Chapter 37

76.9K 1.4K 86
                                    

"SUBUKAN MO LANG!"

"Pwede ba wag kang sumigaw, Beltran?! Nabibingi ako!" Bawi ni Gan. "Katabi mo lang ako oh!"

Pagkatapos nya akong halikan sa harapan ng mga kaibigan ko ay isinakay nya na ako ng kotse at saka humarurot paalis. Sa sobrang badtrip ko sakanya kahit babaan ang tono ng boses ko ay di ko magawa. Gusto ko syang gulpihin, pero ano bang magagawa ko? Nangyari na ang nangyari at kapag sinaktan ko sya, masasaktan ko din si Raegan at si Rae.

"SA CONDO TAYO O JUSKO PO, SINASABI KO SAYO BUBUKSAN KO TONG PINTUAN AT TATALON AKO!" Pagbabanta ko. Kahit papaano alam kong ayaw nila ng nasasaktan ako.

Napalingon sya sa direksyon ko para makasiguradong hindi ako nagbibiro at saka napabuntong hininga. "Sige na, sige na! Uuwi na tayo! Wag kang tatalon."

Pumikit muna ako para kalmahin ang sarili. Hingang malalim.

"Ayos ka lang?"

Kalma, Genesis. Kumalma ka!

"Hey?"

Dumilat na nga ako't tiningnan si Gan pero nagulat ako nang makitang nagdudugo na ang ilong nya at nakakunot ang ulo nya na para bang may iniindang sakit.

"Nagdudugo yung ilong mo!" Kinapkap ko yung bulsa ko para sa panyo. Kinalkal ko pa yung bag ko para lang makita yung panyo ko.

Pinunasan ko yung dugo sa nguso nya habang ipinaparada nya yung kotse.

"Siyete naman eh!" Napasigaw nalang si Gan at napahawak sa ulo nya pagkatapos patayin ang makina. "Kumalma ka lang!"

"KANINA KO PA PINIPILIT KUMALMA!" Sigaw ko sakanya. Tinutulungan na nga sya tapos eto pang igaganti nya? Ihampas ko kaya yung ulo nya sa manibela?!

"Hindi ikaw!" Sagot nya sakin habang patuloy na dumadaloy ang dugo sa ilong nya.

"Ano?!" Naguluhan ako, sino bang ibang sasabihan nya nun eh kaming dalawa lang naman ang magkasama.

Napatingin lang sya sakin nang biglang bumagsak ang ulo nya at muntikan na itong tumama sa manibela kung hindi ko sya nasalo.

"GAN!" Tinapik tapik ko yung pisngi nya para magising na sya. Nawalan sya ng malay habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa ilong nya na para bang may nagbuksa ng gripo nya.

"Gan, Rae, Raegan! Please, gumising ka na." Parang sasabog yung dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako't hindi ko na alam ang gagawin. Yakap ko na si Raegan at nawalan na ako ng paki kung nalalagyan na ng dugo yung uniporme ko. "Please, gising ka na!"

Inabot ko yung cellphone ko sa bag at nanginginig na hinanap ang number ni Alexa.

Ring

Ring

"Hello?"

"Alexa? Asan ka?"

"La Salle. Papunta na ako sa next class ko. Bakit?"

"Si Gan kasi, lumabas sya and nagdugo yung ilong nya. Nawalan sya ng malay ngayon ngayon lang! Please tulungan mo ko, Alexa!" Tuloy tuloy kong sabi.

"Asan kayo?"

"Nasa parking ng condo. Nasa kotse kami."

"O sige, wait lang, papunta na ako."

Narinig ko ang isang tili at pagsigaw ni Alexa ng "Sorry!" na para bang may nabundol sya. Naputol na yung tawag kaya ibinaba ko na yung cellphone ko.

"Raegan..gising ka na..." Tinapik tapik ko yung pisngi nya pero hindi parin sya nagising. Pinunasan ko nalang yung dugo na patuloy na dumadaloy sa ilong nya. Namumutla na sya at nagsisimula nang manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mata ko. "Raegan..walang ganyanan...gising ka na please?"

Tumigil na kahit papaano ang daloy ng dugo sa ilong nya pero ilang minuto na ang nakakalipas hindi parin sya nagigising.

"Raegan..please.."

Biglang kumunot ang noo nya at iniangat nya ang ulo nya.

"Raegan?" Lakas loob kong tanong.

"Sorry.." Mahina nyang sabi, hindi ko tuloy sigurado kung sino ang katauhan na lumabas, pero sana, sana lang talaga, si Raegan na ulit sya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. "May masakit ba? Gusto mo bang pumunta ng ospital?"

Umiling sya. "Ayos na ako, Genesis."

Nakahinga ako ng maluwag. Tinawag nya akong Genesis, ibig sabihin si Raegan na nga ito! Napayakap tuloy ako sakanya at hinayaang bumagsak ang mga luha.

"Pinakaba mo 'ko!" Iyak ko sa balikat nya. "Wag mo nang gagawin yun!"

Humiwalay sya sa yakap ko at pinunasan yung luha ko. Napatigil sya ng matamaan ng tingin nya yung labi ko. Napabuntong hininga sya't napailing.

"I'm sorry for what Gan did." Nakayuko nyang sabi. "Sinubukan ko syang pigilan pero di ako makalabas."

"Ayos lang...atleast hindi yun yung first kiss ko. Kung hindi uupakan ko talaga sya!" Pinilit kong tumawa pero kinakabahan parin ako. "Ano bang nangyari sayo? Ba't dumugo ilong nyo?"

"Nagaway kami ni Gan.." Mahina nyang paliwanag.

"Ha?"

"Pinipilit kong lumabas kanina pa pero ayaw nyang pumasok. Nasobrahan ata kaya nagdugo yung ilong namin..." Napahawak sya sa nguso nya para tingnan kung may dugo pa pero wala na, napunasan ko na kanina. "Sorry.."

"Gene?! Raegan?!" Biglang dumating si Alexa at dumiretso sa side ni Raegan. Hingal na hingal sya at gulo gulo ang buhok. "Ano na?!"

"Ayos na..gising na sya." Sagot ko nang ibinaba ni Raegan yung bintana nya para magkarinigan kami ni Alexa.

"An-yare sa-yo ha?" Hingal na sabi nya kay Raegan.

"Wala.."

"Gene, ba't du-guan yang blouse mo?" Turo nya sakin.

"Nagdugo ilong nya kanina.." Paliwanag ko.

"Badtrip kayo!" Singhal ni Alexa. "Pinatakbo nyo pa ako dito tapos ayos na pala kayo!"

"Sorry, nagpanic ako eh!"

Tumayo ng maayos si Alexa, pinagpag yung tshirt nya at inayos ang nagulong buhok. "Babalik na ako ng school, late na tuloy ako sa next class ko. Ikaw--" Dinukdok nya yung hintuturo sa pisngi ni Raegan. "Magpapaliwanag ka sakin mamaya. Boleye pozdniy!"

At nagmamadali na syang umalis.

Napatingin lang ako kay Raegan. "Ano daw?"

"Ewan, pag nagRussian na sya, badtrip na yun." Kibit balikat ni Raegan.

Nagkatinginan lang kami. Parehong hindi alam ang sasabihin.

"Sigurado ka bang ayos ka na?" Tanong ko. Medyo namumula yung nguso ni Raegan dahil sa medyo madiin na pagpunas ko dun kanina.

"Genesis, I think Gan wants to prove something." Mahina nyang sabi.

"Kaya nya ba ako hinalikan?"

"Actually, ginawa nya lang yun para asarin ako..." Napailing si Raegan.

"Then what's the point she's trying to prove kung inaasar ka nya?"

"Na masyado akong natatakot. I'm taking things way to slow."

Ring

Ring

Hinanap ko yung cellphone ko. Sakin kasi yung ringtone na tumutunog.

Rhea calling.

"Sagutin mo na," Sabi ni Raegan.

"Hello?" Itinapat ko na yung cellphone sa tenga ko.

"GENE?! ANO YUN!! MAGPALIWANAG KA!!" Pasigaw nyang sabi sa kabilang linya. "MU KA PANG NALALAMAN EH KAYO NA PALA!"

Napatingin ako kay Raegan. Oo nga, dahil sa ginawa ni Gan iisipin na nila Rhea na kami na nga. Napakamot ako ng ulo. Hinawakan naman ni Raegan yung braso ko at ibinaba saglit yung cellphone. Lumapit sya sakin.

"Genesis Beltran, will you be my girlfriend?" Bulong nya sa tenga ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang tanong nya. Lumapit ulit sya sakin. "Alam kong ayaw mo pa pero, sige palitan ko. Will you be my pretend girlfriend?"

Napanganga naman ako this time.

"GENE! ANO NA?!"  Narinig ko ang sigaw ni Rhea sa cellphone ko.

Anong gagawin ko?! Rhea's asking for answers at etong si Raegan, willing maging escape route ko.

"Mas madaling sabihin sakanilang tayo na kesa ipaliwanag yung sakit ko." Bulong ni Raegan. "Genesis, be my girlfriend, kahit sa mga kaibigan mo lang."

Napabuntong hininga ako't itinapat yung cellphone sa bibig ko. "Kausapin ko nalang kayo bukas."  Ibinaba ko na yung tawag at saka hinarap si Raegan. "Sa harap lang nila pero, tandaan mo, hindi pa tayo!"

Napangiti sya. "Great."

Nakakainis tong si Gan! Iniipit kami ni Raegan! Ang lakas ng trip! Eh ano ngayon kung masyadong mabagal si Raegan? Yun naman yung pace na gusto ko eh. Hindi nya yun ginagawa dahil sa takot sya kung hindi dahil iniisip nya yung magiging reaksyon ko! Para namang makakatulong ang paghalik sakin sa publiko! Lalo lang nya kaming pinapahirapan ni Raegan!

Bumaba na kami ng kotse at dumiretso sa elevator. Napatingin ako kay Raegan at may naisip.

"Raegan.."

"Yeah?" Napatingin sya sakin.

Kumakabog yung dibdib ko sa naisip ko pero nilakasan ko nalang ang loob at hinila papalapit sakin yung mukha ni Raegan.

"Sabihin mo kay Gan wala syang pakialam if you're taking things slow kasi yun yung gusto ko." Sabi ko sa mga mata nya, with all the intensity na kaya kong ibigay.

"Okay." Mahinang sabi ni Raegan na halatang kinakabahan din sa pagkakalapit ng mukha namin. Ngumiti ako't hinalikan sya sa ilong.

"Magiging official lang tayo kapag gumaling ka na't nawala na yang si Gan sa utak mo okay?"

"Si Rae?"

"Mas gusto ko naman si Rae kesa kay Gan." Ngumisi ako hoping na maiintindihan ni Gan na ayaw ko sa kanya. "Sabihin mo kay Gan susuntukin ko sya kapag sinubukan nya pa ulit akong halikan.""

"Eh ako?" Tanong ni Raegan. "Sasapakin mo ba ako kapag sinubukan kitang halikan?"

Natawa ako. "Pag hindi ako pumayag."

Bumukas na yung pintuan kaya nauna na akong lumabas, baka isipin pa nya gusto kong magpahalik sakanya ngayon.

-----------------------------------------


"WALANGHIYA KANG BABAE KA!" Inalog alog ako ni Rhea.

"Umayos ka nga! Bitawan mo 'ko!" Pagangal ko. "Tingnan mo nga! Pinagtititinginan na tayo!"

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon