Chapter Three Part Two

36.1K 817 25
                                    

NIKI'S POV

Hindi na siya susunod. Ilang minuto na din ang nagdaan at wala pa siya. Bumuntong-hininga ako. Sabi ko naman diba? Nagpapalipas lang siya ng oras. Baka nakukwelahan lang siya saken kasi hindi ako nahuhulog sa mga pakulo niya. Malakas nga ang kutob ko na kinakausap niya lang ako ngayon para patunayan na kaya niya akong palambutin. Well, teteng niya. Hindi ako papaloko sa mga kagaya niyang walang magawa sa buhay kundi manloko ng babae. 

At ano daw? Nawala yung nunal? E bakit sa akin niya pa sinabi? E kung sabihin niya dun sa babae na yun at sabay nilang hanapin yung nawawalang nunal, kaysa lapit siya ng lapit sa nunal ko.

Padabog na kinuha ko isang basket ng prutas at isinalin dun ang mga bago kong pinamili. Mga ilan din ang kumawala at nahulog sa sahig. Banaaaaaasss... 

"At ano na naman ang pinuputok ng butse mong babae ka?" mahinang turan ng boses sa likod ko. Napapihit ako bigla.

"Lola naman, tinakot niyo ako." saad ko habang nakahawak ang kamay sa puso.

"Bakit? Akala mo multo? Inaasahan mo bang pagbalik mo dito patay na ako?" saad nito habang inilalahad ang kamay para huminge ng prutas na binili ko. Hinugasan ko muna ito bago ibinalik sa kanya.

"Hmm.. Ano, magkukwento ka ba o sasarilihin mo na naman ang problema mo?"

"Hay naku Lola. Wag na nating pag-usapan ang mga taong pahirap sa lipunan. Pag-usapan natin kung kelan ka makakalabas sa ospital na to."

"Mas gusto ko dito aircon."

Tumaas ang kilay ko.

"Lola, awan ti kwarta." Walang pera sabi ko. Ilokano kasi si Lola at minsan tinuturuan niya akong mag-ilocano.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya ng marinig ang ilocano ko. Minsan nakakaasar din tong matandang to e.

"Magaling anak. Hindi na nila makikilala kung sino ka talaga."

Ha?

Bigla ay natikom ni Lola ang bibig na parang tinahi ng karayom. Nakalimutan niya ang mansanas na hawak-hawak niya dahilan para gumulong ito sa sahig. Namimilog ang mga matang nakatingin siya sa akin, ay hindi, sa likod ko pala. 

Pumihit ako para tingnan kung ano ang tinitingnan ni Lola. Nang makita ko ang nakausling ulo ni Mico, umikot ang mga mata ko. Tss, andito at nakasunod ang walang hiya. 

Tumingin ulit ako kay Lola, "Ano't parang.. " kaso hindi ko na natapos ang sasabihin kasi nakasara na ang kaninang gising na gising na mga mata, laylay na din ang ulo nito sa unan at isang mahinang hilik ang maririnig mula dito.

Nakatulog na? Agad-agad? Si Lola talaga. Akala niya siguro nurse si Mico at tinitingnan kung sumusuway na naman sa rules.

"Anong ginagawa mo dyan? Para kang magnanakaw, pumasok ka nga." sabi ko sa kanya. Alangan na pumasok siya sa kwarto. Medyo namumutla siya na hindi ko alam kaya nag-alala ako.

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Kinuha ko ang kamay niya na kasalukuyang nanlalamig at dinala siya sa upuan. Para siyang estatuwa sa itsura niya ngayon. 

"Mico." pinitik-pitik ko ang mga daliri ko sa mukha niya para lumipat ang tingin niya sa akin. 

"Niki. I can't breath here. Take me out please." hinahabol niya ang paghinga at pinagpapawisan siya ng butil-butil. Agad kong ginagap ang kamay niya at hinila siya palabas. Hawak-hawak ko lang siya hanggang sa makarating kami sa may amusement park na malapit sa ospital. Pinaupo ko siya sa swing habang siya naman patuloy lang sa paghinga ng malalim.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now