Chapter 29

980K 42.8K 7.4K
                                    

Guidance

Jay-jay's POV

"🎶Rain rain go away... Come again another day... Little Jay-jay want to play... Rain rain go away..." Kanta ko habang naglalakad.

Umuulan pa rin pero hindi na ganun kalakas. Ambon nalang tapos medyo aaraw na tapos aambon pa rin at medyo uulan ng malalaking patak. Gulo diba?

Pagpasok sa room para'ng namatayan na ewan yung buong Section E. Napaka-seryoso ng mga pagmumuka. Si Ci-N ang unang lumapit sakin.

"Jay... Pinapatawag daw kayo ni Keifer sa Guidance." Seryosong sabi nya sakin.

Kinabahan naman ako bigla. Para kasing napaka-seryoso ng issue. Bakit naman kami ipapa----shit! Baka yung naging away namin sa Section D?!

Hala!

Nakita kong tumayo si Keifer mula sa kina-uupuan at lumapit sakin.

"Tara na, para makabalik agad." Sabi nya at naglakad na paalis.

Bago ko sumunod tinignan ko muna si Yuri na nakatingin din pala sakin.

May usapan nga pala kami.

Tumakbo ako para makasabay kay Keifer na ang bilis maglakad. Haba kasi ng mga bias. Sa bagong building ang Guidance. Kaya kita'ng kita kami ng ibang studyante.

Huminto kami sa tapat ng pinto. Huminga muna ko ng malalim para humugot ng lakas ng loob. Eto na naman, kailangan ko harapin to.

"Mauna ka.." utos ko kay Keifer.

Hehe... Kinakabahan ako eh..

"Tss." Sagot ni Keifer.

The magical 'Tss' of Keifer.

Kumatok muna sya sa pinto bago buksan. Bumungad samin ang assistant ni Ma'am----Hindi ko kilala Guidance Councilor namin. Lagi ko nakakalimutan ang pangalan nya.

"Maupo muna kayo."  Sabi nung babae'ng assistant.

Mukang expected na kami. Hindi man lang tinanung kung aanu kami dun. Malay ba nya kung may itatanung lang kami.

Pumasok yung babae'ng assistant sa isa pang pinto. May ilang minuto rin siguro sya sa loob bago lumabas.

"Pumasok na daw kayo." sabi nya samin.

As usual pinauna ko ulit si Keifer. Pagpasok sa loob, napatigil agad ako. Andito yung dalawa'ng Section D na binanatan ko----namin pala. Magulang ata nila yung kasama nila.

"Maupo kayo." Utos samin ni Ma'am Reyalidad.

Salamat sa name plate.

Naupo kami sa katapat na bangko nung dalawa. Naka-cast at semento yung braso at binti nila. Si Keifer may gawa nyan!

"Baka gusto nyong tawagan ang mga Guardian nyo?" Tanung ni Ma'am Reyalidad sabay tulak ng telepono palapit samin.

Umiling lang si Keifer at ganun na din ang ginawa ko. Sino papuntahin ko dito? Si Kuya Angelo? Edi nakutusan ako nun. Hindi na noh!

"Umpisahan na natin..." Panimula ni Ma'am Reyalidad. "Mr. Dela Cruz, pwede mo bang ikwento samin ang nangyari?"

Nakita kong tumingin yung Sementado ang binti sa magulang nya bago nagsalita. Aminin! Kumukuha ng lakas sa magulang.

"Naninigarilyo po kami sa likod ng Gym ng bigla nalang po lumapit samin si Jay, tinanung po namin kung anung ginagawa nya don at pinapa-alis na rin po namin sya. Bigla nalang po nya kami sinuntok at sinipa. Sinubukan po naming lumaban pero babae po kasi kaya hindi rin po namin kaya sya'ng saktan. Sinubukan po naming pigilan sya kahit tanggap nalang kami ng tanggap ng mga suntok at sipa nya. Pero dumating po si Keifer at ginawa samin to." Litanya nung may Semento ang binti.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon