Chapter 31

1M 45.4K 11.5K
                                    

Mica

Jay-jay's POV

Asan ka?!

Punyeta'ng Pikachu yan! Kanina ko pa hinahanap hindi ko makita. Anim na Pokemon na yung in-ignore ko. Lumabas na Sightings, tapos biglang nawala.

"Aware ka bang muka kang tanga dyan sa ginagawa mo?" Tanong ni Yuri.

Hindi ko sya pinansin. Kanina pa kasi ako lakad ng lakad sa harap ng room namin. Gusto ko kasi talaga'ng makuha si Pikachu. Poke-stop din kasi yung munomento ni Rizal sa harap ng school, kaya kapag nag-Lure. Alam na!

"Ayun! Ayun! Ayun!" Sigaw ko ng lumitaw si Pikachu.

Bato ng Pokeball.

"Huli!" Sigaw ko habang winawagayway ang cellphone.

"Sinong nahuli mo?!" Excited na tanung ni Ci-N.

Sya kasi nag-lagay ng Pokemon Go sa cellphone ko. Tinuruan din nya ko kung panu maglaro. Nakaka-adik pala talaga.

"Pika'chu!" Sagot ko na ginagaya ang boses ni Pikachu.

"Nice.." sabi ni Ci-N.

"May pikachu dito?" Tanung nung isang classmate namin.

Pati yung ibang ulupong lumabas na rin at naglabas ng phone para hanapin si Pikachu. Meron din pala silang Pokemon Go.

Ako nalang talaga yung nahuhuli.

"Tss."

Si Yuri o si Keifer?

Si Yuri...

Wala pa yung hari ng nga ulupong. Hindi ko alam kung nasaan. Wala rin akong balak alamin.

"Anong meron?" Bungad ni David samin. Kakarating lang kasi nya.

"Pokemon." Sagot ni Ci-N.

Nilabas ni David yung phone nya. Pati sya may Pokemon Go. Naglalaro din pala sya.

Pppfffftttt.

Sa totoo lang nakaka-gutom tong ginagawa namin. Pumunta muna kong Cafeteria para bumili.

Hep! Sa likod ako dumadaan. Kasabwat ko si Ate'ng Lilia na tindera. Sya yung binigyan ko ng tip dati. Tropa tropa na kami ngayon.

"Ate!" Bati ko sa kanya.

"Wag ka maingay... Baka may makarinig sayo." Pagbabawal nya sakin.

"Hihi Sorry... Pabili akong tubig."

Mabilis sya'ng pumunta sa loob para kumuha ng bottled water. Pagbalik nya, dun ko palang binigay yung bayad.

"Salamat.." sabi ko at umalis na.

Nauhaw talaga ko. Meron naman ako'ng baong pagkain sa bag. Syempre delikado sa mga ulupong yun.

Aalis na sana ako ng may mapansin ako sa basurahan sa likod pa rin ng cafeteria.

May tao!

Dahan-dahan pa ang paglapit ko, baka kasi kung anu'ng ginagawa dun. Babae, nakauniform pa at......umiiyak?

"Miss?" Pagtawag ko sa atensyon nya.

Tumingin sya sakin at kita'ng kita ko ang pamamaga ng mata nya. Kasabay nun ang itsura nya'ng takot na takot sakin.

"Please! Wag mo'ng sasabihin kay Aries na andito ko! Nakiki-usap ako sayo!" Paki-usap nya at bigla'ng lumuhod.

"Hala! Teh! Tumayo ka!"

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now