Chapter 11

83.3K 1.4K 98
                                    

"Oy Genesis!"

Nagising ako't nakita si Raegan na nakatingin sakin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at narealize na pamilyar ang lugar na pinuntahan namin.

"Bakit tayo andito?" tanong ko.

Nagkibitbalikat si Raegan, "Eto kasi una kong naisip eh,"

Lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pintuan, lumabas ako at si Azula mula sa kotse. Nagstretch ako dahil sumakit yung leeg ko sa pwesto ko kanina, si Azula naman ay dumiretso na sa loob ng mansyon.

"Ang laki talaga ng bahay nyo," Ang mahina kong sabi kay Raegan.
Dinala nya ako sa mansyon nila sa Taguig. Maingat ako sa pagkakasabi kasi baka may maalala sya at malungkot nanaman sa pagkamatay ng pamilya nya. Maaaring nakamove on na sya pero better be sure.

"I was thinking of selling this place," Sabi ni Raegan. "But you know, I dunno. This place holds so many memories of my family I think I'd keep it,"

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. "Uuwi ka pa rin dito paminsan minsan?"

Nagisip saglit si Raegan, "During vacations siguro."

"Ang laki laki tapos vacation house nalang?" Kumento ko ng pinagbuksan nya ako ng pintuan. Si Azula tumakbo na sa kung saan, malamang sa doghouse nya. Dito din naman kasi sya nakatira eh.

"Unless gusto mong dito nalang ako umuwi at solohin mo na yung condo," Kindat ni Raegan. Naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya't umiwas ako ng tingin, bakit ba kasi kailangang magpacute pa sakin?!

"Ang cute cute mo talaga magblush," nangigigil na sabi ni Raegan, pinisil nya yung pisngi ko.

"ENEBE"

Natawa si Raegan sa pagkakasabi ko, "Daniel Padilla, ikaw ba yan?!"

Hinampas ko nalang yung lokarit, "ADIK!"

"Adik sayo~" Kanta nya, kumindat nalang ulit sya at hinawakan yung kamay ko, "Tara!"

Dali dali'y hinila nya ako papunta sa kwarto nya, binitawan nya lang ako nung umakyat kami sa 2nd floor.

Napatingin ako sa family picture nila, ibang klase talaga eh, parang napakaperpekto ng pamilya nila. Gwapo't magaganda, mayaman pa! And with the knowledge that Raegan is showing, malamang matalino din yung parents nya.

Binuksan ni Raegan yung slide door papuntang balcony. "Genesis,"

"Bakit?"

Mejo nasisilaw sa sikat ng araw ay lumabas ako sa balcony. Ang una kong napansin ay yung view ng Global City skyline.

"Raegan bakit walang--RAEGAN!!!!" Naeeskandalo kong sigaw, naghubad ba naman ng tshirt yung lokarit kaya't naka sports bra nalang ulit sya.

May napansin ako sa likuran nya na parang dumi pero hindi ko yun agad natingnan kasi tumalon sya bigla sa isa pang napansin ko kanina lang. Walang railings yung isang bahagi ng balcony!

"RAEGAN!" Sigaw ko, tumakbo ako sa railings at tiningnan sya sa ibaba.

"Ano, jan ka lang?" Sigaw ni Raegan mula sa baba.

"DI MO SINABING MAY SWIMMING POOL KAYO!" Reklamo ko. Ayun na ang lokarit, lumalangoy sa pool.

Sumenyas si Raegan na bumaba ako, tumingin ako sa paligid at nakitang may stairs katabi ng slide doors. Bumababa ako doon kasi hindi ko naman kayang magdive mula sa 2nd floor katulad nung ginawa ni Raegan. Masyadong buwis buhay yung kumag na yun.

"Yo, Genesis! Talon ka na rin!" Pagaya ni Raegan nung nakababa na ako. Umahon sya sa pool at umupo sa gilid.

"Wala akong dalang damit pamalit!" Reklamo ko.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon