Chapter 19

94.8K 1.3K 121
                                    

"Raegan?"

Napapikit sya habang shocked pa rin kami ni Mam Perez.

"Raegan??" Tanong ko ulit.

Bumukas ang mga mata ni Raegan at tinitigan nya ako..

"GOTCHA!"

Halos maihambalos ko sakanya yung upuan ko.

"HINDI MAGANDANG BIRO YUN!"

Binato din sya ni Mam Perez ng unan.

"Loko loko ka talaga!"

Tawa lang ng tawa si Raegan.

"Kainis ka!" Pinalo ko sya sa braso.

"Hala!" Napahawak naman si Raegan sa pisngi ko at pinunasan yung tumulong luha, "Joke lang yun! Ano ka ba!"

"Kainis ka kasi eh!" Iyak ko sakanya, "Akala ko nakalimutan mo na kami!"

"Hay nako," Buntong hininga ni Raegan, "Di kita makakalimutan, ano ka ba," At lumapit sya sakin para halikan ako sa noo.

"Shh, tahan na," Yakap sakin ni Raegan.

Naiyak ako kasi akala ko talaga nakalimutan na ako ni mokong. Kahit naman ilang buwan palang kaming magkakilala ayokong mangyari yun. Masyado nang naging mahalaga si Raegan sakin.

"Ahem,"

"Marian naman," Poker face na tingin ni Raegan sa professor ko.

"Makapagbiro ka naman kasi eh!" Reklamo ni Mam.

"Namamahay kasi ako dito sa ospital," Sabi ni Raegan, "Kanina pa ako gising ng gising. Eh hindi na ako makatulog kanina kaya nung nagising si Genesis pinagtripan ko na,"

Tiningnan lang namin sya.

"Di naman kayo mabiro!" Dugtong pa nya nang hindi kami nagsalita ni Mam Perez.

"Di kasi magandang biro yun!" Binatukan ko na nga sya.

"Aray ko, Genesis!" Angal ni Raegan, "Masakit pa kaya yung ulo ko!"

"Gusto mo bang pasakitin ko yang buong katawan mo?!" Bawi ko at iniangat yung kamao ko sakanya.

"Psh. Kaya mo ba?" Hamon ni Raegan at inilapit pa talaga ang mukha sa mukha ko.

"Gusto mo?" Pagbabanta ko.

"Tama na yan," Ibinaba ni Mam Perez yung kamay ko at binatukan din si Raegan, "Ikaw, umayos ayos ka! Napaiyak mo si Gene oh!"

"Sorry na," Sincere na sabi ni Raegan sakin.
Jusko, gusto kong matunaw sa pwesto ko! Yung mga brown na matang yan?! Ugghhhh. Hindi ko kayang magalit sakanya ng matagal!

"Psh. Anong oras na ba?" Tanong ni Raegan kay Mam nang hindi ako sumagot.

Kinuha ni Mam yung cellphone nya at tinignan ito, "3:13am palang."

"Aga pa masyado," Kumento ni Raegan, "Pero di na ako makatulog,"

"Eh pano yan, inaantok pa kami," Dagdag ko naman at naupo na ulit.

"May baraha ba kayo jan or something?" Tanong ni Raegan.

"Baliw ka ba? Nasa ospital kaya tayo!" Sabi ni Mam.
Sinong nasa tamang pagiisip ang magdadala ng baraha sa ospital? Eh hindi na nga ako nakapagpaalam kay Azula ng maayos kanina nung sinugod tong si mokong sa ospital!

"Ehh, anong gagawin ko? Tutunganga? Hindi na ako inaantok! And ayoko ng walang ginagawa! Marian, baka naman dala mo yung laptop mo? Pahiram muna ako!" Sunod sunod na sabi ni Raegan.

Hyper nanaman sya. Pero ang aga aga pa! Inaantok pa ako!

Nahiga na si Mam sa sofa, "Wala akong dalang computer, yung phone mo nalang paglaruan mo!"

"Hindi naman ako maglalaro eh!"

"Eh anong gagawin mo? Manunuod ng porn?"

"HOY! Hindi ah!!" Atungal ni Raegan, "Ichecheck ko lang yung business files ko. May gagawin pa akong report from the sales this month. Tapos may proposal pa akong gagawin!"

"Bahala ka jan, inaantok pa ako. Ayan si Gene, ipaliwanag mo sakanya yung family tree at nang may magawa ka." Tumalikod si Mam at natulog na.

"Marian, di pa pwede," Parang nagmamakaawa na sabi ni Raegan.

"Bakit naman? Ano bang meron sa family tree nyo ahh?" Tanong ko.

Napalunok si Raegan. Ano bang meron sa family tree nya at ayaw nya sabihin sakin?

"Di ko pa pwede sabihin sayo ngayon,"

Napatingin ako sa mga kamay ko. Nawala na yung antok ko, pero napalitan naman ito ng pagkadismaya. Hindi nya ba ako pinagkakatiwalaan at ayaw nyang sabihin kung ano mang meron sa pamilya nya? Tatanggapin ko naman sya eh!

"Oy, wag ka na magtampo," Iniangat ni Raegan yung mukha ko dahilan para mapatitig ako sa mga mata nya, "Baka kasi mabigla ka kapag nalaman mo,"

"Malaman ko na ano?"

"Na...."

"Na??"

Hindi nagsalita si Raegan at tumingin lang sa malayo.

"Raegan naman eh,"

"Look, Genesis, I seriously think you're not ready yet." Sabi ni Raegan at hinawakan pa ang kamay ko na nakapatong sa kama nya.

"Bakit ba kasi? Anong meron sa pamilya nyo na ayaw mo ipaalam sakin?" Tanong ko.

Kumunot lang ang noo ni Raegan at tumingin sa malayo, "Nakita mo na nga eh,"

"Anong nakita ko na? Wala naman akong nakikita eh,"

Bumuntong hininga si Raegan, "Matulog ka na nga,"

"Raegan..."

"Matulog ka na,"

"Raegan naman ehh..."

Hinalikan ulit ni Raegan yung noo ko at naramdaman kong umakyat sa mukha ko yung dugo ko, "Sleep."

Tiningnan ko lang sya. Gising na kasi yung dugo ko, paano pa ako makakatulog ng ganito?

"Ayoko," Bulong ko sakanya.

Nakipagtitigan sya sakin, "So, puyatan nalang tayo?" Ngiti nya.

"Ewan ko sayo,"

"Look, Genesis, this is for your own good,"

Naiinis ako sakanya, for my own good? Ano ba kasing meron sa pamilya nya? Bakit hindi nya magawang sabihin sakin?

Napakunot ang noo ni Raegan at pumikit sya.

"Ayos ka lang?" Napatayo ako sa kaba.

"Not really," Garalgal na sagot nya.

"Masakit ba?" Tanong ko.

"Genesis, matulog ka na," Utos ni Raegan.

"Ayoko," Pagmamatigas ko, "Masakit ba? Gusto mong tumawag ako ng nurse?"

"I'm fine," Sagot ni Raegan, "Tolerable naman eh,"

Tinitigan ko sya, sinusukat kung kaya nga ba nya yung sakit, "Sure ka?"

"Itutulog ko nalang to."

"Raegan...."

"Genesis, I'm fine. Matulog ka nalang jan," Humiga na ng maayos si Raegan.

"Ayokong nakikita kang ganyan.." Pabulong kong sinabi.

Napatingin si Raegan sakin.

"Genesis..."

Umurong sya sa kama nya, "Dito ka nga,"

Tiningnan ko sya. Gusto nyang humiga ako at tumabi sakanya?

"Sige na, wala namang pake si Marian eh,"

"Ehhh.."

"Wag ka nang mahiya," Inakay na ako ni Raegan.

"Psh," Medyo labag sa kalooban kong humiga na sa tabi ni Raegan.

Malaki laki naman yung kama ni Raegan eh. Kasyang kasya kaming dalawa. Komportable naman pero hindi ako gaanong komportable na katabi ko nanaman sya.

Tumalikod ako sakanya kasi hindi ko ata kayang makipagtitigan sa mga magaganda nyang mata. Baka matunaw ako.

"Genesis," Inakap ako ni Raegan from the back at nanigas ako, "Papatay naman nung ilaw."

"Sige," Mahina kong tugon at inabot ko yung switch nung lamp. Nabalot kami sa kadiliman.

Ramdam na ramdam ko yung mabibigat na hininga ni Raegan sa batok ko. Di ako mapakali, gusto kong gumalaw pero baka naman maistorbo ko sya.

Pumikit nalang ako hoping na makakatulog na ako kaagad.
.

.

.

.

.

.

.

"Ayos ka lang?"

Iminulat ko ang mga mata ko sa sinag ng araw. Napakurap ako sa liwanag.

"Shh, nagising tuloy sya!"

Bumangon ako at nakitang nakaupo sa gilid ng kama si Raegan at kaharap nya si Mam Perez.

"Goodmorning," Ngiti ni Raegan sakin.

"'Morning sunshine," Bati ni Mam.

"Goodmorning din," Ngiti ko sakanilang dalawa.

"Sarap ng tulog nyo kanina ahh," Tinaasan kami ng kilay ni Mam.

Naramdaman ko nanamang namula ako at pagtingin ko kay Raegan, namumula din sya!

Natawa si Mam sa reaksyon namin, "Nako nako, Raegan, estudyante ko yan!"

"So?" Tumayo si Raegan at nagunat unat.

Napailing nalang si Mam Perez, "Nakausap ko na si Dr. Miraber, pwede nang umuwi tong si kumag mamaya,"

"Makasabi ka naman ng kumag jan," Reklamo ni Raegan. Natawa ako sakanila.

"Eh anong gusto mo?"

"Wala, may pangalan naman kasi ako diba?"

"Oh eh di Raegan Ol--" Pero hindi natapos ni Mam Perez yung sasabihin nya kasi tinakpan ni Raegan yung bibig nya.

"Subukan mong sabihin yung middle name ko uupakan na kita!" Pagbabanta ni Raegan. Halata yung galit sa mga mata nya.

"Pwe! Ang sama ng lasa ng kamay mo!" Reklamo ni Mam.

"Eh sino bang nagsabing tikman mo?!"

"Eh sino bang nagsabing takpan mo bibig ko?!"

"Hey, tama na yan," Ako naman ang umawat sakanila ngayon, "Raegan umayos ka nga! Mas matanda satin si Mam!"

Tumawa naman ng malakas si Raegan, "Dinig mo yun Marian? MATANDA KA NA!"

Hindi tumawa si mam pero nagpatuloy pa si Raegan, "Ahahahaha Matanda ka na!"

PAK

"Joke lang yun," Gulat na sabi ni Raegan at napahawak sa pisngi nyang namumula sa sampal ni Mam, "Marian, joke lang yun."

"Hindi naman kasi magandang biro yan Raegan eh!" Naluluha sa galit si Mam, "HINDI MAGANDANG BIRO!"

"Joke lang nga ehh," Pinigilan ni Raegan umalis si Mam, "Marian, sorry na!"

"Hindi ko alam kung anong nangyari sayo Raegan, maayos ka naman dati!" Singhal ni Mam Perez, "Pero masyado mong dinidibdib yang pagkawala nilang lahat! Hindi mo ba naisip kung gano kami katagal ni Xander? MAGKASAMA DAPAT KAMING TUMANDA tapos ipapamukha mo sakin na tumatanda na ako?"

Napailing si Raegan, "Marian, si kuya Xander lang nawala sayo. ISANG BUONG PAMILYA YUNG NAWALA SAKIN. Hindi ko maiiwasang magbago kung madaming nagbabago sa paligid ko!"

Pumagitna na ako sakanila, "Mam, Raegan, kalma tayo pwede?"

Tiningnan lang nila ako.

"Raegan, umayos ayos ka. Hindi kita mababantayan habang buhay. Kung trip mong mambiro, pumili ka ng biro na hindi makakasakit ng iba." Sabi ni Mam kay Raegan, "Aalis na ako, bye."

Pagkalabas ni Mam Perez ng kwarto napatingin lang ako kay Raegan.

"Geez," Hinimas lang ni Raegan yung pisngi nya na namumula parin.

Naupo ako sa tabi nya, "Bakat na bakat yung kamay nya,"

Napailing si Raegan, "Ngayon lang nya ako nasampal,"

"Kasi naman eh, kaninang madaling araw ka pa nagbibiro ng hindi maganda!" Pinagalitan ko na sya, "Siguro nabadtrip sya kaninang alas tres pero di nya na pinakita!"

Di nagsalita si Raegan, "Magayos ka na, aalis na tayo."

Eh di nagayos na nga kami. Wala pang isang oras ay umalis na kami ng ospital. Nasa parking na si Manong Elmer naghihintay samin sa isang black na Mercedes Benz.

"Eto ba yung kotse ng mommy mo?" Tanong ko nang nakasakay na kami. Masyado kasi kaming tahimik ever since umalis si Mam Perez.

"Eto yung kotse nila ni daddy," Pagcorrect naman ni Raegan, "Eto yung ginagamit nila kapag umaalis silang dalawa,"

Tumungo nalang ako, hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko eh.
Tahimik nalang na tumingin sa labas si Raegan kaya't hindi ko maiwasang tingnan sya.

"Genesis, stop looking at me, I can see you from here," Walang tingin na sabi ni Raegan.

"Sorry," Nailang naman ako't napatingin din sa labas ng bintana.

Hindi ko alam kung anong meron sa pamilya nya. At hindi ko rin alam kung anong ugali ni Raegan dati para masabi ni Mam Perez na nagbago na sya.
Siguro nga hindi ko pa kilala ng sobra tong si kumag.

"Raegan," Tawag ko sa pansin nya.

"Hmm?"

"Laro tayo,"

Napatingin naman si Raegan sakin na parang nabubuwang na ako. Ngayon nga lang naman ako nagaya sakanya ng ganito, "Anong laro?"

"21 Questions."

Tumingin lang ulit si Raegan sa labas ng bintana, "Ayoko,"

"Bakit naman?"

"Alam ko na kung anong itatanong mo eh,"

"Ano?" Hamon ko.

"Tungkol sa pamilya ko,"

Tama naman sya eh. Pero ano ba kasing meron sa pamilya nya na ayaw nyang malaman ko? Matanda naman na ako eh! Kaya ko na kung ano mang sasabihin nya tungkol sakanila.

"Look, Genesis, I'm sorry. I trust you naman eh," Hinawakan ni Raegan yung kamay ko, "It's just that alam kong mabibigla ka kapag nalaman mo.."

"Kaya ko naman eh,"

"Remember when I told you that we own that building?" Turo ni Raegan sa labas kung saan tanaw na tanaw na yung  condominium na tinitirhan namin ngayon.

Tumango ako.

"You were shocked," Sabi ni Raegan, "A lot.."

"That's because you said that without warning," Angal ko.

"Yeah well, the condominium's nothing compared to what we really have," sabi ni Raegan.

So ibig sabihin mas mayaman pa sila sa inaakala ko?

"I just don't want you to think of yourself so small," Hinapit ni Raegan yung bewang ko papalapit sakanya.

"Ayaw mo akong manliit sayo pero height mo palang nanliliit na ako," Angal ko.

Natawa nalang kami ni Raegan.

"Thanks manong," Pagpapasalamat ni Raegan nang makapark na kami sa condo.

"Wala po yun Mam Raegan,"

Dumiretso na kami sa penthouse kung saan hinihintay kami ni Azula.

"Hey girl," Niyakap agad ni Raegan yung aso nya, "Sorry about last night."

"Arf!" Dinilaan naman ni Azula yung mukha ni Raegan.

Dumiretso si Raegan sa itaas at bumalik na dala dala ang tatlong laptop computer.

"Genesis, sorry ahh, may trabaho pa akong gagawin eh," Sabi nya na inilapag yung gamit nya sa study table.

"Raegan, dahan dahan lang naman," Nagaalala kong sabi, "Kababalik lang natin ng ospital, baka sumakit ulit yang ulo mo."

Nginitian ako ni Raegan, "Don't worry, titigil naman ako kapag sumakit eh,"

Napailing nalang ako at kumuha ng tubig. Inilapag ko yun sa tabi ng papeles nya, "Prevention is actually better than cure," Binigay ko sakanya yung kinuha kong paracetamol, "Wag kang sinungaling, nakita ko yung kirot sa mata mo kanina pagdila sayo ni Azula."

Hinawakan ni Raegan yung kamay ko, "How?"

Natawa ako, "Actually I'm bluffing. You just gave it away, just now."

Nashock naman si Raegan sa sinabi ko, "Ikaw ah!"

"Kanina ka pa kasi matamlay paglabas natin ng ospital." Sabi ko at hinila ko yung isang upuan para tumabi sakanya, "Normally kasi hyper ka kaya naisip ko baka masakit pa yang ulo mo,"

Niyakap naman ako ni Raegan at hinalikan yung ulo ko, "Sige, ganito nalang. Onti ontiin natin, okay?"

Tumungo ako at pinakita ni Raegan yung screen nung isang laptop nya, "This is what my family does."

Isang logo ng agila na may dinagit na lightning bolts.

Zeus Airlines

Kaya pala pamilyar yung logo sa cellphone nya! Pero dito kasi nakasideview yung agila. Yung crest sa cellphone nya nakaharap talaga eh. Saka wala yung weirdong motto ata yun.

"Eh ano yung Familia Olympia?" Tanong ko

"Shh, next time na yun," Ngiti ni Raegan at nagsimula na syang magcalculate at magbasa nung mga information na dinala ni Clein Kitangcol kagabi bago sya bumagsak.

Pinanuod ko lang sya. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin ko eh. Wala din akong assignment na pagkakaabalahan.

Lumapit si Azula at kinuskos yung ulo nya sa binti ko.
"Hey Azula," Kinamot ko yung likuran ng tenga nya.

"Laro muna kayo jan," Sabi ni Raegan na busy sa business papers nya.

Kakaiba talaga tong si mokong. May tinatype sya sa isang laptop tapos may ilalagay sya sa parang tables sa isa pang laptop. Medyo tengga lang yung isang laptop pero nakaopen dun ang isang powerpoint presentation.

"Tara Azula, busy yang amo mo ngayon," Inakay ko si Azula papunta sa sofa at nagbukas ng TV.

Habang commercial pa ay chineck ko nalang muna yung cellphone ko. Puro Group Messages lang naman ni Chloe at Rhea. Si Jenna kasi hindi yun nagg-GM unless kailangan talaga, mas gusto nun kasi ang calls eh. Although nagtetext din sya pero direct lang.

Napabuntong hininga ako. Sunday ngayon at nakatengga ako dito sa condo. Hindi ko naman maayang lumabas si Raegan kasi busy sya at masakit pa ng onti yung ulo nya.

Nagring yung doorbell.

"Ako na," Sabi ko kay Raegan kahit na hindi naman nya inangat yung ulo nya sa ginagawa nya.

"Hi Gene!" Bati ni Alexa at pumasok nalang sya, "Hey Raegan!"

"Hi Alexa,"

"Oy Raegan! Andito na ako!" Reklamo ni Alexa kay Raegan na hindi agad sya pinansin.

"Hey," Ngiti ni Raegan kay Alexa.

"Ano na?" Tanong ni Alexa.

"Wala,"

"Anong wala? Ikaw nage-mail sakin na pumunta dito diba!" Reklamo ni Alexa.

"Ayoko kasing mabore si Genesis, eh busy ako..."

"Tsk. Gagawin mo pa akong babysitter nitong girlfriend mo!" Binatukan ni Alexa si Raegan.

"A-alexa, hindi n-naman na k-kailangan eh!" Nauutal kong tanggi.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon