Prologue

92.8K 1.7K 95
                                    

The Contract

"Hindi" malakas na sigaw ng batang babae nang biglang hatakin ng isa pang batang kalaro nito ang lollipop na kanina pa nitong sinisipsip.
Binelatan ito ng kalaro, saka ngumisi ng nakakaloko.  Tapos isinubo ang ninakaw na lollipop. 

Napangiwi ang batang babae na parang nandidiri sa kalaro.  Maya-maya pa ay nanginig ang ilalim na labi nito.  Lumangoy din ang magaganda at kulay itim nitong mga mata sa luha. 

Napatigil sa pagsipsip ang lalaking bata at tumingin sa babae.  Ipiniling nito ang ulo na parang naguguluhan kung bakit umiiyak ang isa. 

Di naglaon ay hinugot nito ang lollipop saka muling isinubo sa batang babae.  Bigla ay natigilan naman ang batang babae sa pag-iyak hanggang sa gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi. 

Lumapit siya sa batang lalaki at niyakap ito ng mahigpit.  Ngumiti din ang batang lalaki.

"Are we friends?" tanong ng lalaki. 

Muling ngumiti ang babae at ibinalik ang lollipop sa bibig ng lalaki.

"Yes.  Will you be my boyfriend?" tanong naman ng batang babae. 

"No!" hintakot ang sagot ng lalaki at nagsimulang ipunin ang mga gamit na pinaglaruan.

Natigilan ang batang babae. Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa kalaro. 

Nang walang narinig mula sa likod niya ay nilingon niya ulit ang batang babae. 

Dumadaloy sa mga namumulang pisngi nito ang malalaking patak ng luha ngunit walang tunog na maririnig mula rito. Nakatitig lang ito sa kalaro na parang hindi makapaniwala na sinigawan siya nito. 
Lumapit ang batang lalaki at pinahid ang naglalandas na luha sa pisngi ng kalaro.

"Well,  why would you want me to be your boyfriend?" tanong nito sa babae. 

"Because.." sumisigok pa ang batang babae, "I..  I like you."

Ngumiti ang batang lalaki at ginulo ang buhok ng kalaro na parang nakababatang kapatid. 

Ngumuso ang babae saka iniwas ang ngayo'y magulo nang buhok. 

"Okay. If you want to,  then I will be your boyfriend." pagpapahintulot ng lalaki.

Parang mahikang naglaho ang mga luha sa mga mata ng batang babae. Pinupog nito ng halik ang pisngi ng kalaro habang ang isa naman ay tawa ng tawa. 

Isang mahinang tikhim ang dahilan para tumigil ang dalawa sa paglalaro.  Tumingala sila at nakita nila ang nakatawang mukha ng mga magulang nila. Parang nakahawak ng mainit na baga ang dalawa nang maghiwalay ito.

"Looks like you two are friends now. " saad ng isang magandang babae na nakasuot ng mamahaling damit at mataas na takong.  Mommy daw ito ng lalaki. 

Nginitian nito ang batang babae dahilan para bumawi din ng ngiti ang isa.

Buong kompiyansang sinabi nito ang nangyari.

"He is my boyfriend."

Nagsipagtawanan ang mga matatanda. Tumango naman ang dalawang lalaki. 

"Looks like you have inherited the Montereal genes boy." saad ng isang lalaking naka kurbata. Matapang ang mata nito pero makikita pa rin ang kagwapuhan sa mukha. 

Namumulang tumingin ang batang lalaki sa sarili niyang ama.  Nakangiti ito ngunit hindi umimik. Gusto niyang guluhin din nito ang buhok niya gaya ng ginagawa ng isang lalaki. 
"I see, we can make a contract with this two." saad ulit ng lalaki. 

Natahimik ang paligid. Hindi man maintindihan ng dalawang bata ang nangyayari,  alam nilang may kakaiba. May importanteng pinag-uusapan ang mga magulang nila. 

"Pero masyado pa silang bata Iñigo." pagtutol ng isa pang magandang babae. Medyo maamo ang mukha nito at simple lang ang pananamit.

Umiling ang mommy ng batang lalaki.  Hinawakan nito ang kamay ng mommy ng batang babae.

"Of course the contract is for when they are old enough to follow through Bernice." sagot naman nito. 

"Well, if that is what will finally seal the empire,  why not?" saad ng isa pang lalaki na nuon lang nagsalita. 

Medyo tutol man ay wala nang nagawa ang babaeng nagngangalang Bernice. Sumama na lang siya habang pinag-uusapan ang magiging kapalaran ng dalawang bata. 

"Do you think,-" hindi natapos ng batang babae ang sasabihin. Bigla kasing pumihit paharap sa kanya ang batang lalaki.  Namumula ito sa hiya. 

"They won't have thought of that contract if not for you!" sigaw nito sa kanya. 

Gumuhit sa mukha ng batang babae ang sakit. Hindi nga siya sinaktan ng batang lalaki pero sinigawan naman siya nito.  Masakit iyon para sa kanya kaya sumigaw din siya. 

"Well,  I hate you too! You are not my boyfriend anymore!" tapos humagulhol na ito ng iyak saka tumatakbong bumalik sa kwarto niya. 
Mula sa library ay narinig ng mga magulang nila ang hiyawan ng dalawang bata.

Tumatawang umiling ang mommy ng batang lalaki.

"Just like an ill-tempered Montereal indeed."

"And just like a very willful Nielsen."

Pagsang-ayon naman ng mommy ng babae. 

"This will be one hell of a ride." saad ng ama ng lalaki. 

"Well,  if you really want them to follow through with the contract, I think you have to consider all the loop holes from it." saad ng mommy ng batang babae.

"Yeah, my son will do everything to break that contract. We have to do something that would literally take the choice out of their hands."

"Yes. Let's do that."
Pagsang-ayon ng lahat.

At doon nila sinimulang isulat ang mga salitang magbubuhol sa magiging kapalaran ng dalawang batang naging mag-on sa loob ng dalawang minuto at magkaaway sa buong buhay nito. 

*****

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum