eh." Natawa nalang si Jenny at naghigh five sila ni Alexa.

"So, Gene, what's the business with this dope?" Turo ni Jenny kay Raegan gamit yung garden scissors. Naggugupit kasi sya ng ilang mga bulaklak.

"She's the one you made the setup for in the Luces mansion a few months ago." Sagot ni Alexa para sakin.

"Sya yun?!"

"Wait, what?"

"Alala mo yung nagmovie tayo tapos dinala kita sa bahay nila Raegan?" Paliwanag ni Alexa na gumugupit din ng ilang bulaklak, "Sila Jenny nagsetup nung flowers."

Naalala ko yung libo libong rose petals sa driveway nila Raegan noon. Yung long stemmed rose na may thorns pa na inabot sakin ni Azula, yung bouquet na bigay ni Raegan. Yung pool at yung garden, pati na rin yung white peonies sa gitna ng table namin. Kung may ikagaganda pa ang mansyon nila Raegan, yun yun eh.

"Flowers are my business." Kibit balikat ni Jenny.

"Pansin nga sa apelyido mo, Flores." Singit ni Raegan na nakapahilamos ang kamay sa mukha.

"Alam mo, di ko magets kung anong nagustuhan sayo ni Katarina." Pumameywang si Jenny, "Masyado kang nakakairita."

"Excuse me? Anong kinalaman nya dito ha?" Nagtaas na ng tingin si Raegan.

Lumapit si Alexa sakin at bumulong, "Si Jenny nagpakilala kay Raegan kay Katarina."

"Eh?"

"Ginayuma mo sya noh?!" Pangaakusa ni Jenny.

"Baka sya gumayuma sakin." Tumawa si Raegan.

"Wow ha, kapal. Eh bakit ikaw yung nagmakaawa sakin noon para lang sa number nya?"

"Teka, panong pagmamakaawa?" Interesadong tanong ni Alexa.

"Lumuhod sya sa harapan ko." Pagmamalaki ni Jenny.

"Lumuhod? Nagawa mong paluhorin si Raegan?" Di makapaniwalang tanong ni Alexa, "Raegan? Para kay Katarina ginawa mo yun?"

"Ginayuma nya ako." Pagdedepensa ni Raegan.

"Talaga lang ahh." Natatawa si Jenny.

Somehow, di ko akalaing ganoong klaseng tao pala si Raegan. Para lang sa number ng isang babae handa syang lumuhod? Naalala ko nanaman tuloy yung lousy attempt nya na yayain ako para magcoffee noong unang pagkikita namin. Gusto ko sya tawanan noong time na yun.

"Tell me, Gene, gusto mo ba si Raegan?" Baling naman sakin ni Jenny.

"Ha?"

Tiningnan lang nila ako, umaasang sasagutin ko yung tanong.

"Ewan." Kibit balikat ko naman. Nakita kong nagpigil ng tawa si Alexa.

"Ang hina mo pala Raegan eh!" Tawa ni Jenny.

Nagasaran nalang kami sa orchard hanggang sa may dumating na costumer si Jenny at umalis na kami para hindi sya maabala sa trabaho nya.

Pagkabalik namin sa resthouse, nadapa si Raegan sa front porch.

"Raegan!"

"Lexie, Genie, ang sakit ng ulo ko." Reklamo ni Raegan. Mataas nanaman ang pitch ng boses nya.

"Rae?"

Tiningnan kami ni Rae na parang naiiyak na bata. Mukhang masakit na masakit talaga yung ulo nya kaya inalalayan nalang namin sya ni Alexa papunta sa kwarto nya.

"Itulog mo na muna yan."

"Genie.." Hinawakan ni Rae yung kamay ko ng mahigpit. Medyo napapangiwi na nga ako pero di ako nagreklamo, umiiyak na sya eh.

"Kuha lang ako ng gamot ahh." Paalam ni Alexa bago tumakbo palabas.

"Tahan na.." Pinunasan ko yung mga luha ni Rae, "Tahan ka na..Mawawala din yan."

"Ang sakit eh." Mahinang sabi ni Rae.

"Itulog mo nalang." Bilin ko at hinalikan sya sa noo.

Tumungo sya at pinilit nang matulog. Pagbalik ni Alexa mukhang di na magagamit yung gamot kasi nakatulog na si Rae.

Dahan dahan kaming lumabas ng kwarto.

"Ano yun?" Pabulong na tanong ni Alexa, "Bakit biglang lumabas si Rae?"

"Ewan ko, baka nagandahan sa flowers?" Kibit balikat ko. Ang teorya ko kasi, lalabas lang si Rae kapag may nakikita syang maganda o kung natritripan ni Raegan na magdrawing.

"Eh nakaalis na tayo ng orchard, dapat kanina pa sya lumabas."

"Baka pinipigilan ni Raegan kaya sumasakit yung ulo nya? Baka ayaw nyang ipakita kay Jenny?"

"Eh bakit masakit parin ang ulo ni Rae? Nangyari na ba to before?"

"No."

Sabay kaming napatingin sa pintuan ng kwarto ni Raegan. Kakaiba tong pangyayaring ito.

"Sa kitchen nalang muna tayo. Mukhang mahaba itutulog nya eh." Suggest ni Alexa, "Kung kailangan nya naman tayo sisigaw lang yan o hahanapin tayo."

"Sige."

Dumiretso nga kami ni Alexa sa kitchen para magluto ng lunch namin. Base naman sa obserbasyon ko madalas pag nakatulog si Rae pag gising nya si Raegan na ulit sya kaya ayos lang siguro na hindi na namin sya bantayan.

Pagkaluto namin hindi kami sigurado kung gigisingin ba namin si Raegan o hahayaan munang matulog.

"Ano?"

"Mahilig sa nilaga yun." Sabi ko kay Alexa, "Masarap ang nilaga kapag mainit pa."

"Dalhan nalang natin sa kwarto?"

"Bakit di nalang tayo nagluto ng sopas?" Natatawa ako sa ginagawa namin ni Alexa. Nilaga? Seryoso? Pakakainin namin si Raegan ng nilaga sa kwarto nya habang masama pakiramdam nya?

"Kahit sabaw lang naman!"

Nagdala kami ng tray ng pagkain sa kwarto ni Raegan. Pagdating namin dun natutulog parin sya. Ako na ang nagvolunteer na gisingin sya.

"Raegan?" Tinapik tapik ko yung balikat nya.

"Hmm?" Ungol nya.

"Raegan, gising na, nagdala kami ni Alexa ng pagkain oh."

Humarap samin si Raegan, "Genie, ano yan?"

"Rae?" Napataas ang kilay ko sa sinagot nya sakin.

"Ano yan?"

"Nilaga." Sagot na ni Alexa para sakin.

Umupo na si Rae at ipinatong na ni Alexa yung tray sa harap nya. Parang batang kinuha ni Rae yung kutsara at humigop ng sabaw.

"Masarap ba?" Tanong ni Alexa.

Tumungo lang si Rae at nginitian kami, yung mga mata nya naniningkit. Nakakapagtaka talaga, akala namin si Raegan na ang katauhan nya ngayon, bakit si Rae parin?

Pagkatapos kumain, pinainom muna namin si Rae ng gamot bago sya hinayaang matulog. Masakit parin kasi ang ulo nya.

Sa sala'y palakad lakad si Alexa, halatang worried para sa bestfriend.

"Kumalma ka nga jan," Sabi ko. "Magiging ayos din sya."

Nailing nalang si Alexa, "Pag si Rae parin sya paggising mamaya baka bukas madaling araw na tayo umuwi ng Manila."

"Ba't naman kasi ang iksi ng term break nyo?" Naupo ako sa couch. Nawalan na kami ng ganang kumain.

"Ganun talaga, trimestral eh." Naupo sya sa tabi ko, "Consultation naman bukas. Sa Wednesday pa talaga ang official na start ng second term."

"Nakaenroll na agad kayo?"

"Nung August pa namin inasikaso yun." Paliwanag ni Alexa. "Pag may bagsak ka, pwede mo namang iadjust yung courses mo bukas at sa Tuesday eh."

Tumango ako, ganun pala ang kalakaran sa trimestral system ng La Salle.

Nagsalang nalang si Alexa ng movie, The Phantom of the Opera.

"Isa sa favorites ni Raegan 'to eh." Sabi ni Alexa. "Alala ko nga dati nanuod pa sya nung nagshow sila dito sa Pilipinas."

"Nagshow?"

"The Phantom of the Opera's originally an opera show. This is just the movie adaptation." Paliwanag ni Alexa. "Mejo disappointed nga si Raegan dati kasi hindi si Anne Hathaway at si Hugh Jackman yung nag-act eh."

Tumango ako, di ko pa pala gaanong kilala si Raegan. Andami ko pang hindi alam sakanya. Nginitian lang ako ni Alexa kasi nagsisimula na yung movie.



Pagkagising ni Raegan that night, si Raegan na ulit sya. Although masakit pa ang ulo nya, bumiyahe na kami pabalik ng Manila para hindi kami mapagod bukas. Sila para sa consultation day, ako para sa classes ko. Di naman kasi dapat ako magbabakasyon, sinama lang nila ako.



"Welcome back!" Bati nila Chloe, Jenna at Rhea sakin sa canteen Monday morning.

"Kamusta bakasyon?" Tanong ni Rhea.

"Ayos lang," Ngiti ko. Inaantok pa ako kasi nagsisigaw nanaman si Raegan kaninang madaling araw at napuyat ako.

"Pagod na pagod si ate ah?" Pansin ni Chloe.

"Napagod lang sa byahe."

"Sa byahe o may ginawa kayo ni Raegan sa Tagaytay?" Pangaasar ni Jenna.

"Ang halay mo!" Binato ko ng tissue si Jenna. "Kasama namin si Alexa!"

"So, kung di kasama si Alexa may gagawin nga kayo?" Pangingilatis ni Rhea.

Inirapan ko nalang sila. Mapapagod lang ako sa mga trip nila eh.

"Gene!"

Napabuntong hininga naman ako. Isa pa 'tong sisira sa araw ko eh!

"Oh, Kenneth, anong dala mo para samin ngayon?" Tanong ni Chloe sa bagong dating.

"Hi Gene!" Ngiti ni Katrina sakin at inabutan ako ng tatlong piraso ng rosas. "Para sayo. Tatlo para I Love You."

Inirapan ko nga sya. Mainstream na yang three roses na yan eh. Mas sweet pa si Raegan jan at hindi sya nakikigaya sa mga uso, gusto nya naiiba sya eh.

"Thanks Kenneth." Kinuha ni Rhea yung roses para sakin kasi di ko yun tinanggap. Alam nyang di ako tumatanggap ng ganun.

Naupo si Katrina sa tabi ko.

"Bakit ka umabsent nung Friday?" Tanong nya. "Nagkasakit ka ba? Ayos ka na ba? Bakit kasi di ka inaalagaan nung Luces na yun ha?"

"Easy lang bro, makapagbintang ka naman," Sabi ni Jenna. "Nagpunta yan ng Tagaytay kasama si Raegan at yung isa pa nilang kaibigan."

"Kalat kaya sa Twitter at Instagram yung picture nilang tatlo!" Sabi naman ni Chloe. "Seryoso lang Kenneth, di ka ba nagiinternet?"

Namula naman si Katrina sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko pero di ko pinansin yun.

"Anong pictures?" Puna ko sa sinabi ni Chloe. "Wala naman kaming pinopost na pictures ah!"

"Kayong tatlo wala, pero yung fans ni Raegan, oo." Sagot ni Rhea. Nilabas ni Chloe yung cellphone nya at ipinakita yung mga tweets at pictures ng fans ni Raegan.


Just saw @RaeganLuces with her friends in Tagaytay! OMG so gwapo! Kaso taken na :(

@RaeganLuces and her friends in Tagaytay!

@RaeganLuces taking the weekend off tennis. Grabe ang ganda!


"Muntikan nang magtrending si Raegan last Saturday." Ngiti ni Jenna. "Dahil sa picture na 'to."

Nilabas ni Jenna yung cellphone nya at pinakita ang isang tweet na may naka-attach na stolen picture namin ni Raegan nung nagpopose kami para kay Alexa.


@RaeganLuces and her girlfriend. So sweet <3


"Kayo na ba, Gene?" Naalarmang tanong ni Katrina.

"Di pa," Walang gana kong sagot sakanila. Nakahinga naman ng maluwag si Katrina pero tumawa lang sila Rhea.

"Di pa," Sabi ni Rhea.

Nailing nalang ako sakanila.


-------------------------


"Kamusta klase mo?" Bungad sakin ni Raegan pagkarating ko ng condo.

"Maayos naman," Sagot ko."Pinakopya ako ni Rhea ng notes sa namiss kong lectures."

"Merienda ka muna," Tinuro ni Raegan yung dining table. May pagkain na nakahanda doon.

"Salamat nalang," Sabi ko at umakyat ng stairs.

"Ayos ka lang?" Pahabol ni Raegan, napatayo sya sa pagaalala.

"Inaantok ako, matutulog muna ako."

"Sure ka okay ka lang? Gusto mong gamot?"

"Di na." Napangiti ako sa pagaalala nya. Thoughtful as always.

Nagpalit ako ng pambahay at natulog muna. Si Azula nautusan ata ni Raegan na bantayan ako kasi noong papaidlip na ako'y dumating sya at nahiga sa tabi ko.

Madilim na sa labas ng magising ako. Pagbaba ko sa kitchen wala si Raegan pero may nakahanda nang pagkain. Umakyat ulit ako sa itaas para icheck sya sa kwarto nya.

"Raegan?" Katok ko sa pintuan nya at sumilip.

"Genie?" Lumingon si Raegan mula sa pagkakatalikod sakin. Nagpapaint sya.

"Kumain ka na?" Tanong ko nalang. Si Rae pala tong katauhan nya ngayon. Genie ang tinawag nya sakin eh.

"Kanina pa. Di kita ginising kasi parang pagod ka." Tumayo si Rae at hinarap ako. Punong puno ng pintura yung harapan ng damit nya at may color blue paint din sya sa baba nya.

"Ahh, sige, magpaint ka lang jan, kain muna ako."

Sinamahan ako ni Azula sa baba at sabay kaming kumain. Napapadalas ata ang paglabas ni Rae ngayon? Sunod sunod from Friday, Sunday at ngayong Monday. Hindi kaya lalong lumalala yung sakit nya?

Ring

Ring

Ring

Tumutunog yung telepono pero hindi ko sinagot. Ang bilin kasi ni Raegan, wag ko daw sasagutin kapag si Rae ang nasa labas. Hayaan ko lang daw dumiretso sa answering machine kasi baka sa airlines yun at hindi nya maasikaso agad.

"Sorry, Raegan Luces is currently unavailable. Leave a message."

"Hello, Raegan? It's me, Avril. May dumating na invitation kaninang umaga...uhh.. Uuwi ka ba ng Quezon sa undas? Magpapa-halloween party kasi sila Lolo. Hahanapin ka nun. Masquerade ball ang theme...and uhh..Ipapaalala ko lang, darating na ng bansa si Mr. Reeves next week. You promised him dinner, magiisched na ako ahh. Talk to you soon."

Nagend na yung recording at napatingin lang ako sa direksyon ng telepono.

"Quezon?" Tanong ko kay Azula. "Quezon city o Quezon province?"

"Arf!" Tahol ni Azula at nilabas ang dila nya.

"Sana nakakausap kita." Medyo nalulungkot kong sabi.




Sa mga sumunod na araw, naging busy na si Raegan. Napapaisip nalang ako kung paano nya napapagkasya ang pagaaral, tennis, business at yung therapy sa oras nya. Not to mention hindi pa rin sya nakakatulog ng maayos at napapadalas nanaman ang sakit ng ulo nya.

"Raegan, di ka ba napapagod?" Tanong ko sakanya after nya umuwi ng Thursday. May klase sya at tennis practice tapos  nagdinner pa sya with her foreign business partners.

"Napapagod," Sagot nya. "Inaantok na nga ako eh."

"Bakit di ka nalang muna tumigil sa pagtetennis mo?" Suggest ko. "O kaya hayaan mo muna yung tita mo ang maghandle ng business habang nagaaral ka?"

Napakunot naman ang noo ni Raegan.

"Genesis, I'm not allowed to do that." Sabi nya.

"Bakit naman?"

"Third trade lang si Leila at second house pa sya." Paliwanag ni Raegan. "Only first house members are allowed to handle the business."

"Wala ka na bang ibang kamag anak sa first house na pwedeng maghandle nun? Ako napapagod sayo eh. Ginagabi ka na ng uwi tapos may sakit ka pa."

"Well.." May sasabihin sana sya pero nagbago ang isip nya, napailing si Raegan. "Nope. Can't do that. I have to do this by myself."

"Raegan...Di mo naman pwedeng gawin lahat lahat.." Naaawa ako sakanya. Malakas nga siguro sya tingnan pero sooner or later ay bibigay din ang katawan nya sa mga pinag-gagagawa nya. Ayoko namang madagdagan pa ang sakit nya.

"Genesis, I'll be fine." Paninigurado ni Raegan.

"Baka lalong lumala yang sakit mo.."

"Lumalala ba?" Hamon ni Raegan. Umiling ako. "See? I'll be fine. Don't worry."

Pero noong gabing din yun ay inatake nanaman sya ng sakit ng ulo.

"Ayos lang pala ahh.." Inalalayan ko sya sa kama nya.

"Maayos naman ako ah!" Angal ni Raegan. "Sakit lang ng ulo 'to."

"Patingin mo na kaya yan sa doktor? Baka iba na yan, napapadalas na eh." Suhestyon ko.

"Bukas. Bago ako pumunta ng office." Pangako ni Raegan. "Papatingin ko 'to."

"Sige." Tumango ako. "Matulog ka na."

"Genesis?"

"Hmm?"

"Kelan sembreak mo?"

"Three weeks from now."

"Babalik ka na ba ng Taguig pagkatapos ng finals nyo?"

Napaisip ako saglit. "Namimiss na din ako ni mama eh."

Tumango sya. "Sige.."

"Gusto mo bang samahan kita?"

Ngumiti si Raegan sakin pero napakirot sya. "Hindi na.. kaya ko naman eh..Uwi ka muna kay doktora pero pwedeng makahingi ng favor?"

"Depende sa favor.."

"Pwede mo ba akong samahan sa Quezon? Four days lang naman tapos uwi na din agad tayo." Sabi ni Raegan.

"San sa Quezon?"

"Lucena,"

"So, sa Quezon province yan? Hindi Quezon city?" Paninigurado ko.

"Yeah,"

"Kelan?"

"October 30 tapos uwi tayo ng November 2."

"Tatanungin ko si mama." Ngiti ko sakanya. "Sige na, matulog ka na."

"Sige. Salamat, Genesis."


---------------------


"Ano, kamusta na kayo?" Bungad ni mama sa clinic pagdating ng Sabado ng hapon.

"Ayos naman, dok." Ngiti ni Raegan.

"Dun na tayo sa office ko." Inaya na kami ni mama.

Sumunod kami ni Raegan sakanya. Sanay na si Raegan kaya naupo na sya sa tapat ng desk ni mama. Ako nama'y sa couch pumwesto.

"So, Raegan, how's your day?" Panimulang tanong ni mama. Pinapakwento nya kasi si Raegan at kapag may parang kakaiba, doon kami magsisimula ng pagtatanong ng kung ano anong maaaring makasagot sa katanungan kung bakit sya nagkasplit personality.

"Well, may tennis game ako kanina. Semifinals na kami." Kwento ni Raegan. "And as usual, I won."

Nagpatuloy yun hanggang sa mafigure out ni mama na wala kaming makukuha sa pagpapakwento sakanya.

"Raegan, pwede na ba naming makausap si Rae?"

Nagdalawang isip si Raegan, "Kailangan ba talaga?"

"Baka kasi may alam sya na hindi mo alam..."

"Pano nyo sya palalabasin?"

"Hypnotism."

Napangiti si Raegan, hanggang ngayon kasi'y nagdududa parin sya sa paraan na yun ni mama.

"Wala ka bang tiwala sakin, Raegan?" Tanong ni mama.

"Meron naman, dok." Sagot ni Raegan at napakamot ng ulo, "Kay Rae wala masyado."

"Nakakalabas ka pa naman ahh. Bakit ka matatakot sakanya?"

"Better safe than sorry."

"No pain, no gain." Counter naman ni mama, "Raegan, bakit hindi mo nalang tanggapin na anjan na si Rae sayo? Baka naman the more you push her away baka lalo syang lumaban?"

Napailing si Raegan, "Sige na, dok. But after you talk to her palabasin nyo agad ako. Ayokong pinapanuod sya, para syang batang magisip eh."

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon