Chapter 40

78.4K 1.3K 46
                                    

"Tara na nga!" Hinila ko na si Raegan papuntang kotse kasi ang bagal nya kumilos.

"Inaantok pa ako.."

"Kasalanan mo yan, bakit ba kasi alas quatro ka na umuwi kagabi ha?!" Kinailangan ko pa syang isteady sa pagkakatayo kasi muntikan na syang matumba. "Alam mo namang maaga ang biyahe natin pabalik ng Manila?"

Nagkamot lang ng ulo si Raegan. Kagabi kasi yung Winter Solstice party nila, hindi na ako pinasama ni Raegan kasi alam nyang nanliliit ako't andun ang lahat ng miyembro ng Familia Olympia.

"Mahirap maging sikat dito, Gene." Sagot ni Alexa sa likuran namin, nakangisi sya't mukhang lantang gulay si Raegan ngayon. "From eight to midnight nageentertain sya ng mga matatanda, from one to four naman mga next generation na. Di sya makaalis kasi lahat ng mata nasakanya, hahanapin sya kapag nawala sya."

"Bakit ikaw di ka inaantok?" Reklamo ni Raegan sa bestfriend nya, nakaupo na sya sa backseat.

"Unlike you mas maaga akong nakauwi." Ngiti ni Alexa. "Di mo na ako napansing umalis kasi kausap mo sila Violet."

Medyo kinabahan ako na kinausap nya si Violet pero inalala ko nalang na sumuko na si Violet, wala akong dapat ikabahala. Isa pa, kinwento sakin ni Alexa na bumalik na sa panliligaw sakanya sila Dan at Leah kaya alam kong hindi lang si Violet ang kasama ni Raegan sa paguusap na iyon, hindi basta basta aalis sa tabi ni Violet ang mga manliligaw nya.

"Andaya mo naman eh! Bestfriend kita, dapat palagi mo akong sinasamahan!" Reklamo pa ulit ni Raegan.

"Sinasamahan kita hangga't kaya ko. Like on this case, dito kami magpapasko sa Quezon at ikaw sa Manila. Di ako pwedeng tumakas kaya bahala na kayong dalawa jan." Paalam ni Alexa. "Sige na, umalis na kayo't baka matempt akong sumama pabalik."

Natawa nalang kami ni Raegan. "Bye Alexa."

Sumakay na ako ng kotse at umalis na kami.

"Bakit dito sya magpapasko?" Tanong ko kay Raegan habang papalabas na kami ng compound.

"Dito talaga sila nagcecelebrate ng Christmas." Sagot naman ni Raegan. "Kami din dati, dito nagcecelebrate."

"Eh ngayon? Ba't sa Manila ka na magkiChristmas?"

"May papers pa akong tatapusin sa airlines. Christmas season, madaming umuuwi, madaming pasahero."

"Magtratrabaho ka?!"

"Bakit hindi?"

Tiningnan ko lang sya. "Seryoso ka?"

"Genesis, ikaw lang naman ang makakasama ko this Christmas and you should spend it with your family."

Napabuntong hininga ako. Eto nanaman kasi sya, porke't wala na syang pamilya kinakaawaan nanaman nya ang sarili nya. Napangiti ako nang may naisip.

"Raegan?"

"HHmmm?" Busy sya sa pagtingin sa labas ng bintana.

"Samin ka na magpasko."

Bigla syang napatingin sakin. "Ha?"

"Seryoso ako, samin ka na magpasko." Napangiti narin ako kasi nakita kong sumulyap samin si Manong Elmer mula sa harapan at ngumiti din.

Lumapit ako sakanya para may ibulong. "Pakisabi na din kina Rae at Gan na pagbigyan ka sa 25 at wag lumabas."

Di makapaniwala si Raegan na inimbitahan ko sya sa bahay this Christmas, napaisip tuloy ako kung ayos lang kay mama yun. Mabait naman sya eh, ayos lang siguro? Ipapaalam ko nalang mamaya pagkauwi namin.

"Wag ka nang umangal, nagplaplano na ako." Sabi ko sakanya.

Ngumiti na sya sa wakas. "Sige."

Umayos na din sya ng upo para makatulog ng maayos. At dahil si Raegan ang pinaguusapan natin, hinila na nya ako para sumandal sakanya, ganyan sya eh.

Kaya ayun, natulog nalang kami hanggang sa nagising ako kasi tumigil yung kotse.

"Asan na tayo?" Tanong ko nang mapansing wala pa kami sa Manila.

"SLEX, naiihi ako eh." Sagot ni Raegan. "Ikaw? MagsiCR ka?"

"Sama!" Sumunod na ako sakanya sa labas.

Tumigil pala kami sa isang gas station sa SLEX. Tanghali na at mainit ang sikat ng araw, para kaming sinusunog sa ilang segundong paglalakad namin sa arawan.

Pagkatapos namin magCR ay dumaan si Raegan sa convenience store, nagcrave kasi bigla sa bubblegum.

"Tell me something--" Biglang bumagsak yung ulo ni Raegan at pagangat nya ay nagiba na ang aura nya. "Pwede bang ngayon ako lumabas since bawal pala sa Christmas?"

Tiningnan ko lang sya habang nakangisi sya sakin. Ayan nanaman yung pangil nya!

"Miss me, Beltran?" Pangaasar ni Gan at sumubo ng isang stick ng Doublemint. "Kasi ako, namiss kita." Sabay kindat.

Lumayo ako sakanya, nakakakilabot kasi yung kindat nya. "Umayos ka Gan."

"Uhh, miss Luces?" Biglang may tatlong babae na lumapit samin. Yung isa'y nakagreen at may pagkachubby. Yung pangalawa, naka white at nakasalamin. Yung huli'y naka-gray at may kagandahan.

"Raegan nalang." Nagpacute pa ang loko sa fans ni Raegan. Yung tatlong babae nama'y kilig na kilig.

"Pwede pong magpapicture kasama nyo?" Lakas loob na tanong ni ateng nakasalamin.

"Sure!" Matamis ang ngiti ni Gan na for some reasons ay litaw na litaw ang pangil.

Nilabas nila yung cellphone nila. Inabot ko na at ako na ang nagpicture para di na sila mahirapan.

Mukhang satisfied na sila sa mga pictures nila kaya aalis na dapat kami nang tinawag si Gan ni ateng maganda.

"Pwede pong magpicture na tayong dalawa lang?" Tanong nya.

Lumapit si Gan sakin at bumulong. "Watch me." Saka sya lumapit kay ate.

Medyo nanigas ako sa kinatatayuan ko nang kinuha ni Gan yung cellphone ni ate at pumwesto sa likuran nya. Niyakap nya si girl at hinalikan sa pisngi habang nagseselfie.

"Salamat ahh! Una na kami!" Kindat ni Gan sa tatlong babaeng hindi makapaniwala sa nangyari. Inakbayan nya ako't hinila na papunta sa kotse.

"Ayos ba?" Tawa ni Gan. "Magtetrending nanaman si Raegan nyan!"

Lumingon sya at saka bumulong sakin. "Correction, trending nanaman kayo!"

Napatingin ako sakanya sabay lingon kung saan nakita kong pinipicturan pala kami ng tatlong babae!

"Gan!" Napalayo ako sakanya sabay hampas sa braso nya. "Ano bang problema mo ha?!"

Nako po! Matatadtad nanaman kami sa social networks!

"Gan naman eh!" Reklamo ko ulit sakanya. "Bakit ba gustong gusto mong pinapahirapan kami ni Raegan?!"

"Di ko kayo pinahihirapan, pinapadali ko buhay nyo." Seryoso nyang sagot at saka sumakay na sa kotse.

Napailing nalang ako't sumakay na rin.

Parang saglit lang ang biyahe namin kasi maya maya'y nasa tapat na kami ng bahay ko sa Taguig. Bumaba na ako't iniabot na sakin ni Manong Elmer yung bag ko.

"Wala man lang goodbye kiss?" Pahabol ni Gan.

"WALA!" Halos isara ko yung pintuan ng bahay sa mukha nya.

"Bye!" Sigaw ni Gan mula sa labas. Napailing nalang ako't binuksan ulit yung pintuan.

"Pumasok ka na dito kung ayaw mong masapok kita!" Pagbabanta ko. "Baka anong gawin mo habang nasa labas. Dito ka muna!"

"Ay ganun?" Natatawa si Gan pero pumasok na din ng bahay. Lumabas muna ako saglit at pinauwi muna si Manong Elmer, parang matatagalan kasi sa labas si Gan kaya ang sabi ko tatawagan nalang kapag magpapasundo na.

"Oy! Ang cute mo pala nung bata ka!" Turo ni Gan sa kinder Graduation picture ko. Tinitingnan nya yung mga picture namin na nakasabit sa pader.

Di ko nalang sya pinansin at dumiretso nalang ako sa kitchen. Hindi pa kasi kami naglalunch at ang text ni mama, nagiwan sya ng pagkain para samin.

"Halika na dito! Kain na tayo." Tawag ko kay Gan pagkakita ng ulam sa table.

"May tissue ka?" Tanong nya sabay palobo ng bubblegum sa bibig.

Inabot ko sakanya yung tissue box sa gilid. Kumuha sya dun at tinapon yung bubblegum nya. Naghain na ako ng pinggan.

"Matanong ko lang, mahal mo naman si Raegan, bakit di mo pa sya sagutin?" Tanong bigla ni Gan habang kumakain kami.

"Wala ka nang pakialam dun."

"Papakipot ka pa.." Mahina nyang sabi, "dun din naman papunta."

Di ko nalang sya pinansin.

"Nga pala, bakit sabi ni Raegan never ka pa nagkaboyfriend?" Patuloy na pagtatanong ni Gan.

"Studies first."

"Weh? Di nga?" Sabi nya. "Baka naman walang nanliligaw sayo dati?"

Di ko nalang sya sinagot kasi alam kong mangaasar lang sya.

"Oy, kinakausap kaya kita!" Reklamo nya nang tumayo ako't nilagay na sa lababo yung kinainan ko. "Kaya siguro walang nanligaw sayo before kasi ang sungit sungit mo!"

"Pwede ba Gan? Manahimik ka nalang!" Naiirita kong sagot sakanya.

Tumayo sya at lumapit sakin. "Tell me, Beltran, si Raegan lang ba ang may mapait na nakaraan?"

Napaatras ako. "Ako? Wala noh!"

Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kinabahan sakanya. Parang sa isang iglap lang ay nagiba yung atmosphere ng paligid at nabalot ito ng tensyon.

Patuloy lang sya sa paglapit sakin at ang pagatras ko hanggang sa tumama yung puwetan ko sa kitchen counter. "Eh ba't parang natatakot ka?"

Umiwas ako ng tingin.

"All this time si Raegan ang focus nyo, pero kahit minsan ba binigyan pansin mo yang sarili mo?" Tanong ni Gan. "It's just one simple question, Beltran, bakit never ka pa nagkaboyfriend?"

Umiling ako. "Lumayo ka sakin, Gan." Utos ko kasi nadarama ko sa ulunan ko ang mainit na hininga nya. Nakapikit man ako, alam kong nasa tapat ko lang sya.

"Sagutin mo yung tanong."

Bumuntong hininga ako. Hindi nya ako titigilan hangga't di ako sasagot kaya hinarap ko na sya. Kahit natatakot ako sa aura nya, tinitigan ko yung brown na mga mata ni Raegan na for some reason ay dumidilim sa tuwing lumalabas si Gan. "Kasi ayoko pa."

Ngumisi si Gan at hinawi yung bangs ko. "Sige, sabi mo eh." Umatras na sya pero hindi parin nawawala sa bibig nya yung nakakatakot na ngising yun.

Tumambay lang si Gan sa sala habang hinuhugasan ko yung pinagkainan namin, paglabas ko natutulog na sya sa sofa.

"Bakit ba kasi sobrang komplikado mo?" Bulong ko habang pinagmamasdan sya.

Kinuha ko nalang muna yung bag ko at dinala yun sa kwarto. Paglabas ko ulit sa sala na may dalang unan ay andun na si mama.

Sumenyas sya sakin na sa kitchen lang sya kaya ipinatong ko nalang yung unan sa tabi ni Raegan at sumunod sakanya dun.

"Hello po." Nagmano ako sakanya.

"Kamusta yung byahe nyo?"

"Ayos naman po." Sagot ko. Umupo ako sa table habang si mama'y kumuha ng tubig sa ref.

"Pagod na pagod si Raegan." Sabi ni mama at naupo sa tapat ko.

"Napuyat po kagabi, may party syang pinuntahan eh."

Tiningnan lang ako ni mama. "Ayos ka lang?"

Umiling ako. "Lumabas po si Gan kanina."

Hindi nagsalita si mama para magpatuloy lang ako sa kwento. Nginitian ko sya kasi hindi sya nagbabago, palagi nya akong pinakikinggan.

"Nakakatakot sya. There's something about her na ikinababahala ko. Bakit kapag lumalabas sya nagiiba yung atmosphere ng kwarto? Bakit kapag tumitingin sya sakin, ngumingiti sya at lumalabas yung pangil nya pakiramdam ko kakainin nya ako?"

Bumuntong hininga si mama at inabot ang kamay ko. "Kasi sya ang nabuo ng utak ni Raegan dahil sa mga takot nya. Kaya ganyan si Gan kasi matapang sya masyado. Kasi kapag hindi kaya ni Raegan, sya ang anjan para harapin ang mga takot nya."

Tiningnan ko lang si mama at inalala nanaman yung first time na lumabas si Gan.

"Masyado syang nakakaintimidate, pero kapag pinagaralan mo yung personality nya malalaman mong ganun talaga sya."

"Genesis?" Biglang dumating si Raegan na ikinagulat ko. "Ay sorry, anjan na po pala kayo doktora."

"Ayos lang yun Raegan, inaantok ka pa? Napuyat ka daw. Matulog ka muna." Sabi ni mama sakanya.

Umiling si Raegan. "Ayos lang po doktora. Uhh, nakakaabala po ba ako sa paguusap nyo? Parang seryoso eh."

"Hindi naman, dito ka muna!" Tawag ko sakanya. "Ma, may itatanong lang po ako sainyo."

"Ano yun?"

"Pwedeng dito po mapasko si Raegan?"






- - - - - - - - - - - -





"Raegan, dito!" Tawag ko sakanya.

Inilapag ni Raegan yung bowl ng menudo sa lamesa at saka tumingin sa paligid. "Daming bisita, kamag anak nyo talaga lahat 'to?"

"Baliw ka, syempre hindi! Yung iba kaibigan ni mama." Natatawa ako sakanya. "Parang yung Familia mo hindi madami ahh!"

Pasko na kasi at katulad ng napagusapan, dito magceCelebrate si Raegan. Pumayag si mama kasi naiintindihan nya na walang makakasama si Raegan.
Natawa nalang kami ni Raegan nang lumapit sakin ang mga pinsan kong si Jellane, Ken at Kier.

"Ate Gene! Laro tayo!" Yaya ni Jellane sakin.

"Shino ka?" Inosenteng tanong naman ni Kier kay Raegan.

Natawa si Raegan at lumuhod para magkapantay sila ng batang si Kier. "Raegan ang pangalan ko." Ngiti nya sa mga maliliit kong pinsan.

"Raegan? Parang laser gun?" Tanong naman ni Ken.

Natawa kami ni Raegan. Ganun na ganun kasi yung reaksyon ko noong una ko syang nakilala.

"Parang ganun na nga." Sagot ni Raegan.

"Ang ganda ng eyes mo." Turo ni Jellane sa mga brown na mata ni Raegan. "Bakit ganyan?"

Lumuhod narin ako para makapantay sila. "Ganyan talaga yan, Jellane."

"Gusto ko rin ng ganun ate Gene!" Sabi ni Jellane.

Natawa nalang kami, ang inosente kasi nila. Si Ken kasi ay six years old palang, si Jellane, four at si Kier ay two years old palang.

"Gene! San ang mama mo?" Biglang may tumawag sakin.

"Tito Ramir!" Nagmano ako sakanya. "Si mama po? Anjan lang po sya kanina eh, kausap si tita April."

"Daddy daddy! Ang ganda ng eyes nya oh!" Tawag pansin ni Jellane kay tito Ramir sabay turo kay Raegan.

Tumayo si Raegan at dahil magkaheight sila ni tito Ramir, halata kay tito ang pagkagulat.

"Hello po." Bati ni Raegan.

"Ang tangkad mo, hija." Natatawang sabi ni tito Ramir. "Akala ko kaheight mo lang si Gene!"

"Tito Ramir, si Raegan po, kaibigan ko." Pakilala ko. "Raegan, si tito Ramir, kapatid ni mama."

"Raegan Luces po, sir." Inabot ni Raegan yung kamay nya.

"Raegan Luces ba kamo? Yung tennis player?" Tanong ni tito na parang hindi makapaniwala't napatingin pa sakin for confirmation.

"Opo." Nahihiyang napakamot ng ulo si Raegan.

"Ayos ah!" Masayang shinake ni tito yung kamay ni Raegan. "Ina! Halika dito!" Tinawag nya pa si tita Cristy na dali dali namang lumapit.

"Bakit?"

"Si Raegan Luces oh! Yung tennis player ng La Salle!" Pakilala ni tito.

"Hello po." Nahihiya na si Raegan.

"Aba, oo nga!" Pansin ni tita kay Raegan. "Hello!"

"Tita, si Raegan po, kaibigan ko. Dito po sya magpapasko." Pakilala ko kasi natatawa na ako sa pagkahiya ni Raegan. "Raegan, si Tita Cristy."

"Nice to meet you po." Bati ni Raegan.

"Ate Gene, ate Gene!" Hila ni Ken sa laylayan ng damit ko. "Pwedeng pahingi nung hotdog?" Turo nya dun sa nakatuhog na hotdog na may mga marshmallows.

"Ako din, ako din!" Dagdag ni Jellane.

Ngumiti ako't kinuha silang dalawa ng hotdog.

"Anong course ba kinukuha mo?" Narinig kong tanong ni tito Ramir kay Raegan.

"Engineering po."

"Civil?"

"Ay hindi po! ECE po ako, electronics and communications engineering." Pagtatama ni Raegan. "Wait lang po."

Tumabi sya sakin at ngumiti sabay abot din ng hotdog. Napangiti ako kasi bigla syang nagutom pero noong inaakala kong kakagatin na nya yung marshmallow sa dulo ng hotdog stick ay lumuhod sya para iabot yun kay Kier na tahimik na nakakapit sa binti ni tito Ramir.

"Eto oh." Sabi ni Raegan kay Kier. "Next time lalaksan mo, bingi na si ate Gene eh."

Tiningnan ko lang si Raegan. Ngayon ko nalang kasi ulit narinig na tinawag nya akong Gene matapos nyang malaman na Genesis ang totoo kong pangalan.

Natawa sila tito Ramir at tita Cristy.

"Sige na Raegan, Gene, di na namin kayo aabalahin." Sabi ni tito Ramir. "Kami na ang maghahanap kay mama mo."

"Sige po." Tugon ko.

"Nice meeting you po. Merry Christmas!" Sabi naman ni Raegan.

Tumakbo na papalayo ang mga maliliit kong pinsan at dumiretso na sila tito Ramir sa direksyon ni mama sa may sala.

"Ang cute nila ahh." Sabi ni Raegan habang pinapanuod na tumakbo si Jellane.

"Nanghingi rin ba si Kier?" Tanong ko. "Kasi hindi ko talaga sya narinig."

"Di mo talaga maririnig." Kumuha ulit si Raegan ng hotdog at inabutan ako ng isa. "Bumulong lang sya eh."

"Eh pano mo narinig?"

"Nakita ko kasi sya." Kibit balikat ni Raegan. "Thank you nga pala at pinakilala mo ako sa tito't tita mo."

"Bakit naman di kita ipapakilala?"

"Wala lang." Kibit balikat pa uli nya.

Napansin ko kung gaano kasaya si Raegan kaya hinila ko sya't pinakilala pa sa iba naming kamag anak. Hindi katulad nya na may probinsya, dito na talaga ang pamilya namin sa Taguig kaya tuwing Pasko ay nagsisibisitahan kami sa isa't isa.

Pinakilala ko si Raegan sa mga lolo't lola ko, mga pinsan ni mama at sa iba ko pang mga pinsan. At sa bawat kamag anak ay halata ang saya sa mukha nya.

Yung mga kamag anak ko naman natutuwa din sakanya kasi ang sabi nila, matangkad sya, maganda, mayaman, magaling, sikat at kung ano ano pa kaya ayun, medyo nahiya din si Raegan.

"Sige na Maya, una na kami!" Pamamaalam nila tito Ramir. "Merry Christmas ulit sainyo, maraming salamat!"

Nagsisiuwian na kasi ang mga bisita.

"Bakit Maya?" Tanong ni Raegan sakin.

"Isabelle Maya Beltran kasi si mama. Di nya lang ginagamit yung Maya kasi pampahaba pa daw." Sagot ko naman.

"Eh bakit di nalang Maya gamitin nya kung nahahabaan sya sa pangalan nya?"

"Mas maganda pakinggan yung Isabelle kesa Maya." Sagot ni mama. Sinara na nya yung pintuan. "Tara na, tulungan nyo ako dun sa table."

Sumunod kami sakanya sa hapag kainan kung saan meron pang natitirang ilang handa.

"Kumain na kayo?" Tanong ni mama. "Kuha pa kayo oh.."

"Pahingi ako nung spaghetti, nagugutom pa ako." Sabi ni Raegan.

"Ako din." Sabat ko. Kumuha kami ni Raegan ng pinggan at saka kumuha ng spaghetti. May natitira pang lumpiang shanghai kaya kumuha din ako nun. Sa sala na kami tumambay ni Raegan. Si mama naman inilipat nalang sa ibang lalagyan yung mga tirang pagkain.

"Sarap pala magluto si doktora." Sabi ni Raegan.

"San pa 'ko magmamana kung hindi sakanya?" Tawa ko kasi may sauce sya sa baba.

"Bakit?"

Kumuha ako ng tissue at pinunasan yung baba nya. "Halatang gutom ka."

"Ehh, hindi ako makakain ng maayos kanina eh." Angal ni Raegan at kinuha sakin yung tissue para punasan pa ulit yung baba nya at yung gilid ng bibig nya. "Maya't maya may kausap tayo."

"Tuwang tuwa ka naman." Sabi ko.

Ngumiti si Raegan. "Nakakakilig kasi ehh, pinapakilala mo na ako sa pamilya mo."

"Baliw!" Hampas ko sa braso nya. Tinawanan nya lang ako. Kaya pala tuwang tuwa sya, iba na ang iniisip!

"Pero seryoso, thank you talaga't ininvite mo ako dito." Seryoso nyang sabi sakin. "Nagplaplano na din kasi akong sa office magChristmas eh."

"Ano ka ba! Palagi ka namang welcome dito sa bahay namin eh!"

Hinawakan nya yung kamay ko at nginitian ako. Parang naaakit nanaman ako sa mga mata nya nang may maalala sya.

"May regalo pa nga pala ako sainyo!"

"Ha?"

Tumayo si Raegan. "Wait lang, nasa bag ko kasi yun." Pumunta sya sa kitchen para iwan dun yung plato nya saka sya dumiretso sa kwarto ko. Dun kasi namin nilagay yung gamit nya. Naisipan ko kasing dito na sya patulugin since magisa sya sa bahay nila ngayon.

Pumunta narin ako sa kitchen para hugasan yung pinagkainan namin, baka sabihin ni mama hindi ako tumutulong.

"Genesis, halika muna dito." Tawag ni Raegan. May hawak syang dalawang nakabalot na regalo. Yung isa'y may kalakihan na parang kasing laki ng microwave at yung isa naman ay parang makapal na textbook ang size.

"Doktora, para sayo. Hindi ko kasi alam kung anong ibibigay sayo eh." Inabot ni Raegan yung textbook sized gift kay mama.

"Nako, Raegan! Nagabala ka pa!" Tanggap ni mama. "Yung regalo mo andun sa ilalim ng Christmas tree, katabi nung kay Genesis."

Ngumiti si Raegan. "Thanks, doktora." Bumaling naman sya sakin. "Genesis?"

Pinunasan ko na muna yung basang kamay ko at lumapit sakanya.

"Sana magustuhan mo." Inabot nya sakin yung regalo.

"Ano 'to?" Tanong ko sakanya. Magaan kasi yung regalo kahit na may kalakihan.

"Why don't you open it?"

"Now na?"

"Oo naman." Tungo nya. "Ikaw din doktora."

Inilapag ko yung regalo sa table at pinunit yung pambalot. Pagkabukas ko nung box sa loob ay napatingin ako kay Raegan.

"It's not really that great but I costumized him for you." Sabi ni Raegan.

Kinuha ko yung brown stuffed toy sa loob at tiningnan mabuti. Bear sya at kulay light brown ang balahibo nya. Nakasuot sya ng pilot outfit, complete with the name tag at cap.

"Captain Barry?"

"Yeah well, umm, alam mo naman ako, di magaling sa pangalan. Nung tinanong nila ako kung anong ilalagay sa birth certificate nya--"

"May birth certificate sya?" Ulit ko.

"Anjan sa box."

Tiningnan ko ulit yung loob ng box at nakitang may sobre dun sa loob.

"San mo nakuha yung Barry?" Tanong ko habang pinagmamasdan yung bear.

"Yun yung unang pangalan na nagsisimula sa 'B' na naisip ko." Napakamot ng ulo si Raegan.

Natawa nalang ako. Ang cute kasi ng Captain Barry, bagay na bagay dun sa bear.

"Ayos ba?" Tanong ni Raegan.

"I love it, thank you!" Niyakap ko sya.

"Jusko po Raegan! Hindi ko matatanggap 'to!" Biglang sabi ni mama.

Napatingin kaming dalawa ni Raegan sakanya. Halata ang gulat sa mukha nya at sa kamay nya ay hawak nya ang isang puting box.

"C'mon doktora. Take it, madami na din po kasi kayong naitulong sakin." Sabi ni Raegan.

"Pero iPad?! Raegan, ang mahal nito!"

"At mahal ko rin sya kaya patas lang diba?" Tawa ni Raegan pagkatapos ako ituro.

"Baliw." Sabi ko sakanya.

Tiningnan lang sya ni mama at nakangiting napailing. "Loko kang bata ka."

Tumawa si Raegan. "Tanggapin nyo na doktora. Makakatulong din yan sainyo, sa clinic."

Pinagisipan yun ni mama at napabuntong hininga, "Halika nga dito!" Lumapit si Raegan at niyakap sya ni mama. "Ikaw, umayos ka kung gusto mong sagutin ka ni Genesis!"

"MAMA!"

Tumawa lang silang dalawa.

"Sige na, kunin nyo na yung regalo nyo dun sa Christmas tree." Sabi ni mama. "Ako nang bahala dito. Thank you ulit Raegan."

Kinuha na ni Raegan yung box ni Captain Barry at pumunta na kaming sala. Mula sa ilalim ng Christmas tree ay kinuha ko yung regalo ni mama para samin at pati na rin yung regalo ko kay Raegan.

"Eto oh. Merry Christmas." Nakangiti kong inabot kay Raegan yung dalawang regalo nya.

Naupo lang kami sa sahig katabi ng Christmas tree. Feel ko kasi sa sahig umupo ngayon, di naman ako hinayaan ni Raegan kasi naupo sya sa tapat ko.

Binuksan ko yung regalo sakin ni mama.

"Blazer." Kinuha ko yung black blezer at sinukat. Saktong sakto. Napangiti nalang ako kasi maganda sya. "THANKS MA!" Sigaw ko sa kitchen.

"WELCOME!" Sagot ni mama.

Binuksan narin ni Raegan yung regalo sakanya ni mama.

"Wow, costumized mug." Sabi ni Raegan at pinakita sakin yung mug na may nakasulat na RAEGAN.

Natawa ako. "Try mong lagyan ng mainit na tubig, matatawa ka."

"Bakit? Magic mug ba 'to?"

"Oo."

"Anong nakalagay?"

Umiling ako. Maganda kasi yung naisip na regalo ni mama. "Punta ka sa kitchen, lagyan mo ng mainit na tubig."

"Eto na." Dumating si mama dala dala yung thermos.

"Thanks doktora." Sabi ni Raegan at kinuha yung thermos.

Natatawang bumalik ng kitchen si mama. Pinigilan ko narin lang wag matawa kasi halatang curious si Raegan.

Nilagyan na ni Raegan ng mainit na tubig yung mug at hinintay na may mangyari. Matapos ang ilang segundo ay nagiba yung kulay ng mug, naging itim ito.

RAE   GAN

"Napalakas yung tawa ko." Naghiwalay kasi yung Raegan na nakasulat sa mug kanina.

"DOKTORA NAMAN EH!" Sigaw ni Raegan sa direksyon ng kitchen.

"MERRY CHRISTMAS DIN SAYO!" Sigaw ni mama dun.

Natawa nalang si Raegan sa joke ni mama. Pinagisipan kasi masyado.

"Buksan mo na yung gift ko!" Excited kong sabi nang ibinaba na nya yung mug.

"Excited much?" Tawa ni Raegan. "Save the best for last diba?"

"Basta buksan mo nalang."

"Oo na." Kinuha na ni Raegan yung regalo ko at pinunit yung pambalot.

"Di nga?" Tanong nya sakin at kinuha yung silver pen sa lalagyan nito. "Parker pen?"

"Para kapag nagsusulat ka or pumipirma ng document magagamit mo sya." Ngiti ko. "Wag ka, pina-engrave ko din pangalan mo jan!"

"Oo nga, kita ko dito." Ngiti ni Raegan. "Thanks, Genesis. I love it."

"You're welcome. Nagustuhan ko din naman si Captain Barry eh." Niyakap yakap ko pa yung stuff toy para ipakita sakanyang nagustuhan ko yung regalo nya.

"Merry Christmas, Genesis."

"Merry Christmas, Raegan."

Kinagabihan, naabutan kong tahimik na nakaupo si Raegan sa kama ko pagkabalik ko galing CR.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Ha? Yeah, I'm fine." Napalingon sya sakin. "Just thinking."

"Anong iniisip mo?" Naupo ako sa tabi nya. Seryoso kasi sya ngayon.

"Sila...First Christmas ko kasi 'to without them." Malungkot ang boses nya.

Hinawakan ko yung kamay nya at ngumiti. "Wag kang ganyan. Siguro nga first Christmas mo 'to without them, pero first Christmas mo din 'to with me diba? Smile ka na please?"

Napangiti ko na sa wakas si Raegan. "Thanks, Genesis. Sorry, ang drama ko."

"Ayos lang yan, tulog na tayo?" Aya ko, inaantok na kasi ako.

Nahiga na kami pareho at as usual, pinaunan ako ni Raegan sa braso nya.

"Goodnight." Hikab ko.

"Goodnight." Halik nya sa noo ko.

Napangiti nalang ako kasi ang saya ng araw na 'to.

Thank you for reading, voting and commenting!
Keep on supporting Split Genius!

Countdown to the end.

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon