Chapter Twenty-Six

20.6K 572 6
                                    

Niki

Naalimpungatan ako dahil sa init. Ramdam na ramdam ko pa ang pagtagaktak ng pawis sa may noo, leeg at gitna ng dibdib ko. Hinawi ko ang ilang buhok na tumabon sa parte ng mukha ko at sinubukang alalahanin ang nangyari kagabi. Umalis si Mico pero pagkatapos nun ay wala na akong maalala.

Isang marahang galaw ang naging dahilan para mapatingin ako sa kanang bahagi ng kama. Nakita ko ang natutulog na bulto ni Mico, pero ang isang kamay niya ay nakadantay sa tiyan ko. As if protecting his cub. As if protecting our baby.

Naramdaman ko ang pag-alab ng damdamin na minsan ko nang sinupil dahil sa galit. He made the ice, he thawed it too.

Habang natutunaw ang yelo sa puso ko, unti-unting lumalabas iyon sa aking mga mata. I can never really believe that I found this kind of guy. Yes, I've been hurt but he was too. Isang marahang hikbi ang kumawala sa akin pero sapat na iyon para maalimpungatan siya.

"Niki?" he's adjusting his eyes from the dark and I knew when he saw my tears. Umusod siya palapit sa akin at niyapos ako. Inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa ilalim ng ulo ko saka niyapos ako gamit ang kanan niyang braso. He was so strong yet so gentle that I can't stop the tears from falling.

Binuksan niya ang lamp sa tabi ng kama namin dahilan para mapaliguan ng ilaw ang buong paligid..

"Baby, are you alright?" marahan niyang tanong. "May masakit ba sayo?"

Umiling ako pero hindi parin nagsalita. I can't talk at all. Pakiramdam ko kapag ibinuka ko ang bibig ko, ngangawa ako at iiyak na parang isang bata. Kaya pinagkasya ko na lang ang sarili sa kakailing sa mga tanong niya.

"Bad dream then?"

Umiling ulit ako pero napagtanto ko na ang mga nangyari dati ay maaari ko na lang isipin na isang masamang panaginip kaya tumango na din ako.

Naramdaman kong tumawa siya ng marahan at hinalikan ang buhok ko.

Isiniksik ko ang mukha ko sa may kili-kili niya at huminga ng malalim. Ang bago ng kili-kili, shemay! Suminghot ulit ako saka lalong siniksik ang ilong ko doon. He emitted a chuckle.

"Hindi ko alam na may kiliti pala ako." saad niya na nakatawa.

Napangiti ako. I want him to laugh. Ang gandang pakinggan ng tawa niya, gusto kong irecord at pakinggan araw-araw.

Pinaglakbay ko ang daliri ko sa nakalabas niyang abs, iniisa-isa iyon at sinusundan ang mga maliliit na kanal sa pagitan nito.

A low growl escaped his closed lips. Sabay hawak sa daliri ko.

"No." mariin niyang turan. "Bawal sayo ngayon Niki. I can't do that."

"But you want to, right?" mapaglaro ang tono ng pananalita ko.

Umungol siya ulit.

"I want you everyday, every hour and every single freaking minute, and it's been almost a week so please, wag mo naman akong tuksuhin."

"You are so cute," saad ko.

Gumapang ang init sa likod ko na parang dumantay ang isang kamay at hinaplos iyon. Tumingala ako para magtama ang paningin namin. I want him to kiss me, not my hair, not my forehead or my nose, I want him to kiss me.

Sa kasamaang palad, nanatili ang ulo niya sa taas, ni hindi man lang gumalaw ng kahit isang konting pulgada patungo sa akin.

"What do you want baby?" I felt the heat creep into my face. I don't know why, oo ilang beses niya na akong tinawag na baby, but never like this. He calls me so everytime we find pleasure in bed or when he thinks I don't feel good. But not like this. Na parang mahal niya ako.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now