Chapter 6

1.1M 45.5K 22.4K
                                    

Love Triangle

Jay-jay's POV

Niloloko ata akong nitong lalaki na to. Nakarating na kami sa school at hindi pa rin natatapos ang kwento nya kung bakit Ci-N ang pangalan nya.

Hindi talaga ako nakikinig kaya wala akong naintindihan. Ang haba ng kwento nya. Bigyan ko kaya ng papel, ballpen at sobre to para ipadala nalang nya kay Ate Charo yung istorya nya. Hindi ko namalayan kung nasan na kami dahil sa haba ng kwento nya. Hindi ko nga sure kung may saysay pa yung mga detalye ng kwento nya.

"Kaya ayun... Ci-N nalang daw." Pagtatapos nya.

Sa wakas!

"Wow... Ang galing naman ng kwento mo." Binigyan ko sya ng plastic na ngiti.

Sana lang hindi nya maramdaman na sarcastic yung pagkaka-sabi ko nun.

Pero mukang hindi naman, ngumiti na naman kasi sya. Para syang bata kapag ngumingiti. Madaldal din, para'ng hindi nauubusan ng kwento.

"Pwede ba kong maghingi sayo ng favor?"

Tinignan ko lang sya at hinintay yung sasabihin nya.

"Pwede mo ba kong ibili ng pagkain sa cafeteria mamayang lunch?"

Ayun! Naalala ko na yung gusto ko itanung kay Kuya Angelo kanina. Buti nalang pala nakasabay ko tong moko'ng na to, sa kanya ko na rin itatanung yun.

"Bakit ba hindi kayo makapunta sa cafeteria?"

Ngumiti na naman sya sakin. "Wala lang... Tinatamad lang kami."

Saksakin ko kaya gilagid nito. Tignan ko kung makangiti pa sya.

"Tsk! Bahala ka! Hindi kita ibibili mamaya!" Inis na sabi ko. Binilisan ko yung lakad ko para maiwan sya pero hinabol pa rin ako.

"T-teka..." Tinignan ko sya. "...Kapag sinabi ko sayo, wag mo sabihin kila Keifer na sakin ng galing ah?"

"Oo.. Promise, hope you die." Sabi ko habang nakataas ang kanang kamay.

"Hope TO die yon eh.." paglilinaw nya kabang nagkakamot ng ulo.

May kuto siguro to?

"Oo! basta yun."

"Hindi naman sa hindi kami makapunta... Pwede naman talaga kaming pumunta, pinagbawalan lang kami ng grupo ni Keifer at Yuri."

Taka ko sya'ng tinignan. "Sabi sakin bawal daw kayo don.."

"Bawal nga! Binawalan nga kami NILA..."

Tinignan ko sya ng masama. Nakakainis din kausap to eh.

"Oh bakit kayo binawalan nila Keifer at Yuri?"

Tumingin muna sya sa paligid. Malapit na kami sa building namin kaya wala ng masyadong student. Section E lang ata kasi yung nagr-room sa area na to.

Ng masiguro nyang wala ng istudyante sa malapit, dun lang sya nagsalita.

"Dahil sa babae... May naging classmate din kasi kaming babae bago ikaw. Mas matagal sya sa Section namin kumpara sa mga nauna. Naging sila ni Keifer, ang tsismis ginamit lang nya si Keifer para makarating sa higher Section kahit lagpas na sya ng periodical exam."

Parang lalo akong naguluhan. Ang dami nyang kwento ang layo naman sa tinatanung ko. Babae? Hindi kaya yung Ella Dianne yun?

"Teka! Kala ko ba teacher ang tutulong sa paglipat sa student? Kaya nga pinapapili ako ni Ma'am Zaragosa ng Section eh."

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon