Chapter Nine Part Two

21K 615 7
                                    


NIKI'S POV

Natulig ako sa kinatatayuan ko.

Nigella.

Fiance.

Para may pumiga sa puso ko. May kakaibang enerhiya na dumaloy mula sa puso ko patungo sa kamay ko kaya naikuyom ko iyon.

Hindi ko alam kung bakit ang sakit.

Bakit parang nanghihina ako? Gusto kong pumunta sa isang sulok at umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong luhang ilabas.

Gusto kong makita sina Lola Sabel at bumalik sa kanila at iwan ang sakit dito sa Villa.

Gusto kong umalis.

Ni hindi ko napansin na wala na pala sina Pyre at Cookie.

Dumiretso ako sa tree-house. Habang umaakyat, hindi ko mapigilan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Parang nanghihina ako. Gusto ko na lang mamaluktot at matulog nang matagal na matagal hanggang sa maghilom kung ano man ang sakit na nararamdaman ko.

Pagdating ko sa tree-house, dumiretso ako sa kwarto na ipinagkakait ni Mico. Wala na akong pakialam kung magalit man siya saken ngayon. Gusto ko lang mapag-isa at himayin ang damdamin ko. Ang malaman kung bakit ako nagkakaganito at kung anong pwede kong gawin para matigil ang sakit.

Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang may madatnan akong isang babae. Halatang nagulat din siya na makita ako doon kasi nanlaki ang mga mata niya.

Marahas kong pinahid ang mga luha na naglalandas sa pisngi ko saka tumawa ng pagak.

"Haha. May sakit ako sa mata. Nagluluha talaga ako." palusot ko sa babae. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Siya na siguro ang isa sa pinakamagandang babae na nakita ko. Mahahaba ang pilik-mata niya at binagayan din ng namumungay na mata. Para siyang isang anghel, ang busilak ng mukha. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit saken. 

"Miss, alam ko kung kelan umiiyak ang isang tao. Eto o."

Ibinigay niya saken ang panyo na hawak-hawak niya. Kinuha ko naman iyon.

"Ibabalik ko na lang kapag nalabhan ko na. Pasensiya." saad ko. Tumango naman siya at bumalik sa pagkakaupo.

"Walang problema."

Ilang minuto din akong sumisigok dala ng pag-iyak. Nararamdaman ko ang pamamalat ng boses ko habang tumatagal at kahit pigilin ko, hindi parin tumitigil sa pag-agos ang luha.

"May sarili yata akong ilog sa katawan. Ayaw matigil ng luha ko e." turan ko habang tumatawa at pinupunasan ang mukha ko. 

Ngumiti siya.

"If you ever need someone, I can always.." ibinitin niya ang sasabihin. Parang nahihiyang ibinaba niya ang tingin.

"Bakit ang bait mo?" di ko mapigilang tanong. Salita pa rin ako ng salita kahit umiiyak.

Naisip ko lang, kokonti na lang kasi ang mga mabait sa mundo e. Parang isa siyang kayamanan. Something precious. Gusto ko siyang ibalot at alagaan.

"I don't know. For some reason, I think I'm liking you."

"Maraming salamat. Ano nga palang panga--"

Hindi ko natapos ang kung ano mang sasabihin ko kasi biglang nag-ring ang telepono niya. May kinausap siya doon at maya-maya ay kumikinang ang mga matang tumingin sa akin. 

"I like talking to you but I have to go back. " Tumango ako saka ngumiti ng pilit.

"Salamat ulit."

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now