Chapter Nineteen

20K 525 9
                                    

Niki

Nagising ako dahil sa ingay na maririnig sa veranda. Mula sa background ay maririnig ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Pansamantala ko iyong sinamsam kasabay ng pag-guhit ng ngiti sa aking labi.

Kinusot ko ang mga mata ko at naupo sa kama. Inikot ko ang paningin sa paligid, hinahanap ang pamilyar na bulto ni Mico ngunit napansin ko na boses niya pala ang ingay na naririnig ko kanina pa.

Ipinulupot ko ang kumot sa katawan ko at naglakad palapit sa pinto. Natigil ako sa paglalakad ng bigla ko siyang narinig na magmura.

"Fuck, bakit ngayon mo lang sinabi?" mariin na kausap niya sa tao sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung anong sinagot nang nasa kabila pero naintindihan ko ang sagot na ibinigay niya.

"Well it's too late now! Kasal na kami, hindi na pwedeng bawiin yun!" nangagalaiti niyang turan.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa sakit. Nagsisisi ba siya na nagpakasal siya saken? Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya ngayon. May nangyari kaya? 

"Damn it Cade. Too late, you hear me? Too fuckin' late!" sigaw niya saka ibinalibag ang cellphone sa pader.

Napaigtad ako dahil sa lakas ng tunog nun.

Pagpihit niya paharap, nagulat siya na andun ako at nakikinig sa usapan nila. Lalong nagdilim ang paningin niya nang makita ako.

"Mico, may problema ba?" nanginginig ang boses na tanong ko. First time ko siyang makita na ganito ang itsura. This time, I know for sure that I married a very dangerous man. And yet alam ko na hindi niya ako sasaktan kahit anong galit niya.

He looked at me with something akin to contempt in his eyes. Umiiling na pumasok siya sa kwarto.

"Mico.." utag ko.  Sumunod ako sa kanya sa loob at hindi ko siya nilubayan. Gusto kong malaman kung bakit ganun ang reaksiyon niya kanina. Gusto kong maintindihan kung nagsisisi ba siya o ano.

"Mico, sabihin mo saken ang problema, wag mong sarilihin."

Dito ay pumihit siya paharap at matapang ang mga mata na lumapit.

"Fine!" sigaw niya. "Tell me the truth Niki. Ikaw ba si Nigella Kisses?"

Napasinghap ako sa gulat. Paano niya nalaman? Si Cade, siya ba ang nagsabi? Pinaimbestigahan niya ako?

"Answer me!" naghuhulagpos ang galit niya. 

Humawak ako sa poste ng kama at nanghihinang sumandal doon. 

"Y-yes. P-pero paano mo nalaman?" nagtataka kong tanong. At bakit mo ikinagagalit? Pero hindi ko na nasabi ang sunod kong katanungan kasi sunod-sunod na mura at masasakit na salita ang binitawan niya pagkatapos nun. 

"Fuck this life! Fuck you're lying, decieving mouth. I fucking regret this sham of a marriage!" sigaw niya sabay alis sa harapan ko na parang nagdaang bagyo.

Nanghihinang naupo ako sa kama. Paulit-ulit ang mga tanong. Bakit? Bakit? Bakit? 

******

Mico

I was so damned angry, I stormed out of the house before I did any damage. To her, to our marriage, to everything. Kailangan kong lumayo muna at mag-isip ng mabuti. 

Nigella. Niki is Nigella.

How and why did all this happen is still a mystery to me.

Maraming gap. And yet, I know for sure that I am duped. Alam ni Niki na siya si Nigella and yet she continued with the wedding without telling me that one important fuckin' detail.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now