Chapter 24

988K 45.3K 26.6K
                                    

Revenge

Jay-jay's POV

Scanning.....
.
.
.
.
.
Not Found.

Nyeta! Hindi ko sila makita. Bumalik tuloy akong bigo sa room namin. Kainis! Nung isang araw ko pa hinahanap yung mga Section D na bumanat sakin.

Nakaramdam ata ang mga lintik. Hindi nagpapakita sakin. Ready pa naman akong rumesbak.

"San ka galing?" Bungad sakin ni Keifer.

Pakialam mo?!

"Dyan lang." Sagot ko bago umupo.

Buhat kasi nung na-clinic ako dahil sa paninikmura ng Section D, daig pa nya Nanay ko sa pagtatanung kung saan ako galing o kung saan ako pupunta.

Nakonsensya ata! Iniwan kasi nila kong mag-isa nun.

"Next time isama mo si Ci-N kung aalis ka." Dagdag pa nya.

Ayoko nga!

Hindi nga ako kabilang, at laban ko to kaya dapat ako lang. Cross arm akong sumandal. Nakakainis kasi! Dagdag pa yung pagmumuka ni Freya na humaharang sa view ng school tuwing papasok ako.

Ganda eh! Ganda! Gandang ilibing ng buhay!

"Classmate... Wala ba kayong pagkain dyan?" Sigaw nung isang kaklase namin.

Ako meron!

Pero hindi ako magbibigay. Matapos nila kong hindi pansinin tsaka iwanan at sinabihan ng hindi kabilang. Manigas!

Then suddenly, light bulb! 💡

Kumuha ako ng chutchirya sa bag, kita ko ang biglang paglingon ng mga luko sakin. Binuksan ko yun at kumain. Wala naman kaming klase, kaya okay lang.

Kahit hindi ko tignan, ramdam ko ang pananakam nila sa kinakain ko. Biglang lumipat si David sa upuan sa tabi ko. 

Kahit hindi sya nagsasalita, alam kong gusto nyang manghingi.

"Gutcho mo?" Malambing na tanung ko sa kanya habang inaabot ang pagkain.

Hindi sya nagsalita pero kumuha sya. Napaka-seryoso ng muka nya pero halata mong gutom na gutom.

Hindi ba sila kumakain sa mga bahay nila?

Si Ci-N naman ang lumipat sa upuan sa tabi ko rin. Nasa magkabilang side ko na sila ngayon.

"Jay.. penge." Sabi ni Ci-N habang naka-pout. Bata'ng bata ang dating nya! Cute!

Binigyan ko din sya. Tatlo na kaming kumakain. Tatlo na rin kaming tinitignan ng masama ng mga classmate nami'ng patay gutom.

"Tigil nyo nga yan!" Galit na utos ni Yuri. "..Alam nyo nama'ng hindi nagsisikain mga tao dito tapos gagawin nyo yan!"

Mag-poprotesta na sana ako pero bigla kong narinig yun pagtunog ng tyan nya. Lakas ah!

Hehehehe.. *Evil Laugh*

Humarap ako sa kanya at sumubo ng sumubo. Kita ko yung inis nya. Ginaya ko din yung sarap-na-sarap expression nila Felix at Keifer dati.

Isang subject nalang kasi bago mag-lunch. Pero kahit naman lunch time na hindi pa rin sila makakain.

"Hhhmmmm... Sarap diba?" Tanung ko kila David at Ci-N.

Nag-nod lang si David pero si Ci-N ngumiti at pumalakpak.

"Hindi masarap, pero pwede na pang-tawid gutom. Hahahaha."

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon