Chapter 9

83.1K 1.4K 68
                                    

“Genesis naman eh! Wag na nga!”

“Mam, ako na po!”

“Alam nyo kasama sa usapan namin ni Raegan na ako ang maglilinis, Manang Fe, ako na pong bahala dito.” Sabi ko sa dalawa na kanina pa ako pinipigilang maghugas ng pinagkainan namin.

“Sige na manang, hayaan nyo na sya.” Pagsuko ni Raegan.

“Balik nalang po ako bukas,” Sabi naman ni Manang Fe.

“Sige po, salamat.”

Umalis na si Manang Fe at ipinagpatuloy ko ang paghuhugas.

“Computer lang ako,” Sabi ni Raegan.

“Ba’t kailangan pang magpaalam?” Tanong ko, nilingon ko nalang sya.

“Wala lang, antahimik eh,” Sagot ni Raegan.

Umupo na sya dun sa tapat ng computer station nya. Ipinagpatuloy ko nalang yung paghuhugas pati yung kawali’t kaldero na ginamit kanina sa pagluluto. Natagalan ako kasi nanigas na yung ulam dun sa kawali.

“Arf,” Tawag ni Azula.

“May kailangan ka?” Tanong ko dun sa aso.

“Arf,” Sagot ni Azula, ngumuso sya sa direksyon ni Raegan.

“Mamaya na, may ginagawa pa ako.” Sabi ko dun kay Azula. Naupo nalang sya sa tabi ng binti ko.

Pagkatapos kong banlawan lahat at maghugas ng kamay ay hinila ni Azula yung tali ng tsinelas ko, pilit na kinukuha yung atensyon ko.

“Sige na, sige na.” Sabi ko.

Pumunta si Azula kay Raegan at sumunod na lang ako.

“Raegan?” Mahinang tawag ko.

Hindi sya lumingon, nakaconcentrate masyado sa binabasa nya sa monitor. Umupo si Azula katabi ng kanang binti ni Raegan, pero hindi dumidikit.

Sinilip ko yung mukha ni Raegan at napasinghap sa nakita ko.

Dalawang buwan na kaming magkakilala ni Raegan pero ngayon ko palang talaga sya natitigan ng mabuti. Madalas kasi naiilang ako sa mga magaganda nyang mata. Pero ngayon, pagkakataon ko nang tingnan sya kasi mahimbing na natutulog si Raegan.

Minsan hindi ako makapaniwalang totoo sya, kulang nalang kasi magkapakpak sya matatawag mo nang anghel. Ang hahaba ng mga pilik mata nya, matangos ang ilong. Ang kilay nyang—well, kilay. Hindi ko alam kung pano idedescribe eh. Basta ang ganda nya. Walang kamarka-marka ang mukha nya. Nagkapimple na kaya to kahit isa? AHAHAHAHA

Ngayon ko rin lang narealize na never ko pa nakitang magmake up tong si Raegan. Natural na natural ang beauty nya. Siguro pulbo lang? Hindi kasi sya oily eh.

Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa mapupula nyang labi na tila inaakit ako. Malambot kaya yun? Ano kayang feeling ng mahalikan nya?

“ARFF!”

Nagising bigla si Raegan at agad na inikot ang tingin sa paligid. Halatang nagulat sya dahil napahawak sya sa puso nya. Malamang mabilis ang tibok nun.

“May..kailangan…ka?” Pilit nyang sinabi, nakayuko.

“Ha?” Wait, oh my gods, ano nga ba?! “W-wala.”

Ibinaling ko ang tingin ko sa asong si Azula na parang nakangiti pa sakin, yung dila nya nakalabas. Pakiramdam ko tuloy napagtripan ako nung aso. Kainis.

“Ayos ka lang?” Dagdag ko dahil nakayuko parin sya.

Huminga ng malalim si Raegan at nginitian ako, “Nanaginip lang ako.”

Split GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon