Chapter 21

103K 1.5K 89
                                    

"Raegan Luces! It really is you!"

Wala akong ibang magawa kundi ang panuorin si Venus Adamms ng Aphrodite House yakapin si Raegan at halikan sya sa pisngi. And by the looks of it, pati si Raegan hindi alam ang gagawin.

"Raegan." Tipid na greeting naman nung isa pang kasama ni Alexa kanina. Matangkad din sya, black piercing eyes that has the most intimidating look ever. Maganda sana sya except nasasapawan ng fierce look nya yung mismong ganda nya. Sya yung tipo ng tao na lalayuan mo nalang kasi para syang magaamok ng away in a minute kesa iadmire yung ganda. Nagshake hands sila ni Raegan.

"Geez, Venus Adamms, Skyler Olivares,I wasn't expecting you two here." Nanginginig na nabawi na ni Raegan yung boses nya.

"Hi Gene!" Ngiti naman ni Venus sakin.  Wow, hindi ko inaasahang maaalala nya pa yung pangalan ko.

"Oh, sorry, Venus, Skyler this is Genesis Beltran. I'm sure you met her yesterday Venus, and this is Rhea Capolpol." Inintroduce kami ni Raegan, "Girls these are my relatives. Venus Adamms and Skyler Olivares."

"Hi," Nakipagshake hands ako kay Skyler since kilala ko na si Venus while Rhea shook her hand.
Malambot yung kamay ni Skyler pero strong and firm yung pagkakahawak nya sa kamay ko, "Nice to meet you."

Kung kamaganak din sya ni Raegan then one thing is for sure. Their family is genetically blessed. Knowing Raegan, Mam Perez, Venus and now, Skyler..Obvious nang biniyayaan talaga sila ng kagandahan. Siguro kung may maipapakilala si Raegan saking lalaking kamag-anak, I'm sure malalaglag panty ko sa gwapo nya.

"You girls look like you've just finished school. Come, join us." Aya ni Skyler samin after nya makipagshake hands din kay Rhea.

"Marcus?" Napansin na ni Rhea yung bandaged na lalaki na nakikipagusap kay Alexa.

Oh no...Eto na ang big revalation!

"Oh, you know the douche." Walang interest na sabi ni Venus kay Rhea.

Lumapit si Rhea sa table nila Alexa kaya wala na akong ibang magawa kundi sumunod sakanya. I really do have the feeling na magkakagulo mamaya lang.

"Marcus!" Tinawag ni Rhea yung lalaki na napalingon na.

"Oh great, she's here." Singhal ni Alexa, "Ano, mageexplain ka din?"

"Alexa!" Saway ni Raegan sa tabi ko. I'm quite sure na nasesense na din nya ang malaking possibility ng kaguluhan if her best friend continues the attitude.

"Wala naman akong dapat na iexplain sayo." Singhal naman ni Rhea kay Alexa at niyakap nya ang braso ni Marcus.

Pero tinulak sya ni Marcus papalayo, "Bitawan mo nga ako!"

"Oh, wow." Narinig ko ang mahinang sabi ni Venus sa likuran.

"Guys, let's not make a scene here." Singit naman ni Skyler na pumagitna sakanila.

"I'm not making a scene here, Sky." Mahinahong sabi ni Alexa. Wow, hindi ko akalaing makokontrol nya agad ang sarili nya. Kanina kasi parang sasabog na sya ehh.

"Alexa, please. I'm sorry." Biglang pagmamakaawa naman ni Marcus kay Alexa. Naluhod pa ito sa harapan nya.

"Sorry mo mukha mo." Cold na sagot ni Alexa.

"Marcus, wag mo na sya--"

"Don't touch me!" Tinulak papalayo ni Marcus si Rhea kahit na tinutulungan na sya nitong tumayo, muli nyang ibinaling ang atensyon kay Alexa, "Alexa, baby, please. I'm on my knees, begging you to forgive me. Please."

"Marcus!" Maktol naman ni Rhea na hindi makapaniwalang nangyayari ito sakanya.

"Magsama kayong dalawang MALANDI!" Dura ni Alexa.

"Ako ba tinatawag mong malandi?!" Naghahamong sabi ni Rhea.

"RHEA!" Saway ni Marcus.

Shemay, para kaming nanunuod ng teleserye o ng pelikula. Except best friend ko tong kirida at bestfriend naman ni Raegan yung bidang na-agrabyado. Si Marcus? Wala, hindi ko alam kung ano ba sya dito kasi nakafocus ako sa dalawang babae nya.

"The truth hurts nga naman noh?" Mahinahon na ulit ang tono ni Alexa pero damang dama yung lason sa mga salita nya.

"Aba't--!" Sasampalin na dapat ni Rhea si Alexa pero tinigilan sya ni Raegan.

Oh gosh. Ano nang gagawin nya ngayon? Alam ko noong araw na dinurog ni Raegan yung mukha ni Marcus na sobrang protective sya kay Alexa. And here's our friend, on of my best friends to be exact, attempting to hurt her bestfriend.

Hinawakan ko si Raegan sa braso para lang ipaalala sakanyang kaibigan ko si Rhea.

"Alam nyo, this isn't how I planned my Monday afternoon." Alexa coolly said, kinuha na nya yung bag nya at akmang aalis na.

"Alexa," Hinila sya pabalik ni Marcus, "Hindi pa tayo tapos."

Malakas yung pagkakahatak ni Marcus kaya't halos matumba pabalik si Alexa. Umeksena na si Skyler at hinawakan si Alexa sa bewang para maisteady ito.

"Let go of me!" Panicked na sabi ni Alexa.

"No, babe, I won't let you go." Sagot naman ni Marcus.

"I'd advise you to listen to her." Malamig na sabi ni Skyler kay Marcus. Parang papatay yung boses nya at kung nakakapatay nga ang mga tingin, malamang kanina pa sinugod sa punerarya tong si Marcus.

"Marcus, let go of me. Tapos na tayo! Magsama kayo nyang babae mo!" Kumapit si Alexa kay Skyler kasi hindi pa din sya binibitawan ni Marcus.

"No." Pagmamatigas ni Marcus.

"One." Nagbilang na si Skyler. Lumapit si Venus at hinawakan si Alexa.

Parang nanigas naman si Marcus sa takot pero hindi sya nagpatinag at hinigpitan pa ang hawak kay Alexa.

"Marcus," Pilit na kumawala si Rhea sa hawak ni Raegan pero hindi sya nagtagumpay.

"I'm warning you. Two." Sabi ni Skyler.

Nagshift ng hawak si Alexa kay Venus pero nakadikit parin sya kay Skyler. Napangiwi sya sa sakit kasi lalo pang humigpit ang hawak sakanya ni Marcus.

"Raegan, bitawan mo ako!" Reklamo ni Rhea nang hindi parin sya binitawan ni Raegan. Mas lalo pang lumala yung sitwasyon nya nang sinalo ni Raegan yung isa nyang kamay na sinubukan nyang ipalo kay Raegan.

"Raegan!" Saway ko nang makitang nagiiba yung timpla ng itsura ni Raegan. Baka masaktan nya si Rhea.

"Marcus, let go." Warning ni Venus.

"No."

BANG

Nagsiliparan ang wood shrapnel after i-judo flip ni Skyler si Marcus dun sa table at bumigay ito.

"MARCUS!" Panicked na sigaw ni Rhea. Binitawan na sya ni Raegan kaya't tumakbo agad ito sa tabi ng boyfriend nyang manloloko.

"Serves you right." Bitter na sabi ni Alexa na hinihimas yung braso nya. Namumula ito sa higpit ng hawak sakanya ni Marcus kanina.

Napaungol si Marcus at tumagilid sa sakit ng likod.

"Geez, Sky, Joanne's gonna kill us for this." Napahawak si Venus sa balikat ni Skyler, "And you'll be in trouble."

"I'll fix it with Joanne." Mabilis na sagot ni Raegan na pinapakalma ang sarili.

"It's all right. I'm still on indefinite leave." Tipid na sagot naman ni Skyler.

"Let's go." Aya ni Alexa.

Sumunod si Venus, Skyler at Raegan sakanya pero ako ito, stuck sa kinatatayuan ko.

"Gene, you coming?" Habol ni Venus sakin. Tiningnan lang ako ni Raegan.

Honestly, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung hindi ko alam yung side ni Alexa most likely magpapaiwan ako dito at sasamahan ko si Rhea na syang bestfriend ko na eversince noong first year pa kami. Pero kasi inagaw ni Rhea si Marcus!

Tiningnan ko si Rhea na nakaluhod sa tabi ni Marcus at umiiyak. Napabuntong hininga ako.

"Gaano na kayo katagal, Rhea?" Tanong ko.

Tiningnan lang ako ni Rhea.

"Gaano na katagal?"

"Isang buwan."

"Genesis.." Mahinang tawag sakin ni Raegan.

"Alam mo bang meron syang girlfriend?" Hindi ko pinansin si Raegan at tinanong si Rhea.

Hindi makasagot si Rhea pero obvious na obvious na sa itsura nya ang sagot. Nagbaba sya ng tingin kasi hindi na nya makayang makita pa ako.

"Alam mo?" Inulit ko yung tanong kahit alam ko naman na ang sagot. I just need to hear her voice kasi baka naman nagjujump into conclusions lang ako diba? Kailangan nyang iconfirm to.

"Oo."

Wala na akong magagawa pa. Tinalikuran ko sya at sumunod na ako sa mga dyosa papalabas ng Italian restaurant.




----------------------------------------




"Joanne?" May kausap sa cellphone si Raegan, "Hey, it's me..Raegan Luces, Zeus."

Nasa baywalk kami ng Mall of Asia, nakapalibot sa dalawang magkadugtong na table sa labas ng isang seafood restaurant. Nakabili na sila ng seafood at nagpapaluto na.

Saglit na tumigil si Raegan para sa sasabihin nung Joanne sa kabilang linya.

"Put it on speakers." Sabi ni Venus.

"Hey, uhh Joanne, I'm with Alexa Zhukov of Athena, Venus Adamms of Aphrodite and Skyler Olivares of Ares, they want to hear you. Is it alright if I put you on speaker?" Tanong ni Raegan.

Natigilan ako sa narinig ko. Si Alexa from Athena, Venus from Aphrodite at Skyler from Ares. SO MEMBER SILA LAHAT NG FAMILIA?!
Wait, oh my gosh. Naalala kong sabi ni Alexa member din sya pero. Oh my gosh!! NEW INFORMATION TO!

"Hey girls." Isang bubbly voice ang lumabas sa cellphone ni Raegan. Ipinatong nya ito sa gitna ng table, "You went out and you didn't even invite me!"

"Hey Joanne, it's me, Alexa. I'm sorry if you're not here with us. Its actually quite a day, I only invited Venus and Skyler for some snacks and then Raegan and her friends came along." Pagpapaliwanag naman ni Alexa sa cellphone.

"Ohh, so Raegan and her friends are with you girls?"

"Just one left." Sagot ni Raegan.

"Why? What happened to the others?"

"That's what we wanted to talk to you about." Singit ni Venus.

"Venus?"

"Oopps. Yeah, it's me."

"Okay...so fill me up!"

"So, me, Venus and Skyler decided to have some pasta at your restaurant here in MoA."

"Which one?"

Napataas pa ang kilay ko sa sagot nyang iyon. So hindi lang isa ang restaurant nila dito sa MoA para masabi nya yun?!

"The italian one, La Olivia." Sagot naman ni Raegan.

"Okay, go on."

"So yeah, we were busy eating ang basically catching up on stuffs when Alexa's ex-boyfriend came up to us and started begging for her to talk to him." Kwento naman ni Venus.

"Why do I have this weird feeling that I know what's gonna happen next?"

"Yeah well.." Hindi makasagot si Venus.

"Okay, okay then what happened?"

"While he was begging for Alexa, we saw Raegan at the door. Since me and Skyler thought Alexa could use some privacy, we approached Raegan and her friends."

"And then all hell went loose." Sabi ni Raegan.

"What?"

"Apparently Alexa caught her boyfriend cheating on her a few weeks ago and one of Raegan's friend was the girl he was cheating on. We had a little confrontation and Skyler here flipped him on the table." Mabilis na kwento ni Venus.

"Excuse me?"

"He was holding her too tight!" Depensa naman ni Skyler na kanina pa nananahimik sa upuan nya at nakikinig sa usapan.

"So you girls had a confrontation with Alexa's boyfriend--"

"EX-boyfriend." pagcorrect ni Alexa.

"Okay, so confrontation with ex-boyfriend and the girl he cheated you on and Skyler flipped the guy on my table?"

"Also, the table collapsed." Dugtong ni Venus.

"The mahogany table collapsed?"

"And broke." Dagdag pa ni Venus. Napailing nalang silang lahat kay Venus.

"You broke a mahogany table we specially ordered from Italy." Nanginginig ang boses ni Joanne sa kabilang linya.

"I'm gonna pay for it." Sagot ni Skyler.

"Inside my Italian restaurant.."

"Joanne..."

"DO YOU GIRLS KNOW WHAT ON EARTH HAVE YOU DONE?!" Hindi na nakapagpigil pa si Joanne at sumigaw na, "WHAT IF THIS GETS OUT TO THE MEDIA?"

"Joanne, calm down." Sabi ni Alexa.

"CALM DOWN? ALEXA YOUR MOM COULD KILL YOU FOR THIS! AND YOU HAVEN'T EVEN SHOWN UP ANY INTEREST ON YOUR FAMILY BUSINESS!"

"Joanne, this isn't about Alexa!" Singit naman ni Venus.

"AND YOU VENUS! MY GODS, AS IF DATING A HEPHAESTUS GUY ISN'T ENOUGH CONTROVERSY FOR YOU!"

"Now, Joanne, you're overreacting." Singit naman ni Skyler nang makitang nainsulto at nasaktan si Venus.

"ME? OVERREACTING? DIDN'T YOU OVERREACT WHEN YOU JOINED THE PMA AFTER A HEARTBREAK? TELL ME SKYLER, TELL ME HOW JOINING THE AIR FORCE HAS LIFTED UP YOUR SPIRITS?!"

Natahimik silang lahat sa pinagsisisigaw ni Joanne sa kabilang linya.

"Joanne.."

"RAEGAN, DON'T YOU EVEN...UGGHHH...WHAT WOULD YOUR PARENTS SAY TO THIS, HUH? TELL ME!"

Kumunot yung noo ni Raegan at halatang nasaktan sa sinabi ni Joanne.

"YOU GIRLS DIDN'T EVEN THINK THIS OUT DID YOU? I DON'T FUCKING CARE ABOUT MY MAHOGANY TABLE! I FUCKING CARE ABOUT YOU GIRLS ESPECIALLY WHEN THIS GETS OUT TO THE PUBLIC!"

"Joanne, would you please calm down?" Mahinahon na ang boses ni Raegan, "I'm gonna talk to Leah too!"

"SO SHE CAN SENSOR OUT INFORMATION FOR YOU? HAHAHAHA MY GODS RAEGAN, THE ORDER WILL STILL HEAR ABOUT THIS!"

"I DON'T FUCKING CARE ABOUT THE ORDER!" Napasigaw nadin si Raegan.

Ngayon ko lang ulit nakitang mawalan ng pasensya si Raegan. And honestly, I don't like it. Para kasi syang papatay sa itsura nya. And remembering how she singlehandedly crushed Marcus' face weeks ago? Kayang kaya nya pumatay talaga.
Hinawakan ko sa braso si Raegan kahit na natatakot akong hampasin o suntukin nya ako, basta mapakalma ko lang sya.

"YOU HAVE TO CARE! Raegan, everything we do is monitored by them! And you've got to keep in mind that they've got their eyes on you ever since you're freaking thirteen!"

Medyo hindi ko na magets yung pinaguusapan nila. Sinong 'them' ang tinutukoy ni Joanne na nagbabantay kay Raegan?

"Look Joanne, we just want to say sorry for the table." Tipid na sabi ni Raegan na parang pagod na sa pakikipagusap.

"It's just a table, Raegan." Parang pagod na rin si Joanne sa kakasigaw kanina lang, "Was somebody else hurt?"

"Nope, just the ex-boyfriend. We called for an ambulance for him after we left." Sagot naman ni Alexa.

"Good to hear. Skyler, will this incident be a problem with your work?"

"I'm still on my indefinite leave."

"Won't go to your papers?"

"Not at all."

"Good, I'll call Leah for you girls. Where are you anyways?"

"Baywalk, waiting for our seafood dinner." Sagot ni Venus.

"Then fill up and I'll do the rest. Gods, you girls are reckless."

"Thanks Joanne."

"Bye."

"Bye." Sabay sabay nilang sabi.

Inend call na ni Raegan at saka sya napabuntong hininga.

"Wow..Just wow.." Buntong hininga ni Alexa.

"Makes me want to visit her.." Buntong hininga naman ni Venus.

"That sounds like a very good idea." Sabi naman ni Skyler.

Napatingin ako sakanila. Kilalang kilala kasi sila nung Joanne na yun. I mean, she was able to say hurtful things to them kahit na nasa telepono lang sila naguusap.

Si Alexa, something about not being interested sa family business. Nabadtrip din sya kay Raegan kagabi nung binanggit nya yun eh.

Kay Venus, something about dating a Hephaestus guy. Based on the Greek name, member din yun ng Familia Olympia at sa branch ng Hephaestus House. Pero kung ano mang kontrobersyal sa pakikipagdate sa ganun, hindi ko alam.

Skyler on the other hand is something else. Ang sabi ni Joanne tumakas si Skyler sa PMA. Diba ang meaning ng PMA is Philippine Military Academy? So, kaya ba ganyan nakakatakot sya ay dahil sundalo sya? And Joanne mentioned something about the Air Force so most likely dun sya naka-assign.

And lastly, si Raegan. Alam ko naman kahit papano kung anong ibig sabihin ni Joanne sa sinabi nyang 'What will your parents say?'. Alam ko kasi na lahat naman ng mga anak ay gustong maging proud ang parents nila sakanila. But in Raegan's case, it also reminds her na wala na syang parents. That's a bit harsh considering that she needed professional help para lang maka-move on.

Dumating na yung pagkain na pinaluto namin at napangiti ako nang pinigilan sila ni Skyler para magdasal. Nagsign of the cross kaming tatlo ni Skyler at Venus samantalang yumuko lang sila Raegan at Alexa na kapwa agnostics.

"Sana pala sinama ko si Azula," Sabi ni Raegan habang kumakain.

"What, she likes seafood?" Tanong ni Venus.

"Azula's a dog." Natatawang sagot ni Alexa.

"Wait, is Azula that cute dog you brought to the funeral?" Tanong ni Venus.

"Yes."

"Sorry, my bad. I'm a bit horrible with names."

"It's quite obvious, really." Singit ni Skyler.

"Well, she remembered my name." Sumama nadin ako sa conversation. Mapapanis na laway ko sa katahimikan ko dito eh.

"That's just because she only met you yesterday. And your name's quite common. Easy to remember." Tawa ni Alexa.

"Wow, thank you." Sarkastikong kumento ni Venus.

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang isipin si Rhea. Ang tagal ko na kasi syang kilala tapos meron palang isang side yung lokarit na yun na hindi pa namin alam nila Jenna at Chloe.
Yes, alam naming nagbabar sya at sya yung pinaka-may wild tendency pero never ko naisip na kakayanin nyang mangagaw ng boyfriend ng iba. Mapapatawad ko pa nga sya kung hindi nya alam na may girlfriend na si Marcus para kay Marcus na lahat mapupunta ang sisi, pero hindi eh.

Hinawakan ni Raegan yung kamay ko, "Ayos ka lang?"

"Oo.."

Maya maya ay naubos na din namin yung pagkain pero hindi pa kami umalis.

"I really feel like getting wasted." Sabi ni Alexa.

"We have classes tomorrow." Paalala ni Raegan.

"So?"

"Alexa, wag kang ganyan." Sabi ni Skyler. Medyo nabigla pa ako kasi first time kong narinig syang mag-Tagalog, ang flawless pa naman ng English nya, aakalain mong part-Filipina lang sya.

"Oh come on, why won't you let her??" Tanong naman ni Venus. Well, sakanya obvious nang hindi sya magtatagalog, blue eyes kasi eh!

Skyler just rolled her eyes at Venus, "Such a fine model to look up to."

"Double meaning," Sagot ni Venus at nginitian lang sya. Nagtaas ng kamay si Venus para tumawag ng waiter. Umorder sya ng vodka.

"Psh. Ladies drink." Walang gana si Skyler.

"Palibhasa sanay ka sa malalakas ang tama." Sabi naman ni Alexa, "Basta meron, ayos na ako!"

"We're not drinking." Deklara ni Raegan na tinuro kaming dalawa.

"Why?" Tanong naman ni Venus.

"Well, I need to drive you guys home."

"We have our cars with us." Sagot naman ni Skyler.

"Don't tell me you're gonna drive drunk?" Usisa naman ni Raegan.

"I'm not gonna get drunk with just this." Turo nya sa drinks na dinala ng waiter, "So I'm fine with driving my car."

"I don't have my car with me." Taas kamay naman si Alexa, "Venus was kind enough to give me a ride earlier."

Ngumiti lang si Venus, "Cheers!"

"Oh gods, may Dionysus bless you." Napailing nalang si Raegan nang nagshot na si Venus, Alexa at Skyler.

"You can have a soda tonight if you want." Dagdag nya pa sakin.

"Wait, is that how you--?"

"No, Venus." Sagot agad ni Raegan.

"Something about Uncle Rick." Paalala ni Alexa at tumagay ulit.

Ilang buwan na rin pala akong hindi umiinom ng softdrinks dahil sa sinabi ni Raegan sakin dati. Mahilig daw kasi sa coke yung daddy nya kaya nagkasakit sa liver and ayun, ayaw nyang matulad ako sa dad nya kaya pati ako pinipigilan nya.

"Hey Venus, I'll call my driver here so that he can drive for you later, okay?" Tanong ni Raegan.

"Sure."

"Ikaw Sky? Kaya mo?" Tanong ni Raegan sa nananahimik na si Skyler.

"Kaya ko 'to. Sabay mo nalang si Alexa sa car mo. Same condo naman ata kayo eh." Sagot naman ni Skyler.

"Sige sige."

Nagtaas ng kamay si Raegan at umorder ng coke para saming dalawa. Nanlaki pa yung mata ko kasi ngayon ko lang makikitang uminom si Raegan ng softdrinks. Nginitian lang nya ako.

"Alam mo, never ko naisip na magiging ka-level ng alcoholic drinks ang rarity ng paginom ko ng coke." Sabi ko kay Raegan nang dumating na yung coke.

Ngumiti lang si Raegan sakin, "Ako din naman eh."

"Well, kung paminsan minsan lang naman kasi ang inom mo hindi ka matutulad kay Uncle Rick. OA lang yang si Raegan." Sabi ni Alexa na tumagaw pa ulit.

"Di ako OA."

"OA ka, maniwala ka samin." Singit ni Skyler.

Tumawa lang si Venus, "Says another overreactor."

"Wait, Venus, you understand Tagalog?" Bigla kong tanong.

"Yes Gene. Though I don't know how to speak it." Sagot ni Venus.

Well that reminded me of Cedric at ang slang na pagtagalog nya nung Saturday. Grabe, ang dami ko na palang nakikilala after ko makasama si Raegan. Ang laki masyado ng mundo nya.

"Ano Skyler, musta ka na pala?" Tanong ni Raegan.

"Quite well," Tipid na sagot naman ni Skyler.

"Ang bilis mo namang gumaling?" Tanong naman ni Alexa.

"Anong mabilis? 6 months na since nung accident eh!"

"Accident?" Tanong ko. Okay, sige na. Ako na ang clueless sa kanila. Ako na rin pala ang pinakapangit since mga dyosa sila ng kagandahan. Feeling ko mukha akong alalay ni Raegan dito eh.

"Helicopter accident." Tipid na sagot sakin ni Skyler at sa itsura palang nya ayaw na nyang pagusapan to.

"So, kelan ka babalik sa serbisyo?" Tanong ni Alexa, "Babalik ka pa ba?"

"I guess. I mean, wala naman akong ibang alam na gawin eh."

"How about the Ares Industries?" Singit ni Venus.

"Pwede din, pero kasi hindi naman ako magaling dun.." Napaisip si Skyler, "Saka isa pa, yung second house ang may hawak nung business ngayon."

"Bakit, hindi ba pwede yun? Samin nga tumutulong yung second house eh." Sabi ni Raegan.

"That's because Zeus House has nothing else to do than manage an airline company." Bawi ni Skyler.

"Dude, we also have a cargo company." Paalala ni Raegan.

Oh wow, buti pala andito ako. Andami kong napupulot na kaalaman tungkol sa Familia Olympia. Or atleast sa mga Houses chuchu nila. And of course, pati kay Raegan! Siguro kung umiinom din si Raegan eh di sana may way na ako para mapa-amin sya sa mga sikreto nya sakin! Pero hindi eh, I need to be contented with just this.

"Yes but isn't the Hermes House sending way too many inter-House trainess there? Sila na ata halos nagpapatakbo nun eh." Singit ni Alexa.

"Puro third and fourth houses lang naman ng Hermes." Paliwanag ni Raegan.

Okay, sige, may nalalaman nga ako pero not enough para maintindihan ko yung mga pinagsasasabi nila.

"You look lost Gene," Pinansin na ako ni Venus.

"Di ka ba member ng Familia?" Tanong naman sakin ni Skyler.

"No." Sagot ko.

"Wait, I thought you're with the Zeus House." Sagot naman ni Venus.

"Outsider sya, okay?" Paliwanag naman ni Raegan at inakbayan ako.

"But I really do have this gut feeling she'll soon be considered a Zeus member." Tawa ni Alexa, "Cheers, Gene!"

"That explains.." Sabi ni Skyler na parang pinagaaralan kaming dalawa ni Raegan.

Nagkwentuhan lang sila hanggang umabot na ng hatinggabi. Nakikisali lang ako once in a while kasi hindi naman lahat ng topics nila nakakarelate ako.

"Raegan, matanong nga kita.." Lasing na si Alexa.

"Ano yun? Gusto mo nang umuwi?" Sagot ni Raegan.

"Mamaya na...Ano...Gusto mo ba si Gene?" Tanong ni Alexa.

Nagkatinginan kami ni Raegan. Ano ba yan! Dalawang beses sa isang araw?! Kanina si Rhea ngayon naman si Alexa!

"Yes, Alexa. Gusto ko sya. Ano, gusto mo nang umuwi?" Sagot ni Raegan.

"Let's drink to that!" Lasing na din si Venus at namumula na pero inom pa din ng inom.

"Eh ikaw Gene?" Tanong naman ni Skyler. Namumula na din sya pero mukha namang hindi pa lasing.

"Gusto ko din sya." Sagot ko, "But as a friend lang. Kung meron pang hihigit dun. Ewan ko."

"Aww Raegan, FRIENDZONE!" Bulyaw ni Venus. Lasing na lasing na nga.

Napailing si Raegan at may tinawagan sa cellphone nya, "Venus, I'm gonna call my driver here now, we should get going."

"But Raegan.." Parang bata na nagmamaktol si Venus.

"You're drunk Venus." Singit naman ni Skyler nang magconnect na yung call ni Raegan.

"Eehhhh.."

"Raegan, sabay ako sainyo ahh. Baka kasi makita ko ulit sya, suntukin mo nalang." Nahilig si Alexa sa balikat ni Raegan. Lasing na din sya, nawala kasi sa isip nya na tumawag kami ng ambulansya para dun kay Marcus kanina at wala nang posibilidad na magkita sila ngayong gabi.

Natawa naman si Raegan, "I already did that for you. Saka si Sky na yung bumanat sakanya ngayon."

"Gene, si Rhea ba?" Baling naman ni Alexa sakin.

"Ha?"

"Kaibigan mo parin ba sya after what happened?"

"I guess," Kibit balikat ko, "Since first year pa naman kasi kami magkaibigan. Ayoko namang dahil lang sa isang kasalanan masisira pagkakaibigan namin."

Tumungo nalang sila. Nagbayad na si Skyler kasi dumating na yung driver ni Raegan. Ang bilis lang nya kasi kanina pa daw nakastandby sa driver's lounge. Tinext ata ni Raegan habang nagkwekwentuhan kami.

"Tara na, anjan na si Manong Elmer. Skyler, patulong nalang si Venus sa car nya. Ako nang bahala kay Alexa." Sabi ni Raegan.

"Sige sige," Tumayo na si Skyler at inalalayan si Venus.

"Ingat ka sa pagdidrive Skyler." Paalala ko, "Kaya mo ba?"

"Yeah." Halos buhatin na ni Skyler si Venus kasi hirap na hirap na ito sa paglalakad sa sobrang kalasingan. Ayan, high heels ka pa!

"Raegan..." Mahigpit ang kapit ni Alexa kay Raegan.

"Gusto mo bang buhatin na kita?" Tanong ni Raegan.

"Kaya ko pa naman.." Sabi ni Alexa.

"Dito na kami Raegan." Sabi ni Skyler na tinuro yung parking lot, "Ingat kayo ahh."

"Kayo din. Manong Elmer, pahatid nalang po si Venus ahh. Skyler ibigay mo kay kuya yung car keys ni Venus mamaya pagdating sa parking." Paalala ni Raegan at inabutan ng pera si Manong Elmer, "Magtaxi ka nalang pauwi kuya."

"Sige po mam. Thank you po." Sagot naman ni Manong Elmer at inabot yung pera na walang pagaalinlangan.

"Sige Raegan, Gene, Alexa. Goodnight sainyo." Paalam ni Skyler.

"Bye guys," Sambit ni Venus, "Thanks Raegan." At tinuro si Manong Elmer.

"No problem."

Naghiwalay na kami ng landas.

"Raegan, why do you think he did that?" Tanong ni Alexa habang naglalakad.

"It's in his nature." Sagot ni Raegan, "You know for a fact na playboy sya pero pinatulan mo parin, look at you now."

"Hindi ko alam kung anong ginawa kong mali.." Naiiyak na sabi ni Alexa.

"Wala kang ginawang mali, si Marcus ang nagkamali." Sabat ko. Kanina pa nya siguro to tinatago. Hindi kasi namin masyadong napagusapan yung nangyari eh.

Pinabukas sakin ni Raegan yung backseat kasi halos matumba na si Alexa. Inalalayan nya si Alexa papasok ng kotse.

"Ayos lang ba sya?" Tanong ko kasi humiga si Alexa sa backseat at ginawang unan yung tennis bag ni Raegan.

"Next time nga maglalagay na ako ng unan sa kotse." Pinagmasdan lang ni Raegan yung bestfriend nya, "Tara na." At pinagbuksan nya ako ng pintuan.

"Err, thanks." Pasasalamat ko kasi parang nasasanay na ako sa pagbubukas nya ng pintuan para sakin.

Sumakay na din si Raegan sa driver's side, "Let's go."

Tahimik lang yung ride namin pauwi, inaantok na kasi ako.

"Genesis?" Tanong ni Raegan.

"Hmm?"

"Inaantok ka na ba?"

"Hindi ba halata?"

Napatingin ako kay Raegan at nakitang nakangiti sya, napangiti na rin tuloy ako.

"We're almost there."

"I know," Sagot ko.

"Bubuhatin ko nalang si Alexa sa unit nya tapos mauna ka na ahh.."

"Kahit hindi na," Napalingon ako kay Alexa na tahimik na natutulog, "Sinong kasama ni Alexa? Meron bang magbabantay sakanya?"

"She lives alone. Though I can send Manang Fe to her unit."

Tumungo lang ako kasi andito na kami. Nagpark na si Raegan at habang hinahanap ko yung card ko sa bag ko ay pinagbuksan na din nya ako ng pintuan.

"Thanks."

Sunod naman na binuksan ni Raegan yung backseat at dahan dahan nyang binuhat si Alexa.

"Di ba mabigat?" Tanong ko after ko ilock yung pickup at sundan si Raegan sa may elevator.

"Kaya ko naman." Ngiti sakin ni Raegan, "Malakas ata to!"

"Mga hataw mo palang sa court eh." Ngiti ko.

Inayos ko yung braso ni Alexa at pinindot ang number 21. Naaalala ko pa kasi nung una kaming nagkita sa Gym at sabi nya sa 21st floor daw sya.

"Alam mo ba kung bakit walang tao dun sa tapat natin?" Tanong ni Raegan.

Naalala ko yung isa pang penthouse unit dun sa tapat namin. Wala pa akong nakikitang tao na pumasok o lumabas dun, "Bakit?"

"Kay Alexa yun. Binili nung mommy nya para sakanya."

"Eh bakit hindi sya dun nakatira? Bakit sa 21 sya?"

"Well, for starters, she's quite independent. Ever since nageighteen sya, hindi na sya masyadong tumatanggap ng regalo or support mula sa parents nya." Kwento ni Raegan.

"So san sya kumukuha ng pera?" Tanong ko

"Err...pwede bang wag ko muna sabihin?"

Binatukan ko nga sya, "Ikaw kaya nagstart nitong topic!" Nakakainis tong bakulaw na 'to! "Saka si Alexa naman eh! Hindi ikaw!"

"Okay, fine." Nagpout sya, "Sa first houses ng Familia-- I'm sure may idea ka na kung ano yun--Pagdating ng fifteenth birthday namin madalas binibigyan na kami ng responsibilities to either join in the family business or start our own business."

"Agad agad?" Napaisip ako, "So, may business na minamanage si Alexa?"

"Yes."

"Eh ikaw, nung nagfifteen ka, anong pinili mo?"

"Di na ako pumili, I've been engaged in the family business since I was thirteen." Nakarating na kami sa tapat ng unit ni Alexa, "Hanapin mo yung keys nya sa pockets."

Kinapkapan ko si Alexa at nakita yung keys sa front left pocket. Binuksan ko yung pintuan at kinapa yung switch ng ilaw. Bumungad samin ang malinis na condo unit ni Alexa."Yung order na sinabi ni Joanne, ano yun?" Tanong ko kasi naalala kong may binanggit si Joanne na binabantayan na ng order thingy si Raegan ever since magthirteen sya.

"You've gathered too much information tonight." Dinala ni Raegan si Alexa sa kwarto nya. Hindi na muna ako sumunod kasi alam kong papalitan nya yun ng damit.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nasa gitna lang ako ng sala, nakatitig sa pintuan ng kwarto ni Alexa. The thought of Raegan undressing Alexa is bothering me. But then again, magbestfriend naman sila so why do I feel so bothered?

"Still here?" Ngiti ni Raegan pagkalabas ng kwarto ni Alexa.

"I was waiting for you."

Ngumiti si Raegan, "I've been waiting for you too." At ginulo nya yung buhok ko, "Wait lang ahh."

Pumunta si Raegan sa side table samantalang ako'y nanigas sa pwesto ko. Anong ibig nyang sabihin na matagal na nya akong hinihintay?

"There." Binasa ni Raegan yung sinulat nya sa yellow post it.

Advil on the table,
Take it when you're able.
Drink lots of water,
Call me when you're better.
-R

"Nice poem," Kumento ko.

"Thank you," Ngiti ni Raegan. Pumasok ulit sya sa kwarto ni Alexa para ilagay yung note sa kung saan madali nya yun makikita.

"Tara na." Inakbayan ako ni Raegan at dinala sa labas ng unit. Nilock nya yung pintuan.

Napabuntong hininga ako. It's been a long and tiring day.

"Inaantok ka na?" Tanong ni Raegan.

"Oo."

Sumakay kami ng elevator.

"Inaantok na din ako eh. Pwedeng tumabi sayo?"

Napatingin ako sakanya, "Bakit naman?"

"Wala lang." Kibit balikat nya, "Gusto ko lang."

"Hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi mo kay Rhea at saka sakanila."

"Alin dun? Madami akong sinabi."

Nakarating na kami sa floor namin at agad akong dumiretso sa pintuan. Ako na nagbukas nun.

"Huy, problema mo?" Tawag sakin ni Raegan pero hindi ko sya pinansin.

Pagkabukas ko ng pintuan agad akong sinalubong ni Azula.

"Hey girl." Kinamot ko yung likuran ng tenga nya.

"Hey Azula." Nangigigil si Raegan na binati yung aso nya ng yakap.

Dumiretso na din agad ako sa kwarto ko.

"Genesis." Tawag ni Raegan.

"Raegan, pagod na ako." Sinubukan kong sarhan sya ng pintuan pero inipit nya yung paa nya sa kawang.

"Genesis naman.."

"Ano ba Raegan?"

"Are you bothered with what I told them?" Seryoso nyang tanong.

Hindi ako makasagot kaya tinulak nya yung pintuan at pumasok.

"Ano Genesis? Natatakot ka ba sakin ngayon? Nandidiri? Sabihin mo lang.." Malungkot na kabado na hindi malaman ang itsura ni Raegan.

"It's not like that..."

"Then what is it?"

Hindi ko din naman alam. Yeah sure, medyo nabobother ako na umamin sya na gusto nya ako, but I'm not sure if it's in a good or bad way.
Saka inamin nya yun kina Rhea at kina Alexa. Indirect! Hindi sakin. Alam nyo yun? Parang gusto ko muna malaman for myself bago nya ipaalam sa iba diba? Parang...ewan...

Hinaplos ni Raegan yung pisngi ko, cupping my chin, she made me look up to meet her gaze. Parang gusto kong matunaw sa pwesto dahil sa brown nyang mata.

"Genesis, I like you."

My knees wanted to buckle. Oh my gosh Raegan! Ano ba tong ginagawa mo sakin!

"Even if you're straight as a ruler." Nakangiting bulong ni Raegan. Inilapit nya yung mukha nya sakin, "I still like you."

Wala akong masabi. Oo, straight ako pero parang gusto kong lumihis ng landas para lang sakanya!

"Even if you always hit me on the head," Magkadikit na yung noo namin at naduduling na akong tingnan sya, "I still like you."

Amoy na amoy ko na yung hininga nya and for some reason kahit na kung ano anong kinain namin for dinner, ang bango parin ng hininga nya. Vanilla and mint. How is that possible?

"Genesis Beltran," Mahinang sabi ni Raegan, ang mga ilong namin magkadikit na sa sobrang lapit, she closed her eyes, "I like you."

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon