Chapter 26

101K 1.5K 73
                                    

"Oh shiz."

Di ako makagalaw. Yakap yakap ako ni Raegan. Buti nalang at mahimbing pa ang tulog nya kaya medyo ayos lang sakin na magkalapit ang mukha namin.

Ang sarap naman ng feeling na sya ang unang nakikita ko pagkagising na pagkagising ko. Oo, parati nya akong ginigising sa umaga pero iba yung feeling na katabi mo sya.

Eto na ang pagkakataon kong matitigan sya ng maayos.
Ang haba nga talaga ng mga pilik mata nya. Yung ilong nya ang tangos tangos. Di ko pa sya natatanong kung may foreign blood sya kasi obvious namang may halo sya. Yung labi nya, mapupula. Napangiti ako nang maalala ko yung kiss namin last week. Malambot yung labi nya.

Last week ko rin lang napansin na may freckles pala si Raegan kapag malapitan. Dati kasi kapag nagkakalapit yung mukha namin mabilis din agad kaming umiiwas kaya di ko napapansin. Pero ngayon kitang kita ko na.

Ilan kaya 'to?

Binibilang ko yung freckles nya nung bigla syang ngumiti.

"Enjoying the view, Ms. Beltran?"

Umiwas naman ako ng tingin nang dumilat na ang mga mata ni Raegan at natagpuan ako ng mga bola ng tinunaw na tsokolate.

"Goodmorning." Bati ni Raegan.

Sa sobrang lapit namin ay nalanghap ko yung hininga nya. Nakakainis. Bakit amoy vanilla at mint?! Masyado namang perpekto tong nilalang na to at bad morning breath nalang ay pinagkaitan pa sya?!

Ngumiti lang ako kasi ayokong magsalita, for sure ang baho ng hininga ko. Nakakahiya naman sakanya diba?
Lalo namang humigpit ang yakap nya sakin.

"Sana lagi nalang ganito." Sabi ni Raegan habang inaamoy yung buhok ko, "Di ako nananaginip kapag katabi kita."

"Talaga?" Nagawa kong magsalita kasi nakatapat naman yung bibig ko sa bandang leeg nya.

"Yeah. Magtabi nalang tayo sa condo. Ang sarap ng tulog ko eh."

Napatingin ako sakanya at nagtama ang mga mata namin. Muli ay naramdaman ko nanaman ang kakaibang sensasyon na para ba akong hinahatak papalapit sakanya, sa mga mata nya, sa freckles nyang nalimutan ko na ang bilang at sa labi nyang di ko pa nakakalimutan ang pagkalambot.

Ring

Napapikit si Raegan sa inis.

Ring

Napaupo na sya at hinanap yung cellphone nyang tumutunog. Umupo na din ako at itinaas yung mga unan para tulungan sya maghanap. Nakita ko yung cellphone nya sa bandang binti ko.

Leila Garcia Calling

Inabot ko yun sakanya.

"Excuse me." Tumayo si Raegan at lumayo sakin.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o manghihinayang sa almost kiss namin. Oo, sayang kasi syempre, kiss yun noh! Pero mabuti narin at di natuloy kasi ang baho ng hininga ko.

"CR lang ako. Sunod ka nalang sa kitchen." Sabi ko sakanya bago lumabas ng kwarto.

"Genesis." Tinawag ako ni mama nang makita nya akong lumabas ng kwarto.

"Goodmorning." Bati ko na kinukusot yung mata kong may muta muta pa. Shit, may muta pa pala ako!! Nakakahiya kay Raegan!

"Si Raegan? Katabi mo bang natulog?"

"Di kasi sya kasya sa sofa. Saka diba ma, binabangungot pa sya? Pinalipat ko na dun sa kwarto kasi baka magsisigaw jan. Ayoko din naman syang mahulog sa sahig."

"Oo o hindi lang ang sagot andami mo nang dinahilan." Natatawang sabi ni mama, "Wala kayong ginawang milagro jan ahh."

"MAMA!"

Tumawa lang si mama at pumasok na ako ng CR para maghilamos.

Paglabas ko, kakalabas lang din ni Raegan ng kwarto. Ngumiti sya sakin at saka pumasok din ng CR habang ako nama'y dumiretso ng kitchen.

Nagluluto si mama ng breakfast kaya nagtimpla na ako ng coffee para saming dalawa at pinagtimpla ko na din si Raegan ng orange juice. Magtiis sya dito sa powdered kasi wala naman kaming fresh. Alam ko namang hindi sya mahilig sa coffee kaya ito nalang, unless gusto nya ng gatas, meron din kami nun, pero di fresh milk kasi powdered din lang.

"Goodmorning." Bati ni Raegan at naupo sa table. Mukhang inaantok pa sya pero maganda parin.

Napangiti ako at inabot sakanya yung juice nya.

"Thanks."

Habang naghihintay kaming maluto yung sinangag, hotdog at itlog na ginagawa ni mama ay may binabasa si Raegan sa cellphone nya.

"Nu yan?" Tanong ko kasi ang tahimik.

"Ha?" Napatingin sakin si Raegan, "Ahh eto? Nagkaproblema kasi sa office. Pero inaayos na namin."

"Anong problema?" Tanong ko pa.

"Ahh ehh..nagkakaproblema kami sa inorder naming jet planes. Di magkasundo sa price." Distracted na sagot ni Raegan, "Leila's going berserk because Boeing's raising the price.."

"Well, ayoko ng cellphone sa lamesa so ibaba mo muna yan." Sabi ni mama at inihain na yung pagkain sa tapat namin, "Kain na tayo."

Inilapag na ni Raegan yung cellphone nya sa lamesa, top down pero habang kumakain kami'y nagvivibrate yun magdamag.

"Ay nako Raegan, bilisan mo na nga yang pagkain mo nang makausap mo na yang Leila na yan!" Naiirita na si mama.

"Sorry.." Nahihiya si Raegan kaya sinalaksak na agad nya yung natitira nyang pagkain sa bibig nya, chineck yung caller ID, "Ekshoos meh" at tumayo para sagutin yung tawag sa sala.

"Hay nako.."  Napailing si mama.

"Ganyan po talaga sya mama." Sabi ko nalang, "Sya na po kasi naghahandle ng airlines nila kaya ganyan. Hands on din naman po sya jan eh."

"Sana lang di sya nauubusan ng oras para sa pagaaral nya.."

"She's doing well naman po eh. She makes her assignments every night at di din po sya nawawalan ng oras sa tennis nya."

Napatingin si mama sa direksyon ng sala kung saan tanaw na tanaw namin si Raegan na palakad lakad at may kausap sa cellphone nya. Umiling si mama at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

"Gusto mo ba sya Genesis?"

"Po?" Halos mabulunan ako sa biglaang tanong na yun.

"Kung may pagasa ba sya sayo?" Tanong ni mama, "Raegan's a pretty decent person. Ayos lang sakin kung magiging kayo. Although medyo masakit sakin na babae din ang first mo pero malaki ka naman na eh.."

"Ma.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, "Raegan's...great...it's just that...hindi ko po talaga alam eh...I like her...pero may sakit sya and I just want her to get better for now...saka nalang po siguro yung...yun."

Tumango tango si mama, "Tama, let's just fix her first."

"Sorry.." Bumalik na si Raegan sa table at kinuha yung juice nya, "Doc, Will it be all right kung pumunta ako ng office ngayon?"

"Ha?"

"Eh kasi medyo malaking problema to and I need to be there in the office...Papahatid po ako sa driver ko." Pakikiusap ni Raegan kay mama.

"I guess pwede naman. I mean, hindi pa tayo sure kung anong frequency ng paglabas ni Rae but I think you can resume to your usual work." Nagdadalawang isip si mama, "Ang problema lang, pano kapag biglang lumabas si Rae habang andun ka?"

Natahimik si Raegan kaya nagvolunteer na ako, "Pwede ba akong sumama?"

"Ha?" Napatingin sakin si Raegan.

"Kasi, Sunday naman ngayon and wala naman akong gagawin..You need to be there and I can watch over you."

"Di ka magsisimba?" Taas kilay na tanong sakin ni mama.

"Ehh.."

"Magsimba nalang po tayong lahat and then after that diretso na kami ni Genesis sa office." Solusyon naman ni Raegan.

"Sige. I guess that can work." Kibit balikat ni mama, "Genesis, bantayan mo yan."

"Sige po ma."

Kaya ayun nga ang ginawa namin. Hinatid kami ng driver ni Raegan sa simbahan at nagsimba kami (Raegan tried to keep her texting to a minimum). After ng mass ay hinatid na namin si mama sa bahay at dumiretso na kami sa main office ng Zeus Airlines.

"Goodmorning mam." Bati ng mga empleyado pagdating namin sa gahiganteng building nila.

Tumatango lang si Raegan sa mga nakakasalubong habang ako'y nasa likuran lang nya at sumusunod sakanya.

Di ko maiwasang mamangha sa kalakihan ng building nila. Everything seems to be chrome, silver, grey, white or blue. Masyadong minimalistic yung designs, yung mga tao masyadong professional.

"Raegan! You're here! Thank goodness." Sinalubong si Raegan ng isang babae na nakasuot ng blue dress. Maganda sya but she seems to be on her late fifties at namumuti na ang buhok nyang kulay brown, "Richard says he doesn't want to deal with us kung hindi tayo papayag sa 500 million."

"Leila, sa itaas nalang pwede?" Napailing si Raegan, "We just got here."

Saka lang napatingin sakin yung babae at tiningnan nya ako from top to bottom, "And who're you?" Mataray nyang tanong sakin.

"Genesis Beltran po."  Nahihiya kong ngiti at inabot ko sakanya yung kamay ko.

Tiningnan lang ng babae yung kamay ko at hindi tinanggap yun, "You're the girl..."

"Leila..C'mon." Napailing ulit si Raegan sa babae at hinila ako papasok sa elevator. Nagsibabaan yung mga tao dun nung makitang papasok si Raegan at naiwan lang kaming tatlo ni Raegan at nung babae doon.

"You shouldn't be bringing other people to the office." Napahalukipkip yung babae habang hinihintay na makarating kami sa 58th floor na pinindot ni Raegan.

"Please, not now okay?" Napahawak si Raegan sa noo nya.

Tiningnan lang ako ng masama nung babae through our reflection sa chrome doors ng elevator. Nagbilang nalang ako ng segundong lumilipas hanggang sa bumukas yung pintuan ng elevator.

"Raegan!" Salubong naman ng isang babaeng nakasuot ng green na dress. Maganda sya at matangkad, unlike ng naunang sumalubong kay Raegan, mukhang nasa late twenties palang sya kagaya ni Mam Perez, "You're here! Akala ko ba hindi ka makakarating?"

"I'm here now." Ngiti ni Raegan at dirediretso lang ang lakad, "Get the papers on my desk and get Richard on the phone for me."

"Clein!" Tawag naman ni babaeng nakakatanda kay Clein na naaalala ko pa from her visit sa condo dati, "Get me a cup of coffee."

Napatigil si Raegan at tumingin sa babaeng mataray, "Did you just..?"

"What?" Tiningnan lang sya ni babaeng mataray.

"Nothing. Avril, get Richard on the phone please?" Sabi nya dun sa babaeng nakagreen dress, "Clein!" Napasigaw sya nang makitang muntikan nang madapa si Clein holding a cup of coffee for matandang masungit.

Agad na lumapit si Raegan kay Clein, kinuha nya yung coffee dito at inabot yun kay matandang masungit bago tiningnan ng mabuti si Clein, "Ayos ka lang?"

Para namang matutunaw si Clein, "O-okay lang po." Pulang pula ito at mukhang maliit sa pagkakatabi kay Raegan.

"Be careful next time." At dumiretso na si Raegan sa isang glass room. Office nya siguro yun. Sumunod lang kami ni matandang masungit sakanya.

"Raegan, we can't afford to lose that deal with Boeing!" Panimula ni matandang masungit nang makaupo na si Raegan sa executive chair nya behind that fancy looking desk.

"And we can't afford the 500 million raise!" Naiiritang sabi ni Raegan, "Leila--"

"Mr. Richard Reeves on line one." Sumilip si Avril daw ang name sa glass door na pintuan ng office ni Raegan.

"Excuse me." Kinuha ni Raegan yung isang phone reciever, "Luces, hello Mr. Reeves..."

"Psh." Naupo lang si matandang masungit sa tapat ng desk ni Raegan at ininom yung coffee nya.

Since mukha akong poste sa kinatatayuan ko, naupo nalang ako sa sofa na nasa right side ng office ni Raegan. Minamata ako ni sungit kaya para di ko sya mapansin, kinuha ko yung isang Flight International magazine sa center table at binuklat buklat yun.

