Chapter 25

1M 41.7K 17.5K
                                    

Revenge 2.0

Jay-jay's POV

"Wala ba kayong klase?!" Tanung samin ng teacher.

Hindi kami makasagot ni Ci-N. Kanina pa kasi tumunog yung bell. Ibig sabihin kanina pa nag-start klase namin.

Haay.. Lagot na talaga!

"They ditch their class." Mayabang na sabi ni Freya.

Tinignan ko sya ng masama. Kala mo kasi kung sino. Coloring book naman ang muka.

Kung saan kami napunta? Sa Section A lang naman. Masama na ang tingin samin nung iba. Isama pa yung tingin nung teacher nila.

Asar naman!

Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero narinig ko na yung mga boses ng mga Section E sa labas ng room.

"Baka pumasok sa mga room."

"Tignan nyo! Dali!"

"Jay... Sa bintana." Bulong sakin ni Ci-N.

Tinignan ko yung bintana malapit sa white board nila. Sliding window yun at bukas na bukas.

Tumango ako kay Ci-N, sign na payag ako'ng doon dumaan.

"Bumalik na kayo sa klase nyo." Sabi ng teacher samin.

Bigla'ng tumakbo si Ci-N papunta sa bintana. Dire-diretso sya'ng tumalon pababa. Nagulat pa yung ibang Section A, kaya napasilip din sila sa bintana.

"Ay!... Anu bang bata ito?!" Sigaw nung teacher.

Tatakbo na rin sana ako para sumunod kay Ci-N. Wala na kong paki kahit nasa second floor kami. Pero bigla nalang ako'ng hinawakan ni Kiko sa braso.

"Tatalon ka rin?! Delikado yang gagawin mo!" May halong pag-aalala sa boses nya.

Ayyieehh... Concern.

"Mas delikado kapag naabutan nila ko!" Sabi ko at tinabig ang kamay nya.

Mabilis akong tumakbo at tumalon din sa bintana. Kayalang sana pala tinignan ko muna kung gano kataas.

Huli na para mag-sisi ako. Bumagsak ako sa damuhan pero ang sakit pa rin ng binti ko dahila sa taas ng pinanggalingan ko.

"Aarghhh..." Sigaw ko habang hinihimas ang binti ko.

"Maya mo na indahin yan! Tara na!" Sigaw ni Ci-N habang pilit ako'ng hinahatak.

Kahit masakit at nahihirapan. Tumayo na rin ako at pilit tumakbo. Sa likod ng gymnasium kami pumunta at kung suswertihin ka nga naman.

Andito yung tatlo'ng Animal na nanikmura sakin. Kaya pala hindi ko sila makita. Dito pala ang tambayan nila.

Humanda kayo sakin!

"Ci.. Bumalik kana sa room." Utos ko.

"Ha? Bakit?"

Kinuha ko yung bag ko sa kanya. "Ako nalang papahabol at umalis kana."

"Pero Jay..."

"Sundin mo nalang ako." Ma-otoridad na utos ko.

Lumakad paalis si Ci-N na may halong pagtataka. Ayoko lang kasi syang madamay pa. Away ko to!

Lumapit ako sa tatlo na bisi'ng busy sa paninigarilyo.

"Umaaano ka di----" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya.

Malakas na suntok ang ibinigay ko. Masakit sa kamao at nakakapanginig pero sulit naman. Dumudugo na yung labi nya.

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now