Chapter Thirty

27.7K 528 12
                                    

Niki

Mula sa malayo ay biglang may kumaluskos. Sabay kaming napatingin ni Mico sa gawi doon pero wala kaming makita.

Biglang may umilaw sa di kalayuan hanggang sa nagsisindihan ang mga flourescent bulbs na nakapalibot sa paligid.

"Magandang gabi."

Napatili ako sa gulat at nagtago sa likod ni Mico. Hinawi niya ako saka dinala sa harap niya at niyakap ng maayos kaya nagsumiksik ako sa matigas niyang dibdib. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Nabasa ko sa health guide, kapag kinakabahan ka daw, bugahan mo ng hangin ang hinlalaki mo at babagal daw ang pintig ng puso mo. Kaya ang ginawa ko kinuha ko ang kamay ni Mico saka hinipan iyon.

"Anong ginagawa mo?" gulat niyang tanong.

"Pinapabagal ang takbo ng puso mo. Kinakabahan ka e."

Nakatanga lang siya sa akin pagkatapos nun.

"Ano?" hindi ko mapigilang tanong nung napatagal ang titig niya.

"Seriously?" hinihipan ko pa kasi yung hinlalaki niya.

"Oo nga, nabasa ko yun sa health book."

"I am not very conviced of this health book." pagdaka ay turan niya gayong hindi niya naman inaalis yung pagkakahawak ko at pag-ihip sa kamay niya.

"Bakit kasi? Hindi ba effective?"

Inilapit niya ang bibig niya sa may punong-tainga ko at bumulong.

"You are turning me on so my heart goes erratic. Here."

Inihilig niya ang ulo ko sa may dibdib niya at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na talagang mas malakas ang kabog ng puso niya ngayon kaysa kanina. Agad-agad kong nabitawan ang kanina'y aliw na aliw akong ihipan na daliri.

"Hmm? Bakit ka tumigil."

"Dios mio naman Mico, nasa kapahamakan tayo iyan pa rin ang iniisip mo?"

"Kasalanan ko pa ngayon. Tss." bulong niya.

"May sinasabi ka?"

"Wala."

"Oh I'm sorry to interrupt this little scene love birds but I have a surprise for you!" parang kumakanta ang boses ng nasa speaker.

"Sino yan?"

"My dad." seryoso na siya ngayon.

"Huh? Bakit ang layo ng boses sa totoong tatay mo? E parang batang kumakanta yan a."

"What do we know, baka natuluyan na siya ng kabaliwan. Baliw lang ang nakakaisip ng ganito."

"Ay naman Mico, parang the Saw movie? Diyos ko po."

Hinawi ko ang buhok na nakatabing sa mukha ko at tumingin sa paligid pero wala naman akong napansin na kakaiba.

"Hmm.. Sige, pwede na kayong pumasok." Saad ng papa ni Mico.

Mas nauna kong marinig ang maingay na pagbukas ng pinto kaysa ang makita iyon. Parang bigla akong kinabahan sa mga mangyayari kaya napahawak ako ng mariin sa kahoy na napulot ko.

A gasp emerged from his lips kaya hinanap ko ang pinto. Halos takasan ako ng ulirat sa nakita ko. Dad looks like he has seen better days. May naninigas itong dugo sa bibig at gutay-gutay na din ang polo shirt niya. Mom looks way better, aside from the purplish looking bruise near her mouth, maayos naman ang itsura niya.

Akmang lalapitan ko sila ng hilahin ako bigla ni Mico sabay iling sa akin.

"Hep hep hep.. Bawal ang lumapit." tugon nito sa speaker sabay halakhak.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now