Chapter 36

81.2K 1.4K 120
                                    

"Genie!"

"Rae, pwede ba, nagluluto ako?" Hindi ako lumingon sakanya at nagpatuloy nalang sa ginagawa.

"Genie naman ehh.."

Napabuntong hininga nalang ako't hinarap si Rae, ang artistic split personality ni Raegan. Ngumiti sya at pinakita yung sculpture na ginawa nya, napanganga ako.

"What do you think?" Tanong ni Rae.

"Gawa mo yan?" Di makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Yep."

Hawak ni Rae ang isang clay sculpture ng isang babae't lalaki na sumasayaw. Mukha syang simple sa malayuan pero kapag lumapit ka, mapapansin mo ang detalyeng pinaghirapang gawin.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya.

"Sobra,"

"Good, para sayo kasi yan." Ngiting ngiti syang inabot sakin yung sculpture.

"Para sakin?"

"Gusto ko kasi magsorry..." Nawala yung ngiti ni Rae. "Para kasing galit ka sakin kapag lumalabas ako eh.."

"Di naman ako galit sayo eh."

"Alam ko may kinalaman to dun kay Violet." Malungkot na sabi nya. "Nagandahan kasi ako sakanya saka nawala yung barriers ni Raegan kaya nakalabas ako."

"Barriers?"

"Naglalagay si Raegan ng mental barrier sa pagitan naming dalawa para di ako makapanuod ng ginagawa nya o marinig yung iniisip nya. Noon kasing time na yun nawala yung barrier tapos parang nasasaktan sya...eh nakita ko si Violet, nakalabas ako."

"Hindi Rae, ayos lang..Di mo naman kasalanan yun eh.."

Mental barrier? Nasaktan sya? Teka, nagaway kami ni Raegan tungkol sa singsing nung time na yun. So nasaktan talaga sya't napalabas si Rae? Ganun ba yun? Kapag nasasaktan sya'y napapalabas nya si Rae ng hindi sinasadya?

"Uhh...Genie.." Napaturo si Rae sa likuran ko.

"AY NAKO PO!" Napasigaw ako nang makitang nasusunog na yung niluluto ko.

"Sorry, tulungan na kita?"

Kinuha ni Rae yung sculpture at itinabi muna yun sa table. Kinuha nya yung kutsilyo at naghiwa ng gulay.

Habang hinahalo halo ko yung karne'y pinapanuod ko sya. Nanginginig yung kamay nya pero sinusubukan nyang ayusin yung paghiwa sa carrots.

"Alam mo, di mo naman kailangang tumulong eh. Dun ka nalang sa sala, maglaro ka ng PS4 o manuod ng TV."

"Tama ba tong ginagawa ko?"

Hindi pantay pantay yung hiwa, may makapal, may manipis. Ngumiti nalang ako. "Pwede na rin."

Ngumiti sya, yung mga mata'y naniningkit.

Nagpatuloy nalang kami sa ginagawa. Panay ang tingin ko sa ginagawa ni Rae kasi baka mahiwa nya yung daliri nya pero hindi naman nangyari yun kasi maingat sya.

"Genie, alam mo ba kung saan nilalagay ni Raegan yung mga paintings ko?" Tanong ni Rae pagkahain namin ng pagkain.

"Binibigay nya dun sa kaibigan nya. Ang alam ko ilalagay daw yun sa isang exhibit eh." Kibit balikat ko.

"Exhibit?"

"Para makita ng ibang tao yung gawa mo."

"Pwede ba nating puntahan yun?"

"Di ako sure eh..Di ko kasi alam kung san yung exhibit.."

"Okay." Naupo na sya. "Genie, pwede ba tayo lumabas dito? Promise, di na ako lalayo sainyo ni Lexie para di ako maligaw. Kahit jan lang malapit."

Pinagisapan ko yung sinabi nya, hindi ko naman ata maikukulong si Rae dito sa condo habang buhay. Kailangan din namin sya ilabas ni Alexa.

"Kausapin ko si Alexa, baka pwede ka namin ilabas next time." Sagot ko. "At kung alam nya kung saan yung exhibit, baka dun ka namin dalhin."

"YES!" Patalon talon na napayakap sakin si Rae. "Thanks Genie!"





---------------------------------





"Mabait ka masyado," Kumento ni Alexa. Friday na at nasa mall nanaman kami kasi nasa trabaho si Raegan. "Bakit ka nagpromise sakanya nun?"

"Hindi naman natin maikukulong si Rae sa condo habang buhay noh! Pano kung wala tayo dun tapos nacurious sya't lumabas? Baka maligaw sya, mabuti nang nailalabas natin sya paminsan minsan para di naiinip sa condo."

Napahalumbaba nalang si Alexa. "You do have a point, pero bakit dun pa sa exhibit? I don't like art exhibits."

"Eh gusto nyang malaman kung san napupunta yung paintings nya.."

"Sige na, sige na." Humigop si Alexa sa milktea nya. "Next time, kapag lumabas sya, tawagan mo ako."

Paguwi ko ng condo, wala pa si Raegan kaya tinawagan ko muna sya.

Ring

Ring

"Luces." Pormal na sagot nya.

"Raegan?"

"Genesis? Napatawag ka?"

"Just checking up on you." Sagot ko. "Kumain ka na ba? Anong oras ka uuwi?"

Ilang segundo na ang nakakalipas pero di pa sya sumasagot sa tanong ko.

"Raegan? Narinig mo ba ako?"

"Wait lang, natuwa kasi ako sa tanong mo eh.."

"Ha?"

"Yung mga tanong mo..Feeling ko tuloy girlfriend na kita." Natawa sya sa kabilang linya.

Naramdaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko. Loko talaga sya kahit kailan! "Ikaw ha! Umayos ka!"

"Kumain na ako, inaayos ko na lang yung gamit ko at pauwi na rin ako. Ikaw? Kumain ka na babes?"

"Babes ka jan?!"

"Ayaw mo ba nun? Anong gusto mo? Honey? Sugar?"

"Ang corny mo.."

"Corny? Gusto mong tawagan natin 'corny'?"

"BALIW! Tumigil ka na jan sa tawagan na yan at umuwi ka na!" Sermon ko sakanya.

Natawa lang sya. "Yes mam!"

Inend call ko na.

"Arf!"

"Ano?"

Tiningnan lang ako ni Azula na nakalabas ang dila.

"Oo na, kinikilig ako sa amo mo. Happy?"

"Arf arf!" At tumalikod na sya para pumunta sa kitchen, wumawagayway ang buntot sakin.

"Ewan ko sayong aso ka."

Kinuha ko nalang muna yung psychology text books ko para makapagbasa basa. Nagsimula na kasi yung 2nd sem noong Monday at panibagong subjects nanaman ang dapat aralin.

Nagbabasa ako sa sala noong dumating si Raegan at mukhang badtrip sya.

"Tell me you know what the placebo effect is." Bungad nya sakin..

"A therapy wherein your belief in getting cured actually helps your condition. It's all in the mind." Sagot ko. "Bakit? Anong meron?"

"Wala, may nakausap lang ako.." Binaba nya yung bag nya sa tabi ng study table nya at naupo sa tabi ko.

"Pagod na pagod ka ah?"

"Napapagod ako kay Raegan." Hinilot nya yung sentido nya. "Gusto nyang mawala nalang kami ni Rae. Eh para namang kaya namin yun diba?"

"Wait, Gan?"

"Ang bagal mo din makapick up ano?" Sagot nya at kinuha yung isang libro ko.

"Sorry naman.." Lumayo ako onti sakanya. "Naninigurado lang naman eh."

Kinuha ko yung notepad na pinagsusulatan ko ng split personalit activities ni Raegan.

"Anong oras ka pa nakalabas?" Tanong ko.

"Ten minutes ago. Cause of appearance, annoying guy downstairs trying to flirt with Raegan when he has a terrible cold."

"Ha?"

"Diba isusulat mo?" Nag-angat sya ng tingin mula sa pagbabasa ng libro ko. "Ayan, sinasabi ko na sayo."

"Wait, sabi mo annoying guy trying to flirt with Raegan?"

"Nakasalubong lang ni Raegan jan sa 7eleven sa ibaba. Ayun, sinabayan sya hanggang sa lobby ng condo, pilit na nagpapacute. Hindi ata maintindihan na ayaw syang kausapin ni Raegan kaya lumabas ako. Tinarayan ko lang." Tapos napasimangot sya na tila inaalala yung nangyari. "Psychology student daw eh hindi naman alam yung placebo effect. Sipain ko sya eh."

"Kaya badtrip ka?"

"Oo. Jusko naman, mukha ba kaming bobo ni Raegan? Eh halata namang nagsisinungaling lang yung lokong yun eh!"

Tumango nalang ako.

"Alam mo, sinuggest ko na kay Raegan yung placebo effect. Na kapag inisip nyang gagaling sya mangyayari talaga yun...Pero wala eh, kung ano anong pinagiisip nya."

"Hindi naman gagana ang placebo effect kung ayaw nya maniwala eh."

"Di ata naniniwala sa optimism yun eh..Buti pa si Rae, excited na daw makita yung exhibit."

"Ha?" Naguluhan naman ako sa pagpalit nya ng topic.

"Di ko marinig si Rae, pero naririnig ko si Raegan at alam nyang excited na si Rae sa pagpunta sa art exhibit na pinromise mo sakanya."

"Di mo naririnig si Rae?" Ulit ko. Napakamot ako ng ulo sa pagpapaliwanag nya. Ang bilis nya magpalit ng topic, from Placebo Effect, papunta sa lalaking nakakairita hanggang kay Raegan at ngayon kay Rae.

"Oo, funny thing, really. Kasi, si Rae, hindi nya marinig si Raegan unless super focused sya, pero dinig na dinig nya ako. Ako naman, hindi ko marinig si Rae pero malinaw si Raegan sakin. Si Raegan, walang problema pakikinig samin pareho."

Napakunot lang ang noo ko sa pagpapaliwanag ni Gan kaya kinuha nya yung notepad sa kamay ko at nagdrawing ng triangle.

Raegan, Rae at Gan. Pinagconnect nya ang mga pangalan nila gamit ang arrows. "Eto, para mas madali mong maintindihan."

Napatingin lang ako kay Gan. "Ba't ganyan ka?"

"Ha?"

"Bakit ang mature mo compared kay Rae?" Tanong ko. "Kung hindi lang dahil jan sa boses mo, yang mata mo at yang aura mo parang si Raegan ka na din."

"Kasi masyadong focused si Rae sa arts." Simpleng sagot ni Gan. "Wala syang ibang inatupag kundi ang magpaint at tumugtog."

"Bakit ikaw?"

"I watch and learn, Beltran." Kinilabutan nanaman ako sa pagbanggit nya ng apelyido ko. "Inoobserbahan ko ang kilos ni Raegan para hindi ako magmukhang tanga kapag nakakalabas ako."

"Kaya ba alam mo kung ano yung placebo effect?"

"Actually nabasa ko lang sya sa internet." Tumawa sya.

Pinanuod ko lang sya. Ang pangalawang split personality ni Raegan. Si Gan.
Parang wala syang pinagkaiba kay Raegan. Pareho lang sila magisip. Except parang mas maloko tong si Gan. Si Raegan kasi alam nya kung kelan sya magbibiro at kung kelan magseseryoso.

"Beltran?"

"Bakit?"

"Yung laway mo tumutulo." At saka tumawa sya.

Napahawak naman ako sa gilid ng bibig ko pero wala naman. Lalo lang lumakas ang tawa nya. Pinagtritripan pa nya ako!



----------------------------------------


"Genesis, ayos ka lang?" Wednesday night at kakauwi lang namin ni Raegan galing clinic.

"Pagod na ako."

"Umm..okay. Dito lang muna ako, di ko pa tapos yung assignment ko eh."

"Sige. Shower lang ako." Iniwan ko na muna sya sa sala at umakyat sa kwarto ko. Kumuha ako ng pamalit at saka dumiretso sa CR.

Wala kaming bagong nalaman ni mama kay Raegan o kay Rae at Gan kanina sa session namin. Medyo nafrufrustrate na rin ako kasi gusto ko na sya gumaling pero ano bang magagawa ko? Ang kaya ko lang gawin ay ang obserbahan sya at ang mga split personalities nya.

Pagbaba ko sa sala nadatnan ko si Raegan na may hinahanap.

"Beltran, alam mo ba kung asan yung graphic calculator ni Raegan?"

"Ha?"

"Yung graphic calculator nya, kailangan ko. Di ko masolve yung equation ehh."

Si Gan na pala ang nasa labas ngayon, tinawag nya kasi akong Beltran at mas mababa yung pitch ng boses nya kumpara kay Raegan.

"Wala ba sa bag nya?"

"Wala, tiningnan ko na eh.."

"Check mo jan sa drawers nya." Tinuro ko yung drawers sa study table. "Jan lang naman nya nilalagay yung gamit nya eh."

Hinanap nya yung graphic calculator doon at napangiti ng makita iyon. Napansin kong litaw yung pangil nya sa pagngiti nya.

"Aanhin mo yang calculator?"

"Inaantok na kasi si Raegan, eh hindi pa sya tapos sa assignment nya't tinatamad na kaya nagvolunteer ako't lumabas para gawin to." Naupo sya sa study table.

"Kaya mo ba yan?"

"Parang nagaaral nadin ako kasi napapanuod ko yung classes ni Raegan." Kibit balikat nya. "Naiintindihan ko naman yung basics kaya sa tingin ko kaya ko to."

"Sigurado ka? Engineering stuff yan, baka bumagsak si Raegan.."

"Eh di icheck nya pagkatapos." Tumalikod na sya sakin at nagsimulang magsulat.

Maaga pa naman kaya naisipan kong magaral na din. Kinuha ko yung gamit ko at doon sa coffee table pumwesto. Tumabi sakin si Azula.

Siguro nakakaisang oras na ako ng pagbabasa nang mapagod ang mga mata ko. Sumandal ako at pumikit muna. Hindi ko naman inaasahang makakatulog ako dun.

"Beltran. Oy Beltran."

Nagising ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko.

"Oy, gising na, Beltran. Lumipat ka na dun sa kwarto mo."

"Raegan?" Kinusot ko yung mata ko at umayos ng upo.

"Si Gan to."

"Anong oras na?"

Chineck ni Gan yung wrist watch nya. "11:57 na."

Napahikab lang ako dun.

"Sige na, Beltran. Akyat ka na dun." Hinawakan nya yung kamay ko at itinayo ako. Dahil nga inaantok pa ako, napayakap ako sakanya sa lakas ng pagkakahatak nya.

"Walang ganyanan, Beltran." Lumayo sya sakin.

Napatingin lang ako sa paahan ko. Ano ba tong problema ko?! Nakakahiya tuloy kay Gan. "Sorry."

"Inaantok ka na, akyat na tayo."

"Si Raegan?"

"Tahimik sya ehh..Natutulog ata?" Nagkibit balikat lang si Gan. Tiningnan ko lang yung likod nya habang papaakyat kami ng hagdan. Pwede palang matulog ang isang personality habang wala ito sa labas? Ang weird naman nun.

"Goodnight." Paalam ko sakanya nang pumasok na sya ng kwarto nya. Ngumiti lang sya sakin, yung pangil medyo litaw bago nya isinara yung pintuan.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog.

Si Raegan ang gumising sakin kinabukasan. Malapad ang ngiti nya kaya alam kong mahimbing ang naging tulog nya.

"Goodmorning!" Bati nya sakin.

"Goodmorning din."

"Breakfast sa baba,"

Tumayo na ako't pumunta muna sa CR para maghilamos. Pagbaba ko, naabutan kong nagbabasa si Raegan ng mga notes nya.

"Yung assignment mo ginawa ni Gan. Tama ba?"

"Tama lahat." Ngiti ni Raegan.

"Matalino pala sya noh?"

"Nakikinig daw sya sa lectures ng profs ko eh." Kibit balikat ni Raegan. "Naiintindihan nya naman..Last Friday nga na nagtratrabaho ako nagbibigay sya ng advice eh."

Hindi ko alam pero parang natuwa akong malaman na maayos ang pakikitungo ni Raegan sa bagong personalidad nya. Medyo nabadtrip kasi sya noong bagong labas si Gan pero ngayon parang ayos na sakanya.

"Nginingiti mo jan?" Tanong nya sakin.

"Wala," Naupo na ako sa tabi nya para mag-agahan.

Hinahatid na ulit ako ni Raegan papasok kasi ang sabi nya, nagusap sila ni Gan na itetake over nya daw if ever lumabas si Rae biglaan at nasa kalsada daw sya.

"Namiss ko 'to." Akbay sakin ni Raegan.

"Namiss ka din nila Rhea, antagal mo na daw hindi nagpapakita sakanila." Sagot ko.

"Eh di invite mo sila for lunch mamaya." Sabi ni Raegan. "Treat ko."

"Hala, wag na!"

"Sila yun diba?" Tinuro ni Raegan yung tatlong kaibigan  ko na magkakasabay na naglalakad papasok ng school. "RHEA! JENNA! CHLOE!"

"Hoy! Makasigaw ka!" Reklamo ko at pinalo sya sa braso pero wala, narinig na nila Rhea ang tawag ni Raegan at lumingon. Napangiti sila nang makitang magkasama kami ni Raegan.

"Oy! Raegan! Kamusta ka na!" Bungad ni Jenna. "Tagal mong nawala ahh!"

"Naging busy lang lately," Ngiti ni Raegan. "Kayo? Musta na?"

"Ayos lang kami," Pacute na ngiti ni Chloe. Nagpigil nalang ako ng inis sa ginawa nya, alam ko kasing may Jenna na sya.

"Balik na sa paghatid hatid?" Tanong ni Rhea na may kasamang mapanuksong ngiti sakin. "Baka naman kayo na't hindi pa sinasabi ni Gene samin?"

"Ay hindi pa," Pagtanggi ni Raegan.

"Pakipot pa Gene?" Sabi ni Jenna.

"Tse!"

"Nga pala, may gagawin ba kayo mamaya? Gusto nyong maglunch o merienda? Kahit jan lang tayo sa U-Mall." Paganyaya ni Raegan. "Free cut kasi kami sa ENGSTAT kasi may seminar yung prof namin. Treat ko."

Nagkatinginan silang tatlo at napangiti.

"SIGE!" Sabay sabay pa nilang sagot. Napailing nalang ako. Iba talaga ang hatak ng libre.

"Great, I'll see you girls here later ha? Sabay sabay na tayong pumunta dun." Ngiti ni Raegan.

"Tawagan mo nalang si Gene," Sagot ni Rhea.

"Cool." Tango ni Raegan at humarap na sakin. "Sige na Genesis, pasok na kayo."

"Bye,"

Humalik sya sa noo ko, "Bye."

Nagpaalam na sila kay Raegan at pumasok na kami sa loob. Nang makasiguradong wala na si Raegan ay nagtilian si Rhea at Chloe na may kasama pang pahampas hampas. Bugbog sarado tuloy kami ni Jenna.

"Oh my gosh! Makakasama natin syang kumain!" Kilig na kilig na sambit ni Rhea.

"Totoo ba 'to? Jenna, pasampal naman, baka nananaginip ako." Sabi naman ni Chloe.

Binatukan sya ni Jenna. "Ang OA nyo! Lunch lang eh!"

"HOY! Si Raegan Luces po ang pinaguusapan natin dito!" Kontra  ni Rhea. "Tennis star yun!"

Nagflash sa ulo ko yung gabi sa Parthenon Mansyon..Raegan Olympia Imperial-Luces..Napailing ako't pilit na kinalimutan ang pagbow namin sakanya.

"Ayos ka lang Gene?" Pansin sakin ni Chloe. "Natahimik ka jan?"

"Wala, tara na, baka malate tayo!" Naglakad na kami papunta sa first class namin.

Mabilis lang ang oras at mamaya maya'y tapos na ang dalawang pang-umagang klase ko. Since hindi naman kami magkakaklaseng apat ay napagkasunduan namin na magkita kita nalang sa tapat ng gate. Pagdating ko dun, ako nalang ang hinihintay. Andun na din si Raegan.

"Hi, kamusta class mo?" Bungad ni Raegan sakin.

"Ayos lang. Kanina pa kayo?"

"Kanina pa Gene! Ba't ba ang tagal mo ha?" Reklamo ni Rhea.

Inirapan ko sya. "Nagaral ako, di katulad nyo lumalandi!"

"Wow ha!"

Natawa nalang si Raegan. "Tara na, medyo mainit na ehh."

Naglakad kami papunta sa University Mall na katapat lang ng LRT station. Sa Papa John's Pizza namin napagkasunduan kumain kasi yun yung una naming nakita.

"Ano Raegan, mahirap ba yung engineering?" Tanong ni Jenna.

"Mahirap kung di ka nagaaral. Pero ayos lang naman." Sagot ni Raegan.

"Dean's lister ka daw?" Tanong ni Rhea.

Napakamot ng ulo si Raegan, tila nahihiya. "Oo. Pero wala lang naman yun eh."

Namangha sila kay Raegan. Isipin mo, engineering na yung kinukuha nya tapos Dean's lister pa?! Napangiti nalang ako, ang swerte ko naman masyado sakanya.

"Oy, may kinikilig!" Sundot ni Rhea sa tagiliran ko.

"Hindi ahh!"

"Anong hindi? Ba't ngumingiti ka jan magisa ha? Nababaliw ka na noh?" Sagot nya.

"Ako pa sinabihan mo ng baliw! Eh makatanong kasi kayo kay Raegan parang hot seat to ah!" Pagdedepensa ko.

"Minsan lang namin nakakasama si Raegan, magtatanong na kami." Sabi ni Chloe.

"Ayos lang Genesis." Ngiti ni Raegan. "Wala namang problema sakin eh."

"Raegan, matanong ko lang, ano bang nagustuhan mo dito kay Gene ha?" Tanong ni Jenna. "Ang sungit kaya nyan!"

Natawa si Raegan. "Oo, alam ko, tinarayan nya din ako nung una kaming nagkita eh. Pero ewan, I just kinda fell for her..for whatever she is."

Tiningnan lang namin sya, naghihintay pa ng kadugtong pero wala kaming natanggap.

"Yun lang?" Reklamo ni Chloe.

"Ha? Ahhh ehh kasi...ano bang gusto nyong malaman?" Napakamot ng ulo si Raegan.

"Tingnan mo nga to Raegan, ang simple simple! Di mo agad mapapansin ang ganda nya kumpara naman sayo na pangartista na! Bakit sya?" At talagang ipinamukha ni Rhea sakin na plain lang ang itsura ko.

"Maganda naman si Genesis eh." Sagot ni Raegan. "Mabait sya and I know matalino sya. Di ko maexplain pero iba yung tama ko nung una ko syang nakausap. Alam nyo naman na siguro na depressed ako nung time na yun...She was just...I dunno how to say it pero parang sya yung light in the darkness ko?"

"Light in the darkness." Napangiti si Rhea at tumingin sakin. "Ansaveh!"

"Totoo naman eh. Psychology students kayo, alam nyo siguro na kasama sa symptoms ng clinical depression ang thoughts of death and suicide??" Pagpapatuloy ni Reagan. "Genesis befriending me gave me hope to continue on kahit na wala na yung family ko. Ganun kalakas yung effect nya sakin."

Napakurap kurap nalang ako sa nalaman ko.

"So, na love at first sight ka kay Gene?" Tanong ni Chloe.

"Parang...siguro attraction at first sight lang?" Natawa si Raegan sa sagot nya. "Its her personality that I really fell for. I mean, we develop crushes on a person's looks but it's their personalities that we fall in love with."

"Eh di kailan mo narealize na mahal mo na pala sya?" Tanong ni Jenna.

Nagkibit balikat lang si Raegan at uminom ng juice. "I dunno, I guess I just woke up one day and knew that I love her."

"TARAY!" Sinundot sundot ako ni Rhea sa tagiliran.

Dumating na yung inorder namin na pizza kaya kumain na kami. Nagpatuloy lang sila sa pagtatanong kay Raegan habang ako'y minsan lang nakikisali sa usapan. Mas gusto ko kasi pakinggan yung mga sagot nya.

Pagkatapos kumain ay nagbayad na si Raegan at inihatid na kami sa St. Scho. Nagpasalamat kami sakanya at nagpaalam na. Humalik ulit si Raegan sa noo ko at umalis na.

"Grabe! Ang swerte mo Gene!" Inalog alog ako ni Rhea sa kilig nya kay Raegan.

"Ba't ba kasi di mo pa sagutin?" Tanong ni Jenna.

"Oo nga Gene, papakipot ka pa sakanya! Sige ka, baka magsawa yun, maghanap ng iba!" Dagdag ni Chloe.

"Eh kasi.." Napakamot ako ng ulo. Pano ko ba ipapaliwanag sakanila na ayokong sagutin si Raegan habang may split personality ito. Ang hirap kaya nun! One moment mahal ka nya, tapos mamaya hindi na!

"Ano na?" Pilit ni Rhea.

"Ayoko pa kasing pumasok sa relasyon hangga't di pa ako tapos sa pagaaral ko." Palusot ko nalang.

"Seryoso? Ba't ngayon lang namin nalaman yan ha?" Kwestyon ni Jenna.

"Wala ka namang sinasabing ganyan samin dati nung nagsimulang manligaw si Kenneth sayo ah!" Dagdag ni Chloe.

Napailing nalang ako. Bahala na! Basta mapatahimik ko sila! "Okay fine, MU na kami. Pero dun muna kasi busy din kami pareho."

Nanlaki yung mga mata nila sa nalaman at saka nagsitawanan noong makarecover na.

"MU?! Ang korni mo naman Gene eh! Ba't di mo pa sinagot kung gusto mo na rin?" Hinampas ako ni Rhea sa braso.

"Eh ayoko pa nga ng may label saka isa pa, pareho kaming babae..."

"Hoy, pareho kaming babae ni Jenna, MU ba kami ngayon ha?" Pumameywang si Chloe.

"Oo nga, ano ka ba Gene, unti unti nang natatanggap ng lipunan ang ganitong relasyon!" Dugtong ni Jenna.

Ang totoo nyan medyo wala ng kaso sakin kung pareho kaming babae ni Raegan, tanggap naman kami ni mama eh. Ang inaalala ko lang, yun ngang sakit nya at yung Familia Olympia..nakakatakot isipin na hindi nila matanggap na sa babae din mapupunta ang tigapagmana nila.

"Basta, di pa ako ready, tara na! Baka malate tayo!" Umiwas nalang ako't naglakad na papunta sa afternoon classes ko.

Pero kung anong ikinaganda ng umaga ko'y mukhang masisira na dahil sa pigura ni Katrina sa labas ng classroom ko.

"Gene! Di ko kayo nakita sa canteen kanina, san kayo kumain nila Rhea?" Pambungad nya.

"Sa labas." Tipid na sagot ko at pumasok na kaagad sa loob. Sumunod lang sya sakin at naupo sa likuran ko. Alam nya kasing nababadtrip ako kapag tumatabi sya sakin.

Kainis naman, bakit pa kasi kaklase ko sya! Di ko pa naman kasama si Rhea o sila Jenna ngayon. Isang buong semester ko syang makakasama at walang magtatanggol o kakausap sakin!

Kinalabit ko si Jovie, yung babaeng nasa kanan ko. Kilala ko sya kasi naging kaklase ko na sya dati.

"Hi,"

"Hi," Ngiti nya.

"Musta ka na?" Tanong ko. "Tagal na nating di nakakapagusap eh."

"Ayos lang ako. Ikaw?"

"Ayos lang din."

Natahimik na kami ng dumating na yung prof namin. Napangiti ako, kahit papano'y meron na akong makakasama sa class na ito at maiiwasan ko si Katrina.

Pagkatapos ng class namin ay nagmamadali kong inayos ang gamit ko, nagpaalam kay Jovie at lumabas na ng classroom. Pero wala, nakahabol si Katrina sakin.

"Hatid na kita Gene!" Sabi nya. "Ako na magdadala ng gamit mo." Pilit nyang kinuha yung libro at bag ko pero di ko yun ibinigay sakanya.

"Pwede ba Katrina, di naman ako pilay para tulungan mo pa."

"Hindi, Gene. Nanliligaw ako kaya ako na jan." Pilit pa rin nyang kinukuha yung libro ko.

"Eh ayoko naman paligaw sayo eh!" Singhal ko. "Ilang beses na kita binasted pero ang tigas ng ulo mo!"

Sinundan nya ako hanggang sa makita ko sila Rhea, Jenna at Chloe sa may gate.

"Gene! Tara, sabay na tayo hanggang LRT." Sabi ni Rhea.

"Sige."

"Ikaw Kenneth?" Tanong ni Jenna.

"Ihahatid ko na si Gene sa kanila."

Napailing nalang ako sakanya. Ang tigas ng ulo.

"Okay, tara. LRT din kami eh, walang kotse si Jenna ngayon." Sabi ni Chloe.

Lumabas na kami ng school.

"Sorry na Gene, ayoko lang naman kasi sumuko hangga't single ka pa eh." Sabi ni Katrina sa tabi ko. "Hangga't wala pang nakakakuha ng puso mo.."

Napailing nalang ako't hinarap sya. "Pwede ba, kahit naman wala pang may hawak ng puso ko hindi kita sasagutin eh!"

"Pero Gene, mahal naman talaga kita eh!" Pagpupumilit nya. "Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon ipapakita ko sayo!"

Natawa sila Jenna. "Sumuko ka na pare. Wala ka nang pagasa jan kay Gene eh!"

"Oo nga! Kay Raegan na yan eh." Dagdag pa ni Rhea.

Napatingin sakin si Katrina. "Kayo na ni Luces?"

Natawa nanaman sila Rhea. "Great question! UY! Raegan!"

Napatigil sila nang may tumigil na pick up sa tabi namin at bumaba yung window para ipakita ang nakangiting si Raegan. "Hey girls!"

"Raegan! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang bumaba sya mula sa kotse.

"Just finished class. Thought I'd dropped by." Ngiti nyang sagot. Napansin kong litaw ang pangil nya kaya napasinghap ako't bumilis ang tibok ng puso ko.

Kumindat sakin si Gan nang makita ang kinabahang ekspresyon ko. "Anong pinaguusapan nyo?"

"Kayo na ba? Ha Luces?" Humarap sakanya si Katrina.

"Woah there, easy ka lang." Natatawang sagot ni Gan. "Problema mo?"

"Tinatanong ko kung kayo na ni Gene!" Parang naghahamon ng away si Katrina.

"Problema nito?" Tanong sakin ni Gan.

Napailing nalang ako. Ano bang gagawin ko dito sa mga to?!

"Gene, sinasabi ko sayo, hangga't wala ka pang sinasagot liligawan parin kita!" Harap sakin ni Katrina, parang desperado na yung tono nya.

"Eh pano kung sinagot na nya ako?" Sabi bigla ni Gan na kinopya pa ang boses ni Raegan.

"HA?!" Napasigaw sila. Napanganga lang ako sa narinig.

"Pano kung kami na nga ni Genesis?" Umakbay pa sakin si Gan. "Ano babes, ginugulo ka parin ba nito?"

Jusko naman, sa lahat ng trip ni Gan ito yung hindi ako makapaniwalang gagawin nya eh!

"Gene, totoo ba?" Gulat na tanong ni Katrina. "Kayo na?"

"Ayaw mong maniwala?" Tanong ni Gan. "Patunayan ko pa sayo eh!"

"Teka lang--!"

Di ko na natuloy yung sasabihin ko nang bigla akong hinalikan ni Gan!

Jusko, parang matutunaw ako sa pwestong iyon habang hawak hawak ni Gan ang pisngi ko at sakop sakop ng labi nya ang labi ko. And to think na ginawa nya yun sa sidewalk, sa harap nila Rhea, Jenna, Chloe at Katrina!

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay ngumiti lang si Gan sakin, yung pangil nya'y litaw na litaw.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya. Parang lalo lang akong natakot sakanya at sa kaya nyang gawin. Parang walang sinasanto si Gan, pag trip nya, trip nya. Wala ata syang pakialam sa mararamdaman ng ibang tao...sa mararamdaman ko.

"Nice one, Beltran." Kindat nya sakin.

Thanks for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon