Chapter Twenty-Eight Part Two

21.3K 526 9
                                    

Niki

Dumating si mama kasama si daddy although mapapansin na hindi sila nagkikibuan. Mom was a little talkative than usual and dad was, well, dad's dad. Wala namang nagbabago sa kanya. Mas mabait lang talaga ang mukha niya ngayon nang makita ang nangyari sa akin. He kissed my forehead and whispered that I am still his little princess.

Nagkukwento si mama ng tungkol sa mga bagay-bagay at tumatango naman ako kung kinakailangan. Ganun pa man, hindi ko alam kung tungkol saan ang kwento niya. Dad keeps looking at mom like he's barely restraining himself from reaching out and do his caveman works on her. Medyo kinilabutan ako kapag nagkakaganito si dad. Naaalala ko kasi ang mga titig ni Mico. They are both alpha males. And they tend to get a little possessive of their females.

"Nasaan na ba si Mexico?" bigla ay singit ni dad sa mga sinasabi ni mama. Nakita kong pumihit siya at tumingin ng masama sa gawi ni dad. She mouthed something na naging dahilan ng pamumula nito.

"Niki, ayos lang ang pakiramdam mo?" malambing niyang saad.

"Yes, medyo inaantok lang ng konti mama."

Tumango siya at hinayaan akong matulog.

"Sleep now. Mahal ka namin."

****

Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na nag-uusap-usap sa tabi. Hindi ako nagbukas ng mata dahil ayoko na may makausap na kahit na sino.

"Kawawa naman siya doon sa labas, papasukin niyo." saad ng boses babae. Si Ally ba iyon? Kakaiba ang boses niya ngayon.

"Ayaw niyang pumasok. Hindi daw siya pwedeng makita ni Niki, wag ka ngang mangialam." saad naman ng isa na kaboses ni Cade.

"Tss, masaya ka na na pwede mo nang masolo ang kaibigan ko?"

"Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong itali ulit kita ha."

Walang nagsalita pagkatapos nun. Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa kwarto, pero kung si Ally nga iyon, di yun makapagtitiis.

At hindi nga ako nagkamali.

"Edi itali mo, natatakot ba ako sayo?!" singhal niya dito.

"Maghintay kang makauwi tayo, tingnan lang natin kung hindi ka magmakaawa sa gagawin ko sayo."

"Hmp. Di ako natatakot kahit kanino, lalo na sayong damulag ka!"

"Aba't --"

"Cade," putol ni Ichiro sa sasabihin nito. "Subukan mong papasukin si Mico."

"E bakit ako? Nakita mo bang namamaga pa ang panga ko dahil sa kagagawan niya?" maktol nito.

Isang matunog na kutos ang narinig ko kasabay ng paghiyaw ni Cade ng aray.

"Papasukin mo total kasalanan mo naman kung bakit sila nagkaganito. Pakialamero ka kasi." singhal ulit ni Ally.

Wow, hindi talaga siya takot kay Cade? May something dito ah.

"Ikaw kaya, magaling ka naman kumausap ng lalaki e, diba yan ang forte mo!" ganti naman nito.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ng isa sa magkakasama. Kasabay ng pagbukas ng pinto.

"Mex, Ruzz come on. Dito na kayo sa loob."

May sumagot sa labas pero hindi ko narinig kasi mahina lang. Tapos sumagot ulit yung isipin na lang natin na si Rio. Hindi pa ako masyadong pamilyar sa boses niya e.

"Natutulog siya so she won't know."

Bumukas ang pinto at nagsara din muli.

"Grabe matigas ang ulo niya." nanghihinang saad ng bagong dating na si Ruzz.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now