Chapter 34

75.3K 1.2K 97
                                    

"Thanks, Joanne."

"Buti pinayagan ka ni Raegan?" Sabi ni Joanne habang nilalagyan ako ng makeup sa mukha.

"Actually wala syang sinabi sakin." Simpleng sagot ko. Naiinis nanaman ako nang maalala ko yung halik ni Violet kay Raegan kanina!

Napatigil si Joanne at pumameywang.

"Nagaway ba kayo?"

"Hindi ah!"

"Eh bakit pupunta ka parin kahit hindi sya pupunta?"

Nagkibit balikat lang ako. "Di ba pwedeng magenjoy paminsan minsan?"

Napailing sya pero wala na ding sinabi. Natapos na sya sa paglalagay ng makeup sakin.

"Ayan! Ang ganda ganda mo na!"

"Parang sinabi mo namang ang pangit ko."

"Ano ka ba, hindi! What I meant is, mas maganda ka na!" Natawa si Joanne.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti. Feeling ko magjJS Prom ulit ako. Suot ko ang isang itim na gown na may silver na disenyo. Pinahiram sakin ni Joanne (actually binibigay nya pero hihiramin ko lang talaga).

"Salamat, Joanne."

"Wala yun," Kindat nya sakin.

Kulay red ang gown ni Joanne na may mga glitters para kapag natatamaan daw sya ng ilaw ay kumikinang sya.

Nagayos pa kami ng konti hanggang sa kumatok na yung butler nila at sinabing nasa baba na daw si Roland at Daniel Miraber.

"Gano na kayo katagal ni Roland?" Tanong ko habang pababa kami.

"Five years na din." Sagot ni Joanne. "Nung June lang sya nagpropose."

"Congratulations on that."

"Thanks."

"Wow!" Napanganga naman si Daniel at Roland nang makita kami.

"Hi," Nagkiss si Roland at Joanne. "Ganda mo ahh."

"Hi," Medyo nahihiyang bati ko kay Daniel. Nakasuot sya ng suit. Kulay puti ang shirt nya at black ang necktie. Feeling ko sinadya nyang magputi para medyo terno ang kulay ng damit namin.

"Hi,"

"Shall we?" Aya ni Roland.

"Let's go."

Paglabas namin ng Hestia mansion (oo, tig-isang mansyon/villa ang mga houses dito) Sumakay na kami ng kotse at ilang minuto lang ay bumaba narin sa tapat ng Parthenon mansion.

"Suot na natin yung mask." Sabi ni Joanne pagkababa namin.

Sinuot ko na yung mask ko na binigay ni Joanne. Kulay silver ito at may mga glitters para katerno ng gown ko. Ang maskara ni Joanne ay kulay red orange at may mga bala-balahibo ng ibon. Si Dan ay simpleng white mask na ang upper right side lang ng mukha ang natatakpan na parang sa Phantom of the Opera. Si Roland ay kulay itim ang mask na may red glitters.

Naaadornohan ng itim, orange at green ang entrada ng Parthenon mansion. Naalala ko nanaman yung pagdating namin dito ni Raegan eksaktong dalawampu't apat na oras na ang nakakaraan. Pareho parin ang nararamdaman ko; kaba, takot at pagkamanga.

Marami nang tao sa loob, lahat nakasuot ng maskara kaya hindi mo malalaman kung sino sino sila. Dumiretso kami sa great hall na sentro ng party. May musikang tumutugtog at maraming taong nagkukumpulan at naguusap.

"Never gets old." Sabi ni Dan.

Nakipagusap muna sila Joanne at Roland sa isang grupo kaya naiwan kami ni Dan na magkasama.

"Palagi ba kayong nagpaparty ng ganito?" Tanong ko. Magarbo kasi ang mga palamuti't halatang pinagkagastusan.

"Every year." Sagot ni Dan. "Tradisyon na 'to samin eh."

"Talaga?"

"Oo. Actually may tatlong party kami. Itong Halloween party, yung Winter solstice or Christmas party every December at yung summer solstice party every June." Kwento ni Dan na ikinuha kami ng champagne sa dumadaan na waiter. "Required kaming magpakita sa Summer at Winter Solstice Parties. Itong Halloween party lang ang optional."

"Ano yung Summer at Winter solstice?" Tanong ko.

"Summer solstice is the longest day of the year. Winter solstice, longest night." Paliwanag ni Dan.

"Bakit kailangan pang mandatory ang pagdalo?" Tanong ko. "Pano kapag ayaw mong pumunta?"

"Well...Familia Olympia's motto is 'Blood is thicker than Water'. Mahalaga samin ang pamilya kaya nirerequire na magkita kita kami at least twice a year." Tumigil si Dan para uminom sa champagne nya. "Madalas ang mga hindi nakakapunta ay yung mga nakatira abroad at yung may mga sakit pero other than that dumadalo parin kami. Wala namang parusa o kung ano pero masaya kaming nagkikita kita."

Napatingin ako sa tao sa paligid. Siguro hindi bababa sa three hundred ang mga bisita ngayon.

"'Blood is thicker than water'? Hindi naman kayo magkakaanak talaga lahat dito diba?"

Natawa si Dan. "Hindi naman, pero most likely nagcross yung family trees namin some generations ago. Si Raegan ata pinsan namin kasi yung mama nya ay 2nd cousin ni tita Cornelia na mommy naman nila kuya Apollo sa first house."

Napakunot ang noo ko. Ano daw? Pinsan na second cousin na mommy na--EWAN! Jusko. Malaki pala talaga tong Familia Olympia.

"Tara, pakita ko sayo yung family tree." Aya ni Dan at hinawakan ako sa kamay.

Kinilabutan ako sa paghawak nya sa kamay ko. Si Raegan lang ang gumagawa nyan eh! Pero hinayaan ko nalang sya kasi naalala ko nanaman yung paghalik ni Violet kay Raegan. Kainis talaga yun! Ngiting ngiti pa sya pagkatapos!

Dinala ako ni Dan sa isang kwarto malapit lang sa great hall. Malaki din ang kwartong iyon at ang tanging laman ay ilang bookshelf, statues, paintings, medals at trophies. Pero ang pinaka-agaw pansin sa kwartong iyon ay yung isang buong pader sa kanan na may mga nakasulat na pangalan at pinagkabitkabit ng mga linya.

"Presenting, the Familia Olympia family tree." Binitawan ni Dan yung kamay ko. "Updated every ten years. Family records are stored there." Tinuro nya naman yung bookshelf.

Tiningnan ko lang yung family tree. Andami! Nagsisimula sa itaas ay maaabot na nito yung ceiling at sakop nito hanggang baba. Yung mga pangalan ay dalawang pulgada nalang ang font size!

"Andami naman?"

"The family started in Europe, 1321, Renaissance period." Paliwanag ni Dan. "Fourteen families lang kami dati kaya sinunod sa Greek gods ang mga house name at naging Familia Olympia ang tawag."

Tinitingnan ko yung isang section ng family tree.

"Yan yung Poseidon house section ng family tree." Paliwanag ni Dan na sinundan ang tingin ko.

"Ang tagal nyo na palang nageexist?" Sabi ko. "Bakit ngayon ko lang narinig yung Familia Olympia?"

Nagkibit balikat si Dan. "Di ko din alam pero parang unspoken rule na sya samin. Na kami kami lang ang makakaalam...O talagang di na namin masyadong napaguusapan?"

"Alam mo ba dati akala ko mafia kayo." Natatawa kong kwento sakanya. Tinrace ko yung kamay ko sa pader at napatigil sa pangalang Philip Altamirano IV. "Kahapon lang kasi pinaliwanag sakin lahat ni Raegan."

"Kahapon lang?" Nagulat si Dan. "Gano na ba kayo katagal magkakilala ni Raegan?"

"Since April..So..Six months." Nagbilang pa talaga ako.

"So kahapon mo lang nalaman na may Familia Olympia na nageexist?"

Umiling ako. "Una ko syang narinig mga...June siguro? July? Mga ganung time.."

Tumango lang si Dan, nagbabasa ng mga pangalan.

"Pano ba nagstart yung Familia Olympia?" Tanong ko. "Anong history nyo?"

"Well.." Tumingala si Dan para hanapin yung mga pangalan sa itaas. Siguro sa unang henerasyon pa ng Familia yung mga andun. "Nagstart kami kina....Ano nga bang pangalan nun...Ayun! Sa mga Imperial, Castor, Rayleigh at Chauvin."

Sinundan ko yung tingin nya sa itaas. Medyo maliit na pero nababasa ko yung mga pangalan na nabanggit nya.

"So, silang apat ay magkakaibigan at magkasosyo sa negosyo, although iba iba din naman yung main businesses nila..Para bang pansuporta lang sa isa't isa, ganun." Patuloy na kwento ni Dan. "Di nagtagal ay naging pamilya din sila kasi pinakasalan ni Imperial yung kapatid ni Rayleigh at si Castor nama'y pinakasalan yung pinsan ni Chauvin."

"Apat na pamilya lang?" Tanong ko.

"Well, may nakilala pa sila at nakisali sa grupo." Sagot ni Dan. "Anyways, matatanda na sila Imperial, Castor, Rayleigh at Chauvin nung makumpleto ang labing-apat na pamilya. Sa isang dinner party napagkasunduan nilang bumuo ng organisasyon na ituturing nilang pamilya ang isa't isa. Dun na nabuo yung Familia Olympia. Hindi naman nila siguro inakala na aabot yung Familia Olympia hanggang ngayon kasi lumaki ng lumaki yung pamilya at nabuo pa yung Orders.."

Naglakad ako't sinundan ang mga pangalan sa pader. Napatigil ako nang umabot ako sa isang medyo pamilyar na pangalan.

"Olympia Imperial VII? Seryoso ba 'to?" Tanong ko. Eye level ko na kasi yung pangalan kaya pang-ilang henerasyon na sya.

"Nasa Zeus section ka na." Paliwanag ni Dan. "Yan yung great great great grandmother ni Raegan. They always use the name Olympia eh.."

Sinundan ko yung kabit kabit na linya pababa hanggang sa tumigil ako sa pinakapamilyar na pangalan sa lahat:
Raegan Olympia Luces

"Alam mo sa apat na pamilya yung Imperial nalang ang may nabubuhay pang direct descendants. Nawala na yung mga Castor, Rayleigh at Chauvin eh."

"Ang tibay naman nila.."

"Syempre, kasi sila yung tinuturing na leaders ng Familia Olympia...Kaya nga Zeus family sila eh, si Zeus kasi ang king of the gods. Although officially, yung Grand Order ang namamahala sa buong Familia kasi unfair naman kung yung Zeus house ang leader diba? Pano naman kami?" Natawa si Dan. "Kaya ayun, iba yung heritage ni Raegan sa Zeus kasi direct descendant sya."

Napakapa ako sa dibdib ko kung saan sa ilalim ng gown na suot ko ay nakasabit sa isang mahabang chain ang singsing na binigay sakin ni Raegan. Ginawa kong necklace para maitago ko. Ayoko kasing suotin. Ayoko naman iwan lang sya sa bag ko, baka mawala. Buti nalang binigyan ako ni Joanne ng chain para gawing necklace.

"Yung ring of Zeus and Hera? Gano na katagal sa pamilya ni Raegan yung mga singsing na yun?" Tanong ko.

"Sobrang tagal na.."

"Anong taon? Alam mo ba?"

Napakamot sa ulo si Dan. "Dun tayo sa entrance hall, papakita ko sayo."

Lumabas kami ng kwarto at bumalik sa entrance hall. Pumunta kami sa tapat ng napakalaking painting ng isang babae.

"Si Olympia Imperial I." Sabi ni Dan. "Sya yung kapatid ni Rayleigh na pinakasalan ni Imperial."

Kaya pala parang sobrang luma na ng painting na yun. Nung 1300s pa pala ginawa.
Di pa gaanong maganda yung pagkakapaint pero sure akong maganda sya. Green ang mga mata nya, blonde ang buhok na kulot kulot. Para syang si Mona Lisa na nakangiti samin.

"There's the ring." Turo ni Dan sa painting.

Nanlaki yung mata ko. Sa kamay ni Olympia ay may gintong singsing at litaw na litaw ang kulay bughaw na dyamante nito. Suot ni Olympia ang ring of Hera.

"Ang ibig sabihin fourteenth century pa yung singsing?!"

"Pinapasa yung dalawang singsing sa tigapagmana ng Zeus House sa araw ng 'coronation' nila o yung official day na sila na ang mamamahala ng business." Paliwanag ni Dan. "Kaya nagulat kami nung nakita naming suot mo yung singsing. Kahapon lang kasi yung announcement ng pagiging Heir ni Raegan. Hindi yun matatawag na coronation."

Parang bumigat yung singsing sa leeg ko. Fourteenth century? Jusko, kulang ata yung buhay ko para bayaran tong singsing pag nawala ko!

"Ladies and gentlemen, dinner will be served in ten minutes."

"Tara, hanapin na natin sila Joanne." Aya ni Dan.

Bumalik kami sa great hall kung saan yung limang mahahabang table kahapon ay pinalitan ng madaming bilog na lamesa na kakasya ang bente katao.

Madali lang namin nahanap sila Joanne kasi kabisado namin yung red orange gown nya. Kasama parin nila yung grupong kausap nila kanina.

"Joanne." Tawag ni Dan.

"Anjan na pala kayo!" Sabi ni Joanne.

"Danny? Is that you?" Tanong nung isang babae na blonde ang buhok, natatakpan ng violet mask ang mukha at hapit sa katawan ang pink gown. Halata tuloy yung magandang hubog ng katawan nya.

"Yeah, it's me, Violet." Sagot ni Dan.

Nanigas ako. Si Violet yun?!

"Who're you with?" Tanong naman nung isa pang babae na kulay green ang gown. Kulay puti ang mask nya na parang pakpak ng ibon ang dulo. Nakilala ko yung boses nya sa pakikinig ko ng kwentuhan nila kaninang umaga. Si Leah.

"It's Genesis Beltran." Sagot ni Joanne para sakin.

"Genesis?" Tanong nung isang lalaki na kasama ni Leah.

"Genesis Beltran, Raegan's girlfriend." Paliwanag ni Leah. Oo nga pala, wala sya nung pinaliwanag namin ni Alexa na hindi ko pa sinasagot si Raegan.

Tinanggal nung lalaki yung mask nyang color blue at tumambad ang isang pamilyar na mukha.

"Gene, it's me, Cedric Hoffman! I'm in the tennis team with Raegan!"

"You're in the Familia too?" Gulat ko namang tanong. Naaalala ko pa sya nung nanuod kami ng opening game nila Raegan against Ateneo.

"Yeah, I'm in the Poseidon House." Sagot ni Cedric. "Gods, I wasn't expecting to see you here! Did Raegan bring you here?"

"Weren't you here yesterday?" Tanong ni Dan. "The two made quite an entrance."

Umiling si Cedric. "Just got here earlier today. Why, what happened?"

"Nothing much." Sagot ni Joanne.

"Wow, you two know each other?" Tanong naman ni Leah samin ni Cedric.

"Raegan introduced her to the tennis team a few months ago." Sagot ni Cedric.

"Small world." Kumento ni Violet.

"We should take our seats now." Kumento nung kasamang lalaki ni Violet.

Pumwesto na kami sa isang bakanteng table. Tinanggal muna namin yung mga maskara para hindi makasagabal sa pagkain.

"Gene, how are you and Raegan?" Tanong ni Cedric. "She's been quiet the past few weeks."

"We're still the same." Sagot ko. "How about the others in the team? I'm really sorry I didn't see any of your games again."

"Oh, it's all right. I bet you've been too busy with your studies." Sagot ni Cedric. "Gabby and Christine's still going strong. Jacob's courting Alexa again, Hannah's irritating as always and the rookies are doing great."

"So, nameet mo na pala yung tennis varsity team ng La Salle, Gene?" Singit ni Dan.

"Oo. Pinilit ako ni Raegan noon eh."

Natawa si Cedric. "I remembered being jealous at you because of that viral picture of you and Raegan. You denied being with her back then and now you're together. Why aren't you with her anyways?"

"Oh, no." Napailing naman ako. "We're still not together."

"Ha?" Gulat na sabi ni Dan. Napatingin din samin si Leah at Violet at yung lalaking partner nya.

"Oh yeah, right. You guys weren't there earlier when Gene explained." Sabi ni Joanne sakanila. "Raegan's courting her but Gene still hasn't answered her yet because Raegan's been busy."

"Until now?" Tanong ni Cedric, halatang nagulat din sa nalaman. "No wonder Raegan's been silent."

"So I still have a chance?" Tanong ni Violet.

"Not really," Sagot nung lalaki. "Raegan's courting her so there's no way she'd give you a look."

"Shut up, Francis." Singhal ni Violet.

Nakakainis tong babaeng to! Ansarap buhusan ng tubig! Chance chance pa syang nalalaman eh nahalikan na nya si Raegan kanina!

"Don't worry Gene." Sabi ni Joanne. "Loyal si Raegan. Di nya papansinin yang si Violet kahit pa todo pacute sya."

Ngumiti nalang ako sakanya. Ako lang ba nakakita sa kiss na yun? Sabagay, busy siguro sila Joanne at Roland sa pagsasayaw kanina saka andami ding tao nun sa dancefloor.

Inihain na yung pagkain na sobrang sasarap! Yung tipong makakain mo lang sa fine dining. After kumain ay pinasuot na ulit samin yung maskara kasi magsasayawan na.

Si Dan yung unang nagsayaw sakin. Sumunod si Cedric at si Roland. Nakita din namin si Alexa na kasayaw si Percival at sa mga itsura nila parang may importante silang pinaguusapan. Nakilala ko si Alexa kahit nakamaskara kasi ang tagal ko na syang kasama, kabisado ko na sya kahit may takip ang mukha.

Nagenjoy naman ako kaya hindi ko agad napansin na hating gabi na kung hindi pa sinabi ni Dan.

"Hatid na kita, baka hanapin ka na ni Raegan eh."

Nagpaalam na din kami kina Joanne, Leah, Violet, Cedric at Francis.

Since malapit lang ang Zeus mansion sa Parthenon mansion, napagdesisyunan naming maglakad nalang.

"So, what do you think?" Tanong ni Dan.

"Nagenjoy ako, thank you sa pagsama sakin."

"Wala yun. Thank you din kasi sumama ka." Sagot nya. "Sure kang ayos lang kay Raegan to ah? Ininvite lang naman kasi kita as a friend. Eh hindi pa pala kayo, baka isipin nya I'm making a move on you."

"Hindi yun magseselos." Umiling ako.

Gusto kong sabihin na kung magseselos man sya, she deserves it! Papahalik sya dun sa malanding blonde na Violet na yun!

Nakarating na kami sa tapat ng Zeus mansion.

"Sige na, Gene. Hanggang dito nalang ako." Paalam ni Dan. "Salamat ulit ah."

"Salamat. Good night."

"Good night."

Pumasok na ako sa loob. Tahimik at walang tao. Naglakad ako papuntang kwarto ko.

Palinga linga ako kasi baka makita ko si Raegan pero wala sya. Wala na ding mga butler o katulong akong nakasalubong.

"San ka galing?"

Napatalon ako nang marinig ko ang boses na yun pagkapasok ko ng kwarto ko. Nakaupo si Raegan sa couch sa isang side ng kwarto.

"Raegan? Gising ka pa?"

"Di ka nagpaalam sakin." Malungkot nyang sabi. "Nawala ka nalang nung lunch party kanina...Kung di pa sinabi sakin ni Alexa na pumunta ka kay Joanne di ko malalaman kung nasan ka."

"Nagpatulong ako sakanyang maghanda sa Masquerade ball." Sagot ko nalang at dumiretso sa cabinet kung saan nakalagay pansamantala yung gamit ko. Kumuha ako ng damit pantulog para makapagpalit na at makatulog.

"Di ka nagsabing pupunta ka?" Tumayo si Raegan at lumapit sakin. Pagewang gewang yung paglalakad nya at pagkatapat sakin, malakas ang amoy ng alak sakanya.

"Uminom ka ba?"

"Onti."

"Anong onti eh alam mo namang madali kang malasing?"

"Ayos lang, kasama ko si Vulcan kanina." Hinawakan nya ako sa braso. "Genesis, bakit di ka nagpaalam sakin?"

Lumayo ako sakanya. "Lasing ka na, Raegan. Matulog ka na. Magpapahinga na ako."

Hinablot nya yung braso ko dahilan para mahulog yung damit na hawak ko. "Genesis, iiwan mo na ako?"

"Hindi!" Inagaw ko yung braso ko pabalik. "Ano ka ba? Matulog ka na nga! Lasing ka na eh!"

"Genesis, wag mo akong iiwan!"

Pinulot ko lang yung damit at tinangkang pumunta ng CR pero pinigilan ulit ako ni Raegan. Hinablot nya ulit yung braso ko kaya nahulog ulit yung damit ko.

"Genesis! Bakit ba pinaparusahan mo ko ngayon?"

"Aray ko, Raegan! Masakit!" Reklamo ko kasi malakas yung pagkakahatak nya sakin.

"Asan yung singsing?" Napatingin sya sa kamay ko. "Bakit di mo suot yung singsing? Ayaw mo ba nun?"

"Ano ba Raegan! Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako sa hawak nya kasi mahigpit yun at nasasaktan ako.

"Genesis, yung singsing?"

Kinuha ko yung chain at hinubad yung necklace.

"ETO NA YANG SINGSING MO! IBIGAY MO KAY VIOLET! BITAWAN MO NA AKO!" Binato ko sa mukha nya yung singsing at yung chain.

"Ba't ko naman ibibigay kay Violet yun?" Naguguluhan nyang tanong at binitawan na ako.

"Akala mo di ko nakita yung ginawa nya kanina?"

"Anong ginawa?"

"ANONG GINAWA? Niloloko mo ba ako?" Naiinis na ako sakanya, at talagang nagawa pa nyang magmaang maangan sakin!. "HINALIKAN KA NYA TAPOS IMBES NA ITULAK SYA PALAYO TUWANG TUWA KA PA!"

Tumakbo na ako sa CR at naglock ng pintuan. Agad namang kinalabog yun ni Raegan.

"GENESIS! LUMABAS KA JAN! MAGUSAP TAYO!"

"AYOKO!"

"PLEASE, LET ME EXPLAIN!"

"AYOKO NGA SABI EH!"

"GENESIS!"

Katok lang sya ng katok sa pintuan pero hindi ko sya pinagbuksan. Napasandal lang ako sa pader at naiyak.

Bakit ba ako andito? Hindi naman ako nababagay sa lugar na 'to eh! Hindi ako mayaman, hindi ako miyembro ng Familia Olympia, wala akong house at wala din akong Order. Outsider lang ako dito.

"GENESIS!" Patuloy ang pagsigaw ni Raegan sa pangalan ko.

Pano ba ako nagustuhan ni Raegan? Eh wala namang espesyal sakin. Bakit hindi nalang sya humanap ng iba? Yung taong babagay sakanya? Hindi yung tulad kong walang binatbat sa katalinuhan, kayamanan at kapangyarihan nya. Bakit hindi nalang sya pumatol kay Cedric o kay Violet?

"GENESIS! PLEASE OPEN THE DOOR!"

Hindi ko alam kung bakit ako sumama kay Dan sa masquerade ball. Hindi ko naman hilig na magpunta sa mga ganoong klase ng party. Pero pag naalala ko yung paghalik ni Violet kay Raegan at yung tuwang tuwa nyang mukha nanggagalaiti ako. Gusto ko silang pagsasabunutan! Pero alam kong hindi ko magagawa yun kaya lumayo ako.

"GENESIS I'M GONNA BREAK THIS FREAKING DOOR IF YOU DON'T OPEN IT RIGHT NOW!"

Dapat umalis na ako kanina. Hindi ko naman kasi kaya lahat ng nalaman ko kay Raegan eh! Yung split personality pa nga lang nga nya nahihirapan na ako, pano pa kaya ngayong nalaman kong sobra sobrang yaman nya?

BANG

Biglang bumukas yung pintuan ng CR at pumasok si Raegan.

"Genesis."

"LUMAYO KA SAKIN!"

Nakakatakot yung itsura nya. Gulo gulo yung braid ng mahaba nyang buhok, yung mga mata nya'y namumula at gusot gusot ang damit na suot nya.

Alam kong malakas sya pero pano nya nasira yung pintuan?

"Genesis...please...talk to me..."

"Umalis ka na Raegan..."

"Genesis, yung nangyari kanina with Violet--"

"UMALIS KA NA!"

Halata sa mukha nya ang sakit sa pagtataboy ko. Pero ayoko naman talaga syang makausap ngayon. Lasing sya. Baka bukas kapag nahimasmasan na sya tatanggapin ko yung paliwanag nya.

"Genesis..."

"Umalis ka na Raegan."

"I'm sorry." Umatras sya. "I'm really sorry.." Napailing sya saka umalis.

Umiyak lang ako sa CR ng isang oras bago ako napagod at tumayo. Napatigil lang ako nang may makita ako sa sahig katapat ng pintuan.

Dugo

Nataranta naman ako't tiningnan yung pintuan. Sira yung doorknob at sa kahoy noon ay may dugo din.

Hindi kaya nasugatan si Raegan nung binuksan nya yung pintuan?

Gusto ko syang puntahan sa kwarto nya, humingi ng tawad, hayaan syang magpaliwanag.

"Ano bang ginawa ko?" Halos sabunutan ko yung sarili ko sa inis.

Mabilis akong nagpalit ng damit. Kailangan ako ni Raegan. May sugat sya, at halatang malaki yun kasi may mga patak ng dugo sa sahig ng kwarto ko palabas.

Sinundan ko yung bakas ng dugo hanggang sa isang kwarto na parang studio room kasi andaming canvass at painting. May upright piano din sa isang tabi. Lalapit na dapat ako sa nakatalikod na couch kung saan kitang kita kong nakaupo si Raegan.

"Found it!" Isang boses ang nagsalita kaya nagpanic ako't nagtago sa isang canvass na malaki.

Nakita ko si Violet na suot suot pa yung pink gown nya na lumapit kay Raegan. May dala dala syang puting box.

"What happened to you anyways?"

"Nothing. Just bumped on the stuffed stag on my way to my room." Walang ganang sagot ni Raegan. Nakita kong may inabot syang bote ng alak sa gilid at tumungga doon.

Nilinis ni Violet yung sugat ni Raegan at binalot yun ng bandages. Pinilit kong wag gumawa ng ingay kahit na nakita kong malaki at mahaba yung sugat ni Raegan sa braso.

Di umaray si Raegan, uminom lang sya ng uminom hanggang sa nangalahati na yung bote. Hindi rin ako sure kung gaano katagal na akong nagtatago doon at nanunuod sakanila.

"There you go," Anunsyo ni Violet. "We should get that checked tomorrow morning. Raegan, are you okay?"

"I'm--fine." Suminok pa si Raegan. Lasing na lasing na siguro sya sa dami ng nainom nya?

"Ahh, you poor thing." Natawa si Violet at saka hinalikan ulit si Raegan sa labi.

Gusto ko silang sugurin pero ano bang karapatan ko kay Raegan?  Magkalapit parin yung mga mukha nila at nakita kong ngumiti si Violet.

"Like that?" Tanong nya kay Raegan.

Please say no. Please say no. Please, please, please!

Hinawi ni Raegan yung buhok sa mukha ni Violet at saka humalik sakanya sa labi.

Umalis na ako.






-----------------------------------------------------------





"Bakit naman agad agad?" Tanong ni Alexa.

Tinext ko sya na gusto ko nang umuwi ng Manila matapos nang nasaksihan ko sa studio room na yun.

"Ayoko na dito."

"Si Raegan?"

"Tulog pa."

Six o'clock na kasi ng umaga. Hindi na ako nakatulog kaya maaga palang ay kausap ko na si Alexa sa cellphone.

"Ano bang nangyari?"

"Ayokong pagusapan."

"Well, I'm not helping you go back to Manila hangga't di kayo nagaayos ni Raegan."

"Eh Alexa!"

"Bye Gene!"

Binaba na nya yung tawag.

Kainis naman eh! Hindi ko naman alam kung pano umuwi! First time ko dito sa Quezon!

Nagugutom na ako pero hindi ako lumabas kasi alam kong makikita ko si Raegan. Pag sinwerte pa ako baka si Violet ang makita ko at kapag naaayon sakin ang panahon baka makita ko silang dalawang magkasama!

Nahiga nalang ulit ako sa kama. Wala pa naman akong tulog eh, baka makatulog na ako ngayon.

Ilang minuto na akong pabaling baling. Sa tuwing pumipikit ako nakikita ko yung itsura ni Raegan na nakatalikod sakin at kahalikan si Violet. BAKIT PA KASI KAILANGAN KO YUN MAKITA?!

Ring

Ring

Ring

Kinuha ko yung cellphone ko.

Mama Calling

"Hello, ma?"

"Hello." Sagot ni mama. "Ano Genesis, kamusta na kayo jan?"

"Ayos lang po." Walang gana kong sagot.

"Si Raegan, kamusta na?"

"Ayos lang din po." Gusto kong sabihin sakanya yung nangyari pero alam kong magaalala lang sya sakin.

"Si Rae, lumabas ba?"

"Hindi po."

"Nageenjoy ba kayo jan?"

"Opo."

"Bakit parang walang gana yang sagot mo?" Tanong ni mama. "Ayos ka lang?"

"Ayos lang po ako ma, nung tumawag ka po kasi natutulog pa po ako."

"Ay sorry, nagising kita?"

"Opo."

"Sige na, baka napagod ka kagabi, matulog ka na ulit."

"Sige, ma."

"Bye, anak, ingat ka ahh. I love you."

"Thanks, ma. I love you din po."

Nahiga lang ako doon, nakatitig sa kisame.

Bakit namimiss ko yung glow in the dark stars sa kwarto ko sa condo namin ni Raegan?

"Lady Gene?" May kumatok sa pintuan ko.

"Ano ba yan.." Mahina kong sabi.

"Lady Gene?" Bumukas na yung pintuan at pumasok na yung maid na nagescort sakin kahapon papunta sa dining room.

"Ay sorry po!" Nagpanic sya nang makitang gising na ako. "Akala ko po tulog pa kayo."

"Ayos lang, ano ba yun?"

"Pinapagising na po kayo ni Lady Raegan. Breakfast po."

Nagugutom na din naman na ako. Hindi ko rin maiiwasan si Raegan buong araw kung magkukulong ako sa kwarto ko kaya tumayo na ako't lumabas.

"Kanina pa ba sya gising?" Tanong ko sa maid.

"Opo."

Tumango lang ako. Pagkadating namin sa dining room nakaupo na si Raegan sa kabisera, minamasahe ang sentido nya.

"Goodmorning." Mahinang bati nya sakin nang maupo ako sa table, tatlong upuan ang layo sakanya.

"Morning din."

"Dito ka sa tabi ko."

"Ayos na ako dito, salamat."

"Galit ka pa ba?"

Gusto ko syang sampalin ng malakas. Ako, galit?
Ay hindi, GALIT NA GALIT lang naman ako!

"Sorry na.."

"Gutom lang yan."

Inihain na sa tapat namin yung pagkain. Kumuha nalang ako't mabilis na kumain pagkatapos magdasal.

"Good morning!"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Violet. Nakablouse at skirt lang sya ngayon. Humalik sya sa pisngi ni Raegan at naupo sa tabi nya.

"How're you doing?" Tanong nya kay Raegan na may pahaplos haplos pa sa pisngi.

Binilisan ko nalang yung pagkain. Ayokong makita tong dalawang maglandian sa harapan ko. Baka mabato ko sila ng tinidor.

"I'm fine, Violet, thanks." Umiwas si Raegan at naghiwa ng sausage.

"Here, let me help you with that." Kinuha ni Violet yung kubyertos kasi nanginginig yung kanang kamay ni Raegan na may sugat. Sya na yung naghiwa ng sausage at nagsubo kay Raegan.

"Tapos na ako."

Tumayo na ako kasi nawalan na ako ng gana. Paglabas ko ng dining room sakto namang nakita ko si Mam Perez.

"Oh, Gene!"

"Mam."

"Ayos ka lang? Ba't namumutla ka?" Tanong ni mam.

"Okay lang po ako mam." Ngumiti ako sakanya.

"Si Raegan?"

"Nasa loob po, kasama si Violet."

Tumaas yung isang kilay ni mam sa pagbanggit ko kay Violet. "Ayos lang ba kayo?"

Nagbabantang bumagsak yung mga luha ko. Umiling ako't pinunasan yung mata ko gamit yung sleeves ng tshirt ko.

"Oh, Gene, gusto mo bang pagusapan?" Hinawakan ako ni Mam Perez sa balikat at inakay sa sitting room.

Pagkaupo namin sa couch ay tinanong nya ako, "Ano bang nangyari?"

"Kasi mam...Si Raegan.."

"Ano?"

"Nakita ko sila ni Violet na naghalikan kahapon sa lunch party.."

"Tinanong mo ba sya tungkol dun?" Tanong ni mam at hinagod yung likod ko. "Baka naman friendly kiss lang yun?"

"Eh mam, meron bang friendly kiss sa labi?"

"Hinayaan mo ba syang magexplain?"

Umiling ako.

"Nagusap na ba kayo?"

Umiling ulit ako.

"Bakit hindi?" Tanong ni mam. "Gene, dapat nagusap kayo pagkatapos nung lunch party."

"Umalis po ako eh."

"San ka naman pumunta?"

"Kay Joanne po."

"Anong ginawa mo kina Joanne?"

"Nagready para sa masquerade..." Medyo nagiguilty kong sagot.

"Pumunta ka ng masquerade? Sinong kasama mo?"

"Si Daniel Miraber po."

Natahimik si mam. Feeling ko ang sama sama ko kasi dapat kinausap ko muna si Raegan, hindi yung tumatakbo ako sa kung saan. Pero hindi ko talaga sya kinayang harapin kahapon eh. Kailangan kong magpalamig ng ulo. Hindi ko naman inaasahan na mas lalaki yung gulo.

"Alam ko mam na mali yung umalis ako't di rin nagpaalam sakanya pero mam, ang sakit eh. Tuwang tuwa pa sya after nila magkiss." Naiiyak kong kwento.

"Alam mo, dapat magusap kayo ni Raegan."

Natahimik ako. Sasabihin ko ba kay Mam Perez na naghalikan ulit sila Raegan at Violet kagabi pagkatapos ng party?

"Ate Marian?"

Napaangat ako ng tingin at nakita si Raegan na hinihimas himas yung kanang braso nya na nababalot ng bandage.

"Anong nangyari sa braso mo?"

"Tumama ako sa stuffed stag sa hallway kagabi." Pagsisinungaling ni Raegan. "Genesis, ayos ka lang?"

"Sige, maiwan ko muna kayo. Kausapin nalang kita mamaya, Raegan." Umalis na si mam at iniwan kami ni Raegan sa sitting room.

"Ayos ka lang?" Tanong nya. Nakatayo lang sya.

"Si Violet?"

"Pinaalis ko na."

"Ba't mo naman sya pinaalis?" Sagot ko. "Ang bastos mo naman sakanya."

"Genesis, about what happened last night--"

"Magsisinungaling ka ulit?"

Nakipagtitigan ako sakanya pero sya din yung unang umiwas ng tingin. Guilty.

Tumayo na ako, hindi ko pa ata kayang harapin tong taong to. Nasaktan ako eh. Palagi kong naaalala yung nangyari.

"Genesis, November one na ngayon.." Mahinang sabi nya pagkadaan ko sa tabi nya.

"So? Ano ngayon?"

"Pupunta akong sementeryo, samahan mo ako please?"

Gustong gusto ko syang tanggihan, pero naalala ko yung reason nya kung bakit nya ako dinala dito sa Quezon. Gusto nyang samahan ko sya sa pagharap sa puntod ng pamilya nya.

"Sasama ako," Sagot ko sakanya. "Pero sa isang kundisyon."

"Ano yun?"

"Papayagan mo akong umuwi na ng Manila mamayang hapon."

Nagulat si Raegan sa kundisyon ko. Hindi nya ata inaasahan na gusto ko nang umalis sa lugar na 'to.

"G-gusto mo nang umuwi?"

"Di ko naman sasabihin sayo kung hindi diba?"

"S-sige." Halatang napipilitan sya sa pagpayag.

"Patawag mo nalang ako pag aalis na tayo."

Iniwan ko na muna sya at dumiretso ng kwarto ko. Nagshower muna ako para mahimasmasan. Pero hindi rin ata nakatulong yun kasi naiisip ko parin yung pesteng halik na yun.

Pagkatapos ko magshower ay inayos ko na yung gamit ko para hindi na ako magaayos mamaya. May kumatok sa pintuan.

"Lady Gene, pinapatawag na po kayo ni Lady Raegan sa sitting room. Pupunta na daw po kayong sementeryo." Sabi nung maid.

"Sige, salamat."

Nagbow sya at umalis na. Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Basang buhok. White tshirt, jeans at doll shoes. Ayos na siguro to.

Nadatnan ko si Raegan sa sitting room na nakaupo sa couch, nakasandal at nakatingala sa kisame. Napatingin ako sa taas pero wala namang andun kundi yung chandelier na nakabitin.

"Andito na ako." Pagtawag ko sa pansin nya.

Pumikit si Raegan at saka tumayo. Kinabahan ako saglit kasi parang matutumba pa sya pero umayos din sya ng tayo at nginitian pa ako.

Ang hot nya tingnan sa black long sleeves shirt, black skinny jeans at combat boots nya.

"Let's go." Malamig na sabi nya.

Paglabas namin ng mansyon sinuot nya na yung aviator shades nya at pinagbuksan ako ng pintuan sa itim na BMW.

Di kami nagsalita buong biyahe papuntang sementeryo. Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Pagdating sa sementeryo, nahulaan ko na agad kung saan nakalibing yung pamilya ni Raegan.

Malaki yung musoleo at Greek parthenon din ang design. Sa itaas ng pintuan nito ay naka engrave yung Zeus family crest.

Walang imik na pumasok si Raegan kaya sumunod na ako sakanya. Malawak ang espasyo sa loob at walang nitso, sa dulo ng musoleo ay nakalagay ang mga lapida ng kamag anak ni Raegan. Hindi lang ang magulang at kapatid ni Raegan ang andito kundi pati ang mga lolo't lola, tito't tita at mga pinsan nya. Dito nakahimlay ang mga abo ng angkan nya.

"Hey, mom, dad, kuya Alex, Reiniel..." Mahinang sabi ni Raegan nang ilapag nya yung mga bulaklak na dala nya. "Andito na ako..."

Nagsindi si Raegan ng kandila.

Richard Luces
1957-2013
Olivia Luces
1963-2013
Alexander Luces
1985-2013
Reiniel Luces
2003-2013

"The bluebird carries the sky on his back"

"Funny that I actually have a bird tattooed on my back." Bulong ni Raegan sa lapida. Naupo sya sa marbol na sahig. "Sa right shoulder blade to be exact..Limang raven din yun."

Tiningnan ko lang sya, hindi sigurado kung anong gagawin ko.

"Sorry mom kasi nagpatattoo ako. Alam ko namang ayaw mong nadudungisan kami pero gusto ko talaga kayo ibaon sa balat ko eh...You know, since you left me I want to have you guys be part of me permanently."

Nakatayo lang ako dun habang umiiyak sya sa lapida ng pamilya nya.

"Alam mo ba dad I just finished a deal with Mr. Reeves and tuwang tuwa sya sakin...Sabi nya I'm going to be as great as you were...Maybe even better. The airline's doing great."

Di ko mapigilan yung luha ko. Masyadong masakit ang panuorin si Raegan na kausapin yung lapida ng pamilya nya.

"Kuya Alex, binabantayan ako ni Ate Marian hanggang ngayon...Badtrip ka, dapat ikaw yung nageentertain sa masungit na yun eh!" Mapait yung tawa nya. "Alam mo ba nung first week halos dun na sya natulog sa bahay kasi sabi nya kailangan daw nya akong bantayan...Baka daw kasi may gawin akong masama sa sarili ko.."

Ipinampunas ni Raegan yung sleeves nya sa mga luha nya.

"Reiniel yung kotse mo akin na ahh..Ako na magdidrive nun..Ang sarap pala kasi gamitin eh. Saka yung bagong Ironman movie hindi mo na naabutan, kainis ka din eh noh? Pinagpromise mo pa akong sabay natin yun panunuorin eh wala ka din pala."

Napayuko si Raegan.

"Miss na miss ko na kayo...10 months na..."

Lumuhod ako sa tabi nya at niyakap sya.

"Genesis, wag mo akong iiwanan...Ikaw nalang ang meron ako.." Mahinang hikbi ni Raegan sa balikat ko. "Wag mo akong iiwanan.."

Umiiyak na din ako pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong gagawin sa taong 'to.
Galit ako sakanya pero mahal ko din sya.
Palilipasin ko ba talaga yung ginawa nya at patatawarin sya?

"Please take the ring back." Mahinang sabi nya.

"Ayoko na ng singsing na yan, Raegan.."

Napayuko ulit sya. "Tama si Violet..."

Badtrip naman eh! Bakit kailangan pa banggitin ang pangalan ng malanding yun ah?! At anong tamang sinabi nya sayo ha? Nakikinig ka naman sakanyang sinungaling ka! BADTRIP TALAGA!

Tumayo na ako't inayos ang sarili ko.

"Tara na, gusto ko nang umuwi."

______________________________________________________________________

A/N:

"The bluebird carries the sky on his back." -David Thoreau
the bluebird thing is satirical or just descriptive, maybe meaning something small, like an individual, working in a big world or carrying a big load.

When Raegan was asked kung anong ilalagay sa lapida, yan yung una nyang naisip kasi sa pagkamatay ng pamilya nya, naiwan sya para bitbitin lahat ng responsibilidad na dapat ay pinagtutulungan nila bilang isang pamilya. Pero naisip din nya, that the bluebird is flying to some place better, carrying the sky wherever it goes..

Dedication to the one who called the pair, 'GENELYMPIA'. Nabato pa ako ng unan kasi napalakas ang tawa ko sa pair name na yan. Althought gusto ko din yung 'RAEGENE' at 'GENEGAN'.
Sayang lang walang nakapansin na binanggit ko si Cedric sa last chapter. Sabi ko sainyo nagsisibalikan yung lumang characters eh!

Thanks for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon