Chapter 23

1M 60.1K 9K
                                    

Cheater

Keifer's POV

"Sino sa tingin mong gumawa nun kay Jay?" Felix ask me.

"Hindi ko alam pero sigurado'ng pakana ni Freya yun."

Obvious naman dahil sya palang naman ang nakakabangga ni Jay-jay. Kung ano-ano kasing pinag-gaga-gawa.

"Makikialam ba tayo?" Yuri suddenly ask.

Ayoko sana pero sa itsura nya kanina, halata ang sobrang pahirap. Babae pa naman sya. Gusto ko rin malaman ang gagawin ni Aries.

"Kung kailangan siguro..."

Hindi sya pumayag na makaligtas si Jay-jay kila Freya pero naapektuhan sya kapag kami ang nananakit dito. Ang bias naman yata nya?

"Anu balak?" Felix ask me again.

"Hintayin muna natin syang magising."

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

"Gano kalakas ang tama?" Tanung sakin ng nurse.

"Sobra po... Nanlambot po kasi ako agad." Sagot ko.

Hindi ko alam kung sinong nagdala sakin dito sa clinic. Agad akong inasikaso nung nurse nang makita nyang gising na ko. Nagpalusot ako sa nangyari sakin. Sabi ko nadapa ako at tumama ang tyan ko sa kanto ng lamesa.

"Sandali lang ah.." paalam nung nurse at umalis muna.

Dahan dahan kong hinipo yung tiyan ko. Grabe! Pakiramdam ko makakalas yung organ ko anu mang oras. Masakit at nanlalambot pa rin ako. Nanginginig din yung mga kamay at binti ko.

Bwisit! Gumanda lang pakiramdam ko, babalikan ko talaga yung mga yun. Mga impakto!

Palibhasa babae ako kaya siguro nila ko pinagtulungan. Tama nga ako nung nakaraan. Taga-sunod ng A ang mga D. Tsk!

Bumukas yun kurtina na nakaharang sa hinihigaan kong kama. Kala ko yung nurse na pero sila Ci-N at David lang pala, kasunod yung Hari ng mga ulupong.

"Okay ka na?" Tanung sakin ni Ci-N.

Nagpilit ako ng ngiti at nag-nod.

"Pwede mo na bang sabihin yung nangyari?" Tanung ni David.

Ayoko sana kasi masama pa rin yung loob ko sa 'Hindi ka kabilang' na yun, kayalang alam kong hindi ako titigilan ng mga to hanga't hindi ako nagsasabi ng totoo.

Tinanaw ko muna yung nurse na kausap ko kanina. Nag-sinungaling ako sa kanya eh, baka mahuli ako kapag narinig nya. Hehe.

"May pumunta'ng tatlong lalaki sa room tapos----"

"Argh! Ginahasa ka nga nila?!" OA na tanung ni Ci-N. Medyo nagulat pa ko pero agad ko syang tinignan ng masama.

"Patapusin mo muna ko Ci. Baka buhay mo tapusin ko!"

Nag-pout naman sya at nanahimik.

"Mensahe daw galing kay Freya... Tapos yun, sinikmuraan na nila ko."

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon