Chapter Twenty-Five Part Two

20.7K 505 11
                                    

Niki

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ba parang masyadong maaga pa para sabihin kung makapit ang bata o hindi? Gusto kong tumayo at kumuha ng maiinom pero wala akong maaasahan. Kasalanan ko rin at pinaalis ko si Mico.

I don't know if I should believe him. Truth be told, masyadong nasira ang tiwala ko sa mga nangyari noon kaya may trust issues ako ngayon. Gusto kong magtiwala pero wala akong lakas ng loob na isugal ang damdamin ko. Ang puso pala, kapag nagkalamat, mahirap nang ibalik sa dati. Gaano mo pa man gustuhin iyon.

Dahan-dahan akong tumayo para hindi na maulit ang pag-ikot ng paningin ko. Tinahak ko ang daan patungo sa pinto at pinihit ang seradura.

Pagtapak ko sa labas, ang pinakaunang bumungad sa akin ay ang nakayukong ulo ni Mico. Wala naman akong ginawang ingay pero bigla siyang tumunghay na parang nagulat at tinumbok ng tingin ang pinto.

Nagtama ang aming mga mata. Sa kanyang nanlalaki at sa aking naniningkit. Anong ginagawa niya at para siyang namamalimos sa kalsada sa itsura niya?

Bigla ay napalitan ng galit ang mga matang iyon kasabay ng pagalit niya ring sigaw. "What the fuck are you doing getting out of bed!?"

Nabuo ang isang maliit na o sa bibig ko dahil sa gulat. Saka niya lang yata napansin na sinigawan niya ako kasi agad siyang humakbang patungo sa akin. Naguguluhang umatras naman ako dahilan para tumama ang likod ko sa matigas na knob.

Pumihit ako para tingnan ang likod ko ngunit iyon naman ang ginamit niyang pagkakataon para buhatin ako. Isang marahang singhap ang kumawala sa akin dahil sa ginawa niya.

"I let you do what you want and this is what I get for respecting your wishes? I don't think we'll be doing this your way. Simula ngayon, ako muna ang masusunod. And when I say you don't get to stand up, you won't even try, do you understand?"

Hindi siya sumisigaw pero nakakulong ang mga mata ko sa titig niya at kahit alam kong may mali sa sinasabi niya, hindi ko napigilang tumango. Para bang may magnet na humihila sa akin para sumunod sa kanya.

"Good." nagsimula siyang maglakad pabalik sa kwarto at dahan-dahan akong ibinaba sa kama. "Now, why did you get up?" Ni hindi man lang hiningal ang loko sa pagbuhat sa akin. Ang unfair naman. Bakit ba ang gwapo niyang tingnan kahit dapat ay galit ako sa kanya?

"W-water please." hindi ko alam kung bakit nauutal ako kaya ibinaba ko ang tingin sa nakadaop kong palad. Napansin kong maging iyon ay nanginginig. Sumimangot ako at hinarap ang makapanindig-balahibo niyang mga titig.

Parang may nanunulay na kuryente sa katawan ko mula sa mga titig na iyon. Ramdam ko ang init na nagsisimulang dumantay sa mga pisngi ko.

"Don't get up. 'kay?"

Tumango ako at hinintay siyang makalabas ng pinto saka pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigil.

"Hay jushko baby! Ang mga titig ng daddy mo, makalaglag panty. Di na talaga nakakapagtaka na agad kang nabuo."

Humagikhik ako sa kama na parang nabubuang. Halos maglupasay at mangisay ako sa nararamdaman ko pero pinigilan ko ang sarili. Complete bed rest nga pala.

Ilang sandali pagkatapos nun, bumukas ulit ang pinto at iniluwa nun ang gwapo ngunit nag-aalalang mukha ni Mico. Mabilis kong inayos ang mukha ko para hindi niya makita ang kababalaghan na ginagawa ko kapag wala siya.

"Did you try to do anything?"

Tumawa ako ng pagak dahil sa kapraningan niya.

"No."

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now