Chapter Twenty-Three Part Two

19.1K 505 12
                                    

Author's note: nagkapalit ang UD ko guys. Pakirefresh ng reader niyo. Hahaha.  Sowiii. Labyu anyway.

-----

Niki

Isang linggo pagkatapos ng pangyayaring iyon, natagpuan ko ang sarili na bumalik sa dating bar na pinupuntahan namin ni Ally. Isang simpleng red-buttoned skirt at black v-neck shirt ang isinuot ko nun na pinaresan ng itim na pumps. Walang makuhang lead si Cade kahit halos araw-araw kaming naghahalungkat.

Dahil sa busy kaka-imbestiga, hindi ko na namalayan na halos hindi na umuuwi sa bahay si Mico. Kung matutulog ako, wala pa siya, gigising ako at aalis ay wala pa din siya. Hindi ko na rin tinatanong dahil malamang, kasama niya na palagi si Nigella.

Kinuha ko ang isang baso ng tequilla mula sa bartender na kanina pang tumitingin sa medyo nakalabas kong dibdib. Yung totoo, ngayon lang ba ito nakakita ng dibdib? Sabihin pa na sa isang bar ito nagtatrabaho.

Naiirita man ay nginitian ko ito ng matamis. Let all men feel me, The Nigella Kisses Nielsen now Montereal. Let them lust over me and pant over me but suffer knowing they can never, ever have me.

Tinungga ko ang alak at muling itinaas ang hintuturo para bigyan pa ako ng isa. Medyo natigil ito ngunit agad namang sumunod nang ibaba ko ang dibdib.

Tumawa ko sa isip. Guys, they are so easily manipulated, aren't they. Pakitaan mo lang ng katawan, ilantad mo lang ang pera sa harapan nila and they will sell their souls to the devil just to have what they want.

Tumalikod ako sa malibog na bartender at hinagod ng tingin ang paligid. Kelan ba nang huli akong pumunta dito? Hindi makapaniwalang binalikan ko ang mga nangyari. Just a mere month or two ago, and yet parang sampung taon na ang dumaan.

I came here a touch too innocent. Akala ko madali lang ang mundo, walang shades of grey or black for that matter. Akala ko kung ano ang mukhang pinapakita sa akin ay siya ngang totoo, I would never really knew that people hide so much within themselves. They hide the truth that they are predators, monsters, heartless beasts who care for no one but their own.

Umismid ako saka kinuha muli ang pang-ilan ko nang kopita. Wala na si Ally, ang nag-iisang babae na naging totoo sa akin. The only innocent one in this sham.

This time, I really am all alone.

Tumawa ako ng pagak. Walang katuwaan kundi puno ng pait. Hindi ko rin akalain na pati ang tawa ay may iba't ibang mukha. Dati tumatawa lang ako kapag natutuwa, umiiyak kapag nalulungkot, sumisimangot kapag galit. Pero ngayon, hindi na ako pwedeng umiyak, hindi na ako pwedeng magpakita ng kahinaan.

"Ma'am may nagpapabigay po." tumunghay ako at nakita ko ang bartender na nasa harap ko na ngayon. May hawak siyang isang papel at iyon ang inaaabot niya sa akin.

"Kanino galing?" takang tanong ko. Ni hindi ko pa binuksan ang papel lalo't hindi ko naman alam kung anong meron dito.

Itinuro niya sa akin ang isang babae na hapit ang suot na damit sa balingkinitang katawan. May mga diamond beads iyon kaya kapag natatamaan ng ilaw ay agad nagliliwanag. Isn't this cute. The fake and the genuine, in one small bar.

Akmang lalapit na sana ako ng biglang sumulpot ang isang lalaki. Malapad ang mga balikat nito, matangkad at halatang maganda ang pangangatawan. Nakasuot ito ng itim na polo na nakalilis sa mga braso habang ang mga butones sa itaas ay nakaawang lang.

Hinawakan nito ang babae sa braso dahilan para tumingala si Nigella. He said something na tinanguan naman nung isa, and turned to leave. But just as he was about to turn, our eyes met.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now