"Really now Mr. Reeves?...Well I'm quite sure Mr. Hammond of Airbus can accomodate our account...No, of course not...Well, Vulcan Van der Waals can do something about that...Yes, he's a great friend of mine...Me? No!" Tumawa si Raegan habang may kausap sa telepono, "So, can we settle this problem?...You know that half a billion is too much...Really?...Are you sure?...Okay...I'll see you soon then...Thank you Richard."

Binaba na ni Raegan yung telepono at tiningnan si matandang masungit with a proud smile.

"And?"

"He said he'll lower the raise from 500 to 300 after hearing I'm in good terms with Vulcan." Natatawang sabi ni Raegan, "Damn, I need to tell that guy thanks."

"Yun lang?" Parang di makapaniwala si tanda na agad na nasolusyunan ni Raegan yung problema, "Nothing else?"

"And he wants to see me for dinner when he gets here to make the deal." Walang ganang sagot ni Raegan, "Ayos na lahat Leila, thank you."

Ibinaba ni sungit yung cup nya at tumayo na, "Good job Ms. Luces, punta na akong finance..and thank you for the coffee.."

"Leila?" Pahabol ni Raegan bago makalabas si sungit ng office, "Don't order my assistants around. This isn't your office, but thank you for alerting me about the problem. I'll send Avril to give you the full reports later."

Parang naoffend si sungit kaya ibinaling nya ang tingin sakin, "Don't bring your girls here, too." At lumabas na sya ng office.

Ano daw?! Ganun ba ako ka-cheap tingnan at tinawag nya akong babae ni Raegan?! Teka, ilang babae na ba dinala ni Raegan dito sa office nya?!

"Sorry about that." Iling ni Raegan at tumayo para lapitan ako, "Si Leila Garcia yun. Head ng accounting division."

"Ayos lang. Mukha naman kasi akong gusgusin." Ngiti ko sakanya. Kung bakit naman kasi simpleng white blouse, jeans at doll shoes lang sinuot ko eh!

"Di ka mukhang gusgusin." Naupo sya sa tabi ko, "Ang ganda ganda mo kaya! Ganun lang yun kasi menopause na."

"Hoy!" Napahampas naman ako sa braso nya kasi tawang tawa sya sa joke nya.

"Raegan, eto na yung hinihingi mo..Ay sorry." Biglang pasok ni Avril na napatigil nang makitang tumatawa kami ni Raegan.

Tumayo si Raegan, "Ayos lang. Avril, this is Genesis Beltran. Genesis, si Avril Lomibao, pinsan ko." Pakilala nya.

"Hi." Ngiti naman ni Avril. Ngayon ko lang narealize na pareho sila ni Raegan ng mata, "So ikaw pala si Genesis."

"Please call me Gene," Tinanggap ko yung kamay nya.

"I've heard a lot about you from this dork." Inabot ni Avril yung stack ng folders kay Raegan.

"I hope they're about the good stuffs." Nahihiya kong sagot.

"Oh, don't worry. Raegan's swooning all over you." Mabait ang ngiti ni Avril sakin. Magkaheight lang sila ni Raegan dahil sa heels nya kaya parang pareho lang ang effect nya sakin, "And I'm glad you helped her get better after Uncle Rick."

"It's nothing." Ngiti ko kasi totoo naman.

"Avril, menopause na ba yung mommy mo?" Tanong ni Raegan at inabot kay Avril ang isang folder matapos nya itong iscan at pirmahan.

"Ha?" Napakunot noo naman si Avril na tinanggap yung folder.

Mommy ni Avril yung si Leila sungit? Sabagay, medyo hawig sila saka parehong brown yung buhok nila. Pero ang layo naman ng ugali nila! Ang bait ni Avril tapos nakakatakot yung si Leila.

"Sinungitan kasi si Genesis kanina," Sabi ni Raegan, "Tapos makautos pa kay Clein."

"Ano ka ba, ganun na talaga si mommy." Iling ni Avril, "Sorry Gene ahh. Stressed na rin kasi si mommy with this deal."

"Ayos lang."

"Teka, bakit nga pala andito ka?" Tanong bigla ni Raegan,  "Diba dapat nasa bahay ka?"

"Eh kasi nga nagpapanic si mommy na wala ka. So iniwan ko muna sila Roland at baby Joffrey." Sagot ni Avril.

"Sorry ahh." Napakamot ng ulo si Raegan.

"Ano ka ba, ayos lang. May gusto ba kayong kainin? Inumin? Magpapadala ako dito.." Sabi ni Avril bago lumabas ng office.

"Juice lang." Ngiti ni Raegan.

"Ikaw Gene?"

"Coffee nalang. Thank you."

"Sige. Iwan ko muna kayo. Raegan, yung papers ahh. Tapusin mo agad yan."

"Yes mam!"

"Ang bait naman nya..Pinsan mo talaga yun?" Tanong ko kasi naalala ko si Mam Perez, pinsan daw pero sobrang magkalayo na ang family relations nila kasi engaged si Mam sa kuya ni Raegan.

"Yep. Kapatid ni tita Leila si mommy." Sagot ni Raegan at naupo na sya sa executive chair nya.

Naalala ko yung time na inatake ng sakit ng ulo si Raegan at binuksan ko yung cellphone nya sa paghahanap ko ng number ni Mam Perez. May nakita akong second house chuchu noon tapos nakalista yung pangalan na Leila Garcia at Avril Lomibao.

"Second house?"

"Ha?"

"Second house. Nakalista yung name nila sa cellphone mo." Nilinaw ko yung sinabi ko.

"Oo..sila yung second house sa Zeus." Tiningnan ako ni Raegan, "You're really interested on the Familia, are you?"

"Yep. Anything about you." Ngiti ko.

"Mam Luces?" Pumasok si Clein dala dala yung coffee ko at juice ni Raegan.

"Dito nalang, Clein. Salamat." Tinuro ni Raegan yung empty space sa desk nya.

Binaba na ni Clein yung mug at yung baso, "May kailangan pa po kayo?"

"Wala na. Thank you."

Lumabas na din agad si Clein.

Umupo ako sa upuan katapat ng desk ni Raegan at kinuha yung juice ko. Tumingin lang ako sa paligid ng office habang busy si Raegan sa pagbabasa ng papeles nya.

"Kita mo yung laptop ko dun?" Nagangat si Raegan ng tingin at tinuro yung laptop sa isang shelf, katabi ng mga libro, "Pwede mong gamitin yun. Paglaruan mo or something. Internet ka kung gusto mo."

"Sige." Pumayag nalang ako kasi mukhang wala naman akong ibang magagawa at magiging busy si Raegan buong magdamag.

Kinuha ko yung laptop at pumwesto ulit sa couch na inupuan ko kanina. Itim yung laptop at medyo malaki. Kumpleto pa nga ng numerical keys yung keyboard eh. Iba yung tatak nya sa mga nakasanayan kong mga laptop. May monogram ito na "HI" at nung nabuksan ko na ay umilaw ng neon blue yung keyboard.

Passcode:


"Raegan?" Tawag ko sakanya, "May password pa eh."

"Lagay mo Genesis21, capital G." Sabi ni Raegan na hindi nagaangat ng tingin.

Eh di yun nga nilagay ko. Napangiti ako. Pangalan ko yung password ng laptop nya.

Ilang segundo pa ay tumambad sakin ang eagle na may dinawit na isang bungkos ng kidlat. Ang logo ng Zeus Airlines.

"Raegan, bakit 21?" Tanong ko pagkapindot ko ng browser icon.

"Favorite numbers natin."

"Ha?"

"Diba favorite mo 8 tapos sakin 13? 8 plus 13 is 21." Sagot ni Raegan.

Napangiti ako, "Dami mong alam."

"Mahal ka kasi." Kindat ni Raegan sakin.

"Jan ka na nga!" Binalik ko yung tingin ko sa screen kasi kinikilig nanaman ako.

Lumabas yung google webpage. Sinearch ko yung Dissociative Identity Disorder kasi hindi pa ako nakakapagresearch simula kahapon nang malaman namin kung anong nangyayari kay Raegan.


Dissociative Identity Disorder

Symptoms:
-Depression
-Mood Swings
-Sleep Disorders
-Anxiety, panic attacks and phobias
-Alcohol and drug abuse
-Compulsions and rituals
-Psychotic like symptoms (Auditory and Visual Hallucinations)
-Eating disorders
-Headache
-Amnesia
-Timeloss
-Trances

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon