Chapter One

73.6K 1.4K 93
                                    

Born for you, or maybe not.. 

"So,  yun sana ang future ko." saad ko kay Ally pagkatapos kong ikwento ang tungkol sa contract. 

Nasa cafeteria kami ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin. May one hour break kasi saka naka grave-yard shift kami kaya nagpapatanggal na din ng antok.

"Grabe Niki, akalain mo yun? Arranged marriage! Mala-wattpad ang story mo friendship!" di parin siya makapaniwala sa nakaraan ko. Kanina pa siya tili ng tili na akala mo ay kinukurot sa singit.

"Kaya nga diba? Minsan di rin ako makapaniwala na ganun ang buhay ko nung bata pa ako." natatawa kong saad.

Ang totoo niyan,  hindi ko na talaga masyadong natatandaan ang kwento ng kontrata. Kung hindi saken kinukwento ni Lola Sabel,  malamang limot ko na rin na may ganun pala sa nakaraan ko.

Medyo bata pa kasi ako nang mangyari yun, mga apat na taon daw samantalang yung kalaro ko, mga nasa pitong taon na. Mas matanda pala saken yung mokong na yun pero nang-aagaw pa rin ng lollipop.

"Sayang nga lang at hindi na pwede ngayon." malungkot kong saad. Napatigil sa pagkain ng yogurt ang kaibigan ko.

"Anong ibig mong sabihing hindi na pwede?" nag-aapoy ang mga matang tumingin ito sa akin. Kunot na kunot ang noo.

Nakikita ko kung pano umiikot ang mga turnilyo sa utak niya para gumawa ng kwento. Mahilig talaga magsulat si Ally. Naeexcite siya kapag may mga twist ang kwento at ang favorite niyang subject ay walang iba kundi ako.

"Alam mo namang ang contract ay para pag-isahin ang empire ng mga Montereal at Nielsen diba?"

Tumango-tango siya. Nakalagay pa rin ang kutsara sa bibig.

"Hindi na pwede kasi wala na ang Nielsen Empire. Nawala na lahat nung mamatay sina mommy at daddy sa aksidente. Turns out,  they could never cheat fate."

Nalukot ang mukha ko. Hindi pala kami nung batang lalaki ang makakalaban nila, kapalaran pala ang babangga sa plano. Hindi mapipilit ang hindi pwede. Hindi pwedeng dayain ang destiny.

"Pero alam mo ba, gusto kong makita yung batang lalaki na yun. Gusto kong malaman kung ganun pa rin ang ugali niya. Gusto kong mag-tame ng isang jerk."

Napanood kasi namin ni Ally yung a walk to remember,  nakita namin kung pano napabago ni Jamie si Landon. Nakakakilig. Dahil lang sa true love nagawa niyang baguhin ang ugali ng isang tao.

"Friendship, sabi nga ng black eyed peas,  be careful of what you wish for coz you just might get it."

"Oo nga. Pero alam mo yun. Naisip ko lang, magandang bucket list yun. To tame a jerk. Kung bakit kasi kailangan pang mabago yung kapalaran namin nung batang lalaki e." saad ko.

"Medyo born for you. Kaso imbes na pagsamahin kayo ng kapalaran, mas bagay sa inyo yung title na, 'Born for you to stay away from each other.'" natatawa nitong saad. Ang bilis maka-get over ng bruha.

"Impakta ka talaga." pakunwaring kukurutin ko siya sa singit kaya tumitiling napaigtad siya dahilan para matabig ko ang tubig papunta sa damit nang isang taong paparating. 

Parang naka-slowmo ang pangyayari nang unti-unting sumaboy ang tubig sa black pants ng mama. Hintakot na tumititig lang ako sa parteng nabasa ng tubig habang bumubuka't sumasara ang bibig ko. Nakakahiya at nakaperwisyo kami. Wala pa nga lang akong isang linggo dito tapos ito na ang nangyari.

Hindi ko alam na napako din pala sa mukha ng lalaki ang titig ng kaibigan ko.

Nang nakabawi ako mula sa sindak ay dinakmal ko ang tissue sa tabi ng mga inumin namin saka pinunasan ang parteng nabasa.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now