Chapter 12

89.8K 1.4K 79
                                    

"Tara na Genesis!" Pagaya ni Raegan after namin makipaglaro ng fetch kay Azula sa poolside.

Umakyat ulit kami sa balcony at pumasok sa kwarto ni Raegan. Si Azula nama'y hindi na sumunod sa amin at tumakbo nanaman sa kung saan, malamang sa doghouse nya.

"Uy, wala ka bang towel jan?" Tanong ko kasi dumadamsak yung tubig sa wooden floors ng kwarto nya. Basang basa kaming dalawa.

"Ayos lang yan, tara," Mahinang sagot ni Raegan at hinawakan nya yung kamay ko at pinsaunod ako sa kabilang side ng 2nd floor.

Ngayon ko lang napansin tong part na to ng kwarto nya kasi wala namang decorations na umaagaw ng pansin ko, tanging dalawang narra doors lang ang andun. Binuksan ni Raegan yung unang pintuan at hinila ako sa loob.

"Wow," ang tangi kong nasabi.

"Just get whatever you like, I won't mind."

Dinala ako ni Raegan sa isang walk in closet. Sa dami ng damit na nakikita ko ngayon pwede syang magpapalit palit ng damit dalawang beses sa isang araw at hindi sya uulit ng damit sa isang buong taon. Ganun ka dami ang damit na kakasya sa walk in closet nya, parang kang pumunta ng department store.

Mayroon siyang isang rack ng mga dresses na naka-color code kaya parang rainbow tuloy tingnan. Mayroon din syang tig isang rack ng mga blouses, pants, shorts at sports wear. Yung mga sapatos nya ay may separate na mga shelves. Mayroon syang higit sa tigsampung pares ng rubber shoes, heels at tennis shoes. May mga drawers pa sa paligid at yun lang ang tanging hindi ko alam ang laman.

Lumapit ako sa mga dresses kasi nacucurious ako. Never ko pa nakitang magdress si Raegan except dun sa family picture nila sa labas. Puro branded ang tatak, yung tipong hanggang window shopping lang ang nagagawa ko kasi nakakabutas ng bulsa, este bank account yung mga prices.

"Wala ka bang tshirt lang?" Tanong ko.

May binuksang isang drawer si Raegan. Sinilip ko ang laman nun at nakitang puro white tshirt na may samut saring print.

"Madami pa jang iba," Turo ni Raegan sa mga kalapit na drawers.

Binuksan ko yung nasa harapan ko; puro itim na tshirt ang laman, tinry ko yung sa kaliwa at nakitang puro green naman ang laman nun. Sinubukan ko yung nasa kanan at puro blue.

"Bakit color coded lahat?" Tanong ko sakanya, kumuha nalang ako ng random na white tshirt. May print ito na 'ZEUS' sa harapan at may lightning bolt sa likuran

"Medyo OC kasi yung nagset up nitong closet ko. Sila manang Yolly naman sinunod nalang yung pagkakalagay kaya maayos tingnan." Kwento ni Raegan.

Kumuha sya ng blue na tshirt, black na shorts at underwear sa isa pang drawer. May binuksan pa syang isa pang drawer at hinagisan ako ng puting towel.

"Ano, mauuna na ba akong magbanlaw?"

"Ha? Ahh eh, sige na. Dito lang ako." Sagot ko. Pinunasan ko yung mukha ko kasi feeling ko basang basa pa ako.

"Sure ka?"

"Tingnan ko lang muna yung mga pictures mo dun sa labas habang naghihintay sayo." Sabi ko nalang.

Tumaas ang kilay ni Raegan at may nakita akong kislap sa mga mata nya. Naalala ko tuloy nung una at huli kong punta dito, naiyak si Raegan sa family picture nila.

"Kung ayos lang sayo," Dugtong ko.

Nagisip sya saglit. "Sige na, pero baka kasi sipunin ka."

"Eh di bilisan mo nalang sa pagbanlaw para ako naman."

"SIge na,"

Pumasok na si Raegan sa isang pintuan opposite ng pinasukan namin kanina. Siguro connected sa CR yun, or baka yung CR na mismo yun. Ewan, malalaman ko din mamaya.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon