Chapter 18

1M 40.2K 21.5K
                                    

Win or Lose

Yuri's POV

Ang alam ko sa babae ayaw or takot sa gulo ng mga lalaki. Pero etong babae na to parang nag-eenjoy pa sa nakikita. May pahampas-hampas pa sa lamesa.

"KALIWAIN MO!" Sigaw nya.

Kaliwain? What kind of word is that? Ang lakas din ng bunganga nya. Nakakarindi! Sakit sa tenga!

"WAG KA PAPATALO! ANU BA?!"

What the... Daig pa nya yung trainer ng isang boxer.

"HOY! WAG KANG----AHHH! TUMAYO KA!"

Fvck! Kaka-obserba ko sa kanya nawala sa isip ko yung laban. Bagsak na si David at hindi na makatayo. Dumudugo na rin yung gilid ng mata nya.

Nakatayo pa rin si Keifer pero hirap na sa paghinga. Nangingitim na rin yung gilid ng labi nya.

"DABID!! TUMAYO KA----"

"SHUT UP!!" I shout.

Tinignan nya ko ng masama. Napaka-ingay kasi ng bunganga nya. Nangingibaw sa ingay na ginagawa ng iba.

Tinanguan ko si Kit. Senyales na tapusin na ang laban.

Tumayo ulit sya sa isa sa lamesa. "Simulan na ang bilangan! 10, 9, 8, 7.."

Sinabayan ng buong klase ang bilangan.

"..6, 5, 4, 3, 2, 1! Bagsak si David! Si Keifer ang panalo!"

It's official. Hawak na ni Keifer ang buong Section E. Magagawa na nya ang gusto nya.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

BWISIT! Naiinis ako! Bakit nanalo yung Keifer na yun? May nangyari'ng dayaan!

"Sure ako nandaya yung Keifer na yun." Sabi ko habang nililinis ang sugat ni David.

Wala man lang kasing tumulong sa kanya. Mga balimbing yung suporters nya. Lumipat na kay Keifer nung nanalo sya.

Matapos din ang laban, lumayas silang lahat. Celebration daw! Walang naiwan kay David kaya ako na nagprisinta'ng tulungan sya.

"You don't have to do this..." Sabi nya habang pilit tinatabig yung kamay.

Obvious naman na wala na syang lakas kaya wala rin syang magawa.

"Dapat ikaw yung nanalo..." Sabi ko.

"Argh!" Reklamo nya.

Nadiinan ko kasi yung gilid ng mata nya.

"Sorry..." Sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Kinuha ko yung alcohol sa bag ko at naglagay sa bimpong hawak ko.

"T-teka... M-masakit yan."

"Hindi yan..."

Dimampi ko yung bimpo sa muka nya at para syang nakuryente sa pag-igtad sa kina-uupuan.

"Aw... Fvck!" Sigaw nya.

"Arte nito! Nung nasuntok kaba hindi ka nasaktan?!"

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon