Chapter Fourteen Part Two

20.5K 568 3
                                    

Mexico's Pov

"The fuck bro!" biglang sigaw ni Rio habang nakatitig sa akin.

"I never expected to hear something like this." nanlulumong saad ni Ruzz. "Akala ko magpapadamihan pa tayo ng babae."

Tiningnan ko si Ichiro. Siya na lang kasi ang hindi nagsasabi ng naiisip niya. Kanina pa siyang tahimik.

"Ichi?"

Tumunghay siya sa akin.

"Anything you wanna add to our brothers' outbursts?" saad ko.

Umiling siya saka mataman akong pinagmasdan. Maya-maya ay nagsalita din.

"Are you really sure about this?"

Tumango ako bago lumapit sa wall-high na salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng buildings, mga sasakyan, at iba pang makikita kapag nasa taas ka.

"It was out of the blue but after I said it, it feels good." saad ko. Naalala ko pa ang nagulat niyang mukha. Parang nakatatak na yata iyon sa akin na kahit kailan ay hindi mawawala kahit magka-amnesia pa ako. Nung una, nakita kong naguguluhan siya, tapos biglang natakot, tapos gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi niya.

Ni sa hinagap ay hindi ko akalain na sasabihin niyang oo. Na isang araw, magiging kabiyak ko ang babae na nakatayo sa harap ko nung panahong iyon. Yes, out of the blue but it was so good and perfect, I could have sworn fate has spinned the thread of our destiny.

"Meaning hindi ka pa sigurado noong nag-propose ka? What kind of mind do you have Mex?" hindi makapaniwalang tanong ni Rio.

"The crazy kind I would think. Crazy enough to propose because he can't understand what he feels, just so he can reciprocate in a certain way to the woman's feelings." turan naman ni Ichiro.

"Wait what? Nagpropose ka kasi hindi mo alam ang isasagot mo sa pag-amin ng damdamin sayo ng babae?" hindi nito makapaniwalang tanong.

"I'll be damned." galing naman ito kay Ruzz na natahimik nang marinig ang dahilan ng proposal ko.

Napasabunot ako sa buhok ko. "It's not like that. Why are you guys putting words in my mouth?" frustrated kong bulyaw.

They can't get over the fact na ikakasal na ako. Although kinausap ko sila na wag muna ipagsabi kahit kanino. Especially our father. He might do something drastic the moment he finds out.

"Sigurado kang hindi ka huhuthutan ng babaeng to?" pagdaka ay tanong ni Ruzz bago ibinalik ang mga mata kay Rio.

Nakita kong nagtagis ang mga bagang ni Rio.

Matalim ang tingin na ipinukol ko kay Ruzz.

"You can't talk trash about my woman." pagbabanta ko. "Wag mong igagaya si Niki sa ibang babae."

"Stop talking about her, damn it!" himutok ni Rio.

Alam ko kung ano ang pinanghuhugutan ng mga kapatid ko. They are afraid since nangyari na once sa amin na maloko ng isang maamong mukha. It almost cost us everything that we've ever worked hard for.

Rio brought some girl and introduced her as his fiance. Everything was planned-- from the simple roses to the most extravagant venue. Nakita ko kung paano nagpakabobo ang kapatid ko, kung paanong naloko siya ng isang mala-anghel na ngiti na isa lang palang maskara. Dahil sa likod nito ay nagtatago ang isang halimaw.

She almost succeeded in making beggars out of us. But since we are ruthless sons of a bitch, nagawa naming ayusin ang damage. Hindi nagtagumpay ang babae.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon