Epilogue

85.5K 1.6K 182
                                    

"Ang ganda ganda naman ng anak ko."

Ngumiti lang ako nang hinalikan ako ni mama sa noo. Pumasok na kami sa loob ng PICC at saglit na naghiwalay kasi ang upuan ko ay doon sa harapan kasama ng iba pang magtatapos.

Nakita ko sila Chloe at Jenna kasama ng mga pamilya nila. Pareho silang nakangiti at alam kong masaya sila.

Hinanap ko si Rhea at nakita sya sa kabilang side ng mga upuan kasama si Percy. Parang seryoso ang paguusap nila at wala sakanila ang nakapansin sakin. 

Dahil magsisimula na ang seremonya ay pumunta na ako sa upuan ko.

Malakas ang pintig ng puso ko kasi matagal ko nang hinihintay ito, ang makatapos ako sa kolehiyo.

"Everybody, please take your seats."

Umayos ako ng upo.

"Relax ka lang." Sabi sakin ng katabi ko. Nginitian ko lang sya kasi halatang kinakabahan din naman sya.

Nagsimula na ang ceremony at wala akong ibang maisip kundi ang mga nangyari sa nakaraang taon.

Pagkatapos ko maisip ang solusyon sa sakit ni Raegan ay hindi ko na muli sya tinawag sa ibang pangalan other than Raegan kahit na si Rae o si Gan pa ang nasa labas.

Hindi naging madali ang paggaling nya dahil noong una'y tumututol si Gan. Ayaw nya pa kasi sumuko saakin kahit naman alam na nyang ayoko sakanya. Si Rae naman ay agad na tinanggap ang pagkatalo nya. Nawala nalang sya na parang bula matapos ang tatlong buwan. Matatapos na ang buwan ng May noon.

Nagpanic si Gan noon sa biglaang pagkawala ni Rae. Sinubukan nyang maghanap ng sagot kung papaano nangyari yun at ganun din naman kami. Pero hanggang ngayon wala kaming alam. Hindi na naipagpatuloy ni Gan ang paghahanap ng mga sagot sa katanungan nya dahil matapos ang limang buwan matapos mawala ni Rae ay natanggap din nyang wala na talaga syang pagasa. Halloween noong lumapit sakin si Raegan para sabihing hindi na nya marinig si Gan.

Naghintay kami hanggang Christmas para makasiguradong wala na talaga si Rae at si Gan. Kahit na busy ako noon sa pagaaral ko dahil graduating na ako ay hindi ako nawawalan ng oras para kay Raegan.

Si Raegan din naman ay hindi nawawalan ng oras sakin kahit na busy sya sa pagaaral nya, sa tennis nya at sa airlines nila. Hanggang ngayon nga ay hindi parin ako makapaniwalang naisisingit yun lahat ni Raegan sa schedule nya.

"Genesis Beltran, Bachelor of Science in Psychology." Tinawag na yung pangalan ko. "Genesis will also be recieving the Best Thesis Award for her work on Dissociative Identity Disorders."

Nagpalakpakan ang mga tao sa pagakyat ko sa stage. Tinanggap ko na yung diploma ko at humarap sa daan daang taong dumalo para sa pagtitipon na ito. Nakita ko sila mama at saka ako nagbow bago bumaba.

"Best thesis ka pala! Galing ah!" Narinig ko nalang na sabi nung babaeng kasunod ko. Nawala na sa isip ko yung pangalan nya pero alam ko ang apelyido nya ay Benitez.

"Oo, salamat." Ngiti ko.

Noong una ayaw ako payagan ng thesis advisor ko na yun ang gamiting topic dahil mahirap makahanap ng taong may DID pero tinulungan ako ni mama. Dahil sa thesis ko, napansin ako ng ilang psychologist at psychiatrist sa bansa. Sinubukan nila akong tanungin para malaman kung sino ang pasyenteng pinagaaralan ko pero dahil may contacts sila Raegan at Alexa sa Familia Olympia, walang nakagalaw samin.

Pero hindi lang sila ang nakapansin sakin. Hindi pa man ako nakakagraduate ay may mga job offers na ako mula sa iba't ibang kumpanya, hospitals at mental institutions. Sa ngayon ay pinagiisipan ko pa kung saan ako papasok dahil pumayag na si mama na ipagpaliban ang pagtratrabaho ko sa clinic namin.

Laking pasasalamat ko kay Raegan dahil kung wala sya, wala ako sa pwesto ko ngayon. Okay well, kung wala sya, baka nga graduate na din ako pero wala naman akong award.

Pinanuod ko lang ang iba pang graduates na tanggapin ang mga diploma nila. Pinalakpakan ko sila Jenna, Chloe at Rhea noong sila na ang tinawag.

Maya maya't tapos na ang seremonya at nagpicture taking na kami.

"GENE!"

Halos matumba ako sa yakap na yun ni Chloe.

"Dahan dahan lang, Chloe!" Saway naman ng girlfriend nyang si Jenna. "Hey, Gene, congratulations!" Niyakap nya ako.

"Salamat, congratulations din sainyo! Graduate na tayo!" Sagot ko. "Si Rhea?"

"Looking for me?"

Napalingon kami at nakita si Rhea kasama ang boyfriend nyang si Percy na may hawak hawak na camera.

"Smile for the camera, ladies!" Sabi ni Percy at itinapat samin yung camera.

Nagtabi tabi kaming apat at ngumiti.

Click!

"Isa pa! Wacky naman!"

Pumwesto kami.

Click!

"Ayos!" Ngiti ni Percy samin.

Niyakap ako ni Rhea. "Congratulations, Gene!"

"Salamat, congrats din sayo!"

Nagkukuha pa kami ng picture hanggang sa dumating na ang mga pamilya namin. Nakipagpicture kami sa kanila.

"Oh, Genesis," Niyakap ako ni mama. "Congratulations!"

"Thanks, ma." Ngiti ko.

Humarap kami sa camera at nagpapicture pa ulit.

Lumingon ako sa paligid, hinahanap ang isang taong dapat kanina pa sumalubong sakin.

"Kausap nya yung prof mo." Sabi naman ni Mama, napansin ang paghahanap ko.

Hinagod ko ng tingin ang buong auditorium pero hindi ko sya makita.

"Hoy, Gene! Picture!" Hinila ulit ako ni Rhea para magpapicture kasama si Percy.

Nakita ako ni Jovie at nakipagpicture din sya sakin. May iba pa akong mga kaibigan at naging kaklase na lumapit sakin para magpapicture pero hindi ko parin mahanap yung lokarit na yun.

"Gene!"

Napalingon ako at nakita si Katrina. Hindi katulad namin na naka-toga, sya'y nakacivilian clothes. Hindi namin sya kasabay na gagraduate kasi nahuli sya.

"Oh, Katrina--"

"Kenneth," Pagkocorrect nya sakin. "Ano ba yan, Gene, graduate ka na Katrina pa rin tawag mo sakin."

"Bakit, Kenneth ba ang sasabihin ng MC kapag tinawag ka na sa graduation mo?" Bawi ko. "Kahit anong gawin mo, Katrina parin ang pangalan mo."

Ngumiti lang si Katrina. "Okay, sige na. Congratulations!"

"Salamat."

"Picture na yan!" Hiyaw ni Chloe na nakatingin samin.

Natawa lang kaming dalawa at nagpapicture na.

Matagal nang tumigil sa panliligaw sakin si Katrina. Sinunod kasi nya yung pangako nyang titigil lang kapag may sinagot na ako. Ang balita ko ngayon meron na syang ibang nililigawan at masaya ako para sakanya.

Pagkaalis ni Katrina para makipagpicture naman sa iba ay muli kong inikot ang tingin para hanapin ang isang taong kanina ko pa gusto makita. Bigla bigla ay may yumakap sakin mula sa likuran.

"Uyy, may hinahanap."

"Ba't ngayon ka lang?" Tanong ko.

"Kinidnap ako ni Ate Marian at nung iba pang faculty members."

"Eh ba't di ka nagexcuse?" Lumabi pa ako sakanya. "Ang tagal kaya kita hinintay."

Hinalikan nya yung ilong ko. "Wag na magtampo please? Kinausap kasi ako ni Ate Marian tungkol sa foundation nila tapos pinakilala nya ako sa iba pang tumutulong sakanila."

"Nagtratrabaho ka nanaman."

"Di yun work, charity yun."

Niyakap ko syang mahigpit.

"Congratulations, graduate ka na." Mahina nyang bulong sakin.

"Thank you."

Click!

Nasilaw ako sa malakas na flash at nakitang marami rami na ang kumukuha ng pictures naming dalawa ni Raegan.

"Hirap kapag sikat ang girlfriend mo." Bulong ko sakanya pagkabitaw ko.

"Hirap kapag maganda ang girlfriend mo." Bawi naman nya sakin.

Natawa lang kami ni Raegan.

Birthday nya noong tinanong nya ako kung kelan ko sya sasagutin. Since wala na noon si Rae at si Gan, sinagot ko na sya.

That Christmas, pinakilala ko sya sa pamilya ko hindi bilang isang kaibigan kundi bilang girlfriend ko na mismo. Syempre may mga hindi natuwa pero karamihan naman ay masaya para sakin. Lalo na at maganda, mayaman, sikat, matalino at super bait ng girlfriend ko.

Inannounce ni Raegan ang relasyon namin sa buong mundo noong pinalitan namin ang Facebook status namin into "In a relationship".

Madaming fans ni Raegan ang nagbash sakin online pero hindi ko sila pinansin, madami din naman kasing fans na nagpakita ng suporta samin.

Noong naging champions ulit ang Green Tennisters ay naimbitahan si Raegan sa ilang TV interviews (tinanggihan nya yung mga commercial offers) at nabanggit ako. Since proud si Raegan, sinabi nyang masaya sya sakin at nagawa pang kumindat at magflying kiss on air para sakin.

Hindi ko ikinahiya si Raegan. Although once in a while natatakot ako sa mapanghusgang tingin ng lipunan samin, binabalewala ko nalang ang mga iyon dahil alam kong kasama ko si Raegan.

"Smile naman jan, Gene!" Sabi ni Percy at saka itinapat muli ang camera samin.

Inakbayan ako ni Raegan at pareho kaming ngumiti.

"Tara na! Blow out daw ni Gene!" Anunsyo ni Rhea. "Best thesis oh!"

Natawa lang ako. "Baliw!"

"La Olivia! Blow out ko para kay Genesis!" Anunsyo naman ni Raegan.

Naghiyawan sila sa tuwa.

"Yaman mo naman!" Sabi ko sakanya.

Tumawa lang si Raegan. "Hindi, grad gift daw yan ni Joanne."

"Oh? Dapat sinabi mo salamat para sakin."

"She called from the States para icongratulate ka." Sabi ni Raegan. "Don't worry, tatawagan ka din nya soon. Manganganak na sya eh."

"Eh si Alexa?" Tanong ko.

Noong Christmas break ay umalis ang pamilya ni Alexa papuntang Russia pero ilang buwan na ang nakakaraan hindi pa sila bumabalik. Nakakausap ko naman sya sa Skype or sa social networks paminsan minsan pero hanggang ngayon hindi parin sya sigurado kung kailan sya makakauwi.

"Nagtext sya sakin kanina, may pinadala daw syang grad gift sayo. Tatawag din sayo yun mamaya." Paliwanag ni Raegan.

"Talaga?" Malungkot kong sabi. "Miss ko na sya eh."

"Oh, wag ka nang malungkot, pwede naman tayong bumisita sakanya kung gusto mo eh."

"Baliw! Ang layo kaya ng Russia!"

Lumapit si Raegan para bumulong sakin. "Para namang wala akong airlines eh. Malapit lang yun."

Hinampas ko sya sa braso. "Loko loko ka. Ayoko nga!"

Tumawa lang si Raegan.

"Hoy! Maglalandian lang kayo jan?" Tawag ni Jenna samin. "Tara na! Gutom na ako eh!"

"Susunod na po boss!" Sagot ko.

Lumabas na kami ng auditorium.

"Raegan, grad gift ko?" Pabiro kong tanong sakanya habang naglalakad.

"Wait ka lang,"

"Ehh, asan na?"

"Patience, grasshopper."

"Eh, gusto ko ngayon na." Pagpupumilit ko.

Napabuntong hininga si Raegan. "Ngayon na talaga?"

"Oo, bakit di pwede?"

"Pwede kaso..."

"Sige na please?" Inilabas ko yung palad ko, naghihintay na iabot nya sakin yung graduation gift nya para sakin. Pero hinawakan lang ni Raegan yung kamay ko at bigla akong hinila sa isang tabi.

"Hoy teka lang! Bak--!"

Pero hindi na ako natapos sa pagsasalita kasi siniil na nya ako ng halik. Napapikit nalang ako sa ginawa nya at nang maghiwalay ang mga labi namin ay hingal na hingal kaming dalawa.

"Ayan na, first gift ko sayo." Ngiti ni Raegan.

Naramdaman kong umakyat ang dugo sa mukha ko. Siguro mukha nanaman akong kamatis nito. Kaya ayaw tantanan ni mama yung 'baby kamatis' nickname nya para sakin ehh. Palagi akong pinapablush nitong girlfriend ko.

"First gift? Madami pa?"

Click!

Napatingin kami sa kumuha ng litrato at nakitang ngiting ngiti si Percy.

"Nako nako, rated SPG 'to!" Sabi nya habang tinitingnan yung picture sa camera. Pinakita nya samin ang isang kuha na magkahalikan kami ni Raegan.

"PERCY!" Sinubukan syang habulin ni Raegan pero pinigilan ko sya. Tumakbo lang papalayo si Percy.

"Kapag pinost nya yun sa internet bubugbugin ko sya!" Badtrip na sabi ni Raegan. "Ibabash ka nanaman nila sa net ehh."

"Hayaan mo na," Ngiti ko. "Hingin mo nalang yung copy."

Napatingin si Raegan sakin. "Nako, gusto mo pala yun eh."

"Gene!" Tawag samin nila Jenna. Naghihintay na sila sa van kasama ang mga pamilya nila at si mama.

"Mamaya na kita ikikiss ulit. Gutom na yung bestfriends mo eh." Hinawakan na ni Raegan yung kamay ko at hinila ako papunta sakanila.

Hinila ko yung tenga nya papalapit sakin at saka sya hinalikan sa pisngi. "Thank you."

Ngumiti si Raegan at hinimas yung tenga nya. "Ang sakit naman nun."

"No pain, no gain."

Nagngitian lang kami ni Raegan.

Mahirap ang pinagdaanan namin at ang pagdadaanan pa namin. Kung yung iba pinoproblema ang pangangaliwa, ang pamilya, o ang pera, kami ni Raegan ang pinroblema namin ay ang sarili namin.

Hindi lang naman kasi si Raegan ang out of the ordinary kundi pati yung kwento mismo namin.

San ka makakahanap ng love story na may split personality diba? Tapos ang kalaban pa nya ay yung dalawa nyang split personalities. Wala, samin lang yan! Ang ganda ko kasi eh. JOKE! Mas maganda si Raegan sakin.

Pero seryoso, madami pa kaming haharapin ni Raegan. Sa isang relasyon, hindi talaga nawawala yang mga problema. Sabi ko nga kanina, 'No pain, no gain.'

Mahirap magmahal. Muntik na nga ako sumuko dati, pero hindi ko nagawa. Kasi kahit gaano pa kahirap ng sitwasyon namin, kung willing ka namang lumaban, every pain is worth it.

Ang love, para sa lahat yan; walang mayaman o mahirap, babae o lalaki, foreigner o pinoy o kung ano pa mang barrier. Basta kaya nyo ipaglaban, anjan yan.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Raegan. Kung may darating pa na problema samin, magkasama namin itong haharapin. Kung pahihirapan nila kami, magkasama kami ni Raegan na lalaban. Basta ba hawak ni Raegan ang kamay ko hindi ako matatakot.

"Anong iniisip mo?" Tanong sakin ni Raegan.

"Kung gano ka kakaiba."

"Well, I love being unique, makes me hard to forget."

"Yes, uniquely unforgettable."

Ngumiti si Raegan sakin.  Yung  ngiting hindi naniningkit ang mga mata o labas ang mga pangil. Yung ngiting kay Raegan lang. "Love you."

Ngumiti din ako sakanya. Isang ngiting masaya, kuntento at nagmamahal. "Love you too."









Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